Noel's POV
Andito pa kami ngayon ni Ate sa bahay. Nauna nang pumasok sina Clee dahil maaga ang klase nila at kami naman ay mamaya pa ang klase namin ni Ate. Andito ako ngayon sa sala. Wala lang nakahiga lang sa sofa. Di pa ako naliligo at nag agahan. 8 o'clock na pero antok pa ako kasi naman. Ikaw ba naman di antukin ng pinagalitan ni V si Clee kagabi. Ang ingay kaya hindi ako nakatulog. Si Clee kasi...
"ARAY!" Sigaw ko sabay napabangon. Napatingin ako, heheh si Ate pala ang bumato sa akin ng tuwalya.
"Hi ate" bati ko. Nakabihis na siya. Ang early bird talaga nitong si Ate. Ki aga aga pa naman pero naka ayos na.
"Maligo kana, kakain na muna ako." Sabi ni Ate at maglalakad na sana ng agad akong lumapit kay sa kanya.
"Kakain muna rin ako ate" sabi ko. Tinaasan ako ng kilay ni Ate.
"Kanina ka pa rito sa baba di kapa kumakain?" May pagkairitang tanong ni Ate.
"Hehe oo ate, kasi gusto ko na sabay tayong kumain." Sabi ko na pa sweet tone. Inisnaban ako ni Ate.
"Wag kang nang pa sweet di mo ako madadala sa ganyan mo." Sabi ni Ate at nauna ng maglakad patungo sa dining area. Umupo na siya kaya umupo na rin ako. Hehe sabi ko nga di madadala si ate eh sa sweet sweet ko eh.
"Kumain kana at magbihis. Di porket mamaya pa ang klase natin ay ganyan ka kumilos ang bagal mo talaga." Tumango naman ako. Kumuha na kami ng pagkain at nagsimula ng kumain.
"Oo nga pala. Mamaya, puntahan mo si Clee." Sabi ni Ate. Napatingin ako kay Ate.
"Bakit naman?"
"To make sure na di na naman siya gagawa ng ikagagalit ni V." sabi ni Ate. Hays ang hirap pa naman iyong kausap si Clee. Ang tigas ng ulo. Kahapon lang kasi may nangyaring gulo ng dahil sa kanya.
"Eh Ate bukas nalang. Baka wala rin sa mood si Clee ngayon. Kagabi pa siya pinagalitan ni V diba? Baka naman di pa yun gagawa ng gulo ulit." sabi ko. Umiling naman si Ate.
"But atleast told her or remind her to stay away from trouble." Sumimangot ako. "Noel, makikinig at nakikinig si Clee sa iyo." sabi ni Ate.
"I'll try" sabi ko. Tumango naman si Ate at kumain na ulit kami.
"Bilisan muna diyan" Tumango ako kay ate. Kumain ako ng mabilis at ng matapos na ako ay umakyat na ako at ginawa ang gagawin ko.
Pagkatapos kung maligo at magbihis ay agad agad akong bumaba. Baka mapagalitan pa ako ni Ate dahil ang bagal ko raw. Sorry naman dapat maganda at maayos ang buhok ko.
"Miss Noel" tawag ni Butler ng makababa na ako. "Nasa labas na ho ang ate niyo" sabi niya.
"Okay, thanks butler" sabi ko at lumabas na ng bahay. Nasa loob na ng kotse si Ate at hinihintay ako. Pumasok na ako sa kotse niya at ng makapagseatblet ako ay inistart na ni Ate ang kotse.
Pagkarating namin sa University. Naglakad na kami ni Ate patungo sa classroom namin. Pagkapasok ni Ate ng room ay biglang nag vibrate ang phone ko. Huminto muna ako sa may pinto at binasa ang message ni Clee. Napalaki ang mata ko.
"ATE! ATE! ATE!" Tawag ko kay ate at lumapit na sa kinauupuan niya. Takang tumingin naman siya sa akin. Umupo ako sa tabi niya at pinakita ang message ni Clee.
"Sino kaya iyan ate?" Tanong ko. Taas kilay lang ang reaction ni Ate sa message at binalik sa akin ang phone.
"Don't you think si Adam Hills yun ate?" tanong ko.
"Probably" sabi ni ate. Biglang pumasok ang Professor. Matapos ang klase ay biglang tumayo si Ate at lumabas na ng room. Nakasunod lang ako sa kanya.
"Go with Clee. Pupunta ako sa F-corp." sabi ni ate. Tumango lang ako. Nakababa na kami ng building at si Ate ay naglalakad na papunta sa parking area.