Chapter 16

905 41 4
                                    

CHAPTER 16

'Wae? Bakit kailangang mangyari iyon? Nande?! Bakit dn pa sa estudyante  mong saksakan ng sungit?!'

"Ms. Nivera? Ayos ka lang?" 

'Nakakahiya ka Alex... bakit nang harass ka ng estudyante mo? bakit mo hinayaang mangyari iyon? Bakit tatanga tanga yung bato don? bakeetttt?'


"Uy Ms. Nivera, okay kalang? Anong nangyare?"


'Tama Alex, kasalanan ng bato iyon, wala kang kasalanan. Tama! Itumba mo yung bato.. itumba mo! itmba moooo-----


"MS. NIVERA!"


"ITUMBA MO!" wala sa wisyong naisigaw ni Alex habang nasa harapan ng head teacher. Gulat namang napatingin sa kaniya ang lang teachers na nasa loob ng faculty room. Agad ding bumalik sa wisyo ang dalaga at tiningnan ang mga teacher na nag tataka sa kaniya.


"Anong itumba ang sinasabi mo Ms. Nivera?! May ginawa nanaman bang gulo ang section 13?" galit natanong ni Mr. Quizon sa kaniya. Agad namang umiling ang dalaga.


"N-nako w-wala po Head teacher hehehehe" alanganing tawa niya pa sabay umpo ulit sa upuan niya.


'Iba ka talaga Alex... tsk tsk'


"Nga pala advisers, kumusta ang pag momonitor sa mga estudyante niyo? Tandaan niyong isang linggo lang ang binigay na time para makapag training ang mga students niyo para sa sports fest.  Binabantayan niyo ba sila nang maayos?"


"Yes sir." Sagot ng ilang advisers maliban kay Alex. Agad iyong napanin ng head teacher kaya naman lumingon muli ito sa dalaga.


"Ms. Nivera?"


"A-ah yes sir! Hehehehe!" parang lutang pang sagot ng dalaga sa head teacher. Nang makaalis ang head teacher ay mabilis na dumukdok ang dalaga sa mesa niya. Hindi parin niya malimtan ang nangyari sa field kanina.

[FLASHBACK]

Hindi agad na nakagalaw ang dalawa. Parehas silang naestatwa sa kinalalagyan at hindi pa rin nag hihiwalay ang mga labi nilang dalawa.

Nang makabalik sa kaniyang katinuan, hindi namalayan  ni Alex ang pag tayo at ang pagtakbo niya paalis sa field. Nakahiga, at tulala namang tiningnan ni Jun ang napakalaking puno na nasa harap niya.


"F**k, what the hell was that?" naibulalas na lamang niya nang makitang wala na ang dalaga pagkabango niya. Hinawakan niya ang kaniyang mga labi at muling inalala ang nangyari.


"Sh*t, I can't believe it..." wala sa sarili ngunit nakangiti namang sabi ng binata.

.................

Nang makapasok sa faculty room ay agad na dumiretso ang dalaga sa Comfort Room. Doon ay napatingin siya sa salamin at muling naalala ang nangyari.


'Kyaaaah! Oh My God! Ang first kiss ko wala na!!!!' napapikit siya dahil sa pagpipigil niyang sumigaw. Hanggang ngayon ay parang nangangarera ang puso niya sa sobrang bilis. Hindi niya alam ang gagawin lalo na't hindi niya alam kung paano siyang haharap sa section 13 mamaya.


'Paniguradong nandoon siya Alex.. huhuhu anong gagawin ko?!'

[END OF FLASHBACK]
"Anong gagawin ko?" nakadukdok sa lamesa na sabi niya. Nasa ganoon siyang sitwasyon nang biglang mag ring ang cellphone niya

Calling...
Kuya~

"Alex, you have to go here in my office. Narito na sina Yuta. Dali, nandito na rin si Sab." iyun lamang ang sinabi ng kuya niya at pinatayan na siya. Parang nanlulumo naman siyang tumayo at inayos ang mga gamit niya.

Nang makalabas ay iniwasan niyang dumaan sa canteen dahil marahil ay naroon ang section 13 at ang binata kaya naman nag mamadali siyang pumunta sa Principal's office. Sakto namang naglalakad patungo sa direksyon niya ang grupo nina Ren na dala ang mga gamit na iniwan niya kanina sa field nang hindi niya napapansin dahil sa lingon siya nang lingon sa likod. Kaya naman nabangga niya ang mga ito nang hindi niya namamalayan.


"YAH! TUMINGIN KAYO SA DINADAANAN NIYO NAIINTINDIHAN NIYO BA?!" Sigaw niya sa mga ito ang hindi tumitingin.

"Stella? Anong nangyayare sa'yo?" napatigil naman ang dalaga atsaka dahan-dahang tiningnan ang mga nabangga. Gulat niyang nakita sina Ren, Roigie, Niccolo, Josh, Justin AT JUN!

"Oi, Stella, Ayos kalang?"

"Luh! Namumula ka! May sakit ka ba?" Tanong naman ni Josh habang nakatingin sa dalaga na nakatingin kay Jun... NA NAKANGISI NGAYON SA KANIYA!

"TABE!" sa taranta ay binangga niya ang mga ito atsaka tumaktakbong lumayo sa kanila.


"Luh, anong nangyari don?" nag tatakang tanong ni Justin.


"Baka ine lbm kaya nag mamadali." Natatawang sabi naman ni Niccolo.


"Tayo na, nasa gym na yung iba. Habang wala pa si Stella matulog muna tayo don." Sabat naman ni Roigie. Nauna nang mag lakad si Jun na hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala ang ngisi sa mukha.


Samantala, sa gitna ng tawanan nina Yuta at Taki ay pabalibag na bumkas ang pintuan ng Principal's office dahilan para matigil silang dalawa. Natigilan din sa ginagawa sina Sab, Allen at Sho nang Makita ang hinihingal na dalaga na pumasok sa office.


"Riida? Daijoubu? (Leader? Are you okay?)" tanong ni Taki ngunit tila hindi siya nakita ng dalaga at tumingin pa ito sa bintana na parang may tinataguan.


"Hay sa wakas! Wooooh!" nakahinga nang malalim si Alex nang walang nakitang tao sa labas ng office ng kapatid. Iniisip niyang baka sundan siya ng mga kwatog kaya naman binilisan niya na ang pag takbo patngo sa office ng kuya niya. At laking pasasalamat niya at wala ang mga ito. malamang ay nasa gym na sila niyan.


Nang tingnan niya ang kuya niya ay laking gulat niya nang Makita ang mga ito na nakatingin sa kaniya.


"H-hehe.. yow watsup!" nag tataang tiningnan naman siya nang mga kasama atsaka pinagmasdan itog naupo sa sofa. Nakita ni Alex na may mga nakahain nang pag kain sa mesa ng kuya na hindi pa nagagalaw kaya naman nilapitan niya ang mga ito.

"Uyyy! Mukhang masarap ang mga ito ah!" agad niyag kinuha ang chopstick atsaka kumuha ng pagkain.

"Itadakimasu! (Thank you for the food)" atsaka kumain. Gulat namang tiningnan siya ng mga kasama. Tiningnan siya ng mga ito na tila ba hindi siya ang reyna ng gangworld at may ari ng isang sikat na clothing line sa buong mundo.  Nang mapansin na walang gumagalaw ay tumigil sa pag kain ang dalaga at tiningnan sila.


"Yah, kumain na kayo. Masamang pag hintayin ang pag kain aba!" singhal niya sa mga ito kaya naman nag si kilos naman sila ngunit taka pa ring pinag masdan ang dalaga na parang gutom na gutom sa pag kain.


"Is there a problem Alex? What happened?" tanong naman ni Allen sa kapatid habang kumakain ito.
"Are you alright Alex?  You look upset earlier." Nag-aalalang tanong naman ni Sho sa dalaga. Tumingin naman ang dalaga sa kanila habang kumakain.


"Ano ba kayo, pagod lang si Alex dahil nga sa practice diba? Tingnan niyo naman, section 13 ba naman ang hawak niya. Diba Alex?" pangunguna naman ni Sab.

"Tama siya. Nako, kayo kaya ang mag train sa mga mokong na iyon!" nag patuloy sap again ang dalaga gayon din ang mga kasama. Ngunit pansin niya ang nag aalalang tingin ni Sho sa kanya. Tumingin naman siya rito at ngumiti.

"Daijoubudesu, Sho-kun..(I'm okay, Sho)" ngumiti naman ang binata atsaka tumuloy na sa pag kain. Habang kumakain ay pansamantalang nalimutan ng dalaga ang nakakahiyang pangyayari kanina sa field. Nakipag kwentuhan siya sa mga kasama pag katapos kumain.


"By the way, Yuta and Taki, you already know why did I told you to go here right?" tanong ni Alex sa dalawang kasama. Nakaimangot na tumango naman ang mga ito sa kaniya. Natatawa namang tumingin sa dalawa ang dalaga.


"Wait, don't tell me sila ang mag te  train sa section 13 ng cheering?" gulat na sabi ni abs a kaibigan. Tumawa naman ang dalaga at muling tiningnan ang dalawa na nakasimangot na.


"Yah, you are both pro in cheering! Don't worry, wala namang haggis haggis doon eh, more on formations and chanting so you can do it!" nakangiti namang sabi ni Alex sa dalawa.


"Fine, anything for you Kohi." Parang walang choice na sabi naman ng dalawa. Nang maayos ang usapan sa dalawa ay tumingin naman si Alex kay Sho na nanonood ng TV.

"And Sho-kun????" nagpapacute na tawag ni Alex sa binata. Hindi naman siya tiningnan nito.

"Hmm?" sagot nito habang abala sa panonood.


"Alam mo rin ang gagawin mo diba? Dasukette kudasai~ (Please help me)" nag papacute pa ring sabi ng dalaga. Parang bored naman na tiningnan ito ng binata.


"Hai." Parang wala din choice na sabi nito sa dalaga. Lumaki naman ang ngisi ni Alex sa kanila. Iiling iling namang tinignan ni Allen ang kapatid. Alam niyang ang mga ito ang mag tetrain sa section 13 dahil walang alam ang dalaga sa ganyang mga sports dahil ibang sports ang natutunan nito. At iyun ay ang taekwando, judo, archery, at fire shooting. Iyun ang sports ng kapatid niya kaya naman wala itong ka alam alam sa mga pangkaraniwang sports.


"TSa! It's already time! Hinihintay na tayo ng mga students ko sa gym. Wear your disguise guys!" masiglang sabi naman ng dalaga.

"Eh?" takang tiningnan siya ng mga kasama. Natatawa namang kinuha ni Sab ang tatlong kulot na wig at nerdy glass atsaka hinagis sa tatlo na agad din namang nasalo ng mga ito.


"Hindi kayo pwedeng makita ng mga estudyante kong mga bigatin ang itsura. Baka mag taka ang mga iyon noh."

"Kuso. Seriously Alex?"

"Let's go!" nauna namang lumabas ang dalaga para mag tungo sa gym.

.........

"Darating pa ba si Stella?! Gusto ko nang umuwi!"

"Saan ba nag punta yung panget na yun? Anong oras na oh!" reklamo ng ilang section 13. Kompleto na silang lahat sa gym. Ang sabi ay naka reserve para sa kanila ang gym ngayon sabi ng head teacher kaya naman walang ibang tao sa loob kng hindi sila. bukas ay  ibang section ang gagamit ng gym kaya naman doon sila sa covered court bukas sa likod ng building nila.


"Tapos na rin itong flag natin!" sabi ni Jerald at Kenneth na silang gumawa sa flag nila.


"Whoa! Ang astig niyan ah! Haha!" hangang sabi naman ng ibang kaklase nila sa kanilang dalawa. Tapos na rin ang ilang mga gagamitin ng section 13 para ipag cheer ang mga kaklase sa susunod na linggo.


"Ayos iyan! Para naman walang masabi si Stella hahaha!"
"Totoo! Baka tayo naman ang patakbuhin non bukas sa oval!"

Tahimik namang nakaupo sa bleachers ang anim na kagigising lang. hinihintay nilang dumating ang teacher. Tulad ng iba ay nag tataka rin sila kung bakit wala pa ang dalaga samantalang time na. baka Makita nanaman sila ng matandang head teacher na walang ginagawa at baka mapag initan sila.

Maya-maya pa ay dumating na si Alex na may kasamang tatlong lalaki. Napatingin ang buong section 13 sa kanila.


"Eh?"

"Sino iyang mga iyan Stella?"

"Kamag anak mo ba iyang mga iyan?"

"Gunggong! Nag tanong ka pa eh kamukha naman niya iyang mga iyan oh!" nag tawanan naman sila Bruno habang nakakuyom naman ang kamao ng tatlo na akala mo'y anumang oras ay susugurin ang mga estudyante.


"Omae-ra, nanika o suru no wa hikaete. (You guys, refrain from doing something.)" ani Alex nang Makita ang sabay-sabay na pag kuyom ng kamao ng tatlo.

"Hai (yes)." Mahinang sagot ng tatlo. Lumapit ang dalaga sa section 13 atsaka humarap sa kanila.

"Yung mga naka aassign kanina, pumila na. BILIS!" nagulat naman ang lahat nang mag echo ang boses ni Alex sa buong gym. Dali-dali silang tumayo at pumila nang maayos. Nag tinginan naman sina Taki at Yuta.


"Sugoi...(Amazing)" natatawang sabi nilang dalawa.


"Listen! Silang dalawa ang mag tuturo sa inyo ng cheering! Kung nakikita niyo ang malaking drum na iyon! Kayo ang gagamit non. Maliwanag ba?" humarap namang ang dalaga sa dalawang kasama.


"I will leave them to you. And do what I have said. Avoid doing unnecessary things." bulong niya sa dalawa. Tumango naman ang dalawa atsaka tumingin sa section 13.


"You.. follow us" matigas na sabi ni Yuta sa mga ito na agad namang sumunod. Nag tungo ito sa isang room sa gym para doon mag practice.

Nang makaalis ang mga ito ay tumingin ang dalaga sa natitirang kasama.

"Sho-kun, sila ang players sa basketball." Itinuro ni Alex nang hindi tumitingin ang mga players ng basketball.

"Hmm.. interesting. Seems they don't need a trainer." Nakangising sabi naman ni Sho habang nakatingin sa mga players na tahimik na nakatingin sa kanilang dalawa.

"Tsh... ano bang pinag-uusapan ng dalawang iyan? Tingnan mo sila, mkhangmay sinasabing hindi maganda tungkol sa'tin." Singhal naman ni Justin.

"Baka naman iya yung sinasabing trainer natin ni Stella?" bulong naman ni Paulo.


"Trainer? Sa itsura niyang iyan? Trainer? Eh mukhang lalampa lampa eh!" reklamo naman ni Josh.

"Urusai. (Shut it)" sabi ni Jun dahilan para tumingin sila sa kaniya.


"Ano?"

"Oy Jun, mag tagalog ka naman." Sita sa kaniya ni Ren na inismiran niya lang atsaka muling tumingin sa dalawang tao na nasa harapan nila.


"Parang pamilyar sakin yung lalaki ah.." mahinang sabi ni Roigie. Tumingin naman siya sa dalawang kasama.


"Shhh." Sabi naman ni Ren sa kaniya. Kilalang kilala nilang tatlo kung sino ang mga kasama ng dalaga. Hindi sila nag kakamali dahil alam nila ang postura ng mga ito. sila ang mga kasama ng teacher nila nung gabing nabugbog sila. Sila ang pinaka malakas na gang sa buong Asya. Natauhan lamang ang dalawa nang tawagin sila ng teacher.

"Makinig kayo, siya ang magiging coach niyo ngayong practice. Kaya makinig kayo sa lahat ng sasabihin niya. Maliwanag ba iyon?" sabi ni Alex sa harapan habang iwas na iwas sa presensya ni Jun na pansin niyang kanina pa nakatingin sa kaniya.


'Letse ka Jun, makisama ka naman!'

"Alright, Hi everyone, I will be your coach for your practice so, may I ask who's the team captain?" malaki ang boses ngunit nakangiting tanong niya sa mga ito. itinuro naman ng mga kasama si Jun na bored na nakatingin sa kawalan.


"Oh, alright. Let's start the practice now. You need to warm up first. I'll give you 10 laps jogging here. Start now."


"Ano?!"

"Tatakbo nanaman tayo?!"

"Anak ng tupa! Takbo nanaman?!"

"Hindi pa ba sapat yung ilang ikot natin kanina sa oval?!"

"Ilang beses tayong pinatakbo ni Stella kanina! Tapos meron nanaman?!"

"Luh! Papatayin yata tayo ng mga 'to!"

"May reklamo kayo?!" masungit na sabi naman ni Alex sa kanila. Bahagya silang nanahimik ngunit kita ang simangot sa mga mukha nila. Samantalang tahimik at parang wala namang interes lang na nakatayo ang binata sa likuran.

Natatawa namang tiningnan ni Sho ang dalaga at bumulong..

"You're really great at coaching sports.." natatawang bulong niya dito kaya naman nahampas siya ng dalaga sa braso.

"Whatever!" inambahan pa niya ang binata ngunit lumayo na ito sa kaniya.


"Ehem!! You are wasting time. Let's start this sh*t." nag simulang mag jog si Jun na takang tiningnan ng lahat. agad namang sumunod sina Ren at Roigie na sinundan naman ng iba.


"What happened to him?" takang tanong ni Sho. nag kibitz balikat naman ang dalaga.


"Baka sinumpong ng topak."

END OF CHAPTER 16

Ang Teacher ng Section 13Where stories live. Discover now