CHAPTER 28

849 47 7
                                    

                         CHAPTER 28

   
"Grabe.. hindi ako makapaniwalang si Ms. Nivera at ang kapatid ng principal ay iisa."


"Same here, hindi nga rin makapaniwala ang mga teachers sa junior high eh.."


"Pero bakit naman kaya niya naisipang mag disguise at mag turo dito no?"


"Sshhh! Ano kaba, huwag a ngang maingay riyan! Baka masisante tayo nang maaga dahil sa ginagawa mo eh!" kaniya-kaniyang reaksyon at kabi-kabilang mga usapan ang bumungad kay Alex nang mag lunes. Pansamantalang iniurong ang interhigh alinsunod sa ibinigay na utos ng sports committee. Maatutuloy ang naudlot na kompetisyon sa susunod na buwan.



Walang inasikaso ang dalaga bung weekend kung hindi ang sumabak sa mga gang fights sa iba't ibang panig ng bansa at ng Asya. Siya, kasama ang PDG ay walang pahinga sa pakikipag laban sa iba't ibang gang na humahamon sa kanila.



Napag-usapan narin nila nina Sho ang sinabi ng kaniyang ama tungkol sa gang. Ngunit hindi parin siya nakakapag desisyon patungkol sa pag hinto niya sa ganoong Gawain. Mag mula nang matapos ang sportsfest ay wala siyang pahinga at pinilit na libangin ang sarili sa pamamagitan ng pag aasikaso sa kaniyang mga naiwang negosyo sa Japan at Korea at pakikipag laban sa iba't ibang klase ng gang. Pag sapit ng lunes ay balik siya sa Mondragon upang mag turo ngunit mukhang wala siyang maihaharap na mukha sa mga estudyante.



"Ms. Nivera." Pag tawag ng head teacher sa kaniya. Nasa faculty room ang dalaga at abalang inaayos ang papers ng kaniyang mga estudyante.


"Yes Mr. Quizon." Tumikhim pa muna ang head teacher para pukawin ang atensyon ng mga teacher sa loob dahilan para mabalik ang mga ito sa kani-kaniyang mga Gawain.



"Sigurado kabang ayos kalang? Teka, hindi ba pasa iyan?!" bahagya namang nagulat ang dalaga sa itinanong ng matandang guro at tinakpan nang bahagya ang kanang pisngi. Mababakas ang kaunting pag aalala sa mga mata nito. Ngumiti naman ang dalaga atsaka nag salita.


"Wala poi to Mr. Quizon---"



"Sino ang may gawa niyan?! Ang section 13 ba?!" mabilis na umiling ang dalaga atsaka ngumiti.



"Ano ba kayo Mr. Quizon, ayos lang ho ako, Hindi ho sila ang may gawa nito sakin, nag karoon lang ng onting katangahan kaninang papasok ako hehehehe." Nangungumbinsing turan nito atsaka nginitian ang head teacher. Bumuntong hininga naman ang matanda at tinapik ang kanang balikat ng dalaga.



"Hayst!  Oh siya! Bweno, Ako nang bahalang mag salita sa mga teachers para maging komportable ka, at kapag may nangyari sa klase mo, tawagin mo lang ako maliwanag?" saad nito sa dalaga. Ngumiti naman si Alex at tumango.



"Maraming salamat Mr. Quizon." Kasabay noon ay ang pag tunog ng bell, simula na ng homeroom subject para sa umaga. Agad na nag sikilos ang mga teacher patungo sa kaniya-kaniyang klase.



"Ms. Nivera, anong nangyari sa iyo? Bakit maputla ka?! May sakit ka ba?" gulat namang tiningnan ng dalaga ang dalawa nitong kasamahan na sina Ms. Santos at Ms. Ayumi. Katulad ng head teacher ay bakas din ang pag aalala ng mga ito sa kaniya.



"Nako, ayos lang ako Ms. Santos, Ms. Chan.." ngumiti siya nang pilit sa dalawa na mukhang hindi kumbinsido.



"Ganon ba? Hmm, kapag hindi maganda ang pakiramdam mo, mag stay ka nalang muna sa clinic okay?" paalala ni Ms. Santos.



"Ms. Nivera figting!" dagdag pa ni Ms. Chan atsaka nginitian ang dalaga.



"Salamat!" nakangiting sabi nito atsaka binitbit ang gamit patungo sa classroom ng section 13.  Mahigpit na hawak ni Alex ang dalang libro habang tinatahak ang daan patungong classroom. Medyo bumibilis ang tibok ng puso niya habang papalapit sa direksyon ng classroom. Unti-unti ring bumibigat ang atmosphere habang papalapit ang dalaga.



Mula sa kinaroroonan ng dalaga ay maririnig ang hindi na bagong ingay na nag mumula sa classroom ng section 13. Nang sa wakas ay makatapat na sa pinto at bumuntong hininga ang dalaga atsaka ngumiti.



"GOOD MORNING CLASS---" Napatigil ang lahat nang Makita ang bagong dating. Maging ang dalaga ay natigilan at napahinto sa pag sasalita nang may bumuhos na isang katerbang harina sa ulo niya. Mabilis na naputol ang katahimikan nang mag simulang mag ingay muli ang section 13 na parang wala lang sa kanila ang nangyari. Kaniya-kaniya muli sila ng Gawain tulad ng dati.



Mula sa kinatatayuan ay napabuntong hininga na lamang ang dalaga. Nag lakad siya patungong harapan atsaka nag simulang mag attendance.



"Ajero... Antonio... Batumbacal... Borja.... Castro... Cruz....  " Pag tatawag niya sa kaniyang klase ngunit wala man lang pumapansin sa kaniya. Ipinag walang bahala nalang niya ito. Nag patuloy siya sa pag che-check ng attendance. Pero habang tumatagal ay pa-ingay nang pa-ingay ang kaniyang klase. Sa halip na bawalan ay nag tuloy na lamang sa pag tatawag ang dalaga na hanggang sa matapos ay walang namamansin sa kaniya. Tumayo ito at nag simula nang mag sulat sa white board.


*PLOK*


*KLAK*


*PLOK*


Ipinag walang bahala ni Alex ang lagkit ng mga itlog na ibinabato sa kaniya. Hindi niya pinansin ang mga iyon at nag patuloy sa pag susulat sa white board.



"Ayaw mo talagang umalis ah?!" Mula sa kinauupuan ay ambang ibabato ni Willy ang isang tennis ball. Agad na naalarma ang mag kakaibigan



"HOY WILLY!" Ngunit nahuli na ang mga ito bagamat naihagis na ng binata ang tennis ball patungo sa direksyon ng dalaga.



"STELLA!" Sigaw ni Niccolo nang tamaan sa likod ang dalaga. Agad namang napangiwi ang si Alex sa sakit dahil tumama mismo iyon sa kaniyang sugat sa likod na nakuha niya mula sa katanang gamit ng nakalaban nilang gang kagabi.



"ANO BANG GINAGAWA NIYO?!" Galit na sigaw ni Niccolo habang nakatingin sa mga kaklase.



"Niccolo tigilan mo iyan.."



"Sumusobra na kayo ah! Nakakalimutan niyo bang teacher natin siya?!"



"Teacher?! Teacher ba iyan?! Alam mo ba iyang sinasabi mo ha Niccolo?! Hindi iyan teacher! Isa lang siyang negosyante! Manloloko iyan!" sigaw naman ni Bruno pabalik. Natigilan si Alex mula sa pag susulat sa white board. Mas masakit ang sinabing iyon ng kaniyang estudyate kaysa sa mga pasa at sugat na nakuha niya mula sa pakikipag laban. Parang anumang oras ay tutulong muli ang mga luha niya na inipon niya makaaan ang dalawang araw.



"Ang dapat sa kaniya pinaaalis na dito! Walang lugar dito ang mga manlolokong gaya niya!"



"T4R42T4D0!" Malakas na sinapak ni Roigie si Willy na agad din namang sinundan ni Niccolo ng isa pang sapak dahilan para mag kagulo na ang buong section 13. 


"Tigilan niyo na!" malakas na sigaw ni Alex ngunit parang walang nakakarinig sa kaniya. Nag mamadali siyang lumapit sa mga estudyanteng nag sasapakan sa gitna atsaka sila inawat.



"Ano ba! Sinabi nang mag sitigil na kayo!" malakas na sigaw niya atsaka pilit nasumingit sa gitna ng kaniyang mga estudyanteng nag aaway. Hindi niya alintana ang nababanggang mga sugat sa likod at ang sakit na dulot nito at sige parin siya sa pag awat.



"HUWAG KANG MAKI ALAM DITO!" Agad na nawalan ng balance si Alex dahilan para humagis siya sa isang banda ng classroom. Mabilis na nanlabo ang mga mata ng dalaga at unti-unting nawawalan siya ng pandinig sa paligid.



"YAMERU!!!" rinig niyang sigaw ni Jun at Sho na kadarating lamang kasama sina Taki at Yuta. Unti-unting nag dilim ang paningin ng dalaga hanggang sa tuluyan na itong panawan ng ulirat.



"KUSO! ALEX!" sigaw ni Sho nang makitang hindi gumagalaw si Alex. Nag mamadali siyang nilapitan ito.



"Kohi, okite kudasai! (Wake up) kohi! Kohi!!" sigaw ni Sho sa walang malay na si Alex.



"Yuta-kun!" sigaw nit okay Yuta na dali-daling lumapit.


"Do shita?! (What happened) kohi, kohi wake up!"



"Bring him to the clinic! Isoge! (hurry up!)" nag mamadaling sinunod ni Yuta ang sinabi ni Sho. binuhat niya si Alex at inilabas sa classroom patungong clinic.



"What the hell happened?!" malakas na sigaw ni Sho na nakapag patahimik sa buong klase. Punong puno ng awtoridad ang boses ng binata habang kaharap ang section 13. Nang Makita nito si Jun ay agad niyang hinatak ito sa kwelyo.



