4 💞

79 6 0
                                    

Maxielle's POV






Nakalabas na kami ng bar ni couz na natanaw na namin na parang inaasar ng kapatid ko si Clee.

"Noel" tawag ko sa kanya, napatigil siya sa kakatawa niya.

"Tsk! Max, patigilin mo itong kapatid mo. Nakakaasar." Asar na asar na talaga si Clee. Kitang kita sa mukha eh.

"Noel pasok na." Sumakay na ako sa driver seat. Pumasok naman siya then pumasok narin rin Couz at Clee kasunod.

Inistart ko ng engine. Tahimik lang kaming apat. Hanggang sa nakauwi na kami.

"Noel akyat na." sabi ko kay Noel. Nauna naman siyang umakyat. "Couz." Tinignan ko pa ang magkapatid.

"Matulog kana Max." Sabi ni Couz sa akin. Tumango nalang ako.

Nakaakyat na ako ng second floor. Sinilip ko muna si Noel sa kuwarto niya. Ayun nakadapa sa kama niya. Sinara ko na ang pinto at naglakad na sa kuwarto ko.




---





Kinabukasan..

Bumaba na ako ng madatnan ko ang dalawang magkapatid. Tahimik lang silang kumakain.

"Kain na" Sabi ni Veatrice sa akin. Kumuha ako ng coffee.

"Sabay nalang kami ni Noel." sabi ko. Tahimik lang si Clee na kumakain.

"Yung klase niyo?" Tanong ni V.

"Magkaklase kami ngayon at mamaya pa time namin." Tumango naman siya sa akin tsaka tumayo na.

"Bilisan mo. Sa akin ka sasakay." Sabi ni Couz without looking at Clee. Nang makaalis na ito ng dinning area.

Kinalabit ko si Clee. Nilingon niya naman ako. "Anong nangyari doon?"

Bumuntong hininga siya. "Pinagalitan niya ako kagabi."

Umupo na ako. "Ikaw kasi diba, ayaw na ayaw ng ate mo na nagiging sadista ka. Lalo na at di mo pa kilala yung tao." Sabi ko. Sadista kasi ito sobra eh. Hilig sa gulo aishhh! Basta magulo.

"Sige na, sunod na ako. Bago pagalitan na naman ako non." Sabi niya at tumayo na.

"Mabuti pa, sige ingat." Sabi ko. Kahit naman ganun. Mahal ni Vedaclee si Veatrice at mahal rin ni Veatrice si Vedaclee kaya nagrerespituhan parin sila sa isa't isa. Iyang si Vedaclee kahit ganyan yan. Pag si Veatrice na ang kaharap, uurong na yan. Nirerespito kasi niya ang ate niya.

Kaya pagpinagalitan siya nito ay iniintindi niya at tinatanggap niya na may mali siya.

Humihigop lang ako ng coffee habang nagmuni muni.

"Good morning Ate" at iyan na ang makulit kong kapatid. Umupo na siya sa tapat ko.

"Nakaalis na sina Clee?" Tanong niya.

"Oo, sinabay siya ni V. Kain na." sabi ko. Kumuha na kami ng pagkain.

"Oo, pala ikaw, next time. Pwede ba kung alam mong asar na si Clee wag mo nalang asarin lalo."

"Eh ang sarap asarin ate eh. Pikon." Natatawang sabi niya.

"Alam mo na ngang pikon eh. Pinipikon mo lalo. Napagalitan na nga ni V eh." sabi ko.

Sumimangot naman siya. "Eh ikaw din naman ah. Pinapagalitan mo ako ngayon."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Di kita pinapagalitan. Pinagsasabihan lang. Magkaiba iyon. Kain ka na nga. Maliligo ka pa." Patuloy lang kami sa pagkain. Pagkatapos ay nagprepare na kami para sa pagpasok sa skwela.

 This I Promise YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon