Chapter 35

949 38 3
                                    

CHAPTER 35

"Ano kayang nangyari dun kay Stella?" Tanong ni Justin sa mga kasama. Katatapos lang ng huling subject nila sa umaga kaya naman nasa canteen silang lahat at nakatambay.

"Kaya nga, lutang na lutang siya kanina, akala mo bangenge pa rin." Saad naman ni Josh na sinang ayunan naman ni Justin. Mag kakasama sila ngayon at kaniya-kaniya sa ginagawa habang nakatambay. Sina Ren at Roigie ay nakadukmo sa mesa. Sina Josh at Justin ay nakatingin sa kani-kanilang mga cellphone at sina Niccolo at Jun naman ay nag babasa ng libro.

"Hindi kaya, may kinalaman nanaman ito sa gang nila?!" agad na tiningnan nina Ren Roigie at Jun nang masama si Josh nang banggitin ang salitang iyon.

"Tado ka talaga, mag ingatka nga sa mga sinasabi mo! Nasa canteen tayo!" singhal ni Niccolo sa kasama. Napakamot naman ito ng ulo at nag peace sign sa kanilang lahat. Bumalik na ulit sa kani-kaniyang mga gawain ang mag kakaibigan.

"Nga pala, balita ko, nakakulong na sina Kevin ah, pero yung mga kasama nila sa video at picture, wala. Magagaling yata ang mga iyon pre!" sabay na natahimik ang mag kakaibigan sa sinabi ni Justin. Sandaling nathmik ang tatlo na sina Jun, Ren at Roigie sapagkat alam at kilala nilang tatlo kung sino ang tinutukoy ng kaibigan.

"Ang isipin nalang muna siguro natin sa ngayon, ay nabalik na sa ayos tong section natin, nakulong na sina Kevin, hindi na kakalat yung duming itinatapon nila sa ibang estudyante." Kalmadong saad ni Roigie na sinang ayunan naman ng mag kakaibigan. Nag patuloy silang lahat sa pag uusap nang mag ring ang phone ni Jun. Natahimik naman ang mga ito nang tingnan sila ng binata atsaka siya tumayo at nag lakad palabas ng canteen para sagutin ang tawag.

"Moshi moshi, ane..(older sister)" pag sagot ni Jun sa tawag nang makarating sa isang pasilyo na walang estudyante.

"Jun-kun, imaya ni kaeranakya. Otōsan wa anata to hanashitaidesu! (Jun-kun you have to go home right now. Dad wants to talk to you!)"  kumunot ang noo ng binata sa tinuran ng kapatid nito. Nag tataka kung bakit pinauuwi siya ng kaniyang ama gayung may klase pa siya.

"Otōsan ni watashi wa mada kurasu ga aru to itte.(tell dad i still have class)" bagot na sabi nito. Akmang ibababa na niys ang telepono nang mag salita muli ang kaniyang ate.

"Demo Jun! Kore wa jūyō! Anata wa ima,-ka ni kaeranakereba narimasen! (but Jun! this is important! You have to go home, now!)  Please just do what I said, or dad will kick your ass out to Japan!" inis na ibinaba ni Jun ang kaniyang telepono atsaka padabog na sinipa ang trashcan malapit sa kaniya..

"Kuso! What again, old man?!" galit na bulong nito sa sarili.

"Kuso! Kuso! Kuso!" pag mumura niya pa habang paulit ulit na sinisipa ang trashcan na halos mayupi na.

"Yah! Anong ginagawa mo?! Sira ulo ka ba?! Anong laban ng trashcan diyan sa sipa mo?!" inis na napatigil naman ang binata nang marinig ang pamilyar na boses.

"What?!" inis na tanong nito sa dalagang si Alex na ngayo'y nakatingin sa lata at iiling-iling.

"Tss kawawang trashcan, you may rest in peace.." kunwari'y sabi pa nito habang nakatingin sa nayuping basurahan. Inis at nag tataka namang tiningnan pa ng binata ang ginagawa ng guro.

"You're crazy." Kalmadong sabi na nito habang nakatingin sa dalaga. Hindi namamalayan ni Jun na nakangiti na siyang tinitingnan ang dalaga habang ito naman ay nakatingin pa rin sa trashcan.

