CHAPTER 31
"Ano bang pumasok sa isipan niyo at sumugod kayo sa classroom ng setion A ha?!" galit na tanong ni Alex sag a estudante niya. kasalukuyan silang nasa classroom nila. katatapos lamang ng lunch break at may meeting pa ang next teacher ng section 13 kung kaya't kinuha n Alex ang pag akataong iyon upang kausapin sila tungkol sa nangari kanina.
"Mag salita kayo.. bakit kayo bigla nalang nakipag away sa mga iyon?! Hindi niyo alam ag pwedeng mangyari lalo na at nasa teritoryo nila kayo! mainit pa ang dugo nila sa ino mula nang matalo niyo sila sa sports fest tapos susugod kayo nang basta-basta doon para tanungin kung anong kinalaman nila sa nangyari kay Roigie?!"
"Nag punta lang naman kami doon para tanungin sila eh. Pero imbis na sumagot ay pro pang aasar nalang ang ginawa nila. hindi na naming napigilan kaya ganon." Pag sagot ni Niccolo. Tahimik naman na nakikinig ang ibang kaklase nila. aaw mag salita bagamat ramdam nila ang galit ng kanilang guro.
"At paano niyo nasigurado na ay kinalaman sila sa nangyari kay Roigie? Paano kung wala silang kinalaman? Ano ang gagawin niyo? Baa kayo pa ang mapahamak sa ginagwa ninyo---"
"SIGURADO KAMING SILA ANG MAY KINALAMAN SA NANGYARI KAY ROIGIE DAHIL KILALA NAMIN SILA!" Nagulat ang lahat sa biglaang pag sigaw ni Ren. napatingin ang buong klase pati na rin si Alex sa gawi niya. nakakuyom ang kamao at nakakunot ang noo ng binata habang nakatingin nang diretso sa dalaga.
"Alam naming lahat kung ano ang nakaraan ni Roigie at ang koneksyon niya sa grupo nina Kevin. Dati silang matalik na mag kaibigan na ngayo'y malaki ang galit sa isa't isa kaya hindi na kami mag dadalawang isip na akusahan sina Kevin sa nangyari!" mataas na boses na dagdag pa ng binata dahilan para hindi makapag salita si Alex.
"A-ano... p-paanong nangyari iyon...."
"At alam naming lahat dito sa section na ito ang kahayupang ginagawa nina Kevin.. mga tulak sila ng droga..." mas lalong nagulat ang dalaga sa sinabi ng isang estdyante. Tiningnan niya isa isa ang mga ito at mababasa sa itsura nilang lahat na may alam sa nang yari. Parang ginimbal ang pag katao ng dalaga sa nangyari. Ang buong akala niya ay hanggang away at pakikipag basag ulo lamang ang alam ng mga estudyate ng Mondragon, hindi niya akalaing may mga ganoog klase pala ng tao ang nag aaral dito.
"Ang isa pang alam naming ay, may gang na humahawak sa grupo nila Kevin at ito ang nag dadala at nag su-supply ng droga sa kanila. Kaya kung papansini niyo nung Sport fest ay ibang iba sila. parang hindi sila napapagod----"
"Ano kamo? G-gang?" sa pag kakataong iyon ay doon na tuluyang nakuha ng lahat ang atensyon ni Jun at ng dalaga.
"Oo, ang balita naming ay may mga bigating gangsters ang may hawak sa kanila. Kaya marami ring mga estdyate dito sa Mondragon ang takot sa kanila, dahil ang akala nila ay gangster din sila Kevin." Mahabang paliwaag ni Josh.
"Maski kami ay nakakaramdam minsan ng takt sa kanila, pero kapag kaharap nila sina Roigie at Jun, doon lang bahagyang babahag ang mga buntot nila." napatingin naman ang dalaga sa kinauupuan ni Jun na napapakibt balikat na lamang sa sinasabi ng mga kaklase.
"Hindi basta-basta ang grupo nila Kevin. Marami narin silang mga napabagsak at napaalis dito sa Mondragon kaya naman hindi kami nag dalawang isip na akusahan sila sa nangyari kay Roigie. Talagang masama ang kutob naming na sila ang may kagagawan ng lahat ng ito." hindi alam ni Alex kung ano ang dapat at susunod na gagawin. Iisang gang lang ang naiisip niyang may kinalaman sa bagay na ito. ang gang na sobrang dumi kung makipag laban. Iyon ay walang iba kung hindi ang BSG.
'Humanda kayo.. pag babayarin ko kayo sa ginawa niyo sa estudyante ko..'
"Gustong gusto ni Roigie ang maka graduate Stella, ayaw niyang biguin ang ate niya dahil silang dalawa nalang ang mag kasama sa bahay. Paki usap tulungan mo si Roigie..." napatingin si Alex sa gawi ni Justin na siyang nag sabi noon. Nag aalala nyang tiningnan ang buong klase at pakikiusap lang din ag tanging nakikita niya sa mga mata nito. Nag pakawala ng buntong hininga ang dalaga atsaka hinarap silang lahat.
"Huwag kayong mag-alala... hindi ko rin hahayaan na mawala si Roigie dito. Ipinapangako ko, ibabalik ko siya rito.."
********
"I knew it.." biglang sabi ni Yuta na nakatingin pa kay Taki. Nasa mansion ni Alex ang mga kaibigan. Kasalukuyan nilang pinag uusapan ang nangyari sa estudyante ng dalaga.
"What do you mean?" tanong ni Sho sa dalawa atsaka humigop sa kape. Samantalang seryoso namang nakikiniga at nag iisip si Alex kung paano niya hahanapan ng ebidensya ang grupo nina Kevin na syang nag pahamak sa estdyante niya.
"That Kevin guy is a big friend of Viper (Brian, leader of BSG). And they are their drug supplier." Paliwanag ni Taki, dahilan para unti-unting mabuo ang kalkulasyon ni Alex sa mga nangyayari.
"That guy is not a joke, his father was a leader of a syndicate who died in a shootout against authority. And no wonder he has a connection with other syndicate and to BSG of course."
"Dude, we all know that Viper is just using him for he is their supplier for their weapons. You know Viper's dirty tricks right?"
"Yeah right" habang nag uusap sina Taki at Yuta ay hindi mawala sa isipan ni Alex ang mga katanungan na wala pang nakasasagot maski isa.
"And Kohi, that d**k know who you really are. I have seen him many gang fights." Napukaw ang atensyon ni Alex sa sinabi ni Sho.
"What?"
"And there is also a possibility that BSG is using that guy to use your students against you." Napakuyom ng kamao ang dalaga sa sinabi ni Taki. Sa sobrang higpit nit ay hindi niya namamalayang nabasag na sa kamay niya ang tasa ng kape na hawak niya dahilan para masugatan ang kaliwa niyang kamay.
"Kohi!" sabay-sabay na sigaw ng tatlo nang Makita ang kamay ng dalaga.
"Nani?" walang emosyon na tanong sa kanila ng dalaga habang nakatingi sa kawalan at seryosong nag iisip.
"Your hand.." agad na kinuha n Sho ang kamay ng dalaga at doon tila naising si Alex at naramdaman ang hapdi sa kaniyang kamay.
"Kuso!" pagmumura ng dalaga.
"Don't worry Kohi, we'll find evidence to kick that d**k's as$ out from your school." natatawang sabi ni Taki.
"I and Sho-kun will handle those criminals. Just focus on your students. Strike will handle your other businesses." Sa ganoong sitwasyon lamang gumaan nang bahagya ang kalooban ni Alex. Nag pasalamat siya sa mga kaibigan sa mga tulong na ibinibigay nila sa kaniya at sa support nila sa section 13.
"Arigatou gozaimasu..."
***
Nag desisyong mag lakad pauwi si Alex sa apartment. Hindi na siya nag abalang mag pasundo sa driver dahil malapit lang naman ang apartment nila mula sa mansion at isa pa ay mag isa lang siya dahil may nilakad si Sab kaya naman mag isa siyang nag lakad pauwi.
Habang nag lalakad ay hindi maiwasang mapaisip ng dalaga tungkol sa nangyari buong araw. Iniisip niya ang kalagayan ng kaniyang estudyanteng si Roigie na hanggang ngayon ay nasa prisinto arin at iniimbestigahan. Hindi niya rin maiwasang sisihin ang sarili sa mga nangyayaring kamalasan sa setion 13. Pakiramdam niya ay siya ang may kasalanan ng lahat ng nangyayari sa mga estudyante niya. Nakita niya ang kamay na ngayon ay may gasa dahil sa nabasag na tasa habang nakikinig sa sinabi ng kaibigan dahilan para muling uminit ang ulo niya.
"Nakakainis!" malakas na sinipa niya ang isang lata na nadaanan niya habang nakayukong nag lalakad.
"Ittai...(Ouch)"
"Eh??" napahinto sa pag lalakad ang dalaga nang makarinig ng bses. Tiningnan niya ang harapan at gulat nang Makita si Jun na hawak ang binti niyang tinamaan ng lata.
"EHHH?!"
"Tss.."
"Ano ba kasing ginagawa mo riyan?" nakakunot noo at gulat na tanong ng dalaga. Tmingin naman nang diretso ang bnata sa kaniya bagamat nakangiwi pa dahil siguro sa sakit ng tama ng lata. Nabutuhan siya!
"Isn't it obvious? I'm walking and hit by that can you kicked." Nakasimangot na sabi nito . Ngumuso ang dalaga at umiwas ng tingin sa binata.