"I'm asking you, who did that to her?! Dare?! (who?!)" tila nabato naman sa kinatatayuan ang binata habang naka tingin sa pinto kung saan lumabas si Yuta buhat buhat si Alex. Agad na napansin iyon ni Taki atsaka tinanggal ang kamay ni Sho sa kwelyo ng binata. Hindi nag atubiling tumakbo naman si Jun palabas.



"Yameyo.. (stop)" tiningnan ni Sho nang matalim ang buong section 13 bago mag salita.



"If something bad happened to Alex just because of you, I won't be hesitant to kill all of you.." pag babanta nito sa kanilang lahat.



"ALL OF YOU! GO TO THE GUIDANCE OFFICE, NOW!!" Nagulat ang lahat sa biglang pag sigaw ng kadarating at galit na galit na si Allen.



"Oh God, ang dami niyang sugat at pasa! Malalim ang sugat niya sa parting likuran! Kailangan niyo na siyang idala sa ospital dahil baka mag karoon ng infection ang mga sugat niya." nag aalalang sabi ng school nurse.



"Kuso!" malakas na sabi ni Yuta habang nakatingin sa walang malay na si Alex. Napasnghap naman si Sab na kasama nito.



"Strike, Call an ambulance now. This is bad.." Agad namang tumawag ng ambulansya si Sab atsaka nag mamadaling tinawagan si Allen.



"Yes, we'll bring her to the hospital, sumunod nalang kayo after talking. Bye." Ilang saglit pa ay dumating na ang ambulansya at isinakay sa stretcher ang dalaga.



"Gosh! Si Ms. Nivera ba iyon?!"



"Si Ms. Nivera nga!"



"Halla anong nangyari sa kaniya?"



"Halla! Anong nangyare?! Ang aga aga! Kausap pa siya ng head teacher kanina ah!"


"Nako, hindi kaya kagagawan ng section 13 iyan?!"



"Sus ko po! Nakakatakot talaga ang section na iyon!"



"Baka ma suspend nanaman sila at hindi makapag laro sa interhigh dahil sa nangyari!"



"Ano ka ba! Baka nga ma expel na sila niyan!" dinig nila Sab ang usapan habang nagmamadali sila pasakay ng ambulansiya. Tiningnan niya ang walang malay na kaibigan at hindi mapigilang mapaluha.



"Hoy Alex, gumising ka naman dya oh, ang sabi mo ayos kalang..."



"Ssshh.. she can do this Strike, she's Kohi after all." Pinilit ngumisi ni Yuta upang pagaanin ang pakiramdam ni Sabrina sa likod ng pag aalala sa dalaga.



"This is so alarming! What have you done again section 13?!" galit na sigaw ni Allen habang nasa loob sila ng malaking guidance office. Tahimik ang buong section 13 at tanging ang ugong ng  air condition lamang ang maririnig sa buong loob. 



Galit na galit si Allen nang malamang nag kakagulo sa loob ng section 13 classroom at marinig ang nangyari sa kapatid.



"Ganito ba kalala ang ginagawa niyo sa iba niyo pang mga guro ha?! Anong klaseng mga estudyante kayo?! pinag aaral kayo ng libre tapos ganiyang ang isusukli niyo sa amin?! Ang saktan ang mga teachers dito?! That's a f***ing bulls**t!" sigaw niya sa harapan ng section 13 na lalong nanahimik matapos iyon.



"Alam kong galit kayo dahil sa pag sisinungaling ng kapatid ko pero wala siyang kasalanan! Ako ang nag pumilit sa kaniya na pumasok dito at maging guro niyo! Nang dahil sa kaniya ay nananatili pa rin kayo dito sa Mondragon! At kung wala sya ay lahat kayo wala narin dito! Imbis na mag pasalamat kayo sa kaniya anong gnawa niyo?!" walang nag sasalita sa section 13. Masama pa rin ang tingin ni Sho sa grupo ninia Roigie.



"Bibigyan ko nalang kayo ng parusa kapag nagising na ang kapatid ko. Masyado niya kayong pinahahalagahan kahit na ang gagago niyo. You may go." Sandaling nanaig ang katahimikan sa guidance office. Animong hinihilot ni Allen ang kaniyang sentido tahimik na tumayo naman at nag lalakad palabas ang section 13.  Maya maya pa ay nag ring ang cellphone ni Allen.



"Yes hello? What?! Anong nangyare?! Bakt dadalhin siya sa ospital?!" nagulat ang lahat sa isinigaw ni Allen. Natigilan sa pag lalakad sina Roigie at napatingin sa Principal.



"We're going! Wait for us!" agad na binaba ni Allen ang telepono atsaka nag mamadaling lumabas ng guidance office kasama sina Taki at Sho.


"Dadalhin sa Ospital si Stella..." nakaramdam ng sobrang pag-aalala sina Ren sa narinig. Maging ang buong section 13 ay sobrang nag aalala sa kung anong lagay ng kanilang guro. tila binambo silang lahat at nagising sa katotohanan. Naalala nila ang ginawa nila sa guro ngayong umaga.



"Kailangan nating humingi ng tawad kay Stella! Pupunta tayong ospital!" sigaw ni Roigie na inayunan ng lahat.



END OF CHAPTER 28

Ang Teacher ng Section 13Where stories live. Discover now