Chapter 34

833 40 0
                                    

CHAPTER 34

"OI TAGAY PA! NGAYON LANG ITO MGA BATA!" lasing na lasing nang sabi ni Alex habang hawak hawak ang isang bote ng gin na kanilang iniinom. Nasa bahay sila nina Roigie kasama sina Yuta, Taki, at Sho. mag mula nang marating nila ang bahay ni Roigie ay nag simula na silang mag inom.

"Grabe, parang kanina lang ay ayaw niya tayong painumin.." bulong ni Ren sa katabng si Roigie habang tinitingnan ang kanilang guro na parang baliw at sumasayaw sayaw pa.

"Kohi, stop now..." parang nahihiyang sambit ni Sho habang pilit na pinauupo ang dalaga ngunit imbis na pansinin ay kumuha pa si Alex ng isa pang bote atsaka ulit-ulit na kumakanta at sumasayaw ng isang kpop song.

"Urin cham byeollago isanghan saiya~~ seororeul buseojigae~~ Geurigon tto kkyeoana~ you got me feeling like a psycho, psycho, uri bogo malhae jakku jakku~~~" pag kanta pa nito habang sumasayaw. Iiling iling namang tiningnan ni Jun ang dalaga atsaka uminom.

"Wooow ang galing mo palang shumayaw Shtella! Sige hataw pa!!!" panunulsol sa kaniya ng lasing nang sina Josh at Justin. Tawa naman nang tawa sa kanila sina Ren at Niccolo habang parang nuubusan naman ng pasensya ang tatlong kasamahan ng dalaga.

"It's good that you're finally back now, congratulations.." sabi ni Sho habang nakatingin kay Roigie. Tumango naman ito at muling nag salin ng alak sa baso at ininom iyon.

"Kung hindi dahil sa tulong niyo, baka hanggang ngayon ay naroon parin ako. oh kaya baka mabulok na ako sa bilangguang 'yon." Tahimik nitong pinag masdan ang dalagang bangenge na sa alak at walang hinto sa pag sasayaw.

"Nag papasalamat sin ako kay Stella, napaka tatag niyang tao. Kahit minsan talaga ay may pagka engot siya." Bahagyang natawa ang mga ito habang tahimik na pinanonood si Alex.

"At sa mga kaibigan ko, na hindi nag padala sa takot nila sa mga armadong tao para lang mapatunayang inosente ako." suod na tiningnan ni Roigie ang mga kaibigan na nag kakasiyahan atsaka nag pakawala ng ngiti.

"Kung tutuusin mga duwag ang mga iyan, maliban kay Jun, pero hindi pa rin sila sumuko para sakin, kaya ang dami kong data ipag pasalamat sa kanila." Nakangiting sabi ni Roigie.

"They're great friend indeed." Pag sang ayon naman n SHo sa sinab ng binata. Maamang pinagmasdan nito ang dalaga na nakikipag lokohan sa mga estudyante nito na para bang sila lamang ang tao sa mundo.

Hindi maikakaila ni Sho na ngayon lang niya nakita ang ganitong uri ng pag katao ng babaeng ibang iba mula sa nakikita niya, ibang iba ang Alex ngayon sa Alex na kinatatakutan ng lahat, ang seryosong mukha nito tuwing may laban o nasa trabaho ay ibang iba sa palabiro at masiyahing pag katao ng babaeng nakikita niya ngayon.

"Gusto mo siya no?" agad na natauhan si Sho sa pag titig sa dalaga nan marinig ang tanong na iyon ni Roigie. Mabilis siyang nag salin ng alak sa kanyang baso atsaka uminom.

"Tss.. haha masyado ka kasing halata kaya huwag mo nang I deny.." tila natauhan ang binata atsaka pinaka titigan ang kaharap.

"Shut your mouth up.." mahinang bulong ni Sho. ngunit ngumisi lang ang binata.

"Sabagay, hindi mahirap magustuhan ang gaya ni Stella, maaring nakakainis siya pa minsan minsan, pero sobrang nakakatuwa naman ang personality niya. ganon ko siya nakilala bilang estdyante niya." nakangiti namang sabi nito.

"She's too far from what she is before. We didn't even see this side of her even beore she enter to this type of job she hate the most.." natigilan naman ang binata sa sinabi ni Sho at nag tatakang tiningnan ito.

"You heard me right? Teaching is not on her book. She almost curse that job 'cause she really hates students. But one day, she chose to teach you guys. She chose to teach you and forget what she is totally." Dagdag pa nito na ikinatahimik naman ng  binata.

"She even sacrificed her own reputation to take care all of you. There is no one who won't admire her for her passion and dedication." Litanya nito habang lumalagok ng isang baso. Bagamat masyadng maingay sa lugar na iyon dahil sa nababaliw nang si Alex ay rinig ni Jun ang usapang iyo ng dalawang binata. Tiningnan niya si Sh at kitang kita dito ang pag hanga na nararamdaman nito para sa dalaga habang nakatingin dito. Sa hindi malamang dahilan ay bigla siyang nakaramdam ng kung an sa kaniyan puso. Hindi maipaliwanag ang pakiramdam na iyon ngunit sadyang mas advance ang aksyong ginagawa niya at hindi niya namamalayan ang pag kuyom ng kaniyang kama na nakatago sa ilalim ng lamesa habang nakatingin nang matalim sa binata. Naputol lmang ito nang biglang umiwas ng tingin si Sho at dumako sa kaniya.

"Ano mga bata! Tagay paa!! Bukas ay wala na ito panigurado dahil may pasok naa!" lungo sa alak na sabi ng guro dahilan para muling mag ingay ang tatlong binatang sina Justin, Josh at Niccolo.

"Oo nga ma'am! May klase nanaman bukaaash!!" lasing na tugon pa nilang tatlo sa dalaga. Napapailing naman sina Ren, Roigie at ang dalawang kasama ni Sho na sina Yuta at Taki sa inakto ng dalaga. 

"Hindi ka nag kakamali. Ang totoo niyan, lahat kami ay gusto siya." Dagdag ni Ren dahilan para mapatingin sa gawi niya ang tatlong binata.

"What?" kunot noong tanong ni Sho. ngumisi naman si Ren nang tumingin din sa gawi niya ang kunot noong si Jun.

"Gaya nga ng sinabi niyong dalawa, hindi mahirap magustuhan si Stella.. totoo iyon, ang totoo nga, gusto ko na siya mag mula nung ipagtanggol niya ako sa asungot na teacher nun Smith Academy." Nakangising sabi niya pa dahilan para tingnan siya nang matalim nina Roigie.

"What the f*ck are you saying dumb*ss?" sabay na tanong nina Jun at Sho dahilan para matahimik at gulat na tumingin sa kanilang dalawa ang mga ito maliban sa apat na nag sasaya. Maging ang dalawang binata ay nagulat at nag katinginan sa isa't isa nang dahil sa gulat. Agad na nagbitaw ng tingin si Jun at tahimik na uminom habang naiwan namang nakatingin sa kaniya si Sho na hind pa rin makapaniwala.

Sa kaniyang nakita ay hindi maaaring mag kamali ang binata sa kaniyang naiisip. Tulad niya ay may nararamdaman ding kakaiba ang binatang kaharap sa dalaga at hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman patungkol rito.

Maging ang dalawang kasama ni Sho na sina Yuta at Taki ay nagulat nang sandaling mamuo ang tensyon sa pagitan ng dalawang binata. Batid nila ang pag kagusto ng dalawa sa kanilang Kohi kaya naman ganoon na lamang ang kanilang tuwa sa nakikitang tensyon sa dalawang ito.

"Do you enjoy the scene bro" nakangising tanong ni Taki sa kasama. Natatawang tumango naman ito .

"This is gonna be exciting bro..." natatawang sambit pa ni Yutan a sinang ayunan naman ng kasama.

Nang matapos ang kasiyahan ay kaniya-kaniyang uwi na ang mga binata.  Sumabay sina Niccolo, at Ren kasama sina Justin, Niccolo  at Josh na lango na sa alak, samantalang sa sasakyan naman ni Sho isinakay si Alex kasama sina Yuta at Taki.

"We'll go ahead. Thanks for your invite man." Tumango naman si Roigie at tuluyan nang nag paalam sina Sho sa kanila.

"Mauna na kami, mag kita-kita nalang tayo bukas." Sabin i Ren habang nakaalalay sa lasing nang tatlo. Tumgno naman si Roigie at hinintay na makaalis ang mga kaibigan bago pumasok ng bahay.

"Hays..." bulalas niya nang tuluyang makahiga sa kaniyang kama.

"Welcome home, Roigie.." sambit pa nito sa kaniyang sarili habang nakatngin sa kisame ng kanilang bahay. Hindi maitag ang sayang  nararamdaman ng binata ngayong nakauwi na rin siya sa wakas. Ilang araw siyang nasa loob ng kulungan at pinag babayaran ang kasalanang hindi naman niya ginawa. Nagyong nakalabas na siya sa tulong ng mga kaibigan at guro ay masaya at panatag nang muli ang pakiramdam niya.

"Ipinapangako kong makakapag tapos ako ng pag aaral at makakapag hanap ako ng magandang trabaho para sa amin ni ate, tay, nay.." sabi niya habang nakaharap sa litrat ng kaniyang namayapang magulang.

***********

KINABUKASAN

"Yun oh! Welcome back Roigie!!!" sigaw ni Bruno sa kadarating na binata sa classroom. Maaga pa lamang ay pumasok na ang binata dala ng kaniyang pananabik na maka balik matapos ang nangyari.  Ngumisi lamang siya sa mga kaklase atsaka naglakad patungo sa upuan. Naroon na rin sa classroom ang kaniyang mga kaibigan maliban kay Jun.


"Wala pa siya?" tanong nito kay Ren na nagsusulat ng kung ano. Tiningnausiya nito at nag kibit balikat.

"Ganon talaga ang isang iyon, ilang araw  laging nalelate sa pag pasok. Amg sabi niya kasi ay narito ang mga magulang niya." Dagdag naman ni Niccolo. Nang makaupo sa upuan si Roigie ay siya namang dating ni Alex na tila wala sa sarili at tulala.

"Huh? Anong meron? May problema ba iyan?" nag tatakang tanong ni Justin. Nanahimik naman ang mga estudyante ng section 13 at nag tatakang pinag masdan ang bawat kilos ni Alex. Nag simula itong mag attendance at tahimik naman ang lahat.

"Feeling ko may nangyari diyan kay Stella." Bulong ni Josh. Nag simula silang mag daldalan ni Josh at Niccolo habang nag susulat na sa white board ang daaga.

"Ano kayang nangyari? Parang wala siya sa sarili niya ngayon ah."

"Tss baka naman may hang over pa siya." Nag patuloy sa pag dadaldalan ang mga binata nan hindi nila napapansin ang pag lakas ng boses nila.

"Gagi! Baka naman broken hearted iyang si Stella!" Pag kasabing iyon ni Justin ay nakarinig sila ng isang malakas na pag lagapak ng kung anong bagay sa sahig. Iyon ang laptop na dala ng dalaga. Sa gulat ay napasinghap ang ilan sa section 13 habang gulat namang nag tinginan ang tatlo.

"Ang asungot na iyon!!! Yayariin ko siya!!!" sigaw ni Alex matapos niyang ihagis ang laptop dahil sa naalala. Nag katinginan ang mag kakaibigan atsaka muling tumingin sa kanilang guro na ngayo'y parang nasa kabilang ibayo pa rin ang utak.

Hindi napansin ni Alex ang kaniyang mga estudyante pag pasok ng classroom. Tanging nasa nangyari lang kaninang umaga ang nasa isip niya. Ang nakakahiyang umaga na nangyari  sa buong buhay niya.

[FLASHBACK]
Maagang nag gayak sa pag pasok sa trabaho ang magkaibigan. Bagamat hindi sila mag sasabay ni Sab dahil may lalakarin pa ito bago pumasok ay pinilit ni Alex na magising nang maaga at dahil doon ay sobrang sakit pa rin ng ulo niya.

"Tss sinabi ko naman sa iyo hina, hinay hinay lang sa alak dahil iyan talaga ang mararamdaman mo." Tipa nanenermon na sabi ni Manang Celia habang nasa hapag silang dalawa. Umuna na si Sab dahil sinundo ito ng kaniyang kapatid. Hinihilot ni Alex ang sentidong makirot dala ng hang over.

"Hindi ko naman ho inaasahan iyun nanny eh, atsaka naparami ho ata ako ng inom. Hehehe" unti-unting nagiging malinaw ang mga ala-ala ng dalaga. Ang pinag gagagawa niya kasama ang tatlong estudyante niya kahapon ay mas nagihing malinaw na sa kaniya. Kung kaya't labis labis ang hiyang nararamdaman niya ngayong naisip niyang papasok siya sa classroom at makikita ang mga kwatog na iyon.

"Hija, sana ay hindi na maulit ang ganitong bagay lalo na't estudyante pa sila, hindi magandang makita ang isang guro na nakikipag inuman sa mga estudyante niya lalo na't babae ka." Napakamot naman ng ulo ang dalaga sa sinabi ng matanda. Mas lalo siyang nakaramdam ng hiya dito. Nag patuloy na lamang siya sa kinakain at ininom ang gamot na ibinigay ni Manang Celia. 

"Nga pala, ipinamimigay ito ng kasama mong binata kagabi, hindi mo na raw mabitbit ang mga gamit mo kaya't pinapasok ko na sila para alalayan ka. Ngayon ko lang nakita ang mga gwapong batang iyon, mga kaibiganmo ba sila?" napatingin naman si Alex sa itinanong ng matanda. Kinuha nito ang mga gamit niya atsaka sinagot ang matanda.

"Ah, opo nanny, kaibigan ko sila sa Japan, hehehe" nang makuha ang gamit ay agad niya iyong tiningnan para i double check. 

"Iyong binatang nag hatid sa iyo kagabi, kaibigan mo lang ba iyon hija?" natigilan naman and dalaga sa tinuran ng matanda atsaka nag tatakang tumingin dito.

"Ho? Sino ho?"

"Iyung lalaking gwapo at matipuno ang katawan, gray ang buhok..?" nanlaki ang mga mata ni Alex atsaka gulat na tinitigan ang matanda.

"Kung makatingin siya sa iyo, aakalaing nobyo mo ang isang iyon. Napaka maginoo kung alalayan at tingnan ka. May halong pag mamahal.."

"Nanny! K-kaibigan ko lang si Sho okay? Mag kaibigan kami.." pilit na pinakakalma ni Alex ang sarili maging ang mabilis na pag tibok ng puso niya.  Nag kibit balikat naman ang matanda atsaka nakangiting tinalikuran siya.

Nang matauhan ay unti unting nag pakita sa isipan niya ang ilan pang nangyari kagabi.

"Aishiteruyo. Hontōni..." nag pabalik balik sa utak ng dalaga ang mga katagang iyon na sinabi ng binatang si Sho.  Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya nang maalala ang pag dampi ng malambot na bagay sa kaniyang labi.

"What the hell..."

Hanggang sa makarating siya sa gate ay walang ibang inisip si Alex kung hindi ang nangyari kagabi. Ang pag amin ni Sho at ang pag halik nito s kaniya na nag dudulot ng kilabot sa buong katawan niya at ang mabilis na pag tibok ng puso niya. Gulat at hindi makapaniwala ang dalaga sa sinabing iyon ng kaibigan. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman tungkol sa sinabi nito. May parte sa puso niyang masaya siya sa narinig, kinikilig at ang pakiramdam na may nag liliparang paru-paro sa loob ng tiyan niya.  Sa madaling salita, masyado siyang naguguluhan sa kung anong dapat niyang maramdaman.

"What the hell are you thinking Alex.. you crazy..." bulong nito sa sarili atsaka nag patuloy sa pag lalakad sa gate. Ngunit hindi pa siya nakakapasok ay may humigit sa braso niya dahilan para magulat at mabilis na maigalaw ang katawan at sa isang iglap lamang ay napilipit na nito ang mga braso niya.

"Itai! Kohi! Stop! It's me Sho!" agad na nabitawan naman ng dalaga ang binata atsaka humingi ng paumanhin dito.

"Omae wa koko de nani shi teru nda?!(what the hell are you doing here?!)" singhal niya sa binata ngunit hindi siya makatingin nang maayos dito sapagkat nakatingin din ito nang diretso sa kaniya.

"Sakuya nani ga okotta no ka ni tsuite..(about what happened last night...)" hindi na naituloy pa ji Sho ang kaniyang sasabihin dahil inunahan na nito ni Alex.

"Nani ni tsuite? Dō shita?(about what? What happened?)" nag kunwaring hindi alam ni Aleilx ang nangyari at pilit na kinukumbinsi ang binata ngunit iiling iling lang ito habang nakatingin sa kaniya.

"I know you know already what happened last night.." kalmadong saad ni Sho. Pinakatitigan niya ang dalaga ngunit sa huli ay umiwas na lamang siya ng tingin dito."

"I'm sorry for what I did. I kissed you without a permission. I just can't help it.." papahina nang papahinang sabi pa nito sa dalaga. Batid niyang mali ang ginawa niyang pag halik dito subalit hindi niya pinag sisisihan ang sandaling iyon.

"Yameyo.. (stop)" mahinang tugon ng dalaga nang makita ang sinseridad sa mata ng binata. Ang tinatagong inis na naramdaman sa pag amin nito ay nawala na lang na parang bula nang makita ang maamo at puno ng sinseridad na binata.

"But believe me... I meant what I've said to you.. I really do love you..."muling tinitigan sa mata ni Sho ang dalaga na ikinagulat nito. Matagal niya itong tiningnan sa mata. Kabadong nilabanan ni Alex ng titigan ang binata. Hindi niya malaman kung anong dapat niyang sabihin dito. Hindi niya mahanap ang matigas at kalmadong side niya at tila anumang oras ay manlalambot na ang mga tuhod niya sa titig ng binata.

"Sumimasen. Anata wa michi o fusaide imasu. (excuse me, you're blocking the way)" naputol ang titigan ng dalawa nang makarinig sila ng pamilyar na boses. At doon ay nakita nila ang nakapamulsa at walang emosyong nakatingin sa kanila na si Jun.

"I said excuse me... you're blocking my way.." walang emosyong ulit nito sa sinabi atsaka walang ekspresyon na tumingin sa dalaga, na siyang ikinagulat nito.

"The pathway is wide. You can use the main gate." Kalmado namang saad ni Sho sa binata.

"Tss.. why can't you two guys stop flirting and move?" aroganteng saad naman ni Jun. Dahilan para kumuyom ang kamao ng isa pang binata at tingnan siya ng matalim.

"Damare, rokudenashi. (Shut up, bastard)" matigas na saad naman ni Sho ngunit tila hindi nag patinag si Jun at nginisian lang ang binata.

"Make me.." nakangising tugon nito. Sa isang saglit lang ay biglang uminit ang tensyon sa pagitan nilang dalawa at ramdam ni Alex iyon. Hindi niya maintindihan ang biglang pag init ng tensyon sa pagitan ng dalawang binata ngunit kailangan niya ng pumagitna sa lalong madaling panahon.

"Futari wa ima yamemasu ka? (Will the two of you stop now?)" pumagitna ang dalaga sa dalawang lalaki upang putulin ang nag iinit na tensyon. Tumingin siya kay Sho atsaka nag salita

"We'll talk some other time.." tumango naman ang binata atsaka tumalikod na. Tumingin si Alex sa isa oang binata atsaka tiningnan ito nang masama.

"Hoy ikaw, ano bang problema mo ha?! Ang luwang luwang ng daanan oh! Hindi mo ba nakita na nag uusap kami nung tao?!" inis na singhal niya rito. Nag kibit balikat lamang ang binata atsaka tumingin sa kaniya.. NANG DIRETSO!

"H-hoy! Anong ginagawa mo?! L-lumayo ka nga sakin!" itinulak oa ng dalaga si Jun ngunit parang hindi man lang ito natinag mula sa kinatatayuan at nakatitig lamang ito sa kaniya. Bahagya pa itong lumapit sa dalaga dahilan para mapaatras ito at gulat na tumingin sa kaniya

"Is this how you two talk to each other? This close?" nakangisi ngunit matigas na tanong ng binata dahilan para matigilan si Alex. Ang mabilis na pag tibok ng puso niya kaninang kausap si Sho ay mas dumoble ngayong kaharap niya ang kumag na ito..

"Can't answer huh?" nakangisi pang sabi ng binata atsaka lumapit sa teinga ni Alex dahilan para mas matuod siya sa kinatatayuan.

"Baka... (idiot)" at tuluyan na itong ng lakad papasok ng school.. naiwang tulala ang dalaga, tila nadikit na ang mga paa sa kinatatayuan. Sobra-sobrang hiya at kaba ang narardaman niya. Pakiramdam niya ay napahiya nanaman siya sa harapan ng kumag na hapon na iyon.
[END OF FLASHBACK]

"Uy Stella.. ayos kalang?" kasabay ng pag tawag ni Willy sa guro ay siya namang pag pasok ni Jun at ang pag balik sa ulirat ni Alex.

"Jun!" tawag dito ni Josh. Parang wala namang pakiramdam na nag dire-diretsong pumunta di Jun patungo sa pwesto nito habang mabilis na kinuha ni Alex ang marker at dali daling nag sulat sa white board. Nag tataka namang pinag masdan ng mga estudyante niya ang dalaga. Nawi-wirdohan sa ginagawa ng dalaga.


End Of Chapter 34

Ang Teacher ng Section 13Where stories live. Discover now