Kabanata XXII

35 2 0
                                    


Enid's P.O.V.

Magga-gabi na, pero wala pa rin akong mapili dito sa closet na puwedeng isuot mamaya.

Out of frustrations, napahiga na lang ako sa kama. Naramdaman ko naman na biglang nagvibrate 'yong cellphone ko na nasa tabi ko lang kaya kinuha ko agad.

"7 pm start no'ng afterparty. Anong oras kayo pupunta?" Text pala ni kuya Ithan. Napatingin tuloy ako sa wall clock dito sa kuwarto. Napasimangot na lang ako ng makitang 6:30 na pala. 'Hindi ko pa alam kuya Ithan. Hindi ko alam kung anong isusuot ko, wala ako mahanap sa closet eh,' reply ko sa kaniya pagkatapos ay binato ko ulit 'yong phone sa gilid ko. Pero wala pa ngang isang minuto, nag-vibrate ulit ito.

Napabalikwas ako ng bangon ng makita ko 'yong pangalan ni Jeehan sa screen kaya sinagot ko ito agad.

"Jeehan!" excited na tawag ko sa kaniya.

[Kung makasigaw ka naman diyan girl parang wala ng bukas! What is it ba?]

"Ha? Pero ikaw 'yong unang tumawag 'di ba?" tanong ko kasi syempre siya 'yong naunang tumawag kaya alam ko na may sasabihin din siya pero napunta agad sa 'kin yong topic.

[Yeah, pero ikaw muna. Mukhang may sasabihin ka rin eh.] Nanlaki agad ang mga mata ko. Pa'no niya nahulaan?

Napa-upo ulit ako sa kama. "Oo! Meron talaga," sagot ko.

[I'm all ears. Okay, ano ba 'yan haha.]

"Wala pa kong susuotin mamaya," direstong sagot ko sa kaniya at pinagtawanan niya lang ako.

[I know hahaha.]

"Ha? Pa'no mo nalaman?" curios na tanong ko sa kaniya, eh ngayon ko lang naman na-realize na wala pa pala akong isusuot sa afterparty. And besides si kuya Ithan pa lang naman nakuwentuhan ko ah.

[Ah, eh, wild guess ganern! Sige na baba ko na 'to tas vc tayo. Pakita mo sa 'kin 'yong mga nasa closet mo byee.]

Tulad no'ng sinabi niya, tumawag ulit siya sa 'kin pero sa messenger na.

[Oh, hi Enid! Oh ayan, mas kita muna ba 'yong beauty ko ngayon?] tanong niya saka nag-beautiful eyes pa sa 'kin. Naka-bath robe siya ngayon at nakapilipit ng tuwalya 'yong buhok. Mukhang kakaligo niya pa lang.

"Sira!" sabi ko sa kaniya saka nilagay 'yong phone sa mesa at isinandal sa mga libro. Then, dumiresto na sa closet at isa-isang nilabas 'yong mga damit ko.

Una kong linabas ay 'yong mga dress ko.

[No, not that. Modern street style ang dress code girl! Can you please find something that is fashionable, stylish and has swag? Like, ahm, okay let's start with pants first. Oh wait, do you want to try shorts or ski-]

"No!" Pinutol ko agad siya sa sinasabi niya and that made her laugh like no end. "I prefer pants," dugtong ko saka nagpatuloy sa paghahanap ng mga pants ko. Mas comfy kasi siyang isuot.

"Alin dito?" tanong ko. Sa kanang kamay ko ay 'yong Baggy Cargo pants at sa kabila ay Denim Palazzo.

[Bet ko 'yang Cargo pants!]

Inalagay ko sa kama 'yong Baggy Cargo pants at ibinalik sa closet 'yong isa.

[Okay, top naman. Sige hanap ka ulit.]

Naghanap ulit ako at isa-isang pinakita kay Jeehan.

"Smocked sleeveless tie top?" Umiling siya. [Parang 'di bagay sa napili nating pants.] Tumango naman ako at saka binalik ulit 'yon sa loob at muling naglabas ng damit.

I Can See GhostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon