Masyadong masakit sa mata ang nakikita ko ngayon kaya tuluyan na ring tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Luna sinong nakasa--"
Hindi na naipatuloy ni Tash ang sasabihin niya no'ng tumingin na rin siya sa direksiyon kung saan rin ako nakatingin. Naikumos ko ang isang kamay ko dahil sa galit.
"OH MY GOSH!!" sigaw ni Tash sabay hawak ng isang kamay sa kanyang bibig.
Napatingin na rin sa 'min si Kayven at gulat na gulat ng makita ako.
Kinuha ko kay Tash ang basong hawak hawak niya na may alak at saka mabilis na tinungga iyon. Linagay ko iyon sa katabing mesa pagkatapos at saka tumalikod para lisanin na ang lugar na 'to. Sobrang bigat sa pakiramdam ng nakita ko, para bang anumang oras ay puwede na akong sumabog.
Naramdaman ko ang pagsunod sa 'kin ni Tash kaya tiningnan ko agad siya ng masama. "Wag mo kong sundan," walang emosyong sambit ko at saka muling tumalikod.
Gusto ko lang mapag-isa.
Agad kong tinunggo ang pintuan at saka lumabas. Madilim na rito at mas lalong wala akong makita dahil blur na ang paninggin ko dahil sa mga luha na patuloy na pumapatak.
Lakad lang ako ng lakad kahit hindi ko alam kung saan ako papunta. Hanggang sa napagtanto ko na lang na nasa rooftop na ako netong building.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa isang gilid kung saan kitang kita ko ang kabuuan sa baba. Doon ko ilinabas ang lahat ng sama ng loob ko.
Sumigaw ako nang sumigaw habang patuloy na umiiyak. Nagbabasakaling mabawasan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.Napa-upo na lang ako sa sahig habang yakap-yakap ang mga tuhod ko.
"Huli na 'to," mahinang bulong ko. Sisiguraduhin ko na ito na ang huling beses na iiyak at masasaktan ako ng mga taong pinagkakatiwalaan ko.
Nanatili ako sa ganitong posisyon ng ilang minuto at naisipan lang na tumayo nang unti-unti ko nang nararamdaman ang tama ng alak na ininom ko kanina.
Napapikit na lamang ako at napahawak sa ulo ng makaramdam ako ng pagkahilo pagtayo ko. Pagdilat ko ay nakita kong sobrang lapit ko na sa gilid at konting hakbang pa ay mahuhulog na ako.
Bigla akong napa-isip.
Kung mahulog kaya ako rito at mamatay, may mag-alala o magluluksa kaya?
Humakbang ako ng isang beses at--
Bigla na lang may humatak sa 'kin pabalik dahilan ng pagkatilapon ko sa sahig.
Aray!
Mabilis akong tumayo at tiningnan siya ng masama.
"Hala miss, 'wag kang magpakamatay!"
'G*go,' mura ko sa isip ko.
"Baliw ka ba? Sino namang nagsabi sayo na magpapakamatay ako?" galit na tanong ko sa kaniya.
Hindi ko talaga gagawin 'yon dahil sa konting segundo na meron ako kanina ay napagtanto ko na hindi ko naman kailangan ng taong mag-aalala o magmamahal sa 'kin dahil mahal ko ang sarili't buhay ko at katangahan lang kung magpapakamatay ako.
Namilog na lang ang mga mata ng lalaking ito habang nakatingin sa 'kin sabay hawak ng isang kamay sa kanyang bibig at ang isa naman ay nakaturo sakin.
Para siyang tanga.
"Na--na..nakikita mo ko?"
Psh,
"Malamang! Anong akala mo sa 'kin bulag?"

BINABASA MO ANG
I Can See Ghosts
Aventura[Most Impressive Ranking - #1 in Philosophy] Meet Luna Sandrich Ruiz. A college girl who can see and talk to a ghost. If everyone thinks it's a blessing or a gift for her, it's a curse. She didn't have a normal life because, for her, she's not norma...