Fuentes Mansion
Maxielle's POV
" Miss Maxielle " Salubong ni butler sa akin.
"Pagdating ni V pakisabi nasa library lang ako." Sabi ko.
"Yes po Miss. May pinadala po palang package ang Dad niyo. Nasa library po" sabi ni Butler. Tumango lang ako at naglalakad na ako patungo sa library. Pagpasok ko ng library, biglang nag ring ang phone ko. Si Dad.
"Dad, Hi"
[Are you girls okay? Nakarating na sa akin ang balita tungkol kay Adam Hills. Pinapatrace ko na siya ngayon. Nasabi rin ni Noel sa akin na muntikan ng mapahamak si Veatrice.] Naku naman talaga itong si Noel ang daldal.
"Dad okay lang naman si V. Alam mo naman yun."
[Still, dapat nag iingat parin kayu at dapat talaga na may pang defense kayo.] Napatingin ako sa malaking package.
"Sige na Dad. I know busy ka. Don't worry too much." napatingin ako sa may pinto. Andito na si V. Sumenyas ako sa kanya na sandali muna. Tumango lang siya at pumasok na.
[Okay. Just take care of each other.]
"Yes Dad, bye" and he end the call. Napatingin ako sa kay V. Kinuha niya ang box at pinatong sa table. Lumapit ako sa kanya. Puno ito ng mga baril. It's legal, kaya no worries.
Napatingin siya sa may braso ko. "Daplis lang" sabi ko, kasi naman ewan ko kung saan ko ito nakuha.
"Tch, daplis lang maniwala ako sayo" sarkasyong sagot niya. Nagkibit balikat lang ako.
---
Andito ako ngayon sa baba ng makasalubong ko si Noel.
"Sorry, di na kita nabalikan kanina." Sabi ko galing kasi ako sa F-Corp.
"Ayos lang Ate." sabi ni Noel ng bigla nalang pumasok si Clee tsaka mabilis na umakyat sa taas.
"I get a ride with Clee" dugtong niyang sabi. Napatingin ako kay Noel dahil nagtataka ako kay Clee.
"Pinatawag si Clee kanina sa Dean and I don't know kung ano ang nangyari. Di niya ako pinasama eh" sabi ni Noel. Tumango lang ako.
"Halikana mauna na tayong kumain." Sabi ko at naglakad na patungo sa kusina. Umupo na kami.
"Ate, ano na ang balita sa F-corp?"
"Well, ayos pa naman. Di pa naman nakakaaksyon si Adam. Tsaka, Pinatrace narin siya ni Dad."
Tumango naman siya. "How's Dad?" Tanong niya.
"He's worried. Uhm, may pinadala rin siyang package. Punto ng mga baril for defense." Sabi ko. Sumimangot naman siya.
Tumaas ang kilay ko. "What's with the face?" Tanong ko.
"Yung car ko" nakasimangot na sabi niya. Napangiti naman ako.
"Kumain kana" sabi ko. Nakasimangot parin siya. Kumakain na kami pagkatapos ay umakyat na siya sa kuwarto niya. Ang totoo niyan ay pinadala na ni Dad ang kotse niya, nasa garage na nga ngayon and nasa akin narin ang susi. Bukas ko nalang ibibigay sa kanya.
-----
Zander's POV
Kakauwi ko lang ng bahay. Andito ako ngayon sa banyo, nagsho-shower. Napaisip naman ako sa nangyari kanina.
Nakakatapos lang namin mag practice non. Badtrip na badtrip ako dahil kay Dad. Just because may isang email lang ako na hindi nasagot agad, he's so mad. Dahil sa badmood ako. Pagkatapos kong magbihis ay naglakad lakad lang ako. Tutal wala na naman din akong klase. Until sa nakarating ako malayong parte ng field. May lumang building but sa likod nito ay may bermuda grass and mga kahoy.
Hapon na rin and medyo dumidilim na. Nang mapansin ako na may babae na nakahiga then biglang tumayo ito. Napatingin ako at may nakita akong lalaki na tumakbo. Napansin ko naman ang isang dagger na nakatusok sa bermuda grass, may konti dugo ito.
Tumunog ang phone ko and it's dad again. Kaya, naglakad na ako until sa makarating ako sa parking area. I just saw the girl, nung nanghingi ng sorry sa akin dahil nabangga ako nung isa pang girl. Napatingin ako sa kanyang may braso and may sugat ito but lalapitan ko sana ng sumakay na siya sa kotse niya then umalis na.
Done na akong maligo and nagbihis na ng pajama and sando. I was about to lay down ng tumunog ang phone ko. Kumunot naman ang noo ko dahil unknown number ito.
"Who's this?" tanong ko ng masagot ko ang tawag.
[Ah Sir Zander]
"Who's this again?"
[Sir, si Tina po ito, empleyado ni Miss Cycy.]
"Why?"
[Sir, si Miss Cycy ho---]
"What happen? Asan siya?"
[Andito po siya sa Sunshine Restaurant, Sir] She said and I end the call immediately. I grab my keys and went down stairs. Sumakay na ako sa kotse ko while dialing Chen's number.
[Bro?]
"Where are you?"
[Lions Bar nag away kami ni Dad, why?]
"Si Cycy raw"
[WHAT!? WHAT HAPPEN TO HER? FUCK! WHERE SHE IS?!]
"Sunshine Restaurant" I said tsaka inend call na ang tawag. Ano kayang nangyari kay Cycy?
Nakarating na ako sa Sunshine Restaurant and ng makapagpark na ako ay bumaba na agad ako. Ilang minuto lang ay nakarating na si Chen and it went bad.
Andito kami ni Cycy ngayon sa kotse ko. Ihahatid ko na siya sa kanila. She's crying and si Chen ayun susunod lang siya.
Nakarating na kami sa bahay nila and umakyat na si Cycy sa kuwarto niya habang ako ay nakaupo sa sofa rito sa sala. Napatingin ako kay Chen na gali na galit ang mukha.
"Hitsura mo parang nakapatay ka ah" sabi ko sabay tayu.
"Malapit ko ngang mapatay. Mambastos ba naman at kapatid ko pa." galit na sabi niya.
"Nasa kuwarto na si Cycy."
Tumango siya. "Thanks Bro."
Tinapik ko lang ang balikat niya at ako ay lumabas na ng bahay nila. Nakasakay ako ng kotse ko ngayon. May eskandalo kasi kanina sa Sunshine Restuarant and number ko ang tinawagan ng empleyado ni Cycy. Cycy is our bunso kaya kahit sino sa aming Lions ay prinsesa ang turing sa kanya. Pagnalaman ito ng ibang Lions na may nambastos kay Cycy tiyak magagalit din ang mga iyon. Si Chen nga kapatid talaga ni Cycy ay kanina parang makapatay sa galit. How much kung pati ang mga Lions rin.