Kabanata XI

63 4 0
                                        

Jeehan's P.O.V.

Excited na ko sa sunod naming adventure, I mean ghost hunting, lalo pa ngayon at makakasama na namin si Luna. At hindi lang siya! kundi pati rin 'yong kasama niyang ghost na si Sean Matthew.

Cool!

All this time may kasama pala siyang ghost, 'di man lang namin namalayan. I think there's something 'bout that ghost pero sa sunod ko na lang a-alamin dahil mukhang interesting din 'tong nasa harap namin.

An old mansion na dati palang ospital. Ang cool! At na-preserve pala talaga nila ito kahit na naitayo ito during Japanese times pa. For sure, there's a grim history in this place.

Kinuha ko agad ang 35 mm night vision camera ko pagkababa namin sa sasakyan. Tinest ko muna bago ako magsimulang mag-shoot. Habang tsinetsek ay nahagip netong lens ko si Luna na saktong nakatingin din sa akin habang nakakunot ang noo.

"Ahmnn.. for documentation hihi," paliwanag ko habang sinesenyas itong camera. Tumango naman siya bilang tugon at saka binaling ang tingin kay kuya Ithan nang magsimula itong magsalita.

"Eto na 'yong mansion na sinasabi namin kanina. May mga nagsabi na kaka-iba raw ito kaya kailangan nating mag-ingat," seryosong paliwanag ni kuya Ithan habang nakatingin sa mansion. Pagkaraan ay lumingon siya kay Luna. "Luna, ikaw ang magsisilbi naming mga mata kaya we're really hoping for your cooperation." Tumango naman si Luna as her response.

"So as usual, ikaw ulit ang maiiwan dito sa labas love. Keep your eyes on your laptop and alert us immediately if you notice something different. While us, ilan ba tayo?" Isa-isa kaming binilang ni ate Aia habang nakaturo ang daliri niya sa 'min. "Anim tayong lahat. Anim tayong papasok sa mansion at anim din tayong lalabas," sabi pa niya. Pero 'di ba kasama pa namin 'yong kasama ni Luna? kaya seven kaming lahat.

Tahimik lang kami habang nakikinig sa instructions nila. First time na wala si Rainer ngayon kaya alam ko medyo kinakabahan din sila just like me. Wala din pala si Enid. I miss her na agad. Ano kayang ginagawa nila ngayon?

"And where are your equipments? The camera?" tanong ni ate Aia.

"Here," sabi ko habang winawagayway 'tong cam ko.

"Jeehan don't forget to put your Mini Cam in a nice spot."

"Noted kuya Syd!" magiliw na sagot ko kay kuya Syd. Siya ang magmomonitor sa mga Mini Spy Cop Cam na ilalagay ko mamaya. They will be Kuya Sydric's eyes to monitor us.

"The EVP?" tanong ni ate Aia habang naglalakad back and forth sa harap namin.

"Andito sa 'kin," sabi ni Yagel, ang audio guy namin.

"'Yong ibang gamit, asan?"

"Nandito sa 'kin 'yong iba Ate Aia," sagot naman ni Tash.

Ganito kami sa tuwing mag go-ghost hunting. All set lagi at dapat kumpleto ang equipments since hindi naman talaga namin nakikita ang mga multo, well except syempre kay Luna and of course para sa protection din namin.

"Okay." Huminto siya sa paglalakad at saka napabuntong- hininga.

"Love, relax, you're not alone here. We're here and there's Luna so stop worrying."

Iba talaga 'tong si kuya Syd! Ngumiti naman si ate Aia dahil do'n. Parang nabawasan na 'yong kaba niya, namin.

Kuya Syd is right, 'di naman siguro kami pababayaan ni Luna. I glanced at her, pero sa gilid niya siya nakatingin at parang may kausap. Kausap niya siguro 'yong ghost na kasama niya. Ang cool talaga! Ang saya siguro magkaroon ng ganyang ability, siguro 'di ko na kakailanganin ng cam pag gano'n.

I Can See GhostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon