Kabanata IV

191 9 2
                                        

Hirap na hirap man ay sinubukan ko pa ring imulat ang  mga mata ko. Pinatay ko ang nakakairitang tunog ng alarm clock at saka tumayo at nag-unat nang katawan.

Alas kwatro pa lang pero kailangan ko ng gumising dahil importante and lakad ko ngayon. Nagsimula na akong maligo at pagkatapos ay nagsuot lang ng isang faded jeans at white shirt.

Nang makababa na ako galing sa kuwarto ay nadatnan ko naman siya na nakahiga sa sofa habang... natutulog?

Dahan-dahan akong naglakad papuntang pintuan at maingat itong isinara para hindi siya magising (kung totoo ngang tulog siya).

Linock kong maigi 'yong gate at saka nagdrive papunta sa sementeryo.

Pagdating ko ay may mangilan-ngilan pang mga tao. Nasa dulong parte ang puntod ng mga magulang ko kaya medyo mahaba-haba rin ang lalakarin ko. At bago ko pa makalimutan, sinuot ko ang shades ko para maka-iwas sa mga dapat iwasan.

Nang marating ko ang puntod nila, ilinibot ko agad ang tingin sa paligid at natuwa ng mapansing wala ng mga tao sa parteng 'to at mukhang wala ring mga ligaw na kaluluwa. Napakatahimik na at tanging mga huni lamang ng ibon ang naririnig ko at lagaslas ng mga dahon na nangagaling mula sa malaking puno sa gilid neto.

Umupo ako sa may carpet sa tapat ng kanilang puntod at hinawi ang ilang piraso ng mga dahon na nakaharang dito.

'Lucian Ruiz'
'Sandra Ruiz'

Basa ko sa kanilang puntod.

They died on July 18, 2003. The year I started to see ghosts.

Flashback.....

Kakalipat lang namin ngayon sa bago naming bahay dahil balak ng mga magulang ko na magtayo ng kanilang business rito.

"Mommy dito na ba talaga tayo titira?" tanong ko nang makababa kami sa sasakyan at yakap-yakap ang paboritong stuff toy ko. "Yes baby dito na tayo titira."

Isang exorcist ang mama ko pero ihininto na niya iyon dahil sa ayaw ni papa sa trabahong 'yon ni mama. 'Di ko alam kung ano 'yon basta ang sabi ni papa delikado raw kaya lumipat na lang kami sa lugar na ito kung saan walang nakakakilala kay mama bilang exorcist at nagdecide na magtayo na lang ng business nila rito.

Mula sa maliit ay napalaki at napaunlad nila mommy ang kanilang business. At dahil sa lagi silang abala ay lagi naman akong naiiwan sa bahay kasama ang isang katulong namin. Wala ako masyadong makalaro sa bahay kaya madalas ay pumupuslit ako sa labas, dito ko nakilala sila Lester, Samantha at Lileth. Sila ang mga laging kalaro ko sa lugar na ito.

Madalas ay napapadpad kami sa isang gubat malapit sa 'min upang doon maglaro. Ngunit kapag nasa gitnang parte na kami ay bigla naman silang nawawala kaya tuloy palagi akong naliligaw. Hindi ko pa gaanong kabisado ang gubat na 'yon kaya naman sa mga sumunod na araw, yinaya ko sila na sa bahay na lang maglaro. Buti na lang at hindi naman nila tumanggi. Sa katunayan na-excite pa nga sila ng sabihin ko 'yon dahil doon rin daw sila dating nakatira, sa bagong bahay naming ngayon.

Isang araw, habang hinihintay ko na dumating ang mga kaibigan ko, kina-usap ako ni Mama.

"Baby, hindi na darating ang mga kaibigan mo."

"Ha? Bakit daw po?"

"Pina-alis ko na sila. Hindi mo na sila dapat pang makita o maka-usap."

"Pero Ma, kaibigan ko si—"

"No, they're not! Hindi sila tulad natin at hindi maganda na nakikipag-usap ka sa mga tulad nila."

I Can See GhostsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon