3 💞

96 6 0
                                    

Third Person's POV





Naglalakad na ngayon papasok ng Lions Bar si Zander.

"Yow, busangot ata face mo bro" yan ang salubong na tanong ng mga Lions ng makarating siya sa VIP area kung asan sila tumatambay.

"Haist! As expected. Dad alert." Sagot niya sabay umupo sa tabi ni Shone.

"Prenissure ka na naman ba ng magaling mong ama?"

"Ano pa nga ba?" Pailing na sabi niya. Nag smirk nalang ito sa kanya.

"Hirap rin maging Zander Lou ano?" Tanong ni Stanford na napailing.

"Di naman masyado" nakangiting sabi ni Zander pero ngiting loko.

"Hahaha! Ako nga eh hirap maging Dwayne Stanford." Sabi nito sabay lumaklak ng alak.

"May problema?" Tanong ni Zander sa kanya. Nagkibitbalikat naman ito sa kanya.

Hanggang sa nagsipag datingan na ang mga iba pang Lions. Ang hindi pa dumarating ay ang Captain nila at si Spencer.

"Alam niyo may napansin ako" biglang sabi ni Jasper. Napatingin naman ang mga kaibigan niya sa kanya.

"Ano na naman iyon Anderson?" Tanong ni Jdex.

"Kanina si Lou ang tuwid ng tingin. Ngayon, si Captain the second. Tignan niyo, ang lalim ng iniisip at kumakagat labi pa." Sabi nito ng mapatingin sila kay Axel.

"Bro" agaw pansin ni Jude kay Axel. Napatingin naman ito sa kanya.

"What?" Nakataas ang kilay ni Axel. Natakot naman si Jude sabay ngiti.

"Heheh ikaw bahala diyan Marco. Baka sumusumpong na naman yang Captain the second." Sabi ni Drake na medyo natakot rin. Kumunot ang noo ni Axel habang nagtatakang nakatingin sa mga kaibigan.

"Tumigil ka nga gago." inis na sabi ni Jude kay Drake. Tumingin siya kay Axel.

"Di kasi bro ito kasing si Anderson eh. Sinasabihan ka ba naman ng baliw." Pailing na sumbong ni Jude. Sinuntok naman ni Jasper si Jude sa braso. Di naman masyadong malakas.

"Aray" sabi ni Jude habang hinamas himas ang braso niya.

"Wala akong sinabing baliw ka Bro. Gago ka talaga Marco." Mabilis na sabi ni Jasper. Tumawa lang si Jude.

"What is it?" May pagkairitang tanong ni Axel.

Lumunok muna si Jasper tsaka nagsalita.
"Chill bro, wag kang maniwala sa gagong ito. Ganito kasi iyan. Pansin ko kasi parang ang lalim ng iniisip mo. Tapos nagkakagat labi ka pa."

Tumaas ang kilay ni Axel. "Oh, ano ngayon?"

"Hahahha bahala ka diyan Anderson." Sabi ng ibang Lions na medyo natakot kay Axel.

"Di kasi bro, itong kasing si Anderson kanina pa yan nagiging chismoso." Sabi ni Zander sabay turo kay Jasper.

"Haha kailan ka pa naging chismoso Anderson?" Tanong ng mga Lions dito.

"Kasi naman eh, kanina lang si Lou ang tuwid ng tingin at babae lang pala ang dahilan nito. Ikaw ba Scherzinger bro ? Babae rin ba ang---?" Hinampas naman ni Zander si Jasper para matigil na ito.

"Oy, Lou may natitipuhan ka na ba?" Takang tanong ni Jdex.

"Para ka ring si Anderson eh. Tumingin lang, natitipuhan na?" Pailing na sabi ni Zander.

"Sabi ko nga" pailing at nakangiti si Jdex.

"Tumigil nga kayo. Makakaisa kayo sa akin." Sabi ni Axel na nakakunot ang noo. "Ikaw naman Anderson maghanap ka ng dahilan ng makakapag isip mo ng malalim at mapakagat labi ka ha." Natawa naman ang mga Lions ng mahina.

 This I Promise YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon