23 💞

49 4 0
                                    

Third Person's POV



Kararating lang ni Zander sa tapat ng building ng F-Inc. Bumaba na siya ng kotse niya at tinungo ang entrance. Wala na ang mga empleyado ngayon dahil hapon na. Pagpasok niya ay sinalubong naman siya ni Charles.

"Hello Sir, are you Mr. Zander Lou? Tumawag sa akin si Miss N kanina."

"Yes, I just want to talk to Maxielle. Also, di mo sinabi sa kanya--"

Umiling ito. "No Sir, sabi ni Miss N. Kaibigan ka raw nila and importante ang pinunta mo rito. This way po." Tumango naman si Zander.




---





Nakarating na sila sa floor kung saan ang office ni Max.

"Sir, go ahead po. Ang alam kasi ni Miss M ay nakauwi na ako. Sige po."

"Thanks."

Naglakad na siya patungo sa pinto. Kumatok na si Zander at nagsalita naman si Max na pasok raw.  Kaya pumasok naman si Zander at nakita niya na may hinahanap si Max sa cabinet nito.

"What is it--" napatigil si Max ng pagtingin niya ay si pala Zander ito.

"Yes?" nakataas ang kilay nito.

"Uhm, nagpatulong ako na makapasok dito."

"Ah! Ganun ba." Umupo na si Max sa swivel chair niya.

"What brings you here?" Tanong ni Max na hindi man lang tinignan si Zander. Pumunta si Zander sa may harapan ng table niya.

"To talk to you." Sabi ni Zander.

"What is it?" tanong nito habang abala sa pagtingin sa files.

"Success ang result." Sabi ni Zander. Napatigil si Max at tinignan si Zander.

"Good to hear that." Sabi ni Max at binalik ang atensyon sa ginagawa niya.

"Maxielle."

"Yes?"

"Why don't we celebrate sa success natin." Sabi niya. Nag isip naman si Max.

"Wala si V, si Noel pinapasundan ko si Clee. Si Clee naman ayun di nagpupunta rito sa company. Maraming kailangang gawin." Sabi ni Max. Tumango-tango si Zander.

"Ganun ba." Walang ganang sabi ni Zander. Tumayo na si Max at lumabas sa office niya at nagtungo sa desk ni Charles. Sumunod naman si Zander sa kanya.

"Bakit ba?" Tanong ni Max.

"Alam mo kung saan ang Lions Bar diba? Andoon lang ako kung gusto mo, pwede kang pumunta. Congrats sa success natin Maxielle." Sabi ni Zander at umalis na. Nagring yung phone ni Max kaya bumalik siya sa loob ng office niya. Pagpasok niya sa office niya ay lumingon si Zander at tsaka naman sumakay sa elevator.







-----









Pasakay na ng kotse si Max ng biglang may kotseng huminto malapit sa kanya. Pagkatingin niya ay si Vedaclee ito.

"Clee."

"Uuwi kana?" Tanong ni Vedaclee while nasa loob siya ng kotse niya. Kakalabas lang ni Max sa company.

"Oo, good thing nagpakita ka. Bukas I need you to--"

"Nah! Ayaw ko." umiiling na sabi nito.

"Clee!" Warning tone ni Max. Nagsmirk si Vedaclee.

"One condition, puntahan mo siya ngayon sa Lions Bar. Kawawa siya lang mag isa doon. See ya tomorrow." Tsaka umalis ba si Vedaclee. Tumingin si Max sa relo niya.

 This I Promise YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon