Chapter 20

827 44 0
                                    

CHAPTER 20

"Paano na 'to Stella? Bukas na yung school fair.." sabi ni Kheneth. Lahat sila ay nakatingin ngayon sa sira-sira nilang booth. Ang mga dekorasyon ay nagkalat sa sahig at ang mga mesa at upuan nama'y may mga bali ang paa at patong-patong.


"Sinong t***i** ang gumawa nito?" galit na sabi ni Roigie. Galit ang nararamdaman nilang lahat nang madatnang ganon ang kanilang booth. Tiningnan nila ang ibang booth ngunit wala namang nasira. Namumukod tangi ang kanila at masasabing talagang sinandyang sirain ang mga kanila.


"Wala ng ibang gagawa nito kung hindi ang mga taga section A! sila ang may kasalanan!"

"Ang mga hayup na iyon!!" tahimik ngunit galit ang nararamdaman ng dalaga sa nakita. Ang pinaghirapan nilang buuin noong isang araw ay biglang nag laho at nasira.


"Hindi ako papayag na ganituhin nila tayo! Kung anong ginawa nila sa atin! Gawin din natin sa kanila!"

Galit na nag lakad patungong section A booth ang section 13 habang si Alex naman ay galit na tiningnan sila.

"Walang sinuman ang gagawa ng kalokohan sa inyo!" malakas na sabi niya dahilan para mapatigil sa pag lalakad ang section 13 at galit na tiningnan siya.

"Eh anong gagawin natin? Tumanga?! Hayaan silang nag sasaya sa kabila ng ginawa nila?!" galit na tanong ni Roigie. Sumang-ayon naman ang section 13 sa sinabi nito. Tiningnan silang lahat ng dalaga.


"Sige, gawin niyo kung anong gusto niyong gawin. Pero hindi niyo ba naisip na Gawain lang ng taong walang pinag-aralan ang gumanti sa kung anumang ginawang masama sa kaniya?! Hindi niyo ba naisip na kapag ganito rin ang ginawa niyo sa kanila ay wala na rin kayong pinag kaiba?!" mahabang lintanya niya na nakapag patahimik sa lahat. tiningnan niya isa-isa ang klase. Bakas ang galit sa mga mukha nila ngunit mababasa sa mga mata nila ang realisasyon sa sinabi ng dalaga.


"Lagi niyong tatandaan na hindi maitatama ang kamalian ng isa pang pag kakamali. Kaya lagi niyong pag iisipan ang mga gagawin niyo! Huwag kayong mag padala lagi diyan sa emosyon niyo! Mali ang gantihan sila sa pag kakamaling ginawa nila sa inyo!" pangangaral nito sa kanila.


"Hindi dapat kayo mawalan ng pag-asa sa nangyari. At mas lalong hindi dapat kayo mag higanti sa ginawa nila sa inyo. Tandaan niyo na ito na ang huling school fair na mararanasan niyo bago kayo grumaduate dito sa Mondragon." Dagdag pa nito dahilan para mas lalong matahimik ang section 13. Tila unti-unting nauunawaan ang sinasabi ng guro.


"Why don't we fix this again? We still have this day to fix everything." Sabi ng nakatingin sa booth na si Jun. Tumingin naman sa kaniya ang mga kaklase.


"Pero parang napaka imposible----"


"There's no impossible if you have the willingness." Maging si Alex ay sumang ayon sa tinugon ng binata kung kaya naman dali-dali siyang lumapit sa sirang tolda ng kanilang booth at sinimulan muling itayo ito.


"Ano pang hinihintay niyo? Masasayang iyung prinactice natin kung hindi kayo kikilos agad." Sabi pa nito. Nag simula namang tumulong ang section 13 sa dalaga.


"P*t*a, ilalampaso ko talaga yan sa sports fest. Humanda sila sa akin..." galit pa ring sabi ni Josh at nag simula nang tumulong sa pag aayos ng kanilang booth.


"Tatambakan ko sila hanggang sa hindi na sila makahabol!" ani Justin habang inaayos ang mga nasirang designs ng booth.


"Tatalunin natin sila! Tayo ang mag lalaro sa Interhigh!!"

"Tuleg, kailangan muna nating talnin ang section B." sabi naman ni Roigie habang inaayos ang mga mesa at upuan.


Wala silang ibang ginawa buong umaga kung hindi ayusin ang kanilang booth. May mga oras na nag kakapikunan dahil sa hindi pag kakasunduan habang gumagawa. Samantalang si Jun naman ay tahimik lamang na gumguhit ng logo ng section nila. Siya ang nakaassign sa pag gawa ng logo dahil sa galing nitong mag drawing. Sina Justin, Josh, Ren at Roigie ang gumagawa ng mga nasirang mesa at upuan samantalang ang iba naman ay tulong tulong sa pag gawa ng tatlong malalaking tolda na naitaob. Ang iba'y abala sa pag gawa ng iba pang dekorasyon samantalang ang iba'y tumutulong sa apat.


"Tss... kung ano-anong pinag sasabi kanina, tapos ngayon matutulog.." usapan nina Ren habang gumagawa.

"Anong nangyari at mukha siyang pagod?" mahinang tanong ni Justin sa mga kaibigan. Pasimple namang tumingin si Jun sa kinaroroonan ng dalagang ngayo'y nakadukmo na sa isang mesa.


"Ewan, rumaraket ata sa gabi 'yan. Pakinngan niyo oh, nahilik pa!" natatawang sabi naman ni Josh at sabay silang tumawa ng mahina at ipinag patuloy ang ginagawa.


"Alam niyo, nakakapag taka talaga 'yang babaeng 'yan. Hindi ba kayo nag tataka?"


"Ano naman ang nakapag tataka sa kaniya? Eh isa lang naman siyang abnormal na teacher." Kunot noong sabi ni Ren.

"Hindi ba kayo nahihiwagaan sa pag katao ni Stella? Alam niyo bang napansin kong kausap niya ang Principal noong nakaraang araw." Nagtataka namang tiningnan nina Roigie at Ren si Josh.

"Ano kamo?"

"Hindi ko masyadong narinig ang pinag uusapan nila, pero kita ko kung panong magalit si Stella doon sa Principal. Grabe! Hindi iyon Gawain ng isang teacher lang pre!" pag kukwento nito. Maging sina Roigie at Ren ay nakaramdam ng kuryosidad sa sinabi ng kaibigan.


Biglang pumasok sa isipan nila ang impormasyong nalalaman tungkol sa dalaga. Dahilan para mas lalo silang makaramdam ng kagustuhan na malaman ang pag katao nito bukod sa kaalamang siya ang queen of the gangster world.


"Ikaw Jun, may nalalaman ka ba tungkol kay Stella?" baling nila sa nakapikit na binata. Nag papahinga sa katatapos  na trabahong ginawa.


"Oo nga. Nakikita ko kayong mag kausap lately eh." Dagdag naman ni Justin. Hindi ito sumagot at tumingin lang sa kanila atsaka muling pumikit.


"Tsss.. kayo, ang tsismoso ng dating niyong dalawa! Gumawa na nga lang tayo at nang matapos na'to!" singhal pa ni Ren at nag patuloy na sa pag aayos ng mga gamit.




Tanghali na at hindi pa rin naaayos ang booth ng section 13. Nag desisyon si Alex na mag lunch muna sila at muling ipagpatuloy ang pag-aayos ng booth pag katapos. Ganun din ang ibang teachers na abala sa mga pwesto. Habang nasa faculty room siya at inaayos ang mga listahan ng final list of players na mag lalaro sa section niya ay siya namang dating ng head teacher.


"4th year Teachers! Listen!" agad namang tumingin ang mga guro dito.

"Mamayang hapon ay kailangang ma I submit niyo ang listahan ng mga size ng mga players niyo. Darating ang supplier ng mga jersey uniform nila kaya kailangang masukatan niyo sila nang hindi natatapos ang araw na ito maliwanag?!" lumapit ang head teacher sa kinaroroonan ni Alex.


"Ms. Nivera, kumusta ang mga estudyante mo?" akala mo'y sincere na nangungumustang tanong ng head teacher sa kaniya. Nginitian niya ang matanda at sumagot.


"Mabuti naman po head teacher, excited nang mag laro sa Friday, nag pa practice na nga po sila eh.." pekeng ngiti niya sa harapan nito.


"Alam mong alanganin sila sa sports fest, kapag may ginawa silang mali----"


"Bantay sarado sila sa aking head teacher" mas malaking ngiti ang iginanti niya sa malaki at pekeng ngiti ng head teacher.


"Siguraduhin mo lang Ms. Nivera" Nag laban pa sa titigan ang dalawa at takang pinag masdan lang sila ng mga teacher na nasa loob.


"Gosh, ang wirdo nilang pareho.." bulong ni Ms. Chan. Nang matapos ang titigan ay biglang nag salita ulit ai Mr. Quizon.


"Bweno, babalik ako mamaya para kunin ang listahan." Tumalikod na ito at nag lakad palabas. Bumalik naman na sa ginagawa ang mga teacher ganu din si Alex nang muli ulit siyang tawagin nito.


"Ms. Nivera!" agad na humarap ang dalaga at pekeng ngumiti ulit sa head teacher.


"Yes Mr. Head teacher?" hindi naman sumagot ang head teacher at isinensyas lang ang dalawang daliri nito sa kaniya na nag sasabing


"I will keep my eyes on your section" at walang sabing tumalikod at lumabas ng faculty office. Inis namang umirap ang dalaga at bumalik sa pag tatrabaho.


"Kumusta kaya ang ginagawa ng mga kolokoy?"


"Syeteeeeeee! Natapos din sa wakas!!"  Katatapos lamang ng booth ng section 13. Pasado alas tres na nang matapos nila ang booth. Naibalik nila ito sa dati nitong ayos nung hindi pa ito nasisira.


"Woooow!!! Ang galing!!! Ready na ulit ang booth ng section 13!! Woooohhh!! Yeah!!!!!" natahimik naman ang section 13 at blangkong napatingin sa teacher nilang biglang sumulpot sa kung saan.


"Oh, hindi ba kayo masaya?! Sinasabi ko naman magagawa niyo ulit eh! Yuhoooo!!!" susumisigaw na sabi pa nito at wala namang nasabi ang mga estudyante. Ang iba'y natutulala nalang sa kaabnormalan ng teacher nila. samantalang nailing na lang sina Roigie sa ginagawa ng teacher.


"Ano Stella, pwede na ba kaming umuwi? Hapon na oh." Reklamo ni Justin sa teacher.

"Pwede nang umuwi at mag pahinga ang mga cheerers! Pero maiwan ang mga players." Nakangiti niyang sabi atsaka inilabas ang tape measure at ang listahan.


"Anak ng teteng naman oh.." napapakamot sa ulo na sabi nalang ni Justin.

"Hep!! Bago kayo umuwi, sasabihin ko munang dapat ay maaga kayo bukas! Dumating na yung mga shirts niyo at kailangan niyong isuot iyon bukas nang umaga!! Cheerers! May practice bukas ng hapon hanggang gabi kaya naman mag dala kayo ng extra shirts!" paalala niya sa mga estudyante niya. Tumango at sumaludo naman ang mga ito.

"YES MA"AM YES!" natawa naman ang dalaga sa sabay-sabay na sigaw nina Bruno at ng mga kasama nito bago umalis. Nang makaalis ang mga kaklase ay agad na nag umpisa ang dalaga na sukatan si Paulo.


"Tsa, yo may go home," sabi nito nang matapos si Paulo.

"Tsa, You may go home," sabi niya nang matapos si Eugene.

"Tsa, you may go home," sabi niya nang matapos sukatan si Philip.

"Tsa, you may go home," sabi niya nang matapos sukatan si Carlo. Sumunod niyang sukatan si Justin.

"Omo,, ikaw ang pinaka maliit sa kanila?" gulat pang tanong ng dalaga atsaka pinag masdan silang lahat gulat siyang Makita na si Justin ang pinaka maliit sa team nila.


"Tsh, nang lait pa! kala mo naman napaka tangkad!" nakangusong sabi nito atsaka tumalikod. Sumunod niyang sinukatan si Josh.

"Tsa, you may go home," sabi nito nang matapos siyang sukatan. Agad na sumagot ang binata.

"Tsh, sabay-sabay kaming umuuwi nina Ren," umirap pa ito sa dalaga bago lumapit kay Justin. Hindi naman iyon pinansin ng dalaga.

"Next!" tawag niya sa susunod.. agad namang lumapit si Roigie sa kaniya.

"Wooaah, ikaw ang pinaka matangkad sa kanila!" manghang sabi pa nito habang sinusukatan siya.


"Tsh, pasensya ka, hindi ako namimigay ng height." Sagot nman niya dito na ikinasimangot naman ng dalaga.


"Tsh, damot!" tumatawang lumapit naman si Roigie sa dalawa.


"Next!" sambit nito. Agad namang lumapit si Ren sa harapan niya.


"Tsa, you may go home," sabi ng dalaga sa kaharap matapos itong sukatan. Walang kibo naman ang binatang pumunta sa kinalalagyan ng mga kaibigan.


"Next!" sabi ni Alex nang matapos isulat ang kay Ren. ngunit laking gulat niya nang bumungad sa kaniya ang sobrang lapit na si Jun.sa gulat ay hindi ito agad nakapag salita ni nakapag react. Ramdam niya ang biglaang pag bilis ng tibok ng puso niya. 

'Ano bang nangyayari sa iyo Alex?! Tigilan mo iyan!!!!' sigaw ng kaniyang isipan habang nakatuon ang tingin sa mata ng binata na animong inaakit siya na titigan ito.

'Oh my God!!! Stop this Alex!! Hindi kana nakakatuwa!!!!'

"Luh, huy! Ano na Stella?! May sakit ka ba?! Bakit ampula mo?" mabilis siyang nag iwas ng tingin sa binata na ngayon ay blangkong nakatingin na sa malayo. Minura ang sarili dahil sa katangahan nanamang ginagawa.


