Kabanata XIV

49 4 0
                                        


Natasha's P.O.V.

Kinuha ko ang cellphone sa bag at saka nagtype, 'Hey, where na kayo? kanina pa kami nandito sa Org. room ni Luna!'

Sent!

Ten past five na at wala pa rin sila. Ang tagal naman nila lumabas. Anong oras na oh!

Naunahan pa sila ni Luna to think na lumabas pa siya ng school kanina. Buti nga bumalik pa.

May meeting kami ngayon sabi ni Rain. Tungkol siguro do'n sa mansion na pinuntahan namin kahapon.

After kasi ng every ghost huntings namin gumagawa kami ng write-ups tapos kino-compile. At 'yong nangyari kahapon ay 'di pa masasabing 'case closed'. We have evidence, but not enough, unlike Luna.

Mula sa likod ay narinig ko ang mahinang pagbuntong hininga niya kaya liningon ko siya. "Asan na raw sila?" tanong niya habang nakatingin sa relo niya.

Mukhang madami siyang makukwento mamaya tulad ng kung pa'no niya nalaman na mental hospital pala 'yon.

"Yong mga tropa mo kako asan na?" tanong niya ulit and this time mukhang pikon na. Gosh! naalala ko tuloy 'yong eksena kanina sa canteen.

"Baka maya maya andito na sila hehe," sabi ko na lang. Inalis ko ang tingin ko sa kaniya saka lumapit sa isa sa mga drawer dito nang bigla akong may naalala. Kinuha ko ang isang notebook  kung saan nakasulat ang lahat ng profiles ng mga naging member netong org. namin.

Napansin ko kasi 'di pa memoize lahat ni Luna kaya kailangan ko ulit ipakilala sila sa kaniya.

Flashback

Ini-isa-isa naming binuksan ang bawat pintuan na madadaanan namin para hanapin si Jeehan. Bigla-bigla na lang kasi siya sumigaw tapos tumakbo.

'Jeehan asan ka na ba?' Paulit-paulit na tanong ko sa isip ko. Natatakot na kasi ako rito at gustong-gusto ko ng umuwi kaya magpakita kana Jeehan.

Medyo hiwa-hiwalay na rin kaming naghahanap para mabilis namin siyang makita.

Pero natigil kaming lahat sa paghahanap ng biglang magsalita si Luna.

"Enid, bakit di mo kaya siya tawagan?" seryosong sabi ni Luna kay ate Aia dahil malapit ito sa kaniya.

End of flashback


"Hahahaha."

"Baliw," rinig kong bulong ni Luna pfft sorry. 'Di ko namalayan na napalakas pala ang pag-tawa ko.

I composed myself first before turning to her at saka naupo sa tabi niya.

"Luna, gusto mo ba ipakilala ko sila sayo?"

"Sino? 'Yong tropa ko haha."

"Tss 'di pa nagpakilala na sila?"

"I mean ipapakilala ko ulit,"...

"...with details."

Hindi naman siya tumutol kaya sinumulan ko ng buksan ang notebook. "Ito si Kuya Ithan." Panimula ko. Iniharap ko sa kaniya 'yong notebook na may picture ni kuya Ithan.

"Siya 'yong sumunod na mataas sa rank kay Rain, 'yong teacher natin remember? Kumbaga kung merong tayong officers, siya 'yong President. A mover and shaker! He always makes things happen. Magaling siyang makipag-usap sa mga kliyente natin at siya rin ang gumagawa ng paraan para lagi kaming makasama."

I Can See GhostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon