Luna's P.O.V.
Naramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko nang subukan kong bumangon. Ang sakit at the same time ang gaan ng ulo ko.
Kailangan ko na sigurong sanayin ang sarili ko na uminom para 'di na ako laging gan'to pag gigising ako.
Humiga ulit ako at ine-stretch ang dalawang kamay ko nang may bigla akong mahawakan kaya mabilis akong bumangon at tiningnan ito.
Sean?
Nakatalikod siya sa 'kin at mahimbing na natutulog. Pa'no 'to napunta rito? Inalala kong mabuti kung anong mga nangyari kagabi lalo na kung paano kami naka-uwi rito.
Wala akong natatandaang nagdrive ako ah!
Sinipa ko ng mahina 'yong paa ni Sean para gisingin siya pero nagulat na lang ako ng mahulog siya sa baba.
"Aray !" daing niya pagka-upo mula sa pagkakahulog niya sa sahig.
"Sorry," mahinang sambit ko. Balak ko lang naman na gisingin siya dahil may gusto akong itanong.
Bumukas ang isang mata niya habang ang isa naman ay nakapikit pa 'rin. Halatang inaantok pa.
"Paano tayo naka-uwi kagabi?" tanong ko.
"Ako nagdrive."
Ahh.
Tumango naman ako. Siya pala ang nag—
Mabilis akong napatayo sa kama ng ma-realize kung ano 'yong sinabi niya.
"Ano? Ikaw ang nag-drive?" pagalit na tanong ko habang nakapamaywang. "Baliw ka ba?" Marunong ba talaga siyang mag-drive? Kelan pa? 'Di naman ba kami nabangga or na-aksidente? Tiningnan ko agad ang buong katawan ko at chineck kung may mga gasgas.
"Oo. Sino pa ba? Ako lang naman ata sa mga kaibigan mo ang may alam netong bahay mo Sandwich," paliwanag niya. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa sahig at nag-unat ng katawan. Nagulat na lang ako ng makita ko 'yong tiyan niya dahil biglang umangat 'yong damit niya no'ng nag-stretching siya.
Cute.
Napangiti ako pero mabilis din namang mawala ng matauhan ako sa sinabi ko. Mabilis kong tinampal ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ng dalawang beses. Kung ano-anong pinag-iisip ko.
"Okay ka lang?"
"O-oo," mahinang sagot ko habang nakatungo. "Eh sila Tash pa'no sila naka-uwi?" tanong ko ng bigla kong maalala na madami rin silang nainom kagabi.
"Hinatid din no'ng mga kaibigan mo."
Okay. Mukhang lahat naman kami ay safe na naka-uwi. Bumaba na ako sa kama at naglakad papuntang banyo ng mahagip ng mga mata ko 'yong nasa mesa. Nakalagay na isang flower vase 'yong mga bulaklak na binigay ni Sean sa 'kin kagabi katabi no'ng mga regalo no'ng mga kaibigan ni Tash.
Hindi ko maiwasang 'di mapangiti lalo na no'ng maalala ko 'yong celebration kagabi.
"Sean," mahinang tawag ko sa kaniya habang nakatalikod parin sa kaniya.
"Hmnn?"
"I have no idea kung paano mo nalaman. Pero thank you. You made that day, a memorable one."
"Wala 'yon Sandwich. Basta para sa'yo." Napangiti ako.
Pagkaraan ay naramdaman ko na lang na nasa likuran ko na siya. Nakahawak sa balikat ko at dahan-dahan akong hinarap sa kaniya. "Just promise me that for the next more years, you're going to celebrate it not just by yourself but with the people who truly love you and care for you," sabi niya habang seryosong nakatingin sa mga mata ko. "Kahit na, wala na ako sa mga sumusunod na taon na 'yon."

BINABASA MO ANG
I Can See Ghosts
Adventure[Most Impressive Ranking - #1 in Philosophy] Meet Luna Sandrich Ruiz. A college girl who can see and talk to a ghost. If everyone thinks it's a blessing or a gift for her, it's a curse. She didn't have a normal life because, for her, she's not norma...