Zander's POV
Andito ako ngayon sa office ko, dito sa company. May sarili akong office and training ko na rin. Student sa umaga, training CEO sa company pag gabi.
"Sir, Ito na po ang hiningi niyong papers. Mamaya po pala tatawag raw po ang Dad niyo." Sabi niya at lumabas na siya. Secretary siya ni Dad but siya na din ang naging secretary ko. Nagring ang cellphone ko. Si Dad.
"Dad"
[I'm on a business trip right now. May mga business tycoon na pupunta at mag e-evaluate sa standing and how's the company. 3 weeks simula ngayon magaganap. I want you to handle that. But don't worry, I have a friend and a business associate. Her daughter will help you with that kaya 'di ka mahirapan. Don't disappoint me Zander.] sabi ni Dad then he end the call.
Napabuntong hininga naman ako at ito na naman. Busy pa ako sa practice para sa championship. Then, pati ito. Well, goodluck to me.
---
Max's POV
Nasa F-inc ako ngayon. F-INC ang second company ni V dito sa Philippines. Nireready ko lang ang mga kailangan ni V para sa mga meeting niya.
Tumawag rin si Dad sa akin kanina. Pinaalam niya na may ka business associate siya. But busy siya sa business trip niya kaya ako ang gagawa ng trabaho.
Tumayo ako tsaka pumunta sa office ni V.
"Hey." napatingin siya sa akin.
"Tinawagan na ako ni Uncle." Sabi niya. Tumango ako.
"Yeah, magiging busy ako nito. Si Charles muna bahala sa iyo." Sabi ko.
"Don't mind me. Go get ready." Sabi niya.
"Thanks" ayun lumabas na ako sa office niya. Bumalik ako sa office ko at niready ang mga kailangan ko. Napaemail na naman ni Dad sa akin ang mga kailangan para sa business associate thing.
-----
Zander's POV
Nagpa-practice kami ngayon. Minutes later ay nagpapahinga na muna kami sandali. Nakaupo ako sa bench at hindi pinansin ang mga ugok. Nagpupunas ako dahil ang pawis pawis ko. Napatingin ako sa mga ugok.
"Why are you look at me idiots?" Tanong ko dahil nakatingin ang mga Lions sa akin ang iba ay nakaturo pa sa akin.
"Ikaw ba si Zander Lou?" Napatingin ako sa nagtanong, yung babae na shorthair.
"Yes."
"Ate, siya si Zander Lou" sabi nito doon sa long hair na babae. Napatingin ako sa kanya ng lumapit siya sa akin kaya tumayo na ako at medyo lumayo kami sa mga Lions.
"I'm your business associate. I'm Maxielle." pakilala nito sabay lahad ng kamay.
"I'm Zander Lou" nag shakehands kami.
"So you're the one who'll associate me with this work ?" Tanong ko. Tumango siya.
"Yes, Mr. Lou. Sorry if I interrupt your practice but before we tackle about it." Inilahad niya sa akin ang isang folder. "I want you to read and check these papers first. Sabihan mo lang ako pagmay hindi ka sang ayun kasi base lang din yan sa in-email ng Dad ko."
"Don't worry, ako bahala and sabihan din kita. How can we talk next time?"
"May contact number akong nilagay sa loob."
"Alright, contact nalang kita."
Tumango naman siya. "Thank you for your little time. Mr. Lou." Sabi niya at tumalikod na, sumunod naman sa kanya yung short hair.