Chapter 39

849 57 14
                                    

CHAPTER 39

"Ano ba 'yan sir! Bitin 'yong istorya mo!" sigaw ng isang estudyante ng section D.

"Kaya nga sir! Nakakabitin! Ano'ng nangyari pagkatapos no'n? Bumalik ba sa dati ang lahat? Naging pasaway din po ba sila ulit?" tanong pa no'ng isang babaeng estudyante.

Ngumiti naman ang kanilang guro sabay hinarap ang mga ito.

"Gusto n'yo bang malaman ang nangyari sa mga pasaway na students?" tanong nito sa kanila. Nagtanguan naman ang mga ito at saka muling nanahimik. Bumuntong hininga ang kanilang guro at nagpatuloy sa pagku-kwento.

"Oo, naging pasaway ulit silang lahat. Bumalik sila sa mga dari nilang gawain, tulad ng pambu-bully sa mga kapwa nila estudyante, maging sa mga teachers," saad nito, " huwag niyo silang gagayahin ah?" tahimik na nagtanguan naman ang mga estudyante sa kaniya. Nang makita iyon ay nagpatuloy siyang muli sa pagsasalita.

"Hanggang sa kalaunan ay natauhan din sila, naisip nilang hindi magiging masaya ang teacher nila kung hindi sila ulit magtitino," nakangiting saad niya habang inaalala ang mga nangyari, "inisip nila lahat ng itinuro ng teacher nila, isa na roon ang magpahalaga sa lahat ng bagay at ang manindigan sa lahat ng desisyong ginagawa nila." Tiningnan niya ang mga estudyante at nakita niyang tutok ang mga ito sa pakikinig. Ngumiti siya sa mga ito.

"Kaya 'yun, nakagraduate silang lahat, walang bumagsak ni isa, tulad ng ipinangako nila sa teacher nila ay nagpursigi sila sa pag-aaral hanggang sa makapagtapos sila," sabi niya pa sa mga ito, "at sa section pa nila nakuha ang valedictorian at salutatorian."

Namangha ang mga estudyante sa kuwento ng kanilang guro. Ang ilan sa mga ito ay nagpalakpakan pa.

"Sana all may teacher na katulad noong sa kwento ni sir!"

''Kaya nga! Nang dahil sa kaniys nakagraduate 'yong mga bulakbol dati na estudyante,"

"Ang astig niya sigurong teacher no?"

"Ano ba kayo! Mas astig kaya si sir!"

"Nako sipsip na naman!" Natawa na lamang ang kanilang guro sa itinuran nila. Nang tumunog ang bell ay naghanda na ang section D.

"Okay class, bukas ay magkakaroon tayo ng long quiz, be ready okay?" Natawa naman ang guro sa pag-angal ng kaniyang mga estudyante.

"Halla sir!"

"Naman sir eh!"

"Sir baka naman pwedeng next week na po." Paki-usap pa ng mga ito sa kaniya. Natatawang umiling naman siya sa reklamo ng mga estudyante.

"Kaya niyo 'yan, may tiwala ako sa inyo guys," nakangiting saad niya. Matapos no'n ay nagpaalam na sila sa isa't isa at lumabas na ng classroom ang mga bata.

Malakas na napabuntong hininga na lamang ang guro. Limang taon na ang lumipas mula noong grumaduate sila sa high school, at isa na siyang ganap na guro sa Mondragon.

Tumingin siya sa orasan at doon ay napagtanto niyang alas-kwatro na ng hapon. Natapos na naman ang araw niya sa paaralan.

Nang makarating siya sa faculty office ay sinalubong siya agad ng kaniyang mga co-teachers.

"Kamusta ang third week ko rito sa Mondragon Mr. San Pedro?" Ngumiti naman ang guro dito.

"Ayos naman ho, may kaunting adjustment lang dahil nga may mga babae nang estudyante." Natawa naman ang guro sa sinabi niya. Alam nilang lahat na maraming babaeng estudyante ang humahanga sa taglay na kagwapuhan ng guro at natutuwa silang nakakapagbiro na ito 'di tulad noong first day.

"Nako, masabi mo pa kaya 'yan kung sakaling all boys pa rin ang Mondragon?" natatawang tanong ni Ms. Chan, ang teacher sa Biology na naging teacher din ng binata noon. Nagtawanan naman silang lahat sa sinabi ng dalagang teacher.

"Hay nako, ang laki na ng pinagbago mo Mr. San Pedro! Hindi ko inakalang magiging guro ka rin pala, at dito pa!" nakangiting saad ni Ms. Santos sa kaniya, "hanga talaga ako sa inyong lahat," napangiti na lamang ang binata sa sinabi ng mga dati niyang guro na ngayo'y co -teachers na niya.

Nang matapos ang meeting ng mga teachers ay kaagad na umuwi ang binata. Habang naglalakad ito palabas ng Mondragon nang mag ring ang kanyang telepono.

"Oh?" sagot niya rito.

"Anak ng! Hoy Roigie! Tigilan mo 'yang pag-uugali mo! Teacher ka na oy!" sigaw ni Niccolo mula sa kabilang linya. Natawa naman ang binata dito at minura pa siya.

"Anak ng! Ang tibay! Oh s'ya! Pumunta ka na rito sa tambayan! Hinihintay ka na namin kanina pa!" sigaw pa ni Niccolo, "oh bawal umayaw! Minsan lang tayo mag-inuman!"

Umiling na lamang ang binata sa tinuran ng kaibigan. "Oh sige, hintayin n'yo ako, mga g*go!" Sigaw niya pa atsaka pinatay ang linya. Natatawa na lamang siyang naglakad palabas sa Mondragon.

Nang makarating siya sa restaurant nina Josh ay kaagad niyang namataan ang mga kaibigan.

"Oy sir! Halika rito!" sigaw sa kan'ya ni Justin. Tinungo niya ang lugar ng mga ito atsaka umupo sa upuan na katabi ni Niccolo.

"Oh, anong ganap?" tanong sa kan'ya ni Ren.

"Tingnan mo 'yong ulo niya, baka may mga putting buhok na siya dala ng mga estudyante niya," saad naman ni Niccolo na ikinatawa nilang lahat. Natatawang minura naman ni Roigie ang mga kasama.

"Mga siraulo, hindi 'sing sama ng iniisip n'yo ang mga estudyante ko," saad pa ng binata dahilan para lalong magtawanan ang mga kasama niya.

"Nga pala, kamusta kayo?" tanong niya sa mga kasama, "Nasaan si Josh?"

"Hayun, nagluluto, sagot niya raw eh," sagot ni Ren na ikinatawa nila.

"Ayos naman, stable ang trabaho, at maganda ang benepisyo," nakangiting saad ni Niccolo. Kasalukuyang managing director ito sa isang automotive industry.

"Kami rin ni Jah, sa katunayan nga, pachill-chill lang kami," pagbibiro naman ni Ren. Magkasama silang dalawa ni Justin na nagtatrabaho sa isang perfume company. Si Ren ang head ng finance department samantalang si Justin ang head ng merchandising department.

"Anong pachill-chill ka dyan Ren, pumuslit lang tayo ngayon," saad naman ni Justin na ikinatawa nila, "darating ang chairwoman natin sa isang araw, hindi pwedeng chill chill lang tayo! Lalo na at hindi pa natin nakikita 'yon!"

Mas lalong natawa si Roigie sa sinabi ng kaibigan, naisip niyang, hanggang ngayon ay dala pa rin ng mga ito ang ilan sa mga ugaling nakasanayan nila noong high school pa lamang sila.

"Hindi namin inakalang magiging teacher ka ng school na halos isumpa mo dati, Roigie," saad ni Josh. Uminom naman ang binata habang hawak ang baso ng wine.

"Ang buong akala namin ay si Jun ang magiging teacher," saad naman ni Justin, "natandaan niyo ba 'yon?" Muli nilang inalala ang araw na iyon. Ang araw na sabihin sa lahat ng tao na gusto ni Jun maging guro tulad ni Alex.

"Alam mo naman ang magulang ni Jun 'di ba? Hindi yata uso ang sariling desisyon sa pamilya niya," wika ni Niccolo, "malamang sa malamang ay hindi chalk, o marker ang hawak no'n kung hindi ballpen,"

***

"This one's a copy paste," saad ni Jun sa harapan ng kaniyang mga empleyado sabay tapon ng folder sa sahig. Napayuko naman ang empleyado atsaka pinulot ang kan'yang folder.

Kasalukuyan niyang nirereview ang project proposals ng mga empleyado mula sa merchandising department. At iyon ang trabaho niya bilang director ng kanilang company branch sa Pinas.

"The production cost is too high , it is not realistic." Tinapon niyang muli ang folder. Napayuko naman ang sunod na empleyado at pinulot ang folder.

"God, it doesn't even make sense!" sigaw niya at itinapon ang huling folder na hawak. Galit na tiningnan niya ang mga empleyado.

"I want you all to revise your works, give it to me until later eve, now!" sigaw niya pa habang hinihilot ang sentido.

"Sir, coffee?" biglang litaw ni Bruno mula sa pinto ng opisina niya dala ang isang tasang kape.

"Ang init ng ulo mo, dapat pala iced tea ang kinuha ko," pagbibiro pa ni Bruno. Kaagad siyang tiningnan nang masama ng binata dahilan upang matahimik ito.

Kinuha ni Jun ang kan'yang telepono atsaka binuksan ito. At doon niya nakita ang maraming litrato nila noong high school graduation. Siya ang hinirang na class valedictorian kasama si Niccolo na siyang class salutatorian. Nakakatawang isipin noon na sila ang nanguna sa class ranking samantalang kaunting panahon na lamang ang natitira nang bumawi sila.

Napunta sa isang picture ang paningin niya. Ang picture kung saan kasama ng section 13 ang kanilang guro, si Alex. Kuha ito nang manalo sila sa sports fest.

Muling nagbalik ang ala-ala niya noong nasa ospital siya. Hindi niya lubos maisip na isang katotohanan ang lahat ng narinig niya mula sa dalaga. Kung alam niya lang na hindi panaginip ang isang iyon ay nagising na siya at hinabol ang dalaga para pigilan ito.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagbago ang nararamdaman niya para sa dalaga. Na kahit umalis ito ay hindi mabura sa kan'yang sistema ang presensya ni Alex.

"Luh, sir, anong inginingiti mo riyan?" Hindi napansin ni Jun ang paglapit ng kaniyang personal assistant/secretary kung kayat napamura na lamang siya.

"Damn it Bruno! Do you want me to fire you right now?" bulyaw niya sa binata na ikinatawa na pang nito.

"Alam mo Jun, isantabi nga muna natin ang pagkaboss mo rito," wika ni Bruno at naupo pa sa office table ni Jun. Pinanlakihan siya nito ng mata ngunit hindi niya iyon pinansin.

"Alam naman nating parehas na in love ka kay Stella--- Alex, akala mo ba hindi ko napansin?" tanong pa nito sa binata. Nangunot naman ang noo ni Jun at tiningnan ng matalim si Bruno.
"Noong high school pa tayo ko pa napansin 'yon at huwag mo nang i-deny." Napapikit na lamang si Jun sa sobrang inis sa sinasabi ni Bruno.

"Pero alam mo kasi, ikakasal na siya, at ikakasal kana rin sa isang babaeng---"

"Hindi ko kilala," pagtatapos ni Jun sa pananalita ng kaibigan.

"Mismo," nasabi na lang ni Bruno at tumingin sa kaibigan/amo.

"Pero alam mo sir, pwede pang magawan ng paraan 'yan! Dukutin m—"

"Eh kung 'yang ngala-ngala mo ang dukutin ko?" diretsong tagalog na pananalita ni Jun na ikinagulat ng binata. Alam niyang oras na managalog ito ay galit na naman ang kan'yang amo. 

"Eto na nga po sir, lalabas na po, tawag na lang kayo kapag may kailangan kayo," wika pa niya, "wengya, wala nang pinagbago, ang sungit pa rin!"  wika ni Bruno nang makalabas sa office ni Jun. Naiwang mag-isa ang binata sa loob ng opisina nito. Iniikot niya ang swivel chair at tumingin sa mga matatayog na building na makikita mula sa opisina niya.

Nabali ang kaniyang pag-iisio nang tumunog ang kan'yang telepono.

"What?" sagot niya rito.

"Anak ka ng tinapa! Ang sungit mo pa ring hapon ka!" nailayo ni Jun ang cellphone sa teinga nang marinig ang malakas na boses ni Justin sa kabilang linya.

"Kuso," pagmumura niya, "what do you want?"

Narinig niya ang tawanan nina Niccolo sa kabilang linya dahilan para malaman niyang magkakasama ang mga ito.

"Kamusta? High blood ka na naman ba sa mga empleyado mo?" tanong ni Roigie sa kaniya sa kabilang linya.

"Oy pumunta ka rito sa restaurant ko! Nagtatampo na ako sa 'yo Jun!" natawa siya sa tinuran ng kan'yang kaibigan.

"G*go," natatawang mura niya pa rito, "wait for me then."

Naghanda ng kan'yang sarili si Jun. Kinuha niya ang susi ng kotse sa mesa at lumabas. Tinawag niya si Bruno at nagpunta sa restaurant ni Josh.

"Ang tagal naman ni Jun!" singhal ni Josh, katatapos lang niyang magtrabaho at isinara na niya ang restaurant para sa mga customer. Silang lima na lamang ang naiwan doon kasama ang iba pang nga crew.

"Alam mo naman si Mr. CEO 'diba? Masyadong maarte sa buhay 'yon." Nagtawanan naman sina Justin sa iwinika ni Justin.

"Tuleg, hindi pa CEO 'yon ng kompanya nila, director pa lang siya," saad naman ni Roigie, "magiging CEO lang siya kapag ikinasal na."

"He's right." Napatingin silang lahat sa pintuan kung saan nakatayo roon si Jun kasama si Bruno na may dalang isang bote ng wine.

"Uy! Hehe kompleto pala kayo," saad ni Bruno at nilampasan na ang amo papasok. Nakipag-high five pa ito sa mga binatang naroon.

"Akala namin hindi ka na darating," saad ni Ren. Umiling naman si Jun dito at naupo na.

"Mukhang stress na stress ka p're ah," wika ni Niccolo.

"Not at all," sagot naman ng binata.

"Aysus, huwag mo nang itago Jun, halata sa hitsura mong wala kang tulog," saad naman ni Justin na ikinasimangot nito. Nagsalin si Roigie ng maiinom.

"Hulaan ko, tungkol ba 'yan sa engagement?" napatingin naman ang lahat sa binata na ngayo'y umiinom.

"Oo, tungkol 'yan sa engagement party na gaganapin next week yata, hayun, hindi niya kilala kung sino ang pakakasalan niya," walang prenong saad ni Bruno dahilan para mabaling sa kaniya ang tingin ng lahat.

"Shut the hell up, b*stard!" sigaw sa kaniya ni Jun ngunit hindi niya ito pinansin at uminom lang ng alak.

"Ano?" sabay-sabay na tanong ng magkakaibigan sabay lingon sa binatang ngayon ay mas lalong sumama ang mukha.

"Hindi mo kilala ang mapapangasawa mo?"

"Teka, bakit mo pinatulan 'yang engagement na 'yan?"

"Siraulo ka, akala ko ba ay hindi mo ipagpapalit si Stella—" hindi naman natapos ni Justin ang kaniyang sasabihin ng takpan ni Bruno ang bibig niya.
"Sshh, don'tsay bad words loko," bulong pa nito rito.

