5 Months Later
Third Person's POV
Kumatok ang Mom ni Zander sa pinto. Pinagbuksan naman ito ni Maxielle.
"Hi hija." bati nito.
"Pasok po kayo." sabay bukas ng maluwag ni Maxielle sa pinto. Pumasok naman ito.
"Here, may dala akong prutas for you." sabay lahad nito.
"Salamat po. Upo po kayo." umupo sila sa sofa at nilagay muna ni Maxielle sa center table ang basket.
"How are you?" tanong nito.
"Recovering." sabi ni Maxielle.
Tumango naman ito. "That's good. Si Zander ba di nagpaparamdam sa iyo?"
Umiling si Maxielle. "No, wala po. Bigla nalang po siya nawala after." sabi ni Maxielle.
"Hays, saan kaya siya? I can't contact him anymore. Di ko rin alam kung saan siya pati mga kaibigan niya walang may alam kung nasaan siya." malungkot na sabi nito. Napabuntong hininga si Maxielle.
"Hija" napatingin si Maxielle sa Mom ni Zander.
"Nung huli na nag usap kami ni Zander. He give me this." sabay bigay ng bracelet. Tinanggap naman ito ni Maxielle.
"Sabi niya sa sister mo raw yan." napatingin si Maxielle sa bracelet at ngumiti.
"Thank you po." yumakap naman ang Mom ni Zander sa kanya.
----
Na setensyahan naman ang Dad ni Zander ng habang buhay na pagkakakulong.
----
Zander's POV
5 months since nung nakulong si Dad.
5 months na rin akong nakakulong rin at di lumalabas ng secret na kung asan ako ngayon.
5 months akong nagtago
Gusto kong magpag isa.
Malayo sa lahat.
Malayo kay Maxielle.
Pero atleast natupad ko ang promise ko sa kanya.
Na through worst di ko siya iiwan.
"Can we make a promise" napatingin siya sa akin. Bigla akong lumapit sa kinatatayuan niya.
"That no matter what happen. We will stay by the side of each other. Whether it's worst." sabi ko.
And I'm the one who did it now.
Atleast I didn't break the promise.
-------
Maxielle's POV
Nakangiti ako habang tumutulo ang nga luha ko. Inopen ko kasi ang hugis bilog at may laman itong SD Card.
Ito, nakatingin ako ngayon sa mga picture namin. Nina V, Clee, Si Noel at kasama si Dad.
May mga picture rin kami noon na buhay pa si Auntie Emily ang mommy ni V at Clee at si Lolo.
Pictures rin namin nung highschool kaming apat.
"I miss you Dad, Noel." sambit ko ng makita ang picture naming tatlo. Tumingala ako at nakatitig sa kisame.
"Magkakasama na kayong tatlo. Ako naman iniwan niyo." malungkot kong sambit. Napatingin ako sa picture naming apat.
Kamusta na kaya sina V at Clee.
"Hehe, wala na ang bunso natin." sambit ko na naluluha na naman.
"Paano ko sasabihin sa inyu 'to V, Clee. Kung ngayon kinakaya ko kahit di naman. Ewan ko nalang kaya kayo kung kaya niyo ito." yumuko ako naman ako habang umiiyak.
"Ang daya kasi." sabay agos ng mga luha ko. Tumingin ako sa picture ni Noel.
"Ikaw yung nakalabas eh. Dapat ikaw yung nabuhay." Hinahaplos ko ang screen ng laptop.
Humagulgol lang ako ng iyak. Until now, I still can't take it.
"Masaya kana siguro no? Kasama muna si Mama. Noel, si Ate naman ang gabayan mo ha. Parang di ko kasi kayang wala kayo eh." sabi ko at humagulgol ulit ng iyak.
Wala rito sina V at Clee. Wala na si Noel at Dad. I'm so alone.
Di ko pa rin nakokontak sina V at Clee dahil di ko pa kaya na harapin sila at sabihin sa kanila ang tungkol sa nangyari.
Si Zander naman? Ginawa niya lahat mabalik lang ang pera na namin na ninakaw ng Dad niya pero di ko naman kailangan ng pera.
Kailangan ko sina Dad at Noel.
Andito ako ngayon sa resthouse ng Mom niya kung saan ako dinala at inalagaan ni Zander.
"Dad, Noel, di ko kaya." iyak lang ako ng iyak dito sa kuwarto.
Asan na rin kaya si Zander?
The end