"Ang sungit talaga ng hapon na ito.." pag bulong niya pa na animo'y hindi narinig ng binata.
"What are you saying baka?(idiot)"
"Wala! Umuwi kana aba! Gabi na may pasok pa bukas!" nag lakad na palayo ang dalaga at ilampasan si Jun nang magsalita ulit ito.
"Do not stress yourself baka. You'll get uglier...jds lefenmdsx" nagulat naman si Alex at muling humarap kay Jun na ngayo'y nag lalakad na palayo sa kaniya.
"Hoy hapon! Anong sabi mo?! hindi ko naintindihan yung huli mong sinabi! Hoy!" pero imbis na lumingon ay tanging kaway nalang ang nataggap ni Alex mula sa nag lalakad palayong si Jun.
"Nasiraan nanaman ng ulo. Tsk.."
Kinabukasan ay maagang pumunta si Alex ng Mondragon upang kausapin ang ate ni Roigie na nakatakdang mag punta roon at sumama sa presinto.
"Good morning po.." mahinang pag bati ng dalaga nang maarating siya ng faculty office. Nadatnan niyang abala ang mga teacher kung kaya naman nag punta siya agad sa kaniyang pwesto at nag handa para sa klase niya sa section 13.
"Good morning Ms. Nivera" naangiting pag bati sa kaniya ni Ms. Chan habang inaayos nito ang kaniyang mga gamit sa katabing upuan ni Alex. Ngumiti naman si Alex dito at binati rin siya pabalik.
"Kumusta na nga pala si Mr. San Pedro? Ang balita ay darating ang ate niya ngayon dito para kausapin ang principal." Sabi sa kaniya ng katabi. Dumating na ang kaniyang kapatid mula sa lakad nito buhat nang malaman ang nangyari sa estudyante. Kasalukuyan ding nakikipag deal ang Mondragon sa mga balita na dulot ng nangyari kay Roigie na nasangkot sa ipinag babawal na gamot dahilan para siguro mapabilis ang uwi niya galing business trip.
"Alam mo Ms. Nivera, nasisiguro kong walang kinalaman ang estudyante mo sa gulong ito! kilala sila bilang mga delingkwente ng Mondragon pero never silang nasangkot sa mga ganitong kaso ng droga." Pag singit ni Ms. Santos habang inaayos ang mga papeles na ipinrint niya kanina.
"Kaya nga, kahit na mga mahilig sa away na klase ng mga estudyante sila hindi nila magagawa ang ganoong bagay." Dagdag naman ni Ms. Paras.
"Nako, paano naman kayo nakakaigurong walang kasalanan ang batang iyon? Eh tingnan niyo nga ang itsura at pakikitungo niya sa lahat ng teachers dito? Walang galang at anumang oras ay mananakit ng mga estudyante o di kaya'y mga teacher." Napatingin naman ang lahat sa nag salita. At doon nakabungad sa pintuan ang tatlong teacher na sina Ms. Aguilar, Ms. Marcos at Ms. Cabral na may dala dalang daily lesson log na ipapasa sa head teacher.
"Sabi nga, 'Once a delinquent, always a delinquent'. Diyos ko, ang dami dami nang kumakalat noon pa na adik ang mga nasa section 13, kaya nga thankful ako at hndi ako napunta sa senior level para turuan sila no.." dagdag pa ni Ms. Marcos pag ka lapag niya ng kanilang DLL sa mesa ng head teacher. Mula sa kinauupuan ay naikuyom ni Alex ang kaniyang mga kamao. Tumayo siya at lumapit sa tatlong teacher na ngayon ay akmang aalis na sa faculty office.
"Ms. Nivera..." pag pigil pa sa kaniya nina Ms. Santos at Mr. Enriquez ngunit parang walang naririnig ang dalaga at dire-diretsong lumapit sa tatlong teacher.
"Paki ulit nga lahat nang pinag sasabi niyo tungkol sa estdyante ko?" kalmado ngunit puno ng awtoridad na sabi ni Alex dahilan para mahinto sa pag lalakad ang tatlong guro harapin siya. Gulat ang rumehistro a mukha ng tatlong guro habang nakatingin sa dalaga.
"M-madame..." tiningnan ni Alex si Ms. Marcos nang diretso at walang emosyon dahilan para matakot ito.
"Do you really want to be thrown out of this school? Talking something like that as if you're not a teacher. Talagang dinadala mo iyang pagiging palengkera mo rito sa Mondragon?" puno ng awtoridad na saad ng dalaga. Maging ang mga guro na nasa loob ng faculty office ay tila nakaramdam ng takot at nanahimik na lamang sa kanikanilang mga pwesto.
