Zander's POV
Naglalakad na kami ngayon. Nakakawalang gana yung kumakain ka tapos may eksena sa Cafeteria. Pagkatapos ng lunch break ay nag tambay muna kami sa gymnasium. Lahat kasi kami ngayon may one hour vacant after lunch.
"Magsipagpasukan na kayo sa mga klase niyo." Order ni Captain. I look at the time 10 minutes nalang tapos na ang vacant namin at magsisimula na ang next classes namin.
Naglalakad kami ngayon sa hallway. "Sige mga Bro, dito na ako" sabi ni Lawrence tsaka siya pumasok sa class niya. Nagsipagpasukan na sila sa kanya-kanyang klase. Di naman kami magkaklase lahat ngayon eh.
"Oo, pala nawala nalang bigla si Marco." Sabi ni Samson.
"Aba ewan, baka pumasok na iyon." Sabi naman ni Anderson. Kami nalang tatlo ang magkasama ngayon. Magkaklase rin naman kami eh.
"Speaking of. Ayon oh nasa likod natim tumatawa." Sabi ni Samson. Napalingon naman kami sa likod at nakita namin na tumatawa nga ang ugok.
"Marco" tawag ko sa kanya. Napahinto naman siya sa pagtawa tsaka lumapit sa amin.
"Mga bro pasok na kayo. Papasok na rin ako" sabi biya at akmang lalakad sana siya ng hawakan ko ang manggas niya sa likod kaya napahinto siya.
"Lou naman eh. Nasasakal ako." sabi niya at nag iinarte pa na nasasaktan.
"Saan ka galing?" Tanong ko. Pagkatapos kasi namin mag tambay sa gymnasium. Nawala nalang bigla ang ugok na ito.
"Ba't ba tumatawa ka mag isa?" Tanong ni Anderson sa kanya.
"Nakakain kaba kaninang lunch? " Tanong ni Samson.
"Oo naman, tsaka, wala lang ito. Wag niyo na akong intindihin hheheheh. Ge alis na ako magkaklase pa naman kami ni Captain. Baka ma-punishment ako non. Ge mga bro pasok na kayu." Ayun nagmamadali na siyang maglakad.
"Ugok na gago na baliw pa." Komento ni Samson habang napailing. Tinignan ko siya.
"O ba't ganyan ka makatingin Lou?" Tanong niya sa akin.
"May gusto ka kay Samson, Lou? Eh di kayo bagay." Sabi ni Anderson sabay inarte na nandidiri.
"Aisshhh mga baliw." Sabi ko tsaka nauna ng maglakad sa kanila.
"Hehheh joke lang Lou." Natatawang sabi ni Anderson. Humabol ang dalawa sa akin. Mga gago na baliw pa talaga.
Malapit na ako sa room kung saan ang klase naming tato ng may biglang bumangga sa akin.
"Sorry po." Paumanhin niya tsaka siya tumakbo at nakita kung pumasok siya sa room kung saan ang klase rin namin ngayon. Classmate ko yun? Hmm whatever.
Binalewala ko nalang ng makarinig ako ng may tumawag. "Noel" pero di ko ito nilingon. Naglakad lang ako at papasok na sana ako ng.
"Wait lang" Ako ba sinabihan non? Binalewala ko ulit at papasok na ako ng...
"Sandali lang" huminto na ako at this time nilingon ko na yung nagsalita.
"Yes? Am I the one who you referring at?" I calmly ask. She nodded ng makapalit sa akin.
"Nakita ko na nabangga ka nung babae ganina."
Tumango ako. "Ah. I see, kilala mo? Can you tell her to look at her way." Kalmado pa rin ako.
"Oo, I apologize on her behalf." She nicely said.
I just nod tsaka pumasok na. Napansin ko na pumasok rin siya kasunod sa akin. Umupo na ako sa pinakahulihang upuan kung saan ang spot namin. Nakatingin lang ako sa kanya na ngayon nasa unahan katabi yung babae na nakabangga sa akin kanina.