Kabanata IX

131 7 9
                                        

"Luna?"

Binaba ko ang kanang kamay ko upang makita kung sino ang tumawag sa 'kin at do'n naaninag ang isang pigura ng babae.

"Hey Luna, it's me Tash!" sabi niya pagkababa sa sasakyan.

Psh. Ano namang ginagawa niya dito?

"Tash 'yong ilaw," sita ko pagkalapit niya. Ang sakit na kasi sa mata, kanina pa siya nakababa pati 'yong mga kasama niya pero hindi pa 'rin nila pinapatay 'yong ilaw.

"Hoy Dems bumaba ka na kasi diyan!" sabi no'ng isang babae katabi ni Tash.

 "Anak ng? Sandali nga lang 'di ko na nga makita eh."

"Hala, bulag kana pre?"

"Hoy manahimik nga kayo, ang iingay niyo!"

Mukhang andami nila.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" baling ko kay Tash. "Actually, that's the same question I want to ask..., ano'ng ginagawa mo rito Luna?" It caught me off guard.

That's what I hate the most when trying to ask questions, they always answer it with the question itself. Dapat pala 'di na lang ako nagtanong.

Napalunok muna ako bago magsalita. "Napadaan lang," casual kong sagot like as if 'yon talaga 'yong nangyari pero mukhang 'di siya nakumbinsi sa sagot ko. 'Di pa rin kasi nawawala 'yong pagtataka sa mukha niya at nanatiling nakatangin pa rin sa 'kin na para bang naghihintay pa ng sunod kong sasabihin.

Well, I'm not that type who explains myself to everyone.

"I have to go," paalam ko. Mas mabuti siguro kung umalis na lang ako.

"Luna," mahinang tawag ni Tash sa 'kin pero 'di ko na nilingon. Nagsimula na akong maglakad papunta sa sasakyan ko na nasa likod lang no'ng sasakyan nila. Pero bago pa man kami makapasok ni Sean ay may napansin akong dalawang babae na  tumatakbo palapit kanila Tash.

Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto kong pakinggan 'yong sasabihin ng dalawang kararating.

"Guys, nahuli tayo. Sabi ni Aling Mia mayroon na raw naunang pumunta do'n."

"Ano??" sabay-sabay na tanong nila, hanggang sa linipat ni Tash ang tingin niya sa 'kin na sinundan din ng tingin ng ibang mga kasama niya.

Pati si Sean na kanina pa natahimik ay napatingin na din sa 'kin. "Tayo ba 'yong tinutukoy nila?"

Patay malisya akong pumasok sa loob pero mabilis pa sa alas kwatrong nakapunta si Tash sa gilid para harangan 'yong pinto. 'Yong kaninang confused na mukha ay napalitan ngayon ng kakaibang ngiti.

"Ikaw 'yon diba?" Tina-asan ko siya ng kilay pero di siya nagpatinag. "Tell me Luna, it's you right?" pagpupumilit niya pa.

"What? Hindi. Ano ba sinasabi mo?" Nagsisimula na akong mairita dahil di ko alam kung anong gusto niyang palabasin.

"Deny it or not, still, we need to talk."

"Are you commanding me, Tash?"

Inalis niya 'yong kamay niya sa bintana at saka nagpabuntong-hininga. "Hindi naman sa gano'n Luna, pero please allow us to talk to you. Hindi naman kita pipilitin kung hindi naman to importante eh," paki-usap niya. Bumaba na ako at humarap sa kanila para matapos na kung ano man 'to. Siguraduhin niya lang na importante ang sasabihin nila.

I Can See GhostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon