Last Chapter
"Omae-wa . . ." Hindi nakagalaw sa kinatatayuan si Alex nang mamukhaan ang dalawang empleyado na ngayo'y nakayuko pa rin. Tinanggal niya pa ang kan'yang salamin upang makasiguro at laking gulat niya nang makompirma niya kung sino ang mga ito.
"K-kayo---"
"Madame. We have to go to the conference hall, our board directors are waiting for you." Pagpuputol ng kaniyang assistant sa sasabihin ng dalaga. Tumingin pa siya sa dalawa atsaka bumaling sa assistant.
"Let's go," mahinang saad ng dalaga atsaka tumalikod sa kanila. Nagpatiuna si Alex sa paglalakad patungong elevator.
"Phew," nakahinga nang maluwag si Justin nang makaalis ang chairwoman sa kanilang departamento. Ganoon din ang reaksyon ng iba pang mga empleyado na kasama nila.
"Akala ko ay maghuhukom na," nagbibirong saad ni Justin. Tiningnan niya ang kaibigan at kumunot ang noo niya nang makitang tulala ito.
"Huy, ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong nito. Sinundan ni Justin ng tingin ang paningin ni Ren. Nakatingin ito sa elevator kung saan pumasok ang dalaga.
"Halla, nainlove na yata ito kay madame," umiiling na saad nito. Hindi pa man siya nakakalayo sa kaibigan nang kabigin siya nito sa necktie.
"Aray! Anak ng, ano'ng trip mo p're?" inis na singhal niya sa kaibigan. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang naging ganoon ang mood nito.
Seryoso namang tumingin si Ren sa walang kamalay-malay na kaibigan.
"Hindi ako pwedeng magkamali," saad niya rito, "hindi ako pwedeng magkamali." Kumunot ang noo ni Justin sa sinabi ng kaibigan. Inisip niyang nasisira na naman ang ulo nito kung kaya't kaagad siyang nagsalita.
"Ano ba 'yang sinasabi mo Ren? Kumain ka ba ng lunch kanina?"
"Siya si Stella," wika ni Ren na ikinatahimik naman ni Justin.
"H-ha?"
"Si Stella ang babaeng 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali."
**
Lumipas ang ilang oras na meeting ni Alex. Halos hindi pumasok sa isipan niya ang mga sinasabi ng COO ng kompanya at iba pang mga board of directors na naroon. Ang tanging nasa isip lamang niya ngayon ay ang dalawang binata na nakilala niya.
'Hindi ako makapaniwala, naging successful pala talaga sila,' sabi ng kan'yang isipan. Hindi niya akalaing napakalaki ng ipinagbago ng mga ito. Ang dating nakilala niya na mga basag-ulo at mga walang interes sa pag-aaral ay narito mismo sa kompanyang itinayo niya at may mga matataas na posisyon.
Biglang naalala ni Alex ang mga isinulat ng section 13 noon sa orientation sheet. Malayong-malayo ang mga nakasulat doon sa buhay ngayon nina Roigie, Ren at Justin.
"Madame?" nabalik siya sa ulirat nang marinig ang boses ng kan'yang sekretarya.
"Yes?" bahagya siyang nakaramdam ng hiya sa mga board of directors na naroon at nakatingin sa kaniya.
"I'm sorry, I am not feeling well so, maybe we can continue the meeting the other day." Matapos noon ay tinapos na ni Alex ang meeting. Hindi na niya hinintay pang makaalis ang lahat ng nasa loob ng conference hall at nauna na siyang lumabas.
"I want you to give me the profile of all the employees in the merchendising and finance department," sabi ni Alex sa kan'yang sekretarya, "then give it to me on my office." Kaagad na tumango naman ang secretary niya.
Pinindot ni Alex ang elevator patungo sa 20th floor kung saan naroon ang kan'yang opisina. Nang makapasok ay kaagad siyang naupo sa swivel chair at hinubad ang shades.
Tiningnan niya ang buong paligis ng kan'yang opisina at doon ay nakita niya ang isang maliit na picture frame sa table. Kaagad niyang kinuha iyon at pinagmasdan.
"Kamusta na kaya kayong lahat? Sana nasa maayos kayong kalagayan," nakangiting saad niya sa harapan ng litrato ng section 13. Kuha iyon noong nanalo sila sa sportsfest laban sa section A.
"Madame," natigilan siya nang marinig ang isang napakapamilyar na tinig. Hindi siya maaring magkamali.
"Ikaw nga. . ." nabitawan ni Alex ang picture frame sa table atsaka tumingin sa kausap. Nanlaki pa ang mga mata nito nang makita sina Justin at Ren na nakatayo doon.
"J-justin. . ." Tumingin si Alex kay Justin na gulat at hindi pa rin makapaniwala sa nakikita.
"T-totoo ba ito? I-ikaw ba talaga si S-Stella?" tanong pa nito na tila ba hindi naniniwala sa nakikita.
Nangilid naman ang luha sa mga mata ni Alex habang nakatingin sa binata. Biglang nanlambot ang puso niya nang makita ang unti-unting pagguhit ng tuwa sa mukha ng dalawa.
"Ang buong akala namin ay hindi ka na makakabalik pa rito," saad ni Ren, "mabuti at nakita ka namin ulit."
Naiiyak na ljmapit si Alex sa kanilang dalawa at niyakap ang mga ito. Doon ay tila ba nanlambot si Justin at nangilid ang mga luha sa kan'yang mga mata.
"Ikaw nga Stella," lumuluhang saad din niya rito. Bagamat seryoso at matigas ang mukha ay hindi rin napigilan ni Ren ang maluha. Niyakap niya nang mahigpit ang dating guro.
"Patawarin niyo ako," lumuluhang wika ni Alex, "patawarin niyo ako at iniwan ko kayong lahat, patawarin niyo ako at hindi ko natupad ang pangako ko sa inyo." Umiling naman sina Justin at Ren. Humiwalay silang dalawa mula sa pagkakayakap sa dalaga at pinunasan pa ni Justin ang mga luha ni Alex.
"Ano ka ba Stella, wala iyon, ginawa mo lang ang nrarapat para sa amin," nakangiting saad ni Ren, "naiintindihan ka namin."
"P-pero,"
"Sinabi sa amin ni Kevin ang lahat," wika ni Ren, "at iyon ang pinaniwalaan namin, dahil hindi mo gagawin ang isang bagay na hindi mo pinag-isipan." Ngumiti naman si Alex sa iwinikang iyon ni Ren. Natutuwa siya sa sobrang laki ng ipinagbago ng mga ito.
"Oo nga, atsaka nakapagpaalam ka nama sa akin noon eh," luhaan, ngunit natatawang saad ni Justin na siyang ikinagulat naman ni Alex.
"N-narinig mo?"
"Oo naman! Kahit comatose ako malakas ang pandinig ko ano," tila nagbibiro pang saad ni Justin na ikinatawa nilang dalawa ni Ren. Tila naestatwa naman si Alex sa narinig.
'Comatose si Justin pero narinig niya ang mga sinabi ko, ibig sabihin. . .'
"Oh my God!" biglang sigaw niya na ikinagulat naman ng dalawa.
"Kung iniisip mo ngayon si Jun, oo narinig niya ang kung anumang sinabi mo," saad ni Ren dahilan para manlaki ang mga mata ng dalaga.
"Speaking of Jun, malapit na pala ang kasal niya, engagement party niya sa susunod na linggo ah." Tila nabato sa kaniyang kinatatayuan ang dalaga nang marinig ang bagay na iyon kay Justin. Para siyang matutumba sa kan'yang nalaman.
"A-anong sabi mo?"
"Ikakasal na si Jun sa susunod na buwan sa anak ng business partner nila." Tila nanghina ang katawan ni Alex nang malaman na ikakasal na si Jun, kasabay sa kan'yang kasal. Parang tinutusok ang dibdib niya sa sobrang sakit noon at kaunti na lang at tutulo na naman ang mga luha niya sa mata.
Hanggang sa makauwi siya sa isang condominium niya ay tila ba nawalan ng gana ang dalaga. Doon na lang din tumulo ang mga luha niya na kanina pa gustong kunawala mula sa mga mata niya. Labis siyang nasasaktan sa nalaman, na ang una at pinakamamahal niyang lalaki ay ikakasal na sa iba.
***
"Alex, tama na 'yan, marami ka nang nainom." Pagpipigil ni Sab sa kaibigan.
Nasa isang bar silang dalawa ngayon ni Alex. Matapos ang kaganapang iyon sa opisina ng dalaga ay kaagad na tinawagan nito ang kaibigan at isinama sa lugar na iyon.
"Alex, lasing kana," saad pa niya habang pilit na kinukuha ang isang baso ng alak.
"Huwag mo nga akong pigilan besh," lasing, at mabulol-bulol na wika ni Alex, "hindi pa ako lashing, let's shelebrate my engagement party!" Umiling na lamang si Sabrina sa inasal ng kaibigan. Hindi niya mawari kung ano ang tunay na dahilan ng babaeng kasama at bigla na lamang nagyaya na mag-inom.
Ilang sandali pa ay napansin ni Sab ang biglang pagtahimik ng dalaga. Tiningnan niya ito at laking gulat niya nang makitang lumuluha si Alex. Unti-hmunti ay nasabayan na iyon ng mga paghikbi.
"Sab bakit ganon? Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko," saad ni Alex habang patuloy na lumuluha.
Nagulat naman si Sab sa sinabi ng dalaga. Hindi niya maunawaan ang ibig nitong sabihin.
"Ikakasal ako, pero hindi ko kilala kung sino ang mapapangasawa ko, mag-aasawa ako ng hindi ko naman mahal." Dumukmo si Alex sa mesa.
"Alam mo 'yong mas lalong nagpasakit?" tanong niya pa s kaibigan, "Ang malaman na 'yong pinakamamahal mong lalaki ay ikakasal na rin sa iba." Nabigla si Sab sa sinabi ng kaibigan. Naisip niyang iisang lalaki lamang ang tinutukoy ninAlex sa kga oras na iyon. At 'yon ay walang iba kung hindi si Jun Anthony Shin.
Nakaramdam siya ng matinding awa para sa kaibigan. Kung siya siguro ang nasa posisyon nito ay paniguradong ganoon din ang mararamdaman niya.
"Ang sakit-sakit Sab," umiiyak na wika pa ni Alex, "ngayon ay naiintindihan ko na 'yong sinasabi ng mga kabataan na pinagtapo lang kami ni Jun, pero hindi kami itinadhana."
Nangilid ang luha sa mga mata ni Sabrina habang pinakikinggan ang sinasabi ng kaibigan. Sa tagal na panahon nilang magkasama ay ngayon lang niya nakitang masaktan nang ganito ang napakatapang niyang kaibigan, at dahil pa sa isang lalaki.
"Sshh, don't cry now Alex, everything will be fine. . ." Niyakap niya ang lumuluhang kaibigan at pilit na pinatatahan ito.
Lumipas ang ilang araw na parang nawalan ng buhay si Alex. Sa tuwing may dinner sila ng kapatid kasama ang mga magulang ay laging wala ito sa sarili. Puro na lamang ito pagsang-ayon sa sinasabi ng kan'yang mga magulang.
"Be ready on Sunday sweetie, we will have your engagement party," saad ng kan'yang ina.
Nasa kwarto niya ngayon ang dalaga. Kasalukuyang sinusuklayan ng mama niya ang kan'yang itim at mahabang buhok. Tahimik lamang si Alex habang ginagawa iyon ng kan'yang ina.
"Aren't you excited baby?" tanong pa nito sa kan'ya. Yumuko bahagya si Alex nang maalala na sa parehas na araw ang engagement party ni Jun.
'Tadhana nga naman, bakit kailangang pagsabayin kami ng engagement party? Talaga bang dudurugin mo 'tong puso ko?'
"Anak. . ." Naramdaman ni Alex ang paghawak ng ina sa kamay niya. Humarap siya rito at tiningnan ang kamay ng ina.
"Ma," panimula ni Alex, "natatakot ako. Hindi ko siya kilala. . ." Ang masayang mukha ng kanyang ina ay nagbago. Unti-unti 'yong napalitan ng lungkot para sa dalaga.
