Kabanata XXV

58 2 1
                                        


After 7 months

.

.

.

.

.

.

.

Tash's P.O.V.

Dahan-dahan akong naglalakad sa hallway habang nagbabasa ng ilang articles na nakuha ko sa internet. May debate kasi kami mamayang hapon kaya naghahanda na ako kahit papa'no. Nakakakaba pa naman pag may debate, kailangan familiar ka sa topic kung ayaw mong matameme na lang sa gitna. Gosh!

"Hi Natasha!"

Agad akong napalingon sa tabi ko ng marinig ko ang pangalan ko.

"Sana all pa-chill chill lang 'no? May debate tayo mamaya baka nakalimutan mo na naman!"

"Hindi naman daw tuloy." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Luna.

"'Di nga? Seryoso?" excited na tanong ko.

"Joke. Hahaha."

Agad ko siyang sinamaan ng tingin. Masyadong paasa! Nagpatuloy lang siya sa paglakad at iniwan akong mag-isang nakatayo rito.

Aish!

Ibinalik ko na lang sa bag ko 'yong mga papel na hawak ko dahil nawalan na rin ako ng gana magbasa. Sumunod ako kay Luna pero nagulat na lang ako ng mapansing sa student's park siya papunta. Mula sa malayo ay nakita ko sina Jeehan na naka-upo sa carpet grass sa tabi ng isang puno. I can't help not to smile ng makitang kumpleto sila. Well, syempre except kila ate Aia, kuya Syd and kuya Ithan since grumaduate na sila. Nawala man ng tuluyan ang Psyche Organization, hindi naman 'yong bond na nabuo ng members neto at 'yon ang napatunayan namin.

"Hi Tash!"

"Hey," bati ko sa kanila ng makalapit ako. Nginitian ko naman si Dems matapos niyang pagpagin at lagyan ng tela sa tabi niya at do'n ako pina-upo.

Mabilis akong napalingon sa mga kaibigan ko ng marinig akong may umubo. "May sakit ka, Yagel?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot at natatawang tumingin sa malayo.

"Ouch! Kinakagat ako ng langgam, saan kaya 'to galing?" sabi naman ni Jeehan saka pinagpapadyak 'yong dalawang paa at saka inosenteng ilinipat ang tingin sa 'ming dalawa ni Dems.

Napairap na lang ako sa kanilang dalawa. Inaasar na naman nila kaming dalawa ni Dems. Simula kasi no'ng nalaman nilang lahat na kami na, hindi na nila kami tinigilin asarin lalo na 'tong si Jeehan at Yagel. Pareho ng trip sa buhay 'yang dalawang 'yan kaya hindi na rin ako magtataka kung sila rin ang magkakatuluyan sa huli.

"8:50 na, sige mauuna na ako sa inyo," paalam ni Luna. 8:50 agad? Ang bilis naman!

Tumayo na rin ako at nakasimangot na tumingin kay Dems. Ni hindi ko pa nga siya nakakasama ng matagal aalis na agad kami.

"Oh ikaw, 'wag ka na sa 'kin sumunod," pigil sa 'kin ni Luna no'ng akmang lalapit ako sa kaniya. "Magku-quality time pa ata kayo ni Dems hahaha."

Pakiramdam ko parang napunta lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa sinabi ni Luna. Huh! Saan niya nakuha 'yong mga sinasabi niyang ganiyan?

"Hahahahaha." Yagel

"Yieee quality time pala ha!" Jeehan

"Mukhang tama si Luna, ano aalis na ba kaming tatlo?" nang-aasar din na tanong ni Enid. Pati ba naman siya? At no'ng dahan-dahan kong liningon si Dems nakita kong nakangisi na siya habang nakatingin sa baba kaya siniko ko siya ka-agad pagka-upo ko. Grabeng Luna na 'yan, ibang level na kung makapang-asar.

I Can See GhostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon