Chapter 17

886 38 0
                                    

CHAPTER 17

"YAAAH! Ano ba namang cheer iyan section D!! bakit wala kayong kabuhay buhay?" frustrated na tanong ni Alex nang mapanood niya ang pag papractice ng cheerers ng section niya. Nasa labas ng covered court sila ngayon sa likod ng building nila. Habang nag papractice ang basketball team ay siya namang pinanonood ni Alex ang iba pa nilang mga kaklase sa pag che-cheer samantalang ang iba nama'y abala sa mga props para sa booth nila.

Friday ngayon at limang araw na silang nag papractice. sa Friday next week na ang laro at cheering competition. Mayroon na lamang silang limang araw para mag practice.

"Sino ba naman kasing may ideya ng ganito?!" reklamo ng isang estudyante niya.

"Pambabae lang ang ganitong bagay! Bakit naming kailangang mag ganito?!" napahilamos nalang ng mukha ang dalaga samantalang ang dalawang kasama niya na sina Taki at Yuta ay pigil na pigil sa pag tawa. Natahimik lang ang dalawa nang tingnan sila nang masama nito.


"I said do a cheer in a masculine way! What did you do to  them?" inis na bulong nito sa dalawa.

"Kohi, that's what we taught to them. They're just hungry and lazy to do that." Tumingin naman si Alex sa mga estudyante niyang nakatayo sa harapan niya. Sina Bruno at Jayson ang may hawak na dalawang malaking drums, sina Jake at Ricky ang may hawak ng flag ng section 13. Oo, section 13 ang nakalagay dahil iyon na ang nakagawaiang itawag sa kanila at power raw ang meaning niyan according to Roigie. 'Tsh, ang childish talaga ng mga iyon.'

"Kayo, anong gagawin niyo?" turo nya sa siyam pang natitira sa pwesto na sina Jay, Willy, Roy, Robin, Jeffrey, Jp, Limoel, Dave at Jimoel.


"Kohi, they will be doing an extra ordinary move." Kumindat pang sabi naman ni Yutan a ikinanoot naman ng noo  ng dalaga.


"Ano naman?"

"Watch them." Seryosong humarap naman  si Taki sa section 13. Bahagya namang natigilan si Alex nang marinig ang malakas na pukpok ng tambol.


Umabante ang dalawang may hawak na drum atsaka humarap sa mga kaklase.

"Hoy Section 13!!!!!" sabay na sigaw nina Bruno at Jayson dahilang para pumalapak at pumadyak ang section 13 kasabay noon ang pag wagayway ng dalawang flag nila.

"AWOO! AWOO! AWOO!"

Gulat namang pinanood ng dalaga ang mga estudyante. Hindi tulad ng unang ipinakita ay mas may energy sila ngayon. Ang lalamya-lamyang mga sigaw nila ay sobrang lalalim na dinig ang echo papasok sa covered court kung saan nag papractice ang basketball team.


"Hanep, mukhang mananalo tayo sa cheering nito ah!" pag bibiro ni Eugene. Break time nila kaya naman naapapanood nila ngayon ang mga kaklase.

"Mukhang magaling 'yung mga coach nila ah!" dagdag ni Juti.

"Buti napasunod sila ng dalawang iyun." Sabi naman ni Justin na kaharap nina Roigie, Ren at Jun. abala ang iba pa nilang teammates na pinanonood ang cheering ng section nila.

"Woaaah! Ano iyon? Tinuruan ba sila ng Taekwando nung dalawa? Ang astig nung flying kick move na iyon ah!"mangha ang ilan habang pinanonood an gang mga kaklase.

"Ang astig! Para lang silang sumasayaw pero pang martial arts yung step!"

(Note: panoorin niyo yung sa Hwarang, parang ganon pero sila nag chi-cheer habang ginagawa yun hahaha!)


"Tinuruan sila panigurado nung mga coach nila, eh hanggang sapakan lang ang kaya nila tulad natin eh."

Samantala, tahimik namang pinag mamasdan ni Jun ang dalaga mula sa kinauupuan nito. Kita niya ang pag kamangha sa mukha ng babae habang pinanonood nito ang mga kaklase niya.


'As always... She looks like a stupid manang. Tsss...' naputol lamang ang panonood nila nang tawagin na sila ni Sho.

'This moron really gets on my nerves.' Wala namang nagawa ang mga ito kung hindi sumunod sa coach nila. Bumalik na sila sa court para muling mag simula.


"Okay, that's enough," pag papahinto ni Yuta sa section 13. Agad naman na nag si upuan ang mga ito.


"Hay sa wakas! Wooh ! parang babaligtad yung sikmura ko don!" reklamo nina Robin at ng iba pa nilang kasama. Muling nilapitan ni Taki ang dalagang tulala sa kawalan.


"They're amazing, aren't they, Kohi?" nakangiting tanong nito sa dalaga na tulala parin at animong hindi makapaniwala sa nakita.


"Yappari, sugoi!(AMAZING!)" Natawa naman ang dalawa sa sinabi ng dalaga.


"This will make sure that you will win on the cheering riida!"


"And of course, your section will be the champion in basketball." Tiningnan nila ang pinanggalingan ng tinig.


"Ow! Sho-kun! How's your training with them?" tanong naman ni Taki sa binata. Ngumiti ito sa kanila.


"They're doing great. I was amazed with the team captain. He's great." nakangiting sabi nito sa kanila. Agad namang napunta kay Alex ang atensyon nila nang hiritin ito ng ubo.


"Riida? Are you okay? What's the problem?"

"A-ahh? Hehehe nothing! hehehehe!" nag tataka naman siyang tiningnan ng mga kasama.


"Alam niyo, para kayong quadruplets!" napatingin naman ang apat sa nag salitang si Bruno.


"Kaya nga! Mag kakamukha sila eh! HAHAHAHA!" Umalingawngaw ang tawanan ng section 13 sa sinabi ni Jake.


"Sino bang panganay sa inyo?! Hahahaa!"


"Baka si Stella! Tingnan mo ang itsura oh! Mukhang manang na manang na!" tiningnan naman ng masama ni Alex ang mga estudyanteng walang hinto sa pag tawa.


"Omae-ra...." Nakasimangot na bulong niya sa mga ito na abala pa rin sa pag tatawanan. Nilapitan naman niya ang mga ito at isa-isang binatukan.


"Yah! Ganon ba talaga ako ka manang sa paningin niyo? Hoy kapag nag make up ako who you kayo sa akin naintindian niyo?" sabi niya sa mga ito na lalong ikinatawa ng lahat.


"Yah, tatalab ba sa'yo yug make up? Mukhang magic nalang talaga ang tatalab sa'yo HAHAHAHA!" Maging ang mga kasama niya ay hindi narin mapigilang matawa sa ginagawa ng dalaga.


"Ang tanong! May magic bang uubra sa hitsura niya?! HAHAHA!" 

"She's really enjoying this..." nakangiting sabi ni Yuta habang pinag mamasdan ang dalaga na batukan ang mga nag tatawanang estudyante niya.


"I guess, she's starting to love teaching."


"She's loving her students also..." napapabuntong hininga na sabi naman ni Sho. Kita nila ang saya sa mga mata ng dalaga habang kasama ang mga estdyanteng iyon. Bagay na hindi nila nakita noong nasa gangworld pa ang dalaga.


"OMAE-RA! HALIKAYO DITO! MAG TUTUOS TAYO! IPAKITA NIYO SA AKIN ANG MARTIAL ARTS NA NATUTUNAN NIYO!" sigaw pa ng dalaga habang hinahabol na ang mga ito. natatawa naman siyang pinanood ng tatlong binata.


"Tsa, I'll go check the team." Pag papaalam naman ni Sho sa dalawa. Nag lakad siya pabalik ng mamataang nag kakagulo sa covered court.


Kita niyang namimilipit ang isa sa mga team niya sa sakit habang hawak ang paa nito.


"Kuso!" agad siyang tumakbo sa nag kakainitang mga estdyante.


"HINDI MO BA KAMI KILALA HA?!"


"INUUBOS NIYO ANG PASENSYA NAMIN!"


"Anong gusto niyo ha?" nanggigigil na tanong ni Roigie habang dakot-dakot ang kwelyo ni Jay, section A.


"I will kill you son of b****!" akmang sasapakin na ni Jun si Kevin nang may pumigil sa kaniya.


"F**k!"

"YAMERU." Mahina ngunit madiin na sabi ni Sho sa binata. Marahas namang binawi ni Jun ang kanang kamay sa coach.

"DAMARE!(Shut up!)" sigaw niya rito atsaka muling hinarap si Kevin na nakangisi parin kahit na putok ang labi.


"We're not done yet, bastard." Pahagis na hinagi nito ang binata atsaka nilapitan ang injured na kasama gawa ng pang iipit ni Kevin sa binti nito kanina.


"You, get out. Or else  I will report this on the principal!" Malakas na sabi naman ni Sho sa mga section A habang sina Roigie naman ay pinupunasan ang dugo sa putok na kilay. Ganon din ina Justin, Eugene, Josh at Ren samantalang sina Philip at Paulo naman ay tinutulungan si Niccolo na makabangon ngunit kinailangan na itong pasanin ni Jun dahil sa hindi na nito kaya.


"Kuso! Bring him to the clinic! Make sure that you won't say anything regarding this mess! Kayo ang mananagot!" malakas na sabi ni Sho nang makaalis na ang team ng section A.


"P****g-**a! nag dala pa talaga sila ng malalaking kaklase nila para lang manggulo!"


"Malilintikan talaga sa akin yung mga t******d*** iyon!"

"Sh*t ang sakit ng panga ko don!"  inis na tiningnan ni Sho sina Ren.


"Ano bang nangyare?!" galit na tanong nito sa kanila.


"Ang mga ungas na iyon! Bigla nalang silang dumating at pumagitna sa laro namin!" sagot ni Eugene habang hinahawakan ang pasa sa kaliwang pisngi.


"Hindi naman naming papatulan pero nakita naming pinuruhan si Niccolo! T****na talaga!" Mura ni Ren habang hawak ang pumutok na labi.


"Ang lakas sumapak nung hayup na Lucas na iyon!" patungkol ni Josh sa kaklase nila Kevin na malaking tao, malamang ay team mates nila.


"Kung hindi lang talaga dahil kay Stella, binasag ko na ang pag mumukha nila! Wala na akong paki alam kung hindi ako makapag laro!" napatingin naman si Sho sa binata na abala sa pag pupnas ng dugo sa kilay at labi.


"Kung hindi dahil kay Stella, malamang niyan disqualified si Jun sa laro."



"Ano?! Paanong nangyari iyon?! Nasaan na si Niccolo?" biglang binalot ng pag-aalala si Alex nang malaman niya ang nangyari sa covered court. Nasa classroom sila ng iba ang section 13 upang ayusin ang mga gamit para sa kanilang café booth nang biglang dumating sina Paulo at Philip.


"Biglang nag kagulo kanina habang nag lalaro kami nung dumating 'yung team ng section A. nakikipag-usap pa kami nina Jun sa kanila non nung Makita naming namimilipit na sa sakit si Niccolo habang tinatapakan ni Angelo yung injured na ankle niya." Pag kukwento ni Paulo. Rinig ang malulutong na mura ng ibang mga kaklase niyang tapos nang mag practice na narito sa classroom at tumutulong sa pag aayos.


"Naunang sumapak si Jun dahil galit na galit talaga siya kaya ayun! Pati kami sinugod at sinapak nung mga taga section A." napamura naman si Alex sa kaniyang isipan at nakaramdam ng pag aalala.


"Ginagamot na si Niccolo sa clinic. Ang sabi pa ng nurse ay kailangang mag pahinga ni Niccolo nang sampung araw." Bumagsak ang balikat ng dalaga sa narinig. Ibig sabihin noon ay hindi na makakapag laro pa ang binata dahil sa ginawa ng mga tiga section A. bigla naman siyang nakaramdam ng galit.


"Bigla namang umalis si Jun pag ka dala niya sa clinic kay Niccolo. Hindi naming alam kung saan siya nag punta. Pero sa sobrang galit niya sa mga iyon, paniguradong pinuntahan niya ang grupo nila Kevin sa labas."


"Ano?!"

"Nako! Delikado siya doon! Paniguradong hindi siya palalampasin ng mga kasama ni Kevin na gangster sa labas!"


"Hindi niya kilala ang mga gangster na kasama nina Kevin! Baka kung anong mangyare sa kaniya!" sa sobrang galit ay agad na dinaklot ni Alex ang kwelyo ni Willy na siya namang ikinagulat ng mga nasa classroom.


"S-Stella---"


"Sabihin mo... saan ko makikita ang lugar ng mga gangster na sinasabi mo?!" sigaw niya sa estudyante na ikinagulat naman ng mga ito.


"S-sa abandonadong bodega! S-sa tabi ng creek! Malapit lang dito!" tinanggal ng dalaga ang pagkakahawak sa kwelyo ni Willy at walang sabi-sabig lumabas ng classroom.




"Aba tingnan mo nga naman, walang katakot takot na pumuntang mag-isa rito ang leader ng Section 13 oh!" malakas na sabi ni Kevin kasama sina Jay, Hardie, Sherwin at Carl. Kasma rin nila ang tatlo nilang team mates na sina Lucas, Charles at Ace.

"Nag hahanap yata ito ng sakit ng katawan. Hahahaha!"


"Gusto niya rin yata nung nangyare sa teammate niya!"


"HAhaha! Paniguradong hindi na makaka pag laro ang isang iyon! Narinig ko ang tunog ng buto niya!" naikuyom ng binata ang kamao nang marinig ang mga salitang iyon.


"F*** you!!!" malakas na sigaw nito sa kanila at walang  sabi-sabing binanatan ang isang lalaking malapit sa kaniya. Sunod-sunod na sumugod ang tatlo pang mga lalaki ngunit agad din niya itong itinumba.


"Ano pang itinitingin niyo diyan?!, puruan niyo rin iyan! Siguraduhin niyong mananalo kami sa sport fest.." nakangising sabi ni Kevin atsaka nakangising umalis kasama ang mga team mates nito. Agad ding sumugod ang tatlong lalaking may malalaking katawan patungo kay Jun atsaka sinapak ang binata.


"F***!" daing ni Jun nang maradaman niya ang sakit sa sikmura sa malakas na suntok na iyon dahilan para tumumba siya.  Dahan-dahan siyang tumayo ngunit binigyan ulit siya ng malakas na sipa sa sikmura dahilan para muli siyang tumumba at mamilipit sa sakit.


"Wala pala ito eh." Nag tawanan pa ang mga lalaki habang sinisipa siya nang paulit ulit.


"Paniguradong hindi na ito makakapag laro. Hahahaha!!!" mula sa di kalayuan ay may dinampot na mono block chair ang isa sa mga lalaki at akmang ihahampas ito sa nakasalampak sa sahig na binata na wala nang malay.


"That's enough..." anang isang malamig na tinig habang hawak ang braso ng lalaking akmang hahampas sa binata. Gulat na naman na napaatras ang dalawa pang kasama niya. Maging ang ibang lalaki na binugbog kanina ni Jun ay nagulat sa presensya ng taong kadarating lamang.


"S-sino ka naman?!" sigaw ng isang lalaki sa bagong dating.


"Ako? ako ang teacher ng lalaking binugbog niyo." Kalmadong sagot ni Alex sa kanila. Agad na kumalas sa kaniya ang malaking lalaki atsaka tumawa.


"Uy ayos 'to pare! Chicks!"


"Dyosang dyosa pare! Ang kinis ng kutis!" hindi pinansin ng dalaga ang naririnig dail nakatingin lang ito sa lalaking may hawak ng mono block.


"hahaha! Teacher?! Anong ginagawa mo rito?!  Sinusundo itong g*g**g 'to?!" na tawanan naman ang mga lalaking nandon habang nakakuyom ang kamao namang tiningnan ng dalaga ang binata na ngayon ay wala ng malay na nakahiga sa sahig. Nilapitan niya ang mga ito at walang reaksyon na nakipag titigan sa kanila.

"Hoy Ms. Ganda, hindi kami nananakit ng mga magagandang dilag na tulad mo okay? Ang dapat sa Hahahaha------ARAAAAAY!" marahas na pinilipit ni Alex ang braso ng lalaki patalikod. Agad namang napaatras at naalerto ang dalawa pang may malaking pangangatawan na kasama nito at ang ilan pang naroon.


"Ang laki ng katawan niyo, papatulan niyo ang walang kalaban labang estdyante ko?!" gigil na sabi ng dalaga atsaka idiniin ang pag kakapilipit ng braso ng lalaki dahilan para mapasigaw ito sa sakit.


Dinig ng mga kasama niya ang tunog ng buto ng kasama nila dahilang para mapaatras lalo ang mga ito. binitawan ni Alex ang lalaki pahagis sa mga kasama niya.


"T******! Sugurin niyo!" sigaw ng lalaking bali ang buto kaya naman kaniya-kaniyang may hawak na tubo ay sabay sabay silang sumugod sa dalaga.


Panay pag- ilag at pag suntok sa sikmura ang ginawa ng dalaga sa kung sino mang sumugod sa kaniya. Agad ding tumutumba ang mga  nang hindi tinatamaan ang dalaga.

"Arrrgghh!!!"

"S**t!"

"Arrgghhh!!! Ang sakit!!!"daing ng ilan sa mga tumutumba. Ang iba'y hindi na makabangon pa dahil sa sakit na tinatamo mula sa suntok at sipa ni Alex.


Walang ibang nararamdaman ang dalaga ngayon kung hindi galit dahil nakita niyang walang awang ininjured at ipinabugbog ang mga estudyante niya ng mga taga section A na iyon dahil lamang sa kagustuhan nilang manalo sa sport fest.


'Kung alam ko lang na ganito ang mang yayari, hindi na dapat ako nag makaawa pa na isali kayo...'  nangingilid ang luha niyang pinaulanan ng suntok ang natitirang kalaban hanggang sa mamilipit ito sa sakit at mag pagulong gulong sa sahig.


Hingal niyang tiningnan ang iba pang walang malay at ang ibang umuungol sa sakit habang gumugulong gulong sa sahig. Bagsak ang mga balikat niyang nilapitan ang walang malay na si Jun.


"Oi, Okite..(Hey, wake up)" hindi namamalayan ng dalaga na tumutulo na ang luha niya sa sobrang pag-aalala. Parang sobrang bigat sa pakiramdam na makitang walang kamalay-malay ang binatang nasa harapan niya. Mas lalo pa siyang naluha nang maisip na nag punta rito ang binata nang walang takot upang iganti ang nangyari sa kaibigan niya.

"Okiro Bakayaro! (Wake up stupid guy!)" umiiyak na sabi niya habang marahas na tinatapik tapik sa dibdib ang binatang walang malay.


"Urusai, baka. (Shut up, stupid.)" nagulat si Alex at napahinto sa pag-iyak nang marinig ang sinabi  ng binata. Agad niyang tiningnan ang ito ngunit nakapikit ang mga mata nito.

"Jun!!! Jun nasaan ka?!" Napatingin si Alex sa paligid nang marinig ang boses nina Ren. agad siyang nagmadaling tumayo at nag tago sa kung saan.


"Jun!"


"Mr. Shin!" sigaw ni Sho nang Makita ang binata. Agad silang lumapit sa


"Jun!!!" sigaw ni Ren nang Makita ang binata na nakahiga sa sahig at walang malay habang inaalalayan nina Yuta, Taki at Sho.


"Taki, check what really happen!"


"Hai! (yes)" agad namang sumnod si Taki at inilabas ang tablet na dala.


"Sh*t sinong may gawa nito sa iyo Jun?!" agad na nag lapitan ang mga kaklase ng binata sa kinaroronan nito.


"t****na! yari tayo nito kay Stella! Anong nangyari!" agad na pinasan ni Roigie ang walang malay na binata.


"Pre tingnan niyo!" sabay sabay na napatingin ang lahat sa itinuro ni Justin. At laking gulat nila nang Makita ang patong patong na mga lalaking umuungol sa sakit.


"WTF..." agad na lumingon si Sho sa paligid. Alam niya kung sino ang may gawa nito sa mga lalaking iyon. At nasisiguro niyang narito pa ang gumawa nun.


"Please bring him to the nearest hospital. Kami nang bahala dito. Make sure na hindi malalaman ito ng head teacher. Pare-parehas tayong mananagot kung sakali." Agad n autos ni Sho sa mga ito kaya naman inalalayan nina Ren si Roigie na pasan pasan si Jun palabas ng bodega.

Nang makaalis ang mga ito ay agad na tumingin si Sho sa buong paligid.


"Kohi, Anatawa ima dete kuru kamo shiremasen.(Queen, You may come out now.)" pag kasabi niyon ni Sho ay napatingin silang tatlo sa pinanggalingan ng tunog. At doon ay nakita ang dalaga. Gulat ang mga ito nang Makita ang ayos ng dalaga. Hindi ito ang teacher ng section 13. Kung hindi ang reyna ng gangworld.


END OF CHAPTER 17

Ang Teacher ng Section 13Where stories live. Discover now