"I did not even know whom I will be marrying to," saad ng dalaga. Hindi niya maiwasang magsabi ng nararamdaman sa ina tungkol sa bagay na iyon. Matagal niyang inilihim dito ang nararamdamang lungkot at hindi pagkagusto sa sitwasyon niya.
Ngumiti ang ina ni Alex na para bang hindi inintindi ang nararamdaman niya. Hinawakan nito nang mahigpit ang kamay ng dalaga habang ang isang kamay naman ay nakahawak sa kaliwang bahagi ng pisngi ni Alex.
"You have to trust your dad, hija," saad ng ina nito, "it is for your own good. Just trust your dad and everything will be fine."
Tanging pilit na ngiti na lamang ang naipakita ni Alex sa kanyang ina sa mga sandaling iyon. Wala na siyang magagawa pa kung hindi ang tuparin ang ipinangako niya sa ama at talikuran ang sarili n'yang kaligayahan. Nang makalabas ng kwarto ang kanyang ina ay muli niyang naramdaman ang kirot sa puso nang maalala ang lalaking pinakamamahal niya.
"Baka," naluluhang saad niya, "baka! Baka!" Umiiyak na pinagpapalo ng dalaga ang unan na nasa tabi niya.
SUNDAY (ENGAGEMENT PARTY)
"Ang ganda mo Alex!" malakas na sigaw ni Sab nakatingin sa dalaga mula sa salamin. Ngumiti naman si Alex sa kaibigan.
"Ano ka ba naman Sab, hindi ka na nasanay," pabirong saad nito na ikinatawa nilang dalawa.
Nasa isang five star hotel ni Sab ngayon ang dalaga kasama ang pamilya niya at iba pang mga bisita. Dito nila napagkasunduang idaos ang engagement party ng dalaga dahil na rin sa dami ng bisitang dadalo. Imbitado sa engagement party ang malalaking business partners ng dalaga at ang ilang business partners ng Mondragon. Hindi rin mawawala ang mga teachers ng Mondragon High School Academy sa mga imbitado sa gaganaping pagdiriwang.
Napabuntonghininga si Alex habang nakaharap sa malaking salamin na nasa harapan niya. Nakasuot ito ng isang creamed-colored below the knee tube dress at isang white five inches high heels. Nakaladlad ang kulay itim at mahahabang kinulot na buhok ng dalaga. Tila isang prinsesa sa ganda ang dalaga kung titingnan. Ang natural na mapupulang labi ay tinapalan pa ng kulay pulang lipstick dahilan para mas umangat pa ang natural na kagandahan ng dalaga.
"Sobrang swerte ng groom to be mo kapag nakita ka na ganito kaganda." Hindi malaman ng dalaga kung matutuwa ba siya sa sinabi ng kaibigan. Hayun na namang muli ang kaba sa dibdib niya tila pati ang puso niya'y hindi mapigilang itanong kung sino baa ng lalaking pakakasalan niya.
"Sab." Pagtawag ni Alex sa pangalan ng kaibigan. Tumingin naman ito sa kanya at ngumiti.
"May idea ka ba kung sino 'yong pakakasalan ko magiging fiancé ko?" tanong nito na hindi inaasahan ng kaibigan. Bahagyang nanlaki ang mga mata nito ngunit kaagad na nakabawi sa takot na baka magtaka si Alex. Laking pasasalamat naman niya at hindi nakatingin ang dalaga sa kaniya.
"Hindi eh," sagot ni Sab, "maski kami ay walang ideya sa magiging fiancé mo." Tila nawalan na ng pag-asa pa si Alex sa isinagot ng kaibigan. She feel hopeless knowing that even her friends doesn't know who is she going to marry.
"Huy! Ang ganda-ganda mo para sumimangot!" Paninita ni Sab sa kaibigan. "Wala ka bang tiwala kina tito at tita? Masyado kang maganda para ipakasal nila sa isang gurang," pabirong saad pa nito ngunit hindi man lang nagbago ekspresyon ng dalaga. Ni hindi man lang ito ngumiti sa birong kaibigan.
"Hindi nga matanda, pero hindi ko pa rin alam, Sab," saad ni Alex, "hindi ko kilala, hindi ko mahal. Ano pang silbi no'n?" Hindi nakapagsalita si Sabrina sa tinuran ng kaibigan, maging siya ay nahahawa sa kalungkutan na nakabalot sa dalaga.
"Magpapahangin muna ako sa labas." Kaagad na tumayo si Alex at naglakad palabas ng hotel suite. Nang makalabas ay nagsimulang maglakad si Alex sa malawak na hallway. Namangha siya sa ganda ng hotel sapagkat ito ang unang beses niyang makapunta rito.
Naglalakad siya nang mayroon siyang mamataang isang pamilyar na imahe ng tao. Kaagad siyang natigilan at hindi nakagalaw sa kinatatayuan nang malinaw na makita si Jun. . . na may kasamang isang napakagandang babae. Nakangiti ang binate habang masayang nakikinig sa sinasabi ng babaeng nakahawak pa sa braso niya.
Mabilis na nangilid ang luha ng dalaga nang makita ang tagpong iyon. Parang pinipiga ang puso niya sa sobrang sakit at napatakip na lamang siya sa bibig nang may kumawalang hikbi doon. Nagulat pa siya nang bahagyang tumingin ang binata sa direksyon niya kung kaya't dali-dali siyang nagtago sa isang makipot na pasilyo. Marahas na pinunasan ng dalaga ang mga luhang tuloy-tuloy nang dumadaloy mula sa mga mata pababa sa pisngi niya.
Muli niyang sinilip ang kinaroroonan ng binata. Naroon pa rin sila at nakatalikod na ito sa kaniya kung kaya't malaya na niyang natititigan ang likod na iyon. Malaki ang ipinagbago ni Jun, mas lalo itong gumwapo. Ang maliit na pangangatawan dati ng binata ay gumanda dala ng pagwo-work-out nito. Mas naging mature ang binata kumpara dati.
Tiningnan din ni Alex ang dalagang nakakapit pa rin sa braso ni Jun hanggang ngayon. Napakaganda no'n at hindi maipagkakailang may class din. Matangkad ang babae at parang isang beauty queen ang postura.
Lalo lamang naiyak ang dalaga habang nakatingin mula sa malayo. Nakikita n'yang masaya na ngayon ang binata kasama ang babaeng iyon, at naisip niyang hindi talaga sila para sa isa't isa.
Lumuluhang tinalikuran niya ang binatang abala pa rin sa pakikipag-usap. Naglakad siya pabalik sa suite at doon ay naabutan niya ang kan'yang kapatid at si Sab. Nagulat silang dalawa nang makita ang itsura ng dalaga.
"Hey, what happened? Why are you crying?" nag-aalalang tanong ni Allen. Kaagad niyang nilapitan ang kapatid at niyakap, dahilan para mas lalong maiyak si Alex.
"He's now happy with someone else kuya," lumuluhang saad ni Alex. Mahigpit na niyakap siya ng kan'yang kuya at pilit na pinapakalma.
"Sshh, everything will be fine, princess. . ."
**
"Are you okay now princess?" tanong ni Allen sa kapatid. Naayos nang muli ang make up ni Alex. Nang umiyak ito kanina ay nagulo ang make up niya. Habang inaayos ito ay napansin nilang dalawa ang wala nang reaksyon na si Alex. Tila ba walang buhay ang inaayusang dalaga habang diretso lamang itong nakaharap sa salamin.
Hindi sumagot ang dalaga bagkus ay tumango lamang ito. Malapit nang magsimula ang engagement party at paniguradong anumang sandal ay tatawagin na sila. Ngunit tila hindi na hahayaan pa ni Alex na tawagin sila. Nagulat na lamang sina Sab at Allen nang umuna na itong lumabas ng hotel suite kaya naman ay dali-dali nilang sinundan ang dalaga.
Naglalakad mag-isa ngayon si Alex. Nasa likuran niya ang kapatid at ang kaibigan habang binabagtas ang mahabang hallway. Tahimik lamang siya at hindi man lang naaalis ang paningin sa nilalakaran.
Nagulat siya nang mamataan ang isang pamilyar na tao sa tapat ng hall na pagdarausan. Tila ba may hinihintay ito. Nanlaki ang mga mata ni Alex nang makita kung sino iyon. Napatingin din ito sa kanya at dali-daling naglakad para alalayan siya.
"I-ikaw?" hindi makapaniwalang tanong ni Ale sa binata.
"Hey, I thought you were not coming," nakangiting saad pa nito na mas lalong ikinagulat ng dalaga.
"Bro!" pagtawag nito sa kapatid ni Alex. Nanlaki naman ang mga mata ng dalawa nang makita ang binata. Tulad ng dalaga ay gumuhit din ang pagkagulat sa mukha ng mga ito.
"You?" sabay na tanong pa ng magkasintahan habang nakatingin ditto. Sa halip na sumagot ay tumingin lamang ito sa dalaga na ngayon ay gulat pa rin at hindi makapaniwala.
"Let's go inside, they are waiting for us." Nakangiting saad ni Sho at inilagay ang kamay ni Alex sa kanang braso nito. Hindi nakapagsalita ang dalaga dahil sa sobrang pagkagulat. Hindi siya makapaniwala na si Sho ang fiancé niya.
'Paano? Paano nangyaring siya ang fiancé ko?' tanong ng dalaga sa kanyang isipan habang naglalakad sila papasok.
Doon ay tumambad sa kanila ang napakaraming tao. Ang mga ito ay sinalubong sila nang masigabong palakpakan at ang iba ay impit na tumitili dahil sa kilig. Hindi naman nakapagsalita si Alex sa sobrang pagkagulat. Hanggang sa marating nila ang table ay hindi siya nakapagsalita. Maging ang ingay ng mga tao ay tila ba hindi n'ya naririnig dahil sa halo-halong pakiramdam.
Tiningnan niya ang gawi ni Sho. Nakangiti lamang iyon habang nakatingin sa harapan kung saan naroon ang stage at ang MC na sina Ms. Chan at Ms. Santos.
"Now that the bride to be is here, let us call on the stage, Mr. and Mrs. Mondragon for their message." Tumayo mula sa kinauupuan ang mag-asawang Mondragon at umakyat sa stage. Kinuha ni Mr. Mondragon ang mic mula sa stand at tumingin sa audience.
"Thank you for coming into this special occasion for us, and of course, for our daughter," panimula ni Mr. Mondragon at tumingin pa sa gawi ng dalaga. Tumungo naman si Alex at pilit na itinatago ang pangingilid ng luha.
Hindi pa rin siya makapaniwala na si Sho ang fiancé niya. Bagamat gusto niyang tumayo at tumalikod ay hindi niya magawa. Hindi niya gusto na mapahiya ang binata sa harap ng maraming tao.
Habang nagsasalita ang kanyang mga magulang ay tahimik lamang na nakatungo ang dalaga. Hindi niya pinansin ang maraming tao. Maging ang mga katabi niya. Bahagya pa s'yang nagulat nang may humawak sa kamay niya dahilan para tumingi doon.
"I know what you are thinking," saad ni Sho. Bahagya pa itong nagulat nang makita ang mga luhang tumutulo sa mga mata ng dalaga.
"Hey, Alex, it's not what you thi---"
"No." Nabigla ang lahat nang tumayo ang dalaga mula sa kinauupuan at tumingin sa kan'yang mga magulang na naputol ang sasabihin.
"Alex—"
"I'm sorry mom, dad," lumuluhang wika ni Alex habang nakatingin sa mga magulang.
"I can't do this." Napuno ng bulungan ang buong hall nang magsimulang maglakad palayo si Alex. Ilang beses pa siyang tinawag ng mga magulang ngunit hindi niya pinakinggan ang mga 'yon at mas mabilis siyang naglakad palabas ng hall. Nang akma na niyang bubuksan ang doorknob ay may nagsalita mula sa mikropono dahilan para matigil siya.
"Baka. . ." Tila nabato sa kan'yang kinatatayuan si Alex nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon.
"Where do you think you're going, woman?" Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang marinig ang tinig na iyon. Dali-dali siyang humarap at doon ay nakita niya si Jun Anthony Shin na nakatayo sa stage, hawak ang mikropono habang nakatingin sa kan'ya.
"You're going to run away, aren't you?" tanong pa nito dahilan para bumalot ang matinding pagtataka sa sistema ng dalaga. Natahimik ang buong hall nang magsimulang maglakad si Jun patungo sa kinatatayuan ng dalaga. Tila hindi naman nakakilos si Alex nang makita ang papalapit ng binata sa kanya.
"May utang ka pa sa 'kin, remember?" tanong nito na mas lalong nakapagpatahimik sa dalaga.
"Nako Stella! Nagtagalog na siya! Sagutin mo na ang mga tanong niyan!" Gulat na napatingin si Alex sa pinanggalingan ng boses. At doon ay nanlaki ang mga mata niya nang makita ang buong section 13 na ngayo'y nagtatawanan na dahil kay Bruno.
"Oh My God. . ." Iyon lamang ang lumabas sa bibig ni Alex atsaka muling tumingin sa binata.
"I-ikaw. . ."
"Why? May reklamo ka ba na ako ang fiancé mo?" Nagsigawan ang buong section 13 sa sinabing iyon ni Jun. nakatutok pa rin kasi ito sa mic at dinig ng lahat ang diretsong tagalog ng hapon na binata.
"I-I thought, may fiancé ka na, I-I thought it was Sho---" Nanlaki ang mata ng dalaga sa sunod na ginawa ng binatana s'yang gumawa ng ingay sa buong hall.
"OH MY GOD!"
"NAKAKAKILIG SILA!"
"SHET! BINATA NA SI JUN MGA PRE!"
"Do not mention that guy's name in front of me," mahinang saad ni Jun matapos bitawan ng mga labi niya ang labi ni Alex na hanggang ngayon ay nanlalaki pa rin ang mga mata.
"Hey, baka." Gulat na tiningnan ni Jun ang lumuluhang dalaga. "Why are you crying? Bak--- Itai!" biglang sigaw ng binata matapos siyang sipain sa binti ng dalaga gamit ang heels nito. Nagtawanan ang section 13 sa ginawang iyon ng dalaga at hindi naman nakapagsalita ang mga magulang ng dalawa sa nangyari.
"Baka! Tanga! Inutil!" Lumuluhang pinagsusuntok ni Alex sa dibdib ang binata habang paulit-ulit na sinasabi ang tatlong katagang iyon. Nang mahuli ni Jun ang mga kamay ni Alex ay mahigpit na hinawakan niya iyon atsaka lumuhod sa harapan ng dalaga.
Natigilan ang dalaga sa ginawa ng binata. Ang iba'y napasinghap at ang iba naman ay tumitili habang kinukuhanan ng video ang dalawa. Todo naman sa pagch-cheer ang section 13 at nakangiti namang pinanonood ng mga magulang nila ang ginagawa ng binata.
"A-ano 'yan?" gulat na tanong ni Alex ngunit hindi siya pinansin ni Jun. Bagkus ay may kinuha ito mula sa bulsa ng suot niyang tuxedo at inilabas ang isang diamond ring.
"OH MY GOD!"
"KINIKILIG AKO!"
"KYAA! ANG SWEET!"
Napasinghap si Alex at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa singsing na nasa harap niya. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Ang lalaking mahal niya ay nasa harapan niya ngayon at nagpo-propose.
"J-Jun. . ."
"I've waited for this, and now I won't let you leave me again," saad ng binata, "when I first met you, I thought you will just ruin my life again. You are an eyesore, the fact that you are an ugly, and a baka teacher that time." Lumuluhang sumimangot si Alex sa sinabi ni Jun. narinig din niya ang tawanan ng section 13 kung kaya't tiningnan niya ang mga ito ng masama.
"But I was wrong, we were wrong about our perceptions toward you. You have a good and strong heart, you even made us trust and believe you for being just you. And I myself, did not notice that I'm falling. Sh*t me, from denying that I'm already into you." Tahimik na umiiyak si Alex habang pinakikinggan ang sinasabi ni Jun. Nag-umpisang maging emosyonal ang mga taong nanonood sa kanila.
