Luna's P.O.V.
Kanina pa ako nasa tapat ng salamin, pinagmamasdan itong suot ko na puting turtle neck long sleeve at brown checkered high waist skirt. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa naming magpalit eh magse-serve lang naman kami ng pagkain mamayang ala-sais.
"Eh kung mag bun kaya tayong lahat?" suggest ng isa sa mga kasama namin dito sa department club room habang nag-lalagay ng kung ano sa mukha niya.
"I'd go along with that, kesa naman sa maghair net 'di ba?" pagsang-ayon no'ng isa pa.
"Ano Luna and Tash? G?"
"G," sagot ng kakalabas pa lang na si Tash sa dressing room. Kaya tumango na rin ako sa kanila nang mapansing sa 'kin na sila nakatingin, kahit na ang totoo eh hindi ko alam kung pa'no gawin 'yon.
Hindi ako sanay magtali ng buhok. Bukod sa masakit sa ulo, nakakatamad pang gawin. Pa'no kaya natitiis ng ibang mga babae 'yan?Pagkaraan ay naramdaman kong may nagsusuklay sa buhok ko kaya sinubukang kong lingunin.
"'Wag ka magalaw Luna!"
Boses ni Tash. Natahimik na lang ako at sinunod siya.
"T-thanks," sabi ko that made her giggle.
Lumabas na rin kami pagkatapos at dumiretso sa food booth namin.
Nang mapansing nasa kaniya-kaniyang puwesto na ang mga kasama kong magse-serve, hinanda ko na rin ang sarili ko para sa darating pang customer.
"Hi! Good afternoon ma'am, sir. Welcome to our food booth," magiliw kong bati sa dalawang kararating pa lang. "Here's our menu." Inabot ko sa kanila ang listahan ng mga pagkain namin and waited patiently for their orders.
"6 Special Barbeque at saka itong crispy bean and cheese burritos."
"Okay po sir," sabi ko habang sinusulat 'yong inorder niya. "What about drinks po?"
"Dalawang orange and basil juice miss."
"Okay po ma'am and Sir. 6 Special Barbeque, crispy bean and cheese burritos, and 2 orange and basil juice. I'll be back to take your order in a minute," sabi ko saka muling ngumiti sa kanila bago umalis at pumunta sa counter.
Pagdating ko sa counter, binigay ko 'yong notepad sa isang sophomore na nando'n. "Sige wait lang po ate Luna," sabi niya bago pumunta sa likod.
Paghatid ko no'ng pagkain sa table nong dalawang um-order, may mga panibagong dating naman. Isang grupo ng mga lalaki and they're all still in uniforms. Parang mga taga kabilang University lang next sa amin.
"Fried chicken."
"Nacho cheese."
"Fries."
"Potato chips. At..."
Sinulat ko 'yang mga order nila at naghintay kung may idadagdag pa.
"Teka, wala kayong beer?" takhang tanong no'ng isa habang pabalik-pabalik ang tingin sa 'kin at sa menu. Ano bang akala neto sa food booth namin, bar?
"Wala," tipid na sagot ko na ikinalumo nilang lahat. "Ang kj naman," bulong pa nong isa.
"Wala na ba kayong ibang order?" tanong ko sa kanila para maka-alis na agad pero may isa pang nagsalita.
"Limang ice tea, saka... ikaw."
Liningon ko 'yong lalaking nagsabi no'n at agad sinamaan ng tingin.

BINABASA MO ANG
I Can See Ghosts
Pertualangan[Most Impressive Ranking - #1 in Philosophy] Meet Luna Sandrich Ruiz. A college girl who can see and talk to a ghost. If everyone thinks it's a blessing or a gift for her, it's a curse. She didn't have a normal life because, for her, she's not norma...