Chapter 40

905 62 8
                                    

Chapter 40

"Sh*t, kinakabahan ako," wika ni Justin habang nakaupo sa kaniyang swivel chair. Ngayon darating ang kanilang chairwoman at lahat ng department ay aligaga sa gagawing inspection nito.

"Ano ba sir, kalma ka lang, mabait si Madame, hindi ka kakainin no'n," natatawang saad ng matandang empleyado, "istrikto siyang tao pero sobrang bait niya, hindi siya marunong mamahiya ng mga empleyado." Bagamat nine-nerbyos ay pilit inayos at pinakalma ni Justin ang kaniyang sarili.

"Gano'n ho ba? Eh baka kapag nakakita siya ng bagong mukha dito eh sipain niya kami palabas ng building?" Natawa ang empleyado sa tinuran ng binata. Naiintindihan niya ito sapagkat napagdaanan din niya ang pakiramdam na iyon noong siya ay bago pa lamang din sa kompanya at masyado pang bata ang pinakamataas na namamahala sa kompanya.

"Oh siya, sir, mauuna na ho ako at may aasikasuhin pa ako sa baba." Pagpapaalam nito atsaka lumabas na ng opisina. Samantalang paikot-ikot naman aa kaniyang upuan ang binata dahil sa sobrang kabang nararamdaman.

"Sh*t bakit ka naman kakabahan sa kan'ya? Isipin mo na lang na si Stella ang makakaharap mo Justin!" ani pa nito sa kan'yang sarili habang ulit-ulit na humihinga ng malalim.

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

"Welcome to Manila, Ma'am," malugod na wika ng isang flight attendant kay Alex nang lumapag ang eroplanong sinasakyan niya.

Napangiti na lamang ang dalaga at sinuyod ang kabuuan ng lugar nang makababa siya sa eroplano. 

"Hello again, Philippines. . ." bulong nito sa sarili. Ilang taon din ang lumipas nang hindi siya nakakabalik sa pinas. Nilanghap niya ang polluted na hangin na para bang lumalanghap siya ng fresh air.

'Walang pinagbago, polluted pa rin.' 

Nang makasakay sa sasakyan na nag-aabang sa kaniya ay kaagad nilang tinungo ang  paaralang pinapatakbo ng kaniyang kapatid.

***
"Nakapagreview naman ba kayong lahat para sa quiz?" pambungad na tanong ni Roigie nang makapasok siya sa classroom ng Class-D.

"Yes sir," sagot ng kaniyang mga eatudyante. Nangiti na lang ang binata nang makita niya ang nerbyos sa mata ng kan'yang mga estudyante. Ang ilan sa mga ito ay nakatingin sa kisame at tila ba may kinakausap habang ang ilan naman ay nag-uusap. Hindi niya mapigilan ang tawa nang may marinig siya mula sa mga ito.

"Uy, kapag sinipa ko upuan mo itaas mo na papel mo." Dinig niyang saad ng mga lalaking estudyante na nasa bandang gilid.

Umiling na lamang siya sa mga ito at nagsimula nang ayusin ang mga test papers.

"Get one and pass." Nagsimula siyang magdistribute ng mga papel sa mga estudyanteng nasa unahan.

"Eyes on your paper, not on your seatmate's paper," paalala niya pa sa mga ito, "once you received your paper, you my start answering."

Nang makita niyang may papel na ang lahat ay tumayo siya sa bahagi ng classroom kung saan kita niya ang lahat, sa likurang bahagi. At doon ay nakita niya ang mga ito at kung paano silang nagse-senyasan sa mga sagot. Ngunit imbis na pagalitan niya ang mga ito ay natawa na lamang siya.

Nag-umpisa siya sa pag-iikot hanggang sa makakita siya ng kodigo sa mesa ng isang babaeng estudyante. Kaagad niyang kinuha ang papel na iyon dahilan para magulat ang babaeng estudyante.

"One down." Kinindatan niya pa ang estudyante dahilan para matulala ito sa gawi niya. Nang mag-ikot siyang muli ay nakita niya ang isang papel na nakadikit sa isang bottled water na nasa mesa ng estudyante niyang lalaki.

"Two down." Gulat na gulat naman ang estudyante nang bumulaga sa kaniya ang teacher.

"Sorry sir,"

"Focus on your paper." Nakangiting saad niya atsaka nagtungo sa teacher's table habang hawak ang mga papel.

Napailing na lamang si Roigie nang may biglang nagflash sa utak niya. Gano'n na ganoon din ang sitwasyon nilang magkakaibigan nang mahuli sila ni Alex na may kodigo at nagpapasahan ng sagot. Napabuntong hininga na lamang siya nang maalala ang bagay na iyon. Hindi niya maiwasang magtanong sa sarili kung kamusta na ang buhay ng iba pa nilang kaklase at ng kanilang mga guro.

Nasa ganoon silang sitwasyon nang may mamataan siya sa labas. Kasama ang head teacher at ang ilang mga guro ay may isang babaeng nakashades ang naglalakad. Nangunot ang noo niya habang nakatingin sa nakatalikod na babae. Hindi niya mawari kung sino ito at ang mas lalong hindi niya maintindihan kung bakit parang pamilyar ang tindig nito.

"I'm done sir." Nawala ang atensyon niya sa nasa labas nang marinig ang boses ng kan'yang estudyante. Ngumiti siya rito atsaka kinuha ang papel. Nang tingnan niyang muli ang bintana ay wala na ang babae doon kasama ang head teacher.

***
"Mabuti naman at hindi na all boys school ang Mondragon," saad ni Alex habang nakatingin sa bintana ng office ni Allen.

"Hmm, pinayagan na kami na magpasok ng mga babaeng estudyante rito. Ganoon pa rin naman, libre ang mga walang-wala," sagot nito sa kapatid. Napangiti naman si Alex dahil doon. Bumalik siya sa kaniyang kinauupuan na kaharap ngayon ng kapatid.

"Kamusta ang mga kompanyang hawak mo, princess?" nakangiting tanong nito.

"It's fine kuya, maraming investors ang dumarating, and I'll soon open a branch here in the Philippines." Tiningnan ni Alex ang ilang papeles na nasa ibabaw ng table ng kaniyang kapatid atsaka binasa iyon. Tumingin naman si Allen sa dalaga atsaka nagsalita.

"Do you want to tour around?" tanong nito. Itinigil naman ni Alex ang ginagawa atsaka tumingin sa kapatid.

"Sure." Napagpasyahan ni Alex na ikutin ang buong Mondragon. Doon niya napagtanto na sobrang laki na ng pinagbago ng paaralan mula noong umalis siya. Nauna niyang pinuntahan ang gymnasium kasama ang head teacher na si Mr. Quizon at ang ilang board directors. Hindi na nakasama pa ang kan'yang kapatid dahil sa meeting nito.

Nang makapasok siya sa gym ay tila ba may mga pangyayaring bigla na lamang lumitaw sa isipan niya. Naalala niya na sa lugar na iyon ginanap ang unang practicum na ipinagawa niya sa section 13. Ang archery kung saan una niyang sinubok ang pasensya ng mga estudyanteng nawalan ng interes noon sa pag-aaral.

Sa kabilang banda ay naalala rin ng dalaga ang sports fest kung saan nanalo ang section 13 sa mga kalabang klase at nang masilayan niya ang mga totoong ngiti sa mukha ng mga estudyante niya.

Napangiti ang dalaga habang inaalala ang mga bagay na iyon. Hanggang ngayon ay hindi nawawala sa isipan niya na minsan siyang naging guro ng mga estudyanteng tila ba nawalan na ng kagustuhang mabuhay at magpatuloy sa pag-aaral. Na ang kinaiinisan at pinaka-ayaw niyang propesyon ay minsan niyang na-enjoy at minahal. At higit sa lahat, ang mga estudyanteng pinahalagahan at tinuruan niya.

"Madame." Nawala ang ngiting iyon ni Alex at tila ba bumalik siya sa kamalayan nang marinig ang pagtawag sa kaniya ni Mr. Quizon.

"Oh, sorry, can we go to the classrooms?" tanong nito na kaagad tinanguan ng mga kasama. Inayos ni Alex ang shades atsaka umunang lumabas ng gymnasium.

Sunod na nilibot ni Alex ang building ng first year. Tahimik lamang ang mga pasilyo dahil oras ng klase. Nakita niya ang mga guro na abala sa pagtuturo ng mga estudyante ganoon din sa building ng second year.

Nang makarating siya sa building ng third year ay tila ba nag-iba ang ambiance. Ang kanina'y tahimik na mga building mula first hanggang second year ay nawala nang marating nila ang building ng third year.

Medyo marami ang mga nakakalat na estudyante sa hallway at tila ba may ginagawang mga group activities. Akmang lalapitan na sila ng head teacher para sitahin nang pigilan siya ni Alex.

"Hayaan mo na sila." kaagad namang sumunod ang head teacher atsaka sila nagdire-diretsong naglakad sa hallway. Kaagad ding napukaw ng dalaga ang atensyon ng mga estudyanteng nakatambay roon. 

"Sino siya?"

"Ang ganda naman niya,"

"Ngayon ko lang siya nakita rito,"

"Look oh, kasama niya sina Mr. Quizon, bisita yata siya rito,"

"Gosh! Nakikilala ko siya! Siya si Ms. A ng A.M clothing line!" Bahagya namang nagulat ang dalaga nang marinig ang bagay na 'yon sa mga babaeng estudyante. Hanggang sa makalampas sila sa building ng third year ay dinig pa rin ang mga malalakas na boses ng mga estudyante.

Hanggang sa marating nila ang building ng 4th year ay tahimik lamang si Alex. Mula sa kaniyang kinatatayuan ay nakita niya ang nakahiwalay na isang building. Iyon ang building ng mga estudyanteng nagkaroon ng opotunidad na makapag-aral sa gitna ng kahirapan. Ang building kung saan naroon ang dating classroom ng section 13.

Hindi malaman ni Alex ang dapat maramdaman nang makita niya ang building na iyon. Sobrang layo na ng hitsura nito ngayon kumpara sa dati. Mas nagging maaliwalas na ang kulay no'n at tila ba nagkaroon na ng buhay.

Mabilis niyang tinungo ang building na iyon matapos siyang magtungo sa building ng 4th year. Nang marating niya ang building ay tahimik ito at walang nakakalat na estudyante. Umakyat siya sa 4th floor at doon ay nakita  niya ang hallway na dati'y puro tambak ng mga sirang silya ang makikita. Ngayon ay ni kahit anong maliit na basura ay walang makikita sa lugar. Nakita rin niya ang isang malawak na pasilyo kung saan nakatambay ang mga dati niyang estudyante habang break time at higit sa lahat ay ang classroom na dati ay kinatatakutan ng mga guro. Ang classroom ng section 13 na ngayo'y sobrang linis na at classroom na ng iba at bagong mga estudyante.

Kakaibang pagkasabik ang naramdaman ng dalaga habang binabalikan ang mga ala-ala niya sa building na iyon. Tila ba bumalik siyang muli sa pagiging guro at sobrang nakakatuwa ang pakiramdam na iyon. Pumikit pa siya atsaka inalala ang unang pagpasok niya sa classroom ng section 13.

Ang pambabato sa kaniya ng mga papel at iba't ibang mga bagay. Ang hindi masayang pag-welcome sa kaniya nina Ren at ang unang lalaking tumawag sa kaniya ng 'baka' hanggang sa matanggap siya ng mga ito bilang guro. Sinubukan niyang lumapit sa pinto ng classroom nang matanaw na may nagkaklase doon. Kaya naman minabuti na lamang niyang huwag nang tumuloy atsaka tumalikod.

"Pwede ho bang maiwan muna ako rito kahit saglit lang?" nakangiting tanong ng dalaga sa head teacher.