"The day you said goodbye at the hospital, I want to f*cking get up and tell you not to leave. I wanna to go to the airport to stop you from leaving. But I realized, of all what you did to us, to make us stay, to make us graduate from high school, you deserve rest, you just did a right decision," saad ng binata. Tanging hikbi lamang ang naisagot ni Alex habang ganoon din ang ilan sa mga nanonood.
"I've waited for you to comeback here. I wanna fly to Korea to get you, but I thought, if we are really meant for each other, God will make a way to cross our paths again," wika ng binata, "but when I heard the news of you getting married to someone, and me gatting married to someone,I f*cking questioned God for how cruel He is. But when I knew it was you whom I will be marrying to, I f*cking said sorry a hundred times." May ilang natawa sa sinabi ni Jun samantalang sinamaan naman siya ng tingin ni Alex.
"I love you Alex. And I am willing to be a student again, just to be in your class, I want us to start a lesson again, without any class dismissal," emosyonal na saad ni Jun habang nakatingin sa lumuluhang dalaga, "Will you be my teacher, forever?"
Lumuluhang tumango nang ilang beses ang dalaga. "Yes," saad nito habang nakatingin kay Jun. Emosyonal na isinuot ni Jun ang singsing sa daliri ng dalaga at niyakap ito nang mahigpit pagkatapos.
"I love you, hapon."
"Aishiteru, baka sensei. . ."
"KASALAN NA!" Natawa silang lahat sa isinigaw na iyon ni Justin. Nakangiting tiningnan nilang dalawa ang section 13.
"Yes, KASALAN NA!" Sigaw ni Jun atsaka niyakap si Alex. Tiningnan ni Alex ang kanyang mga magulang. Nakangiti ang mga ito sa kaniya at nagthumbs up pa ang mga ito. Nilapitan nilang dalawa ang kanilang mga magulang atsaka niyakap.
"I'm glad you're happy now," emosyonal na wika ng ama ni Alex, "I'm happy for you, my baby." Naluluhang niyakap nang mahigpit ni Alex ang kanyang ama.
"Thank you, dad." Ngumiti ang ama ni Alex atsaka hinalikan ang noo nito.
"Congratulations, princess," nakangiting saad ni Allen sa kapatid. Niyakap niya ito nang mahigpit atsaka hinalikan sa noo.
"I'm happy to be a witness of your fairy tale."
"Thank you kuya," wika ni Alex habang nakayakap nang mahigpit sa kapatid. Tumingin siya sa pamilya ni Jun at laking gulat nang makita ang babaeng kasama ni Jun kanina.
"Silly, she's my sister," saad pa ni Jun. sumimangot lang ang dalaga nang mapagtantong kapatid nga iyon ng binata. Matapos no'n ay pinasalamatan ng dalawa ang pagbati ng mga bisita sa engagement. Huling pinuntahan ni Alex ang section 13.
"Congratulations, Stella," nakangiting saad ni Ren.
"Masaya kami para sa inyo, Stella," saad naman ni Roigie.
"Glad that you're finaly happy now, Stella," wika ni Niccolo.
"Salamat sa inyo," naluluhang saad ni Alex sa kanila, "sobrang masaya ako na naging estudyante ko kayo. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ako mapupunta sa lugar na ito."
"Kami dapat ang magpasalamat sa 'yo Stella, ikaw ang dahilan kung bakit narito kami ngayon. Ikaw ang inspirasyon namin para magpatuloy sa buhay. Ikaw, ang teacher ng section 13, at walang papalit sa 'yo sa puso namin." Emosyonal na saad ni Justin. Bahagyang natahimik ang lahat, halata sa mga estudyante ang pangingilid ng luha sa mga mata nila at pinipigilang maging emosyonal.
"Ano ba 'yan! Walang iyakan! Group hug na lang!" natawa silang lahat sa sinabi ni Josh.
"At bago iyan!" sigaw ni Alex dahilan para matigil ang section 13.
"I just want to finally say this, CLASS DISMISSED."
YOU ARE READING
Ang Teacher ng Section 13
AcakSi Alex ay isang successful fashion designer, model at the same time ay owner ng isang clothing line sa Korea. Malaya siyang naumuhay roon, nang walang kumokontra sa mga desisyon niya. Wala siyang ibang gusto kung hindi ang passion niya sa pag gawa...