Zander's POV
Pumunta kami ni Maxielle sa Ancient City, Erawan Museum, Bang Phli Temple and Floating Market, Thana City Golf Club pero di rin kami nagtagal dahil biglang may kailangan kaming eh submit na report. Kaya back to hotel room kami para magtrabaho.
Nagtatype ako ngayon sa laptop ko ng may kumatok sa pinto. Tumayo ako at binuksan ito.
"Pupunta ako sa baba. Mahina ang connection ang wifi sa room ko. Kailangan ko ng malakas na---"
"Dito nalang room ko. I brought my own wifi malakas ang connection nito." Sabi ko.
"Wag na--"
"Sige na Maxielle di rin naman kita masasamahan sa baba dahil kailangan ko magfacetime kay Dad mamaya." Sabi ko sabay hila sa kanya papasok.
"Walang ibang table kaya diyan ka nalang sa bed. Ang password ay ****************" sabi ko. Bumalik na ako sa pagkakaupo doon sa may desk at binalik ang atensyon sa trabaho. Napansin ko naman na umupo na siya sa bed.
Habang nagtatype ako ng biglang magpop up ang facetime call ni Dad. Bumuntong hininga ako. Sinuot ko ang headset tsaka ko sinagot ito.
[Sino ba ang kasama mo diyan sa Thailand?] Kumunot ang noo ko.
"What ano bang tanong iyan Dad?"
[Ano 'tong mga sabi sabi na may babae kang kasama diyan. Di mo ba kasama ang naka na assign na aassocite sa iyo." Di niya alam na babae ang anak ng ka associate niya.
"Dad---"
[Zander sagutin mo ako.] Hindi niya nakikita si Maxielle ngayon dahil nasa may kilid lang naman ako at ang bed ay nasa may gitna na parte.
"Pati ba yan Dad pag aaksiyahan mo?"
[SAGUTIN MO NALANG AKO ZANDER!? SINO YUNG BABAE NA KASAMA MO? ASAN NA BA ANG KA ASSOCIATE MO? BUSINESS ANG PINUNTA MO DIYAN ZANDER AT HINDI GAGUHAN.]
Bumuntong hininga ako. "Kung girlfriend ko nga ang kasama ko Dad. Gaguhan ba ang tawag doon?"
[ZANDER!] warning tone ni Dad. Nagpigil lang ako sa inis.
"Gaya ng sabi niyo. This is business, kaya business ang pinunta ko rito. Yung girl, wag kayong mag alala dahil isa lang naman siyang babae na nakilala ko roon sa party. Iyong ka associate ko kasama ko siya that time but may kausap siya na business personel. Me, I just socialize Dad that's all." Palusot ko.
[Dapat lang Zander. Ayaw ko na kung sino sino ang magiging girlfriend mo." Sabay log out ni Dad. Bumuntong hininga ako. I just realize andito pala si Maxielle.
Hinubad ko ang headset at tinignan siya. "Sorry" sabi ko.
"You okay?" pag alala niya.
"Don't worry di ko sinabi ang identity mo." Sabi ko.
"Pero napagalitan ka naman?"
"Sanay na ako sa sermon ni Dad. Tsaka he believes my alibi."
"Still"
Bumuntong hininga lang ako at tumango.
"Patapos na ako sa report ko. Tapusin mo yang saiyo then continue na tayo sa gala natin." Sabi ko tsaka hinarap na ulit ang laptop ko. Narinig ko naman na pag bumuntong hininga siya.
----
Maxielle's POV
Andito ako ngayon sa labas ng room ni Zander. Nag excuse lang ako na may kukunin lang ako sa room ko pero ang totoo ay may gusto lang akong kausapin.