"Tss.. baka.." saad nito atsaka tinalikuran na ang guro. Narinig naman ni Alex ang sinabi ng binata kung kaya't hinabol niya ito ng tingin atsaka sumigaw.

"Hoy narinig ko yon hapon! Ikaw kaya ang mukhang timang! Hoy! May klase pa kayo mamayang hapon! Huwag mong sabihing a-absent ka nanaman?! Hoy!!" Sigaw ni Alex ngunit wala siyang natanggap na kahit anong response mula rito. Nag tataka naman siyang tumingin sa papalayong Jun.

"Ano kayang problema ng isang iyon?"

***

*PAK!*

"Otōsan!(dad!)" sigaw ng kapatid at ina ni Jun matapos siyang sampalin ng kaniyan ama pag dating sa bahay. Malakas at masakit ang sampal na natanggap ng binata sa ama dahilan para bahagyang dumako sa kaliwa ang tingin nito.

"Benkyō no tame ni koko ni okurimashita!(I sent you here to study! )" sigaw ng kaniyang ama. Pinunasan niya ang gilid ng kaniyang labi atsaka walang emosyon na tumingin dito.

"And then what are you doing?! You're picking fights with your classmates! And what do you call to your section?! Section 13?! Hostile section?!Bakayaro!" tahimik na nakayuko lamang ang binata sa mga sinasabi ng ama. Palihim niyang ikinuyom ang kaniyang mga kamao dahil sa inis na nararamdaman.

"I thought when I sent you here, you will be good! But what I have received to your school?! Your terrible attitude?!" inis na tiningnan ng binata ang ama.

"Is it my fault to have a foolish, stupid and a nonsense teacher?! They're not respecting us so we aren't!" sigaw niya pabalik sa ama. Animong aatakihin sa puso ito dahil sa narinig sa kaniya

"Jun stop!" sigaw ng ate niya sa kaniya ngunit hindi niya lang ito pinansin. Muli niyang tiningnan ang amang galit na galit na nakatingin sa kaniya.

"I am doing my best to give you my diploma, so I can prove myself to you! But it's just that I am prone to bad lucks so.." kalmadong sagot nito sa ama.

"Jun Anthony Shin!" sigaw ng ama niya sa kaniya ngunit nginisian lamg niya ito.

"You're just like them dad, leaving comments without knowing the other side." Saad pa nito. Atsaka tiningnan ang kapatid at ina.

"Okāsan, onēsan gomen'nasai.(I'm sorry mom, ate)" bahagya pa muna itong yumuko sa kanila bago tuluyang nilisan ang apartment na tinutuluyan.

"Jun-kun!" tawag ng ina nito sa kaniya ngunit hindi na niya ito napansin at nag dire-diretso na sa pag labas.

"Don't mind him.." saad naman ng ama nito sa kanila. Pag labas ni Jun ay nakita nito si Alex na nakatayo sa gilid at tila hindi napansin ang presenya niya.

"Koko de nanishiteruno? (What are you doing here?)"

"Ay baka! Yah! Ano bang ginagawa mo?! Bakit ka nanggugulat?!" gulat na sigaw ni Alex sa binata. Hindi niya napansin ang presenya nito dahil sa lalim ng iniisip tungkol sa narinig.

"Tss.. baka.. What are you doing here?" masungit na tanong nito sa kaniya dahilan para matahimik siya at mag iwas ng tingin.

"Ah.. eh.. ano..." napamura na lamang si Alex sa kawalan ng idadahilan. Hindi niya pwedeng sabihin na sinundan niya ang binata at narinig lahat ng pinag uusapan nila.

"Out of words, na?" nakangising sagot naman ni Jun at bahagyang inilapit ang mukha sa dalaga. Hindi naman nakapag salita si Alex nang ma corner siya ng binata sa wall.

"You followed me, right?" mahinang sabi ni Jun sa dalaga dahilan para kilabutan ito ng matindi at bumilis ang tibok ng puso niya. 

"Y-yah, masyado kang malapit!" nauutal na sabi ni Alex ngunit imbis na lumayo ay mas lalo pang lumapit ang binata sa kaniya. Halos wala nang isang dangkal ang lapit ng mukha nila sa isa't isa at ramdam ni Alex ang pag init ng pisngi niya.

