CHAPTER 9
Kinabukasan…
Inis na iginala ni Alex ang mata sa classroom. Nalumo siya nang makitang patong-patong ang mga silya sa gilid at napakalaki ng space sa gitna. Kita niyang nag lalaro ng kara y cruz ang kaniyang mga estdyante na agad nag painit ng ulo niya.“Sino ang nag kalat ng pintura sa upuan ko? Nasaan sina Mr. Shin at Mr. Joson?!” inis na tanong ni Alex sa mga estudyante. Pero ang mga pesteng ‘bata’ hindi nakikinig at sigi lang ang pag-uusap at pang gugulo sa iba pa nilang kaklase.
Back to ‘normal’ ang lahat matapos ang gulong ginawa nila kahapon. Mga maiingay at ang gulo-gulo ng classroom ang nadatnan niya pag pasok. Ang buong akala niya ay napatino na niya ang lahat simula nng maki pag deal siya sa hambog na leader ng section nila ngunit parang mas lumala pa ang mga ito kumpara nung una.
“Class tinatanong ko kayo!” hindi niya nameet ang mga ito kahapon ng hapon para sa homeroom subject dahil nag patawag ng meeting ang kuya niya kaya naman hindi niya naturuan ng leksyon an gung sino mang nag kalat ng pintura na iyon.
Tila wala namang naririnig ang section 13 dahil sige parin sila sa kaniya kaniyang mga Gawain. Unti-unti naring nauubos ang pasensya ng dalaga dahil sa pambabastos na ginagawa ng mga ito.
Nag punta siya sa harapan nila para kunin ang atensyon nila. Walang hirap niyang binuhat ang isang silya atsaka buong lakas ibinato iyon sa gilid.
BLAG!!!
“KAPAG SINABI KONG TUMAHIMIK KAYO, TUMAHIMIK KAYO!” Agad na natahimik ang lahat sa ginawa ng dalaga. Ang iba’y napaatras pa at tumabi. Bakas ang gulat at bahagyang takot sa Section 13. Maging ang grupo nina Ren ay nagulat din at bahagya ilang napaatras nang tapunan sila ng masamang tingin ng dalaga.
Sa oras na ito ay tila ba hindi makontrol ni Alex ang galit niya sa mga ito. Halos mangilid ang luha niya sa sobrang pag ka dismaya sa klase. Bumuntong hininga siya atsaka muling bumalik sa harapan, hinarap ang mga estusyanteng tila napipi sa ginawa niya.
“Kung ang iba ay nadadaan niyo sa paninindak at pambubully niyo, pwes ibahin niyo ako.” panimula niya habang matamang tinitingnan sa mata ang mga estudyante niya.
“Kung kinakailangang basagin ko lahat ng bagay sa silid-aralang ito para makuha ang atensyon niyo ay gagawin ko.” Pinipigilan parin ni Alex ang galit na nararamdaman. Maya-maya ay titingala siya upang pigilan ang pangingilid ng luha sa mga mata niya.
Hindi naman inaasahan ng lahat ang nakikita nila. May ibang gulat at natatakot parin sa ipinakikita ng kanilang guro at ang iba nama’y nakakaramdam ng konsensiya lalo pa’t kita nila kung paanong mag pigil ng emosyon ang gurong nasa harapan.
“Kahit anong pambabastos ang ginagawa niyo mapapalampas ko. Pero, sumusobra na kayo. tumatanda kayong walang alam kung hindi ang ugaliin ang masasamang Gawain! Hindi ba kayo nahihiya sa mga magulang niyo ha? Ang tatanda niyo na pero nandito pa rin kayo?! pumapasok para ano? Mambully? Mambastos ng mga teacher? Iyan ba ang turo ng mga magulang niyo sa inyo?” nangingilid na luhang sabi niya sa harapan ng lahat. inaasahan niyang bubulyawan siya ng mga ito at sisigawan. Ngunit wala ni isa sa kanila ang gumawa non.
“Tinanggap ko ang pagiging homeroom teacher niyo dahil alam kong mga basag ulo kayo. Mga batang nangangailangan ng atensyon na gusto nila na hindi nila nakuha sa iba pang guro ng Mondragon. Naniniwala ako sa inyo, pero…” tumigil siya sandal para bumuntong hininga..
“Nasaan sina Mr. Shin at Mr. Joson?” pag-iiba niya sa sasabihin. Ayaw na niyang ituloy ang sinasabi niya sa mga ito dahil paniguradong nag sasayang lang siya ng lakas at laway sa kakadada sa harapan ng mga taong walang interes sa sinasabi nya.
YOU ARE READING
Ang Teacher ng Section 13
AcakSi Alex ay isang successful fashion designer, model at the same time ay owner ng isang clothing line sa Korea. Malaya siyang naumuhay roon, nang walang kumokontra sa mga desisyon niya. Wala siyang ibang gusto kung hindi ang passion niya sa pag gawa...