"But Madame, baka po hanapin kayo ni Mr. Mondragon---"

"I'll take care of myself," nakangiting pagpuputol ni Alex sa guro, "babalik din po ako." Wala nang nagawa ang head teacher at ang mga board of directors na kasama ng dalaga. Umalis ang mga ito at iniwan si Alex. Nang mag-isa na lamang ay nagtungo siya sa rooftop.

Malamig na hangin ang bumungad sa dalaga nang marating niya ang lugar. Kitang-kita mula sa kinatatayuan niya ang malawak ng soccer field at ang mga building ng Mondragon. Hindi gaanong tirik ang araw kung kaya't na-enjoy ng dalaga ang pagstay doon. Bumuntonghininga siya habang nakatingin sa ibaba.

"Long time no see, Mondragon. . ." bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang nakatayong flagpole na nasa tabi ng covered court. Iginala niya ang tingin sa buong rooftop at nakita niya doon ang ilang patung-patong na mga silya. Kumuha siya ng isa roon at binuhat.

"Eh?" Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang nakasulat sa armchair. Nakasulat roon ang 'section 13' at may nakadrawing pang isang babae na naka- P.E uniform at nakasalamin. Natawa na lamang ang dalaga nang mapagtanto niya kung sino ang pangit na babaeng nakadrawing doon.

"Mga timang," nakangiting saad niya pa habang tinuturo ang itsura niya sa armchair. Muling nagpakawala ng malalim na hininga ang dalaga habang nakatingin sa armchair.

'Nasaan na kaya kayo? Hindi ko man lang nabalitaan kung ano nang nangyayari sa inyo.'

"Yah, mga loko, nasaan na kayo? Paano ko kayo maiimbitahan sa kasal ko kung hindi man lang kayo nagpaparamdam?"

"Sinasabi ko  na nga ba, ikaw 'yan." Tila natutop sa kaniyang kinauupuan ang dalaga nang marinig ang isang malalim at napakapamilyar ng boses sa kaniyang likuran. Bagamat hindi nakikita ay hindi niya malilimutan ang boses na iyon ng nagsalita. Mabilis siyang humarap dito at nakita ang binatang naka uniporme.

"R-Roigie. . ." Nakapamulsa ang binata at naglakad patungo sa harapan. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita.

"Long time no see, Stella," nakangiting saad nito habang nakatingin sa kaninang tinitingnan ng dalaga. Hindi naman kaagad nagsalita si Alex sapagkat hanggang ngayon ay hindi niya inaasahang makikita niya ang kaniyang dating estudyante, na isa nang guro sa paaralang dati'y kinasuklaman nito.

"Tss, bakit ganiyan ka makatingin sa akin?" tanong nito sa kaniya dahilan para matauhan ang dalaga.

"A-ano. . ." Unti-unting umusbong ang tuwang nararamdaman ng dalaga. Ang makitang may narrating ang isa sa mga takaw gulo at loko-lokong estudyante niya na nagdala ng labis na paghanga at pagkatuwa sa kaniya. Ngunit lahat nang iyon ay biglang nawala nang maalala niya ang huli nilang pagkikita. Ang nangyari sa airport kung saan punong-puno ng emosyon ang bawat isa sa kanila.

Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Hindi makahanap ng mga salitang bibigkasin ang dalaga sapagkat ang tuwang nararamdaman kanina ay napalitan ng lungkot at guilt.

"Kamusta ka na?" tanong ng binata sa kaniya. Hindi niya malaman ang sasabihin dahil sa gulat.

"A-ayos lang. . ." nauutal na sagot niya rito, "ikaw? Kamusta ka?"

"Hmm, heto, isa na akong teacher dito sa Mondragon, class adviser akong section D," natatawang wika ni Roigie, "astig 'di ba? Hindi kailanman sumagi sa isip ko ang pagiging guro, pero heto, nakatayo ako sa harapan ng maraming estudyante at nagtuturo." Matapos sabihin iyon ni Roigie ay walang nagsalita sa kanilang dalawa. Tila ba pinakikiramdaman ng dalaga kung muli itong magsasalita. Isang mahabang katahimikan ang namutawi sa pagitan nilang dalawa.

"S-sorry. . ." pagkuwa'y saad ng dalaga. Iyon lamang ang tanging salitang nagsimulang lumabas sa bibig niya na sa tingin niya'y tama.

"Sorry sa mga nasabi ko sa inyo noon---"

"It's fine," saad ng binata na ikinaputol ng pagsasalita ni Alex. Napatingin ito sa binata na ngayo'y nasa kaniya na ang tingin.
"P-pero. . ."

"Ikinwento sa amin ni Kevin ang lahat." Natigilan si Alex nang sabihin iyon ng binata. Muli ay naalala niya ang pinag-usapan nila noon ni Kevin sa hospital.

"Hindi naman kami nagalit sa iyo noon, siguro nga ay sadyang napagod ka na talaga sa amin." Napatinging muli si Alex sa itinuran ng binata.

"At nalaman din namin sa kapatid mo ang tunay na dahilan kung bakit ka umalis." Tumingin ang binata sa kaniya at walang ano'y yumuko.

"H-Huy, ano'ng ginagawa mo? Tumayo ka riyan," nanlalaki ang mga matang saad ni Alex dahil sa gulat sa ginawa ng binata.

"Patawarin mo kami sa lahat ng nagawa namin, Stella," sinserong saad ng binate habang nakayuko. Matapos ay tumingin siya sa dalaga, "hindi namin alam kung paano namin masusuklian ang paghihirap na naranasan mo nang dahil sa amin."

"Hindi kayo dapat humingi ng tawad sa akin, alam niyo namang hindi ako kailanman nagtanim ng sama ng loob sa inyo eh," saad ni Alex. Mas nagging panatag ang loob niya ngayong malamang hindi galit sa kaniya ang mga estudyante niya.

"Ah, nga pala," saad ni Alex nang may maalala. May kinuha ito sa bag niya. "Heto." Iniabot ng dalaga ang isang invitation card kay Roigie. Nagtataka naman iyong tinanggap ng binata atsaka tumingin sa kaniya.

"Ano ito?" nagtatakang tanong ni Roigie habang binabasa ang card. Ilang sandal pa ay nanlaki ang mga mata nito at napatingin sa dalaga, "Engagement party?"

"Hmm," tumatangu-tango pang sabi ni Alex habang nakatingin sa invitation card na hawak ni Roigie.

"I-ikakasam ka na?" gulat na tanong pa ng binata na animo'y hindi makapaniwala sa nalaman, "Sh*t! F*cking sh*t!" Nagulat naman ang dalaga sa tinuran nito kaya't hinampas niya ang braso ni Roigie.

"Tumigil ka nga sa pagmumura, baka may makarinig sa 'yo, mapagalitan ka pa." Hindi naman siya pinansin ng binata at hindi pa rin maalis ang tingin nito sa hawak ng papel.

"Ikakasal na nga ako, next month na ang kasal," saad nito ngunit naroon ang biglang pagtamlay ng boses niya. Naalala kasi nitong bigla ang nalalapit na engagement party nang wala siyang kaalam-alam kung sino ang lalaking pakakasalan niya.

"Grabe, kailangan niyang malaman ito," pagkuwa'y saad ni Roigie na ikinakunot ng noo ni Alex.

"Huh?"

"Ah, wala, wala. . ."

"Nga pala, mauuna na ako, may mahalaga pa akong dapat asikasuhin eh," mayamaya'y saad ni Alex nang makita ang oras, "paki-kamusta na lang ako sa mga kaklase at kaibigan mo huh? Pakisabihan nalang din sila tungkol d'yan." Tumalikod na ang dalaga atsaka nagmadaling lumakad patungo sa pintuan pababa.

"It's nice to see you again, Roigie,"

ANGEL'S SCENT MAIN COMPANY

"Big news! Big news!" Natigil ang lahat ng empleyado ng Mechendising department sa kanilang ginagawa nang umalingaw-ngaw ang tinig ng babaeng empleyado ng si Erin. Maging si Justin ay natigil sa pagkausap sa isang empleyado nang marinig ang tinig na iyon.

