Luna's P.O.V.
Tirik na tirik ang araw at heto ako ngayon naglalakad sa kalagitnaan ng quadrangle habang sinusundan si Rain. May gusto akong itanong sa kaniya tungkol sa nakita ko kahapon.
Flashback
Ihininto ko ang sasakyan sampung metro ang layo bago makapunta sa gate. Okay na rito, mahirap na baka makilala pa ako no'ng dalawang guard.
"Oh, school ko to ah, anong gagawin natin dito Sandwich?" tanong ni Sean habang palinga-linga sa paligid.
"Ano sa tingin mo?" pabalik na tanong ko sa kaniya.
Kung hindi naglalabas ng impormasyon ang mga tauhan dito, baka ang mga estudyante oo. Kailangan ko lang subukan.
"Tatambay?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Hehe joke lang, syempre mag-iimbestiga tayo tungkol sa 'kin 'di ba?"
Hindi ko na siya sinagot at itinuon ang tingin sa isang estudyanteng kakalabas pa lang at mukhang papunta sa direksiyon namin. No'ng malapit na siya, binaba ko agad 'yong bintana.
"Ahh kuya sandali lang," tawag ko sa kaniya. Mukhang nagulat pa nga sa 'kin dahil bigla-bigla ko na lang tinawag. "Diyan ka nag-aaral?" Turo ko do'n sa linabasan niya kanina, tumango naman siya. "Anong year mo na?" This time, napakunot na 'yong noo niya. Nakakahiya talaga 'tong ginagawa ko. "Fourth year, bakit?"
"Ahm, pasensiya na, kilala mo ba si Sean Matthew? Sean Matthew Moreou? May kailangan kasi ako do'n eh pero 'di naman ako makapasok," palusot ko. Lumingon pa ako sa school nila at saka nagkunwaring galit at iritable na.
"Sandwich si Rain 'yon 'di ba?" Lumingon ako kay Sean nang sabihin niya 'yon. Pinagsasabi neto? Kaya tumingin na rin ako sa direksiyon kung saan siya nakatingin.
Si Rain nga. Pero bakit siya nandito?
At ang mas nakakapagtaka pa ay kasama niya'ng lumabas 'yong President netong school, 'yong naka-usap ko no'ng nakaraan.
Magkakilala kaya sila?
"Sige salamat," sabi ko do'n sa estudyante at nagsimula nang magdrive nangg makitang paalis na rin 'yong sasakyan nila Rain.
Pero may biglang tumawid kaya mabilis kong hininto ang sasakyan.
"Ouch!" Rinig kong daing ni Sean. Akala mo siya talaga 'yong nasaktan, eh ako nga 'yong halos masubsob na 'yong mukha sa manibela. At pag-angat ko ng tingin, wala na 'yong tumatawid. 'Di man lang natinag at dire-diretso lang sa paglalakad neto.
Dapat 'di na 'ko huminto, wala rin namang mawawala sa kaniya eh.
Pero bakit parang pamilyar siya sa 'kin. Nakita ko na ba siya noon?
Nasagot din ang tanong ko no'ng lumingon siya sa 'min. Psh, I knew it. Nagkita ulit tayo!
Pero no'ng lingunin ko 'yong kaninang sasakyan nila Rain, wala na ito.
End of Flashback
Pumasok si Rain sa Department Room nila. Sakto at walang ibang mga tao kaya pumasok na rin ako.
"Rain." Lumingon siya sa 'kin at halatang nagulat nang makita ako. My bad, hindi nga pala ako kumatok.
"Uh, Luna, anong ginagawa mo rit--"

BINABASA MO ANG
I Can See Ghosts
Adventure[Most Impressive Ranking - #1 in Philosophy] Meet Luna Sandrich Ruiz. A college girl who can see and talk to a ghost. If everyone thinks it's a blessing or a gift for her, it's a curse. She didn't have a normal life because, for her, she's not norma...