Third person's P. O. V.
Habang naka-upo sa isang information desk ang may-ari ng apartment na si Rejemiah, ay siya namang paglabasan ng ilang mga boarders neto.
"Oh bakit kayo mga naka-impake?"ani neto.
"Pasensya na po Aling Mia, pero hindi na po namin matiis na gabi-gabi na lang kami ginugulo no'ng multo. Hindi na po kami makapag-aral ng maayos dahil do'n kaya gusto na po naming lumipat. " Mahihimigan ang takot sa boses ng dalaga at mukhang desido na rin itong umalis.
"Gano'n ba? Pero alas-nuwebe na, baka wala na kayong matuluyan niyan, " nag-a-alalang tanong ni Rejemiah. "Bahala na po aling Mia pero kailangan na po talaga naming umalis."
"Guys tara na, baka masundan pa tayo ng ghost na 'yon. " Baling niya sa dalawa pa niyang kasama at saka sila umalis.
Napabuntong hininga na lamang si Rejemiah nang maka-alis na ang mga boarders neto. Limang boarders niya na ang umalis noong nakaraang linggo at pang-walo naman 'yong ka-a-alis pa lang kanina. Hindi na biro ang nangyayaring ito sa apartment ni Rejemiah lalo pa't pare-parehong dina-dahilan ng mga boarders neto ang pagkakaroon daw ng multo sa loob ng apartment partikular na sa pangatlong palapag. Kapag hindi pa siya gumawa ng hakbang ay tiyak na malulugi itong apartment niya.
________________
Luna's P. O. V.Kinse minutos bago mag alas-nuwebe na ng gabi ng makarating kami rito sa apartment na sinabi ng tumuwag sa 'kin kanina. Isinama ko ngayon si Sean kung saka-sakaling kailangin ko ng back-up mamaya.
Nang pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng gusaling ito ay wala naman akong kaka-ibang napansin maliban na lang sa maliit na playground sa dulo ng building. Paano'ng hindi mapupunta ang atensyon mo roon kung makikita mo nalang 'yong swing na kanina pa gumagalaw kahit 'di naman mahangin. Wala rin namang multo o taong naka-upo roon kaya mas lalo akong napapa-isip.
"Sandwich anong tinitingnan mo diyan? Huwag mong sabihing gusto mo munang mag-swing? Gusto ko rin naman kayalang gabi na pero kung gusto mo talaga eh---"
"Tss. Hindi 'yon!"
Kung ano-ano namang iniisip neto!
"May...nakikita...ka bang naka-upo sa playground na 'yon?" tanong ko sa kaniya.
"Naka-upo? Hmnn meron, bakit?"
"Kaya pala gumagalaw 'yong swing, " bulong ko sa sarili.
" 'Yong swing? Ahh kasi Sandwich, hindi na nakakabit 'yong isang tali sa bakal na nasa taas. Gumi-giwang-giwang 'yong swing kasi hindi na siya balance," seryosong paliwanag niya kaya tinitigan ko ulit 'yong swing... only to find out... na tama nga siya. Shucks, nakakahiya! I really thought there's something there.
"Pero hindi naman sa swing 'yong sinasabi kong naka-upo Sandwich, nando'n siya sa slide oh," sabi niya sabay turo niya do'n sa slide malapit sa swing kung saan naka-upo ang isang babae, nakatulala at may hawak-hawak na, stuff toy?
I see. Pero wait, 'yong misyon ko nga pala.
"Sean, pupunta na ako sa loob, may kailangan lang akong gawin. Tatawagan kita gamit 'yong phone na binigay ko sayo kapag kailangan ko ng tulong mo. So stay alert. But for now stay in the car AND don't go inside unless I said so."
"Okay, mag-ingat ka Sandwich." Tumango ako sa kaniya at saka pumasok sa loob.
Ganito pala 'yong feeling pag may back-up, secure.

BINABASA MO ANG
I Can See Ghosts
Adventure[Most Impressive Ranking - #1 in Philosophy] Meet Luna Sandrich Ruiz. A college girl who can see and talk to a ghost. If everyone thinks it's a blessing or a gift for her, it's a curse. She didn't have a normal life because, for her, she's not norma...