"Narito na si Madame, Nasalubong ko siya sa lobby!" Tila may nagaganap na sakuna sa opisina kung magsikilos ang mga empleyado. Kaniya-kaniya silang ayos at kaniya-kaniya silang ingay habang abala sa ginagawa. Maging si Justin ay hindi mapakali at dali-dali itong pumasok sa opisina niya.

"Heto na nga ba ang sinasabi ko, hukom na!" sa sobrang nerbyos ay hindi na magkanda-ugaga ang binata sa pag-aayos ng sarili at sa buong opisina niya. Halos magkandatabingi na ang kurbata niya sa sobrang pag-aayos nito at nahigpitan pa iyon dahilan para mapasigaw at mapahawak ito sa leeg.

"Hoy, ano'ng meron at nagpa-panic ang mga empleyado mo?" Biglang sulpot ni Ren sa pinto ng opisina. Nagtataka niyang tiningnan ang kaibigan na abala pa rin sa pag-aayos ng mga papeles na nasa ibabaw ng mesa niya. Pagkatapos ayusin ang mesa ay sunod na inayos ni Justin ang mga upuan at kinuha na rin ang walis tambo at dustpan na nasa gilid. Kumunot ang noo ni Ren sa ipinapakita ng kaniyang kaibigan kung kaya't nilapitan nita ito at hinablot sa kurbata.

"Hoy! Ano ba'ng problema at tinamaan ka ng kasipagan mo?" bihira lang niyang makitang ganito ang kaibigan, lalo noong high school sila at may darating na bisita--- wait, bisita ba?

Kaagad na nanlaki ang mga mata ni Ren habang hawak-hawak ang neck tie ng kaibigan.

"Ano, natauhan ka na ba?" tanong ni Justin habang inaayos ang kurbatang nagulo dahil sa pagkakahila ng kaibigan, "G*go! Ayusin mo na rin 'yong mga tauhan mo!"


"Good afternoon, Madame," nakayukong pagbati ng mga empleyado sa kadarating lamang na si Alex. Katulad ng napagplanuhan ay pinuntahan niya ang branch ng kaniyang perfume company na narito sa pinas. Hindi lamang iyon ang balak niyang dalawin kung hindi pati na rin ang ilang branch ng kompanya ng kaniyang mga magulang, gaya ng sabi ng kaniyang ama. Diretso lamang ang tingin nito at hindi man lang ngumiti sa mga empleyado. Ang lahat ng sasalubong sa kaniya ay awtomatikong yuyuko upang magbigay galang.

Inumpisahan n'yang pinuntahan ang production area kung saan located ito sa likod na bahagi ng building. Ang lahat ng mga empleyado ay isa-isang nagpakilala sa kaniya. Nginitian naman niya ang mga ito pagkatapos.

Nagtungo siya sa mga finished product upang subukan ang mga iyon. Isa-isa niyang binuksan ang mga pabango at nag-spray sa hangin. Napangiti siya nang maamoy ang mga iyon. Tumingin siya sa mga empleyadong naroon at ngumiti.

"Continue your excellent work everyone," nakangiting saad niya sa mga ito dahilan para ngumiti rin ang mga empleyado. Sunod niyang tinungo ang finance department at and merchandising department. Ang mga ito ay nakayuko sa labas ng kanilang opisina nang madatnan ni Alex.

"Good Afternoon Madame," nakayuko, at sabay-sabay na saad ng mga empleyado. Ngumiti siya sa mga empleyado habang iniikot ang kaniyang paningin.

"Good afternoon---" ngunit ganoon na lamang ang gulat niya nang makita ang dalawang pamilyar na pigura sa gilid.

"Omae-wa. . ."

End of Chapter 40

(A/N: on the way to last chapter! Thank you for reading and voting! Mwah! ❤️)



Ang Teacher ng Section 13Where stories live. Discover now