"Jun, sigurado ka ba sa pinasok mo?" tanong sa kan'ya ni Ren, "mahirap na, baka masakal ka lang, lalo na't wala kang idea sa kung sinumang babae na 'yon"

Nagbuga naman ng malalim na hininga ang binata. "I made a promise to my father, I won't break his trust again."

"Pero kasi Jun, paano kung hindi ka maging masaya diyan sa gagawin mo? Baka masaktan mo lang din yung babae kung sakali," saad naman ni Roigie.

"Lalo na't hindi mo naman siya mahal, dahil alam naming lahat na iisang babae lang ang minahal mo simula't sapul pa lang." Muling uminom ng alak ang binata sa sinabi ng mga kaibigan. Hindi niya lubos maisip na may ganitong side pala ang mga gunggong na hindi niya alam simula pa noong high school sila.

"Kamusta na kaya si Stella? Ilang taon na rin ang lumipas nang umalis siya sa Pinas." Biglang tanong ni Justin dahilan para magkatinginan silang lahat.

"Naalala ko pa lahat ng sinabi niya sa atin noon," wika ni Ren, "ang buong akala ko totoong itinakwil na niya tayo, kung hindi pa sinabi ni Kevin ang totoong dahilan niya, galit pa rin siguro ako sa kan'ya hanggang ngayon."

Sandaling katahimikan ang namayani sa kanilang lahat. Tila ba may isang anghel na dumaan at natahimik ang mga ito.

"Sana maayos ang lagay niya, kung nasaan man siya ngayon."

**

"Madame, you have a phone call from your dad." Tumigil sa kaniyang ginagawa ang CEO ng A.M Clothing line. Kinuha niya ang telepono sa sekretarya at sinagot iyon.

"Hello dad? Yes, I'm fine. Kinda busy. Yes I won't, I will go to the Philippines tomorrow. Don't worry dad, thank you, I love you too." Matapos noon ay bumalik na ito sa pagpipirma ng mga dokumento.

Abala sa ginagawa ang dalaga nang malingat siya sa isang 'di kalakihang picture frame na nakapatong sa table niya.

Natigil siya sa ginagawa at saka tinitigan ang picture frame.

"Kamusta na kaya kayo?" bulong niya sa sarili habang nakatingin sa picture niya kasama ang section 13 na kuha noong nanalo sila ng sports fest.

Kitang-kita ang kasiyahan na nakaguhit sa mga mukha ng buong klase sa picture na iyon. Napangiti na lamang si Alex habang binabalikan ang mga ala-alang iyon.

Limang taon ang nagdaan nang umalis ang dalaga sa Mondragon at hanggang ngayon ay mayroon siyang takot na bumalik sa Pinas. Natatakot siyang kapag nakita siya ng kaniyang mga estudyante ay hindi na siya kikilalanin ng mga ito. Lalo na ang magkakaibigang labis na napalapit sa kanila. 

"I hope you are all doing great." Maging siya ay hindi mapigilang tanungin ang sarili, pilit niyang tinatanong kung tama ba ang desisyong ginawa niya limang taon na ang nakaraan. Iyon lamang ang isa sa mga napakaraming tanong na nabuo sa kaniyang isipan.

"Let's go, section 13," nakangiti, at mahinang saad niya sa sarili habang nakatingin sa litrato.

Ipinagpatuloy ni Alex ang kaniyang trabaho at nang matapos ay tinawag niya ang kaniyang sekretarya.

"Yes ma'am?" tanong nito nang makapasok sa opisina. Tinanggal ng dalaga ang salamin atsaka ito hinarap.

"Book me a flight to Manila tomorrow morning."

End Of Chapter 39

(A/N: Will post the last chapter soonest! Thank you for supporting Alex and Section 13's story! LET'S GO SECTION 13!)

Ang Teacher ng Section 13Where stories live. Discover now