27 💞

38 3 0
                                    

Third Person's POV






Gabi na at nagsipagdatingan narin ang lahat ng Lions. Nasa loob sila ng office ni Jude Marco.

"Kailan mo lang nalaman?" tanong ni Spencer kay Zander.

"Kanina lang umaga. Papunta sana ako ng company ng maabutan ko, close na ito. Pag uwi ko umiiyak si Mom and she confess to me."

Nagtinginan ang mga Lions.

"Anong tulong ang gusto mo?" tanong ni Lance.

"Captain, tulungan mo akong makalabas ng bansa. Pupunta ako ng US." pakiusap ni Zander.

"Alam mong under imbestigation kayo. Lalo kana dahil doon sa billionaire's company."

"I know Captain, pero alam ng Diyos, kayo, alam niyo na wala akong kinalaman roon. Ginawa ko lang ang utos ng ama ko."

"Wag mong masamain ang ibig sabihin ni Captain, Lou. Nagtatago pa ngayon ang  Dad  mo. Sira na rin ang pangalan na Lou. Kung aalis ka ng bansa baka mapagkamalan kang kakuntiyaba ka ng ama mo." sabi ni Shone.

"Naisip ko na rin yan bro. Kaso lang kung dito lang ako. Walang mangyayari eh. You know my father."

"Do you mean? Ikaw ang hahanap sa Dad  mo?" tanong ni Cliff. Nagkatinginan ulit ang lahat ng  Lions. Yumuko naman si Zander

"Gago ka ba? Oo, ama mo yun pero di mo ba naiisip na delikado." saway ni Jasper.

"Oo nga bro, pinaghahanap pa ang Dad mo." sabi naman ni Jdex.

"Tsaka Lou, baka kung ano pa mangyari saiyo." pag alala ni Drake.

"Bro's, sabi ni Mom. May nadamay na dahil sa ginawa ni Dad. Maski kayo, kilala at alam niyo kung anong kaya ng Dad ko. Matalino yun di yun basta basta matatrack." sabi ni Zander. Napabuntong hininga naman ang mga Lions.

"You want me to bring you to the US secretly. Yun ba?" Pagtatanong ulit ni Lance. Seryosong  tinignan ni Zander ang Captain nila.

"Yes Captain." matapang itong sinagot. Napailing ang ibang Lions dahil hindi sila sang ayun.

"Ako na bahala sa lahat. Nextweek be ready." sabi ng Captain nila. Ngumiti ng pilit si Zander.

"Captain." pag di sang ayon ng iba. Tinignan ni Lance ang mga Lions.

"Any concerns?" Tanong nito. Tumango ito ng sabay.

"Captain, delikado. Dad ni Lou ang kalaban niya." concern na sabi ni Hilton.

"Tsaka Captain, siya lang mag isa roon." pati na rin si Samson. Lumapit si Zander sa kanila.

"Alam ko ang ginagawa ko mga bro. Di naman siguro ako sasakyan ni Dad." sabi ni Zander. Magsasalita na sana ang dalawa ng magsalita ulit si Lance.

"Hindi siya kabilang sa Lions kung takot siya. Walang Lion na hindi mabangis at matapang." sabi ng Captain nila. Wala na silang magagawa pa.

Naglakad na palabas si Lance ng habulin siya ni Zander at ngayon andito na sila sa may parking area.

"I really owe you Captain." sabi ni Zander. Tinapik ni Lance ang balikat ni Zander.

"Honestly, ako rin. I'm really concern. First time mong kalabanin ang Dad mo for how many years. No, since birth pala." napangiti naman silang dalawa.

"Hindi ako takot para sa sarili ko Captain. Takot ako para kay Mom."

Bumuntong hininga naman si Lance.

"Tita really loves Tito. Pero kailangan niyo parin gawin kung ano ang tama." Tumango si Zander.

"Captain, si Maxielle pala. Kamusta naman siya? Alam na niya ba ang tungkol kay Vedaclee? May sinabi o na kuwento ba si Veatrice tungkol sa kanya?" Tanong ni Zander. Umiling si Lance.

 This I Promise YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon