Kabanata V

117 5 0
                                    



Hardwick University

Sa harap namin ngayon ay isang napakalaking university. Based from my research, this university is exclusively for boys only, so obviously the students here are all boys but what caught my attention is that even the professors, deans and other faculty members are all boys too. Never in the history daw na may nakapasok na babae rito.

"Eto ba talaga 'yong school ko?" tanong ni Sean ng makalapit sa 'kin.

"Your uniform says so."

His uniform has a logo of their school, embroidered there is a school named Hardwick University.

"Why? May naalala ka ba?" tanong ko ng makitang seryoso siyang nakatingin sa school niya. If ever na may maalala siya just from seeing his school then maaring malaki ang maitulong no'n.

But my hopes suddenly fades when he shook his head.

I think I should do my own way now.

I walk near the gates where the two male guards are having a conversation. Kailangan kong makaisip ng paraan kung paano makapasok sa loob, though nabasa ko naman na bawal ngang makapasok ang mga babae rito.

Kailangan ko pa rin subukan para matapos ko na ang misyon ko kay Sean Mathew.

Sinubukan kong lumapit sa dalawang naglalakihang gate na nakasara kung saan naka pwesto ang dalawang guard ngunit hindi nila ako agad napansin.

"Ehem.." I intentionally cough to get their attention and I succeeded. Nagkatinginan pa muna ang dalawa bago ako tuluyang kina-usap.

"Ah Ma'am good morning po, ano hong kailangan nila?" Kunot noong tanong nung isang guard na sa tingin ko'y mga nasa 40 ang edad.

"Ahmnn itatanong ko lang sana kung pwede ho akong pumasok sa loob dahil may kailangan lang ho akong kausapin." Napakamot ng ulo ang guard na iyon na parang hindi sang-ayon sa sinabi ko.

"Malabo ata yan iha, hindi kami nagpapasok ng babae rito maliban na lamang kung..."

"Kung may kakilala kayo sa loob," mabilis na sagot no'ng isa pang guard.

"Oo! May kakilala ako," sabi ko at saka napatingin sa katabi ko. May kakilala nga ako na taga rito, pero patay na.

"Sige pumasok ka na muna iha." Nabigla ako sa sinabi no'ng isang guard. Papapasukin talaga ko nila?

Mukhang oo nga dahil kasalukuyang binubuksan na nila ngayon ang gate na nakakandado at saka ako pinapasok. "Ano bang pangalan ng kakilala niyo at tatawagin na lang namin para maka-usap niyo rito?"

"Ahmm.... si.."

Sasabihin ko ba?

"Si Sean Mathew Moreou ho."

Sabay na nagkatinginan ang dalawa. Kita kong gulat na gulat sila sa sinabi ko. Pa'no nga namang hindi eh patay na 'yong binanggit kong pangalan.

"Ma'am ipag-umanhin niyo ho, pero ang hinahanap niyo'y matagal ng..." Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng makarinig kami ng ingay at sigawan sa loob ng building.

"Guard! Tulong! May magpapakamatay sa rooftop!" sigaw ng isang lalaking estudyante.

Na-alarma naman ang dalawang guard na katabi ko kaya dali-dali silang tumakbo papunta sa loob habang ako ay naiwan malapit dito sa gate. Lumapit sa 'kin si Sean para magtanong kung anong nangyayari pero hindi ko na rin siya nasagot ng pareho kaming napatingin sa rooftop at do'n nakita ang isang lalaki na anumang oras ay pwede nang mahulog.

Napalunok ako dahil sa nakita ko.

I think I, no, we, should go now. Ayokong maka-witness ng isang suicide rito sa school na 'to. I don't want to see another person dies in front of me again.

Akmang yayayain ko na sana siyang umalis ngunit nahinto ako nang lingunin ko siya at nakitang may hindi maipaliwanag na expression sa kanyang mukha.

"Sean tara na, mukhang wrong timing ata tayo ngayon bumalik na lang tayo sa susunod," sabi ko sa kanya upang 'wag niya ng ituloy kung ano man ang binabalak niya.

Tumalikod na ako at kampanteng-kampante ako na susunod siya sa 'kin pero nagkamali ako. Humawak siya sa dalawang braso ko at hinarap ako sa kaniya.

"Luna kailangan natin siyang tulungan." Agad namang napakunot ang noo ko ng marinig ko ang sinabi ni Sean.

"Ano??? At bakit naman natin gagawin 'yan? Hindi iyan ang pinunta natin dito Sean. At saka anong tulong ang sinasabi mo? May magagawa ba tayo ha?" galit at tuloy-tuloy na litanya ko sa kan'ya dahil di ko alam kung anong pumasok sa isipan niya para sabihin 'yon.
"Hayaan mo siya kung gusto niyang magpakamatay tutal hindi niya naman alam kung anong sinasayang niya. Hindi niya alam kung gaano karami ang gustong mabuhay pero lahat sila pinagkaitaan, tapos siya? Ganon-ganon na lang? Hayaan mo na siya at umalis na tayo rito." Hindi makapaniwalang tiningnan ako ni Sean dahil sa mga sinabi ko, maging ako ay hindi rin makapaniwala kung saan nanggagaling ang mga pinagsasabi kong 'yon. I just feel like it's the right thing to say, to convince him pero parang wala lang sa kaniya ang sinabi ko dahil umiling lang siya.

"Hindi. I'm sorry, pero kailangan kong tulungan ang lalaking iyon," sabi niya pagkatapos ay tumakbo na siya papasok sa loob.

Mukhang desido na talaga siyang tumulong. Fine, hindi ko na siya pipigilan, kaya naman pala niyang mag-isa edi solohin niya na din 'yong misyon niya.

Mabuti pang umuwi na lang ako.

No'ng tumalikod ako, ganoon na lang ang gulat ko ng makitang may tao sa likod, mali, este

"Nakikita mo ko?"

Isang kaluluwa pala. Binalik ko ang tingin ko sa kanya na may nakakairitang tingin. Balak pa atang dumagdag ng isang 'to sa problema ko.
"Eh, ano naman ngayon kung nakikita kita?" tanong ko sabay cross arms habang siya naman ay napangiti.

"Sundan mo si Sean Matthew. May dahilan siya kung bakit niya gustong tulungan ang lalaking iyon."

Of course he has a fck*ng reason but I don't care about it now the same way that I don't care about what this ghost is talking about in front of me but how did he..

A genuine smile flash in his face like as if he already read my mind.

"Mamaya ko na ipapaliwanag."

One thing for sure, kilala niya si Sean.

I Can See GhostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon