Luna's P.O.V.
Alas dose na ng tanghali kaya dito na ako sa canteen dumiretso. Kasama ko si Natasha pero nando'n pa siya sa may counter. Si Sean naman ay tahimik lang na naka-upo sa tabi ko habang nagbabasa ng libro.
Habang kumakain, napansin ko na may dumating bigla sa harap namin. "Puwede ba kaming umupo?" tanong neto.
Hindi ko na kailangan i-angat ang tingin ko para malaman kung sinong nagsalita sa harap ko.
"Hindi naman sa 'kin ang upuan," walang ganang sagot ko sa kaniya saka nagpatuloy sa pagkain.
For the past few weeks, I've managed to get through the pain they've caused me. Nakayanan ko kahit mahirap, and now they just stood here in front of me na parang wala lang, na parang 'di nila ko sinaktan!
"Haha well I take that as a yes." Linapag niya sa mesa 'yong tray na hawak-hawak niya at saka umupo sa tapat ko.
Ramdam ko na sa 'kin nakatingin si Kayven kahit 'di ako nakatingin sa kaniya. Na-iwan siyang nakatayo, mukhang nag-aalangan pang umupo pero wala ring nagawa no'ng kinuha ni Jimin 'yong tray neto at ilinapag sa mesa.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Hindi mo pa rin pinoprotektahan kung anong sayo."
Hindi ako tanga para hindi maintindhan ang ibig sabihin niya. But still, I choose to keep quiet.
"Min.. stop that. Maghanap nalang tayo ng ibang ma-u-upuan."
"Why? I'm already eating."
Their presence already takes away my appetite. Nakakalahati pa lang ako sa kinakain ko pero itinabi ko na ang plato at saka uminom ng tubig bago magsalita. "Talaga? Gano'n ka rin naman," walang ganang sabi ko bago tumingin ng diretso sa kan'ya. "Hindi ka pa rin nagbabago, mahilig ka pa rin sa tira-tira." Ilinipat ko 'yong isang fried chicken sa plato niya using my fork. Hindi ko na iyon nakain dahil dumating sila. "Your favorite," sabi ko saka marahang ngumiti sa kaniya.
Napa-awang naman ang kaniyang bibig dahil sa gulat. Sa mga oras na ito alam kung nagtitimpi lang siya ng galit niya.
May mga ilang pares na rin kasi ng mata ang nakatingin sa 'min. Mga nagbubulungan at mukhang naka-abang sa mga susunod na mangyayari. Napansin niya rin ito kaya pagkaraan ay ngumiti siya. A fake one. "Oh come on, don't be bitter, Luna. I'll never have him if he's really into you, if he really loves--"
"Edi sa'yo na," putol ko sa sinasabi niya. " 'Di naman ako madamot. What are friends for 'di ba?"
Narinig ko ang pagtawa ng ilan habang si Jimin ay sobrang pula na ng pisngi.
Hindi niya naman kasi kailangan ipagduldulan pa 'yon sa harap ko. Alam ko naman at hindi ako bulag para 'di ko 'yon makita and believe it or not tanggap ko na, na there are things in this world that don't really work. And it happened to us, to me, to Kayven, and to her. Ang hindi ko lang matanggap ay 'yong pinagmumukha niyang ako pa 'yong mali. Ako pa talaga?
Tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko. "Gusto ko pa sana makipag-chit chat sa inyo like we used to and talk about how things happened but I suddenly realized na.." Tumingin ako ng diretso sa kanilang dalawa. "Wala na pala 'kong pakialam sa inyo."
"What?" galit na tanong niya.
"Happy eating, my ex's," nakangiting bati ko sa kanila bago tumalikod at umalis.
"LUNAAA!!" Nahinto ako sa paglalakad nang marinig ang malakas at galit na sigaw niya sa pangalan ko. At nang lumingon ako.
Pfft. Gusto kong matawa dahil sa posisyon ni Jimin. Nakadapa lang naman kasi siya sa sahig, 'di kalayuan sa 'kin. Tinulungan din naman agad siya ni Kayven at pagkatayo niya ay nakita ko ang paa ni Sean na nakaharang sa daan.

BINABASA MO ANG
I Can See Ghosts
Przygodowe[Most Impressive Ranking - #1 in Philosophy] Meet Luna Sandrich Ruiz. A college girl who can see and talk to a ghost. If everyone thinks it's a blessing or a gift for her, it's a curse. She didn't have a normal life because, for her, she's not norma...