Zander's POV
Ilang days na kami nagtatrabaho para ma perfect ito. Why? Dahil iyon ang ineexpect ni Dad. May iilang business personel narin kaming kinausap para makipag collaborate para sa incoming delivaration. Itong delivaration na magaganap so soon. Is for the company ranking raw. Like, How it worth, rate and rank from the others. Business is all about competition and that's why we're now competing. Our company is a Software and Technology Industry.
Dahil di pa ako ganun ka well knowledge and skilled being a CEO and kahit acting CEO ako ay yes di pa ganun ka buo ang tiwala ko sa sarili ko, especially my dad. Kaya ito may ka associate ako na tutulong sa akin. This is part of my training and this one will tell Dad. Am I really worthy of the company and the position, soon. Pressure is on.
Pero may pinagtataka lang ako eh.
Napatingin ako kay Maxielle na kapapasok lang. Andito kami ngayon sa Chen-licious Restaurant. Tumayo ako ng makalapit na siya sa akin.
"Late na ba ako?" Tanong niya.
"No, I just came about a minute after you." Sabi ko. Umupo na kami at nag order na rin kami.
"Oo pala. Pagkatapos pala natin kumain. Sama ka sa akin sa company." Sabi ko. Napatingin ako sa kanya ng tumigil siya sa pagkain niya.
"Sa Lou Soft-Tech Company?" Di makapaniwalang tanong niya.
"Yeah, we need to prepare a presentation for the board. So, sa office nalang natin gawin. Total doon naman sa company gaganapin ang delivaration and I need you to be there." Sabi ko. Mukhang nag isip naman siya.
"Ka business associate ka namin. Walang malisya doon." Dugtong ko.
"Di naman yan ang iniisip ko." Sabi niya at kumain na ulit. Kumunot naman ang noo ko.
"Then what?" Tanong ko. Bumuntong hininga siya at kumain lang.
Ilang minuto lang ay nagsalita na ako.
"Bakit ka pala nag mamask pag humaharap ka sa mga ka meeting natin? I'm just really wondering, why. May pinagtataguan ka ba? O may allergy ka, allergy ka sa mga tao? Pero kung allergy naman. Bakit sa school---" natigil ako ng ibaba niya ang kutsara niya at matalim na tingin ang binigay sa akin."I'm your business associate Mr. Lou. Talk to me about business and I'll answer you that. Paalala rin ha. Wala sa trabaho ang pakialaman ang personal matters ko." Sabi niya. She's pissed off.
"I apologize" di niya ako sinagot at tumingin sa ibang direksyon. Napatingin ako sa tinignan niya.
"Ka kilala?" Tanong ko. Umiling siya at tumayo na.
"Excuse me." Ayun naglakad siya palayo. Saan pupunta yun? Ilang minuto ay bumalik na siya at may nag iba sa kanya. Di ako nagsalita hanggang sa makalapit na siya sa akin.
"Are you done?" Tanong niya sa akin.
"What?"
"Let's get going." Sabi niya. Tumayo na ako kahit magtatanong pa sana ako dahil tumalikod at naglakad na siya paalis. Paglabas namin ng Chen-licious ay nakatingin siya sa isang lalaking kakasakay lang sa taxi. I looked at her. Galit ang expression ng mukha niya.
"Maxielle" tawag ko. She looked at me.
"Una ka, sunod lang ako" sabi niya at naglakad na patungo sa kotse niya. Naglakad narin ako patungo sa kotse ko at sumakay na.
Nakasunod lang siya sa akin. Hanggang sa makarating kami sa company namin. Pagkababa ko ng kotse. Hinintay ko pa siya ng bumaba siya ay ito na naman. Nakamask siya.
"What?" Mataray niyang tanong. Umiling ako at naglakad na papasok.
----
"Upo ka muna." Sabi ko sa kanya ng makapasok kami sa office ko. "Bring all the files." Sabi ko sa secretary ko. Tinignan ko siya nakaupo lang siya at nakamask parin. Bumalik ang secretary ko na may dalang mga files na kailangan kong permahan.