AUTHOR'S NOTE:
HI! AFTER SO MANY YEARS! DECIDED TO PUBLISH THIS AGAIN! ENJOY READING!
CHAPTER 1
Hindi maipinta ang itsura ni Alex sa sinabi ng kaniyang kuya. Sinabihan kasi nito siyang umuwi nang Pilipinas dahil sa may pinoproblema nanaman ang kaniyang kuya. O baka ang kaniyang mga magulang nanaman.
"You need to come back here Alex. Kailnagan ko talaga ng tulong mo. Please princess..."
"NO! Ayokong umuwi!" mataas ang tonong sabi nito sa kaniyang kapatid.
"But Alex! Please kahit ito lang princess.. Kuya needs you! I need you so please go home now.. Our parents need you..."
Bagamat naiinis ay bahagyang nanlambot si Alex sa boses na iyon ng kaniyang kapatid. Tila desperado na itong umuwi siya sa Pilipinas. Ngunit muling sumagi sa isipan niya kung paanong ipagkasundo ito ng kaniyang mga magulang sa mga lalaking hndi niya man lang nakita o nakilala.
"No. Hindi ako uuwi. And that's final!" inis na sigaw niya sa kuya niya through phone call at tuluyan ng ibinaba ang tawag. Inis na inis sya sa narinig. Maayos ang buhay niya sa Korea at maayos niyang napapatakbo ang pag aaring clothing line at hindi niya magagawang mag bantay ng paaralan.
Ayaw niyang umuwi ng Pilipinas dahil ayaw niyang marinig na ipagkasundo nanaman siya ng kaniyang mga magulang sa mga lalaking hindi naman niya kilala.
Pero muli nanamang pumasok sa isipan niya ang mga sinabi ng kaniyang kapatid kanina sa tawag.
'I need you princess.. Our parents need you..'
"Nakakainis!" panandaliang nahiga sa kaniyang kama ang dalaga at nag isip.
'ano nanaman kayang gagawin ko pag umuwi ako? tiyak na mag se set nanaman ng arrange marriage ang mga magulang ko'
Mula sa pag kakahiga ay muli siyang bumangon at tinawagan ang kaniyang secretary.
"Hello Agnes. Book me a flight tomorrow morning to Philippines. Thank you." Napipilitang mag empake ito ng kaniyang mga damit.
Nang matapos itong mag empake ay tinawagan niya ang kaniyang pinsang babae na si Channel.
"Hello my cousin! Napatawag ka?" si Channel ay pinsan ni Alex na may ari ng mga mall sa America at sa iba't ibang parte ng mundo.
"Ahm.. may sasabihin ako..."
"ahh alam ko na yag sasabihin mo. Tinawagan na ako ni kuya Allen at pumayag na akong bantayan ang company mo hee in Korea." Napahilamos nalang ng mukha kasabay ng pag buntong hininga si Alex. Talagang plinano ito ng kaniyang kapatid at wala na talaga siyang magagawa.
"Don't worry ako ng bahala sa company mo. Umuwi kana ng Pinas" walang nagawa ang dalaga kung hindi sumang-ayon sa sinabi ng pinsan.
'Humanda ka sakin kuya kapag nakauwi ako..'
"Please sir don't go. Gagawan namin ng paraan ang section 13! kung kinakailangan ay parurusahan namin sila huwag niyo lang silang bitawan!" ilang beses ng pinakikiusapan ni Allen ang kasalukuyang History teacher at adviser ng section 13 na si Mr. Sanchez na nag pasa ng resignation letter. Ito na ang ika-sampung adviser na nag resign dahil sa kagagawan ng mga sakit sa ulong estudyante ng section na iyon. Nag patawag siya ng meeting kasama ang mga teachers ng 4th year nang matanggap niya ang nangyari sa section 13.
"Ayoko na! mamamatay ako nang maaga sa mga asal hayop na etudyanteng iyon! Gusto ko pang mabuhay nang matagal!" anas ng matandang guro.
"Please sir give us chance para maayos po ito. Huwag po muna kayong umalis..." sabi naman ng isang babaeng guro sa biology na si Ms. Ayumi Chan.
YOU ARE READING
Ang Teacher ng Section 13
RandomSi Alex ay isang successful fashion designer, model at the same time ay owner ng isang clothing line sa Korea. Malaya siyang naumuhay roon, nang walang kumokontra sa mga desisyon niya. Wala siyang ibang gusto kung hindi ang passion niya sa pag gawa...