Chapter 11

915 37 1
                                    

CHAPTER 11

“Ayusin mo ang mga estudyante mo, Ms. Nivera. Aattend sila sa career orientation. At kailangang kompleto sila. iyan ang sabi ng Principal.” Hayag ng head teacher sa harapan ng lahat ng teacher ng 4th year. Nasa auditorium sila para sa career orientation na gagawin ngayong hapon.

“Eh? Bakit sila aattend? Hindi bat hindi na sila pinayagan dati na umattend sa ganito?” tanong ni Ms. Cabral, ang inggiterang teacher na lagig inaiinisan ng dalaga. Umirap ito atsaka tumingin sa head teacher nang masama dahilan para magitla ito.

“Wala  tayong magagawa, iyon ang sabi ng principal. Atsaka tama naman si Ms. Nivera sa mga sinabi niya kahapon. Karapatan nilang umattend sa ganitong klase ng seminars dahil estudyante sila ng Mondragon.” Mahabang pahayag ni Ms. Chan.

“At kung  hindi natin  susundin ang utos ng principal, matatanggal tayong lahat..”

“Tama iyon. Diba Mr. Quizon?” nakangising tanong ni Alex sa head teacher na agad napatango.

“O-oo! Tama ang sinabi ni Ms. Nivera. Kaya sa ayaw at sa gusto niyo, kasama sa orientation ang section 13--- D.” pambabaw nito sa sinabi dahil pinanlakihan siya ng mata ng dalaga.

Tiningnan naman niya ang tatlong teacher na masamang nakatingin sa kaniya habang nag aayos ng mga papel.

‘Mga bwisit kayo, pag ako talaga nainis tatanggalin ko kayo rito. Kaunti nalang ang pasensiya ko sa inyo.’

“Tsa! Sige na, papuntahin niyo na ang mga 4th year students dito.” Sabi ng head teacher sa kanila. Agad na umalis naman si Alex para puntahan ang section 13. Bahagyang nawala sa isipan niya ang nawawalang cellphone.


“Seryoso ka?”

“Ano namang gagawin naming don?”

“Hindi ba’t binawalan kaming pumunta sa kahit anong lugar sa campus maliban sa canteen at dito? Anong pakulo nanaman iyan?” kaniya-kaniyang opinion ang sumalbong kay Alex pag kapasok niya sa classroom. Wala na ang kaibigan nito dahil time narin naman saktong papasok siya.

“Makinig kayo, kailangan niyong umattend sa career orientation, hindi iyon basta-basta dahil maraming mga magulang ang nandoon. Pati mga magulang niyo nandoon. Atsaka, required kayong pumunta doon.”

“At ano? Ipapahiya nanaman kami ng mga teacher don? Pag tatawanan? Tsk!” natahimik naman ang lahat sa sinabi  ni Niccolo.

“Tsaka, walang aattend na magulang namin. Wala silang interes sa mga ganito.”

“Paniguradong ipapahiya nanaman tayo ng mga ‘yun. Gaya nung sport fest.” Bahagyang nag-alala ang dalaga sa sinabi ng estudyante niya kaya naman inarap niyang muli ang mga ito.

“Akong bahala sa inyo. Hindi ako papaya na ipahiya kayo ng mga teachers na iyon. Kaya halina kayo. Baka nag sisimula na sila.” ngumiti siya sa mga ito dahilan para matigilan ang lahat.

Samantala….

Marami nang tao sa auditorium. Busy ang mga teachers sa pag aasikaso ng mga section sa 4th year habang ang iba ay bsy sa pakikipag-usap sa mga parents ng mga estudyante. Nasa loob na rin ang tatlong sections at hindi tulad ng section A, maiingay ang section B at C.

“Settle down everyone!” Sabi ng speaker na si Mr. Quizon.

“Bakit wala pa ang section 13? Mag sisimula na..” bulong ni Ms. Santos kay Ms. Chan

“Baka pahirapan pa silang pinipilit ni Ms. Nivera..”

“Oh baka hindi na sila aattend?”

“Masyado naman kasing pabida ang teacher nila eh. Mapapahiya lang siya sa ginagawa niya sa mga estudyante niya eh.”

Ang Teacher ng Section 13Where stories live. Discover now