Luna's P.O.V.
"Luna Sandrich Ruiz!"
Napataas ang kilay ko kay Tash nang bigla niyang banggitin ang buong pangalan ko. "Ano?" iritang tanong ko sa kaniya. Ang aga-aga, ang ingay-ingay.
"Hindi ka kasi nakikinig, kanina pa ako dada ng dada rito ah. Baka lang kasi gusto mong magkuwento tungkol sa nangyari kahapon? Bigla ka lang lumabas sa klase ni Sir Dan tapos malalaman na lang namin nasa hospital ka na?"
"Nawalan ako ng malay," tipid na sagot ko. "At ang sabi ng Doctor hindi raw ako puwedeng ma-stress. Kaya kung pupuwede, 'wag mo muna kong guluhin ngayon Tash," pakiusap ko pero mukang na-offend ata siya dahil bigla na lang sumama 'yong mukha niya.
"Ahh gano'n? Okay fine, hindi na kita gugulihin," sambit neto saka padabog na umalis sa harap ko at naupo sa upuan niya na nasa likod ko.
Gusto ko talaga kasing mapag-isa muna at makapag-isip, tungkol sa nangyari kahapon, tungkol kay Sean at hindi ko 'yon magagawa kung makikipagtsismisan na naman sa 'kin si Tash.
Ilinagay ko na lang sa mesa 'yong bag ko at kinuha 'yong earphones at ilinagay sa tenga ko. Pipindutin ko na sana 'yong play button nang biglang magsalita ulit si Tash.
"Ikukuwento ko pa naman sana 'yong bagong transferee dito sa school na kapangalan lang naman ni Sean! Ano nga ulit buong pangalan no'n? Sean.. Matthew Mo..Morea? Moro? or Moreau. Basta gano'n! Kakalipat lang ngayong araw at ayon pinagkakaguluhan do'n sa Quadrangle."
Mabilis akong tumayo at lumabas ng pinto netong classroom. Aligaga akong napatingin sa kaliwa't kanan ko. Asan na ba 'yong Quadrangle dito?
Demosthenes' P.O.V.
Papunta ako ngayon sa classroom nila Tash nang makita ko si Luna na nakahawak sa magkabilang dulo ng pinto.
Mukhang hindi niya ako nakita at nagmadaling lumabas. Saan naman pupunta 'yon eh mag-aalas otso na ah. Liningon ko siya at tiningnan kung saan papunta. Nakita ko rin 'yong dating kaibigan ni Luna kasama 'yong boyfriend neto na ex ni Luna at mukhang magkakasalubong pa silang tatlo.
Napasipol na lang ako at inabangan ang susunod na mangyayari.
"Oh hi Luna, kumusta? I didn't expect na makikita ka na--"
Pfft. Hahahaha.
Hindi ko alam kung sinadya lang ni Luna na lampasan sila o talagang hindi niya talaga sila nakita Haha ang epic no'ng mukha no'ng dalawa lalo no'ng babae.
"Mukhang may isang papansin ang hindi pinansin ngayong araw." Napalingon ako sa girlfriend ko na nasa tabi ko na pala pero diretsong nakatingin sa dalawang nasa harap namin.
"What?" taas kilay na tanong ng babaeng ito. Kung makataas naman ng kilay ang isang 'to kala mo ikinaganda niya eh mukha namang unggoy.
"You mean who? It's definitely you," sarkastikong sagot ni Tash.
Boom! Ano kayo ngayon?
Luna's P.O.V.
"SEAN!" malakas na sigaw ko sa kalagitnaan ng Quadrangle dahilan para matigilan siya at 'yong ilang mga sumusunod sa kaniya.
"Sean? Sinong Sean?"
"Baka itong si kuya waaah."
"Pero sino ba 'yan?"
"Baka girlfriend? Tara na nga!"
Mabilis na namuo ang mga luha sa mata ko no'ng lumingon siya sa 'kin . Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kaniya habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Nanatili lang siyang nakatayo sa gitna at diretsong nakatingin rin sa 'kin.
Hindi na ako nagdalawang isip at yinakap siya.
"Sean," mahinang sambit ko sa pangalan niya pagkaraan ay naramdaman ko ang marahang pagtapik niya sa likod ko.
"Hi. Miss?" Mabilis akong kumalas sa pagkakayakap sa kaniya at tinitigan siyang mabuti. "Pasensiya ka na, nagkaroon kasi ako ng amnesia kaya may mga hindi ako naaalala sa ngayon. Pero ako mukhang kilala mo, saan ba kita nakilala noon?"
Napaatras ako ng isang hakbang at napapikit ng ilang beses dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin hindi niya ako naalala?
"At saka ano nga uli ang pangalan mo Miss? Baka sakaling maalala kita."
Luna Sandrich ang pangalan ko but you used to call me Sandwich. Kung sasabihin ko kaya sa kaniya 'to, maaalala niya na kaya ako?
"Miss?" tawag niya ulit sa 'kin. "Okay ka lang?"
Dahan-dahan akong tumango sa kaniya at sinubukang ngumiti. Okay lang kung hindi niya ako na-a-alala, ang mahalaga sa 'kin ngayon buhay siya. Nakalimutan niya man lahat ng pinagsamahan na 'min, ako hindi, hinding-hindi ko 'yon makakalimutan . Pero.. puwede pa rin naman magsimula ulit 'di ba?
In-extend ko ang kanang kamay ko sa kaniya. "Luna. You can call me Luna.
"Nice meeting you again, Luna."
Pagkatapos ng ilang minuto ay sabay na rin kaming bumitaw mula sa pagshake-hands namin at saka parehong nag-paalam sa isa't-isa.
"So, see you around?"
"Sige, mauuna na rin ako," nakangiting sagot ko bago tumalikod at dahan-dahang naglakad palayo sa kaniya.
Walang mapaglagyan ang kasiyahan ko ngayon na nakita at naka-usap ko na siya. Napatingala na lang ako sa itaas, 'ang perfect ho ng timing niyo,' sabi ko sa isip ko. And now, naniniwala na rin ako sa sinabi ni Sean no'ng unang araw ko siyang nakilala, that 'Everthing happens for a reason,' at pinatunayan niya ulit 'yon ngayon.
"Sandwich?"
Awtomatik akong nahinto sa paglalakad ng marinig ko 'yon. Tama ba ang pagkakarinig ko? Tinawag niya kong Sandwich? Ibig sabihin na-aalala niya na?
Mabilis akong napalingon sa likod at nakita si Sean na nakatayo pa rin sa posisyon niya kanina habang titig na titig sa hawak niyang susi ng sasakyan na may key chain na kapareho no'ng akin. Mabilis kong kinapa ang bulsa ko para hanapin din 'yong susi ko pero bigo akong mahanap ito.
Ilinipat niya ang tingin niya sa 'kin. "Luna sa 'yo ba 'to?"
-End-

BINABASA MO ANG
I Can See Ghosts
Aventura[Most Impressive Ranking - #1 in Philosophy] Meet Luna Sandrich Ruiz. A college girl who can see and talk to a ghost. If everyone thinks it's a blessing or a gift for her, it's a curse. She didn't have a normal life because, for her, she's not norma...