"I-I'm sorry M-madame.. we didn't intend to---"
"You didn't? Then why did you say all of that? Talaga bang nakapag aral ka sa pagiging guro niyo? Trabaho niyo ang mag turo ng magagandang asal sa mga estudyante, hindi ang mag pakita ng kawalan ng respeto sa kanila! Naturingan kayong guro pero kung siraan niyo ang mga estudyanteng iyon, sa harap ko pa! gusto niyo bang mawalan ng trabaho ha?!" malakas na sigaw ni Alex dahilan para mapapikit sa takot ang tatlong guro.
"We're sorry M-madame—"
"Fix yourselves. Or you will be fired. Now out!" sigaw niya. dali-dali namang lumabas ng faculty office ang tatlong teacher. Nag buga ng hangin si Alex atsaka muling tumungo sa upuan niya. gulat pa siya nang makitang nakatingin lahat ng teacher sa kaniya at nag papalakpakan.
"Yes naman! Ang galing mo Ms. Nivera!" sigaw ni Mr. Takeshi
"Ang tapang mo Ms. Nivera!" natutuwa pang sabi ni Mr. Sanchez.
"Bilib ako sa galing mo Ms. Nivera! Talaga bang hindi ka teacher bago ka pumasok rito?" natatawang tanong ni Ms. Chan sa kaniya. Pilit na natawa naman si Alex at umiling. Sa ganoong sitwasyon ay bahagyang gumaan ang pakiramdam ng dalaga sa mga narinig mula sa mga guro.
"Nakakaproud naman, kung hindi dahil sa iyo, hindi na siguro gumanda ang performance ng section 13. Ikaw ang dahilan kung bakit nag tiwala ulit sila sa amin." Dagdag pa ni Ms. Santos na mas nakapag pagan ng loob ng dalaga.
"Naniniwala kaming malalampasan niyo to Ms. Nivera, walang hindi gagraduate sa section 13! Well kung papasa sila sa exam ko. HAHAHA" sigaw pa ni Ms. Paras at nag tawanan naman sila.
Matapos ang mga sandaling iyon ay nag tungo na si Alex sa classroom para sa first period class niya sa section 13.
"GOOD MORNING CLASS---" nagulat si Alex nang makitang tahimik ngayon ang section 13. Bagay na bagong bago sa kaniya. Hindi sila tulad ng dati na sobrang iingay kapag pumapasok siya.
"Good morning class.." nag tungo siya sa harapan hawak ang class record at nag attendance. Ngunit hanggang sa matapos ang attendance ay tahimik parin ang section 13.
" Oy, Stella, hindi pa ba lalabas si Roigie?" natigil sa pag susulat sa white board ang dalaga sa nagtanong. Tiningnan niya si Khenneth at tumango.
"Oo naman! Sinong nag sabing hindi siya makakalabas? Naroon lang siya for investigation, wala pang narerelease na statement no. Ano ba kayo.." pilit niyang pinagagaan ang atmosphere sa classroom pero nanatiling tahimik ang section 13. Maging ang mag kakaibigang sina Ren ay tahimik lamang na nag susulat sa kanikanilang mga notebook.
"Pero kasi,"
"Hindi siya mag tatagal doon okay? Gagawa kami ng paraan, kakausapin ko mamaya si Roigie, kaya huwag na kayong mag alala." Pag papagaan ni Alex sa mga estdyante niya. nagawi pa ang tingin nito sa binatang si Jun na nakatingin sa kawalan at tila ba ang layo ng iniisip.
"Mr. Shin, is there a problem?" pag kuha nito ng atensyon sa binata, ngunit tiningnan lang siya nit atsaka bumalik na sa pag susulat. Siniringan nalang niya ito at nag tuloy sa pag susulat sa white board.
Dumaan ang oras at nag discuss lamang si Alex tungkol sa topic. Pinipilit pa rin niyang pagaanin ang atmosphere sa classromm per in the end, nauwi lang sa asaran ang lahat. nag papasalamat ang dalaga at bumalik na sa dati ang pagiging magulo ng kaniyang mga estudyante. Tila mas gusto niya ang magugulong estdyante kumpara sa mga tahimik na estudyante kanina.
Nang malapit nang mag time ay may kumatok sa classroom ng section 13. Lahat ng atensyon nila ay naroon kaya naman dali-daling pinag buksan ni Alex ng pinto ang kumatok. Sumambulat sa kanila ang isang hindi pamilyar na imahe ng isang babae. Ang lahat ay natulala sa tinataglay nitong kagandahan. Maging si Alex ay walang nasabi sa bagong dating.
"Ahm.. ito ba ang classroom ng section 13?"
End of Chapter 31
YOU ARE READING
Ang Teacher ng Section 13
РазноеSi Alex ay isang successful fashion designer, model at the same time ay owner ng isang clothing line sa Korea. Malaya siyang naumuhay roon, nang walang kumokontra sa mga desisyon niya. Wala siyang ibang gusto kung hindi ang passion niya sa pag gawa...