Third Person's POV
Ito na ang araw ng transaction nina Zander at gaganapin ito sa Thailand. Pababa na si Max dala ang maliit na maleta niya ng pagkalabas niya ng bahay.
"What are you doing here?" Gulat na tanong ni Max kay Zander. Nakagreen polo ito at slacks habang nakatayo sa may kotse niya.
"Kotse ko nalang gamitin natin. Yan lang ba dala mo?" Tanong ni Zander kay Max ng makita niya ang maliit na maleta.
"Oo, ilang days lang naman tayu roon."
"Hi" biglang sulpot ni Noel. Tumango naman si Zander sa kanya. Tumingin si Max kay Noel.
"Ba't di ka pa nakabihis? May meeting ka ngayon with Clee." Sabi ni Max sa kapatid.
"Ate, ayaw mo ba na magba-bye ako sa inyo." Sabi niya sabay ngiti kay Zander. Tumaas naman ang kilay ni Max ng mapansin na ngumiti si Noel kay Zander.
"Aalis na kami. Pumasok kana at magready." sabi ni Max.
"Opo Ate. Ingat kayo Kuya." Humalik ito sa pisngi ng Ate niya tsaka sabay takbo papasok.
"Aba't--" magsasalita sana si Max ng kunin ni Zander ang maleta niya.
"Pasok kana." Sabi ni Zander dahil pumunta siya sa likod para ilagay ang maleta sa trunk. Pumasok naman si Max at mamaya lang ay nakapasok na si Zander.
"May dadaanan pa pala tayo. Saglit lang okay." Sabi ni Zander.
"Okay." Stinart na ni Zander ang engine at nagdrive na.
Hanggang sa namalayan ni Max kung saan ito patungo. Kumunot ang noo niya.
"Sinong dadalawin mo rito?" Takang tanong ni Max kay Zander. Di sumugot si Zander hanggang sa nagpark na siya.
"Baba kana." Sabay naman silang bumaba. Sobrang nagtataka naman si Max. Naglakad na si Zander tsaka sumunod naman si Max. Hanggang sa napahinto siya ng makarealize.
Nasa di naman kalayuan si Zander ng huminto siya at nilingon si Max na nakatayo.
"DI KA LALAPIT?" Sigaw ni Zander. Naglakad naman patungo si Max sa kanya. Binuksan ni Zander ang pinto.
"Come on in."
Bumuntong hininga si Max tsaka tumingin kay Zander. "What are you doing?" Takang tanong ni Max kay Zander.
Nag smile si Zander. "Pumasok ka nalang." Sabi ni Zander. Pumasok naman si Max at tumingin siya kay Zander.
"Sa kotse lang ako maghihintay." Sabi ni Zander at naglakad na. Napatingin naman si Max sa puntod ng Mommy niya. May mga bulaklak na dito at mga prutas. Kumuha si Max ng kandila sa may maliit na cabinet at nagsindi siya.
"Happy Birthday sa atin Mom." Bati niya sa puntod ng Mommy niya.
---
May katawag si Zander at di na niya namalayan na nakasakay na pala si Max sa kotse. Nang matapos ang tawag ay napatingin siya sa loob ng kotse at sumakay na siya.
"Let's go." Sabi ni Zander. Walang imik si Max hanggang sa makarating na sila sa airport.
---
Thailand
Nakarating na sila sa Thailand at nakapag check-in na rin sila. Tag iisang kuwarto sina Zander at Max pero magkatabi lang ang kuwarto nila. Nasa loob na si Max ng kuwarto niya. Kumatok si Zander sa pinto ng kuwarto ni Max.