Maxielle's POV
Andito ako ngayon sa labas ng mansion hinihintay ko ang kapatid ko na ang tagal talagang kumilos. Maya maya lang ay napatingin ako sa mukha niya.
"Si Clee?" Tanong ko.
"Mamaya pa raw siya papasok" walang ganang sabi niya. Kinuha ko ang susi ng kotse niya sa bulsa ko.
"Wag ka nang sumabay sa akin. You can manage on yourself now" sabi ko at naglakad na patungo sa kotse ko.
"Ha? Ate naman. Si V mamaya pa yun pati si Clee. Ano? Magtataxi ako?" Di makapaniwalang tanong niya. Napangisi naman ako and nakibit balikat.
"Nasa sa iyo na iyon" sabi ko at sumakay na sa kotse ko.
"Ate naman " rinig kong sabi niya. Tinanaw ko siya sa may bintana sa passenger seat.
"Oh" sabi ko sabay binato sa kanya ang susi niya at agad ko na pinaandar ang kotse ko. Kinuha ko ang phone ko at tinext siya.
To Noel;
Promise me and Dad that you will be responsible enough okay.
Napatingin ako sa side mirror. Ayun nagtatalon at niyakap pa talaga ang kotse niya na ngayon ay nilabas sa garahe. Napailing nalang ako at napangiti. Nagdadrive ako hanggang sa makarating ako sa University. Nakasunod lang pala si V sa akin ng ilang minuto. Nakababa na kami pareho sa kotse namin ng makapark na kami.
"Good morning couz" salubong ko na bati sa kanya.
"Good morning " bati rin niya sa akin. Naglalakad na kami patungo sa building namin. Di pa kami nakakahakbang sa hagdanan ng makarinig kami ng malakas na sampal.
Napalingon kami pareho ni V ng marinig kami ng isang sampal.
"Hmmmmm hmmmmm" rinig namin ang ungol ng isang babae na parang nahihirapang huminga. Nagkatinginan kami ni V at tumango ako. Gets na namin iyon.
---
After the tragedy happened in F-CORP. Ito si V lasing dahil sa sobrang galit at sobra siyang nasaktan at naaapektuhan sa nangyari. Si Noel ay lasing rin dahil dinamayan niya si V. Si Clee ayun umalis, magpapahangin raw siya but I know apektado rin siya sa nangyari.
I called Charles kanina and sabi niya okay naman daw sila. Nakapacheck-up na sila kanina and they are just a little bit traumatized. Di ko kaya na andito ako kaya lumabas ako ng bahay. Sumakay ako sa kotse ko and the next thing I know is andito ako sa Lions Bar.
Nagpark lang ako tsaka bumaba na. Nakainom na rin ako ng konti kanina sa bahay but di pa ako tinamaan. Gusto kong maglasing. Papasok na sana ako ng tumunog ang phone ko.
Dad's Calling...
"Dad"
[Ipina-close ko na ang F-Corp.]
"Okay Dad" walang ganang sabi ko. I heard him sigh.
[Kamusta kayo diyan?]
I sigh. "We're gonna be fine Dad"
[I know and I know you're girls are strong]
Naglakad ako pabalik sa kotse ko at sumandal sa may harapan.
"Apektado kami Dad and we're so hurt."
[Balik na kaya kayo sa London.]
"Dad"
[Doon, maayos pa kayo. Since you girls came back there. Diyan na kayo nasasaktan, napapahamak and worst---]
"Dad please"