"A-ahh o-okay lang ako ano ba kayo!!" nag iwas siya ng tingin sa mga binata na nag tatakang nakatingin sa kaniya.


"Hmmm. Gwapung-gwapo ni Jun noh? Hahaha—aray!!!" agad na hinampas sa braso ni Alex si Justin dahil sa ibinulong nito.


"Tumigil ka! Gusto mong hindi na makapag laro?!" pag babanta pa nito sa binata na agad namang ikinatahimik ngunit tatawa-twawang bumalik sa kinaroroonan ng mga kaibigang bumalik na sa ginagawa na pag lalaro ng mobile games.

Agad namang pinunasan ni Alex ang namumuong pawis sa noo niya at pinilit na pakalmahin ang sarili bago tumingin sa binata.

"What now?" bagot na tanong ni Jun na ikinagulat ni Alex. Dali dali nitong kinuha ang medida atsaka ninilapat sa baywang ng binata. Manginig nginig ang kamay niya habang sinusukatan ito. samantalang tahimik namang pinag mamasadan ng binata ang ginagawa niya.
Sa isip ni Alex ay gusto na niyang matapos agad ang ginagawa ngunit ang mga kamay niya ay ayaw makisama. Mangilang beses niya pang inulit ang pag susukat dahil sa taranta niya.


"T-tsa, y-you may go home," agad namang naginhawaan ang dalaga nang makaalis sa harapan niya ang binata. Lumapit ito sa mga kasama at sumenyas na paalis. Ngunit bago sila umalis ay tiningnan pa ni Justin si Alex at nginisihan.


"Letse kang bata ka...." Inis na sabi niya pa dito. Napabuntong hininga at napakamot nalang siya ng ulo nang maalala ang kaharutan.


"My God Alex, maharot ka, pati estudyante mo hinaharot mo.." nasabi na lamang nito sa sarili bago dumiretso sa faculty room.


"Ano Ms. Nivera, naayos niyo ba yung booth niyo?" tanong ni Ms. Chan nang makapasok si Alex sa Faculty. Tumango naman ang dalaga bago umupo sa upuan.


"Hay mabuti na lang at natapos niyo agad. Alam niyo na ba kung sino ang may gawa nito?" tanong naman ni Ms. Santos.

"Hindi pa nga po eh. Sana nga mahuli siya para maparusahan." 'At kapag nahuli ko talaga kung sino ang may gawa non, ako ang paparusa sa kaniya.' Sabi naman ni Alex sa isip niya.

Habang wala ang head teacher ay tumulong na siya sa pag gawa ng mga gagamitin para sa opening bukas. Tumulong din siya sa pag aayos ng stage at mga upuan para sa mga bisita na dadating bukas sa gymnasium.


Mag didilim na nang matapos sila at dumating ang head teacher. Wala na ring mga estudyante pa sa buong campus. Kaya naman sobrang tahimik na ng paligid. Matapos tumulong ay nag punta sa faculty room si Alex para kunin ang kaniyang mga gamit. Nauna na si Sab sa sasakyan sa labas.


Habang nag lalakad sa malaking pathway ay nakaramdam si Alex ng kakaiba. Agad niyang tiningnan ang nasa likod niya ngunit wala siyang nakita. Nag patuloy siya sa pag lalakad habang alerto na pinakikiramdaman ang likuran niya.

Nang makahanap ng pag tataguan ay agad na nag tago si Alex dahilan para mahuli niya ang sumusunod sa kaniya. Agad niyang dinakma ang leeg nito at ikinulong sa aniyang braso.


"Ang kapal din talaga ng apog mong pasukin ang teritoryo ko no?" nanggigigil na sabi niya sa sakal sakal na walang iba kung hindi si Light.


"Sabihin mo, ikaw ba ang sumira sa booth na iyon?!" hinigpitan niya ang pag kakasakal sa lalaki na halos mangitim na ang mga labi. Hindi siya nag kamali ng hinala. Alam niyang


"I-I told you.. W-we will going to make---" hindi na natuloy ang sasabhin ng lalaki nang agad siyang sikmuraan ni Alex gamit ang siko dahilan para sumuka ito ng dugo.
"And I am telling you, bago niyo  pa masaktan ang mga estdyante ko, nakabaon na kayo sa mga libingan niyo.." sabi nito sa wikang hapon habang sabunot ang lalaki. Nang makatayo si Alex ay agad niyang binunot ang nakatagong baril sa hand bag na dala niya at itinutok iyon sa kaharap dahilan para mapatras ito.


"Don't dare to come here again, Light, I will kill you, your gang, and your entire generation.. Tell that to your coward leader..."  


END OF CHAPTER 20




Ang Teacher ng Section 13Where stories live. Discover now