CHAPTER 3
“Anong itsura iyan Ms. Nivera?” tanong ni Sir Enriquez, isang P.E teacher din gaya niya. Break time ngayon nasa faculty siya. Nakatunganga siya ngayon sa mesa at nakatingin sa kawalan. Katatapos lang ng klase niya sa Section 13 at mukhang mas lalo siyang pumanget pag ka labas niya sa classroom na iyon.
“May nangyare bang hindi maganda? May ginawa ba sila sayo?” naiintrigang tanong ni Ms. Chan sa kaniya.
“Sinaktan ka ba nila Ale--- Stella?” nanlalaking nilingon nman niya ang muntik nang nadulas na kaibigan niya. Nginitian lang siya nito. Bumuntong hininga naman siya at ngumiti sa kanila.
“Ayos naman sila Ms. Chan.. ang tahimik nga nila eh” nakangiting sabi niya sa kanila na ikinagulat naman ng mga ito.
“Ehhh?!” sabay-sabay na sabi ng mga kaharap niyang teacher. Tila hindi naniniwala.
“Imposible! Hala! Tingnan niyo si Ms. Nivera at baka may pasa na iyan sa katawan!” bulalas ng isang teacher na ikinagulat niya. Agad siyang tumayo at humarap sa kanila.
“Ay naku po! Hehe wala naman po akong kahit ano. M-mababait naman po sila!” nakangiting sabi niya pa sa mga teacher kahit sa loob loob niya ay gusto niyang mag wala dahil sa konsumisyon sa klaseng iyon.
“Tss… papansin talaga…”
“Nag kukunwaring matapang pero sa susunod ay mag reresign na rin sila..”
“Yeah right. Hindi tatagal ang mga tulad niya sa Section 13 noh” tiningnan niya ang tatlong teacher na kanina pa nag bubulungan. At ang kakapal ng mukha dahil tinaasan pa siya ng kilay ng mga ito.‘Sino ba itong mga inggratang teacher na ito?! Tsk. May araw rin kayo sakin!’ inis niyang iniwas ang tingin sa mga teacher na iyo at agad na inayos ang mga papel sa table niya.
“Huy.. anong problema besh? May ginawa ka ba sa kanila?” bulong ni Sabrina sa dalaga. Tinitukoy nito ang mga estudyante.
“Ano?! Wala no! tsss pati ba naman ikaw..” abala ito sa mga papel na inaayos niya. Muli niyang tiningnan isa is ang mga estudyante sa class record.
‘Jun Anthony Shin. 21 years old, Half Japanese. At anak ng isang kilalang businessman sa buong Pilipinas at Asia. Hmmm mayaman ang isang to. Pero bakit dito siya nag tiyagang mag aaral? At ang malala pa ay nasa hostile section siya ng Mondargon Academy. Ito lang ba ang school na tumanggap sa kaniya after nung ginawa niya sa dati niyang school?’
Ipinag patuloy niya ang pag scan.
‘Warren Pangilinan. 19 years old. Anak ng may ari ng isang bakery. Hmm siya iyung bumato sa kaniya ng dart kanina. Tss…’
‘Roigie San Pedro, 20 years old. Repeater. Ate nalang niya ang kasama niya sa bahay at nag papaaral sa kaniya? Nasaan ang mga magulang niya?’
“Joshtin Joson, 18 years old, Niccolo Sanchez 18 years old, Justin Fernandez, 18 years old. Tss.. mga matatanda na at hindi man lang matulungan ang pamilya sa pag tatrabaho dahil nag aaral pa rin? Ano kayang gustong gawin ng mga estudyanteng to? Kawawa naman ang mga magulang nila.’ Abala siyang tinitingnan ang class record ng section 13 hangang sa maisip niyang wala sa kalahati ng section ang nakaaangat sa buhay. Naiinis siya dahil naiisip niya ang mga reaksyon ng mga magulang ng mga estudyanteng ‘to sa kanila. At iniisip rin niya kung paano humantong sa ganito ang section nila.
“Kumusta ang mga estudyante mo besh?” dagdag pa nito. Napabuntong hininga naman siya nang maalala ang tagpo kaninang umaga. Ang pag bato sa kaniya ng kung ano anong bagay na buti walang itlog. Ang pag sigaw sigaw sa kaniya ng mga iyon, at ang hindi pag sunod ng mga ito sa pinagagawa niya, at higit sa lahat ang pambo-boycot ng mga ito nang malingat siya.
YOU ARE READING
Ang Teacher ng Section 13
AcakSi Alex ay isang successful fashion designer, model at the same time ay owner ng isang clothing line sa Korea. Malaya siyang naumuhay roon, nang walang kumokontra sa mga desisyon niya. Wala siyang ibang gusto kung hindi ang passion niya sa pag gawa...