"You're cute when blushing.." pagkasabing iyon ng binata ay saka siya lumayo atsaka nag lakad palabas ng gate ng apartment nito. Samantalang naiwang tulala namang naiwan ang dalaga.

"Ano bang ginagawa mo saking hapon ka? Bakit mo ginugulo yung pagkatao ko?" naibulalas ng dalaga sa sarili..

"Anatahadare?(Who are you?)" agad namang napalingon si Alex sa pinanggalingan ng tinig.

"Anata wa koko de nani o shite iru no? Watashi no ani o shitte imasu ka?(what are you doing here? do you know my brother?)" nag tatakang tanong ng kapatid ni Jun sa dalaga. Tiningnan niya ito at ang ama't ina ni Jun na ngayo'y nag tatakang nakatingin sa kaniya.

"A-ano... Watashi wa kare no tan'nin no senseidesu. (I am his homeroom teacher)" gulat namang nag tinginan ang tatlo sa dalaga..

"Anata wa kare no senseidesu ka? (You're his teacher?)" Takang tanong ng ina ni Jun sa kaniya. Nahihiya namang tumango ang dalaga.

"Matte, anata wa nihonjindesu ka?(wait, are you a japanese?) You are so fluent in the language." Nadako naman ang tingin ng dalaga sa ama ni Jun nang mag salita ito. Kalmado ang matanda bagamat malalim ang boses nito. Nahihiya namang tumango ang dalaga.

"Sumimasen ga, ikanakereba narimasen. Oaidekiteureshīdesu, okusama. (if you'll excuse me, I have to go. It's nice meeting you sir, ma'am.)"  ngumiti pa muna ito at yumuko sa kanila atsaka tumalikod. Bago tuluyang lumabas ng gate ay muli itong lumingon at ngumiti sa kanila.

"Jun wa kokoro ga ī. Shin-san ga kanji raremasu.(Jun has a good heart. I can feel that Mr. Shin.)" atsaka ito nag lakad palayo sa kanila. Naiwan namang tahimik ang mga magulang ng binata sa itinuran nito.

"I think, I've seen her somewhere.." bulalas ng kapatid ni Jun habang nakatingin sa ama.

"She's familiar indeed." Kalmadong tugon naman ng ama nito.

***

"Hoy, bakit ka umalis ng school basta basta?" tanong ni Alex sa binata. Kasalukuyan silng nag lalakad ngayon pabalik ng school. Matapos siyang tanungin ng mga magulang ng binata ay agad niyang sinundan ito.

"Let me ask you the same question. What are you doing there in the middle of work hours?" balik tanong ng nakapamulsang binata sa kaniya habang nasa daan ang tingin. Napairap naman si Alex atsaka sinabayan ang pag lalakad niya.

"Tss, wala na akong klase, kayo lang ang section na hawak ko, remember?" nakataas kilay pa nitong sabi habang nag lalakad sila.

"Tss whatever..."

"Tss.. whatever.." mahinang panggagaya naman ng dalaga sa tinuran nito. Nang marating nila ang tapat ng school ay hindi pa rin nag sasalita ang binata kung kaya naman agad niyang hinawakan ito sa braso.

"Nandayo?! (What the hell?!)" gulat na sabi ni Jun nang hawakan hilahin siya nito palayo ng school.

"What the hell are you doing?!" singhal ni Jun sa dalaga nang makarating sila sa tapat ng apartment ni Alex at Sab.

"Ang OA naman nito, pumasok ka na nga lang!" naunang pumasok ang dalaga at napipilitan namang sumunod ang binata sa kaniya. Nadatnan nilang nag lilinis ng bahay si manang Celia sa sala.

"Oh Alex hija, maaga pa---" natigilan naman ito at napatingin sa kasama ng dalaga. Naiilang namang yumuko si Jun sa matanda.

"Ah nanny, siya nga pala si Jun, estudyante ko po.." nag tataka namang tiningnan ni Alex ang matanda na para bang kinikilala ang kasama.

"Tama! Ikaw nga!" bulalas ng matanda na ikinatingin naman ng dalawa sa kaniya.

"Ikaw iyong lalaking nag sauli ng telepono ni Alex noon, tama ba hijo?" nakangiti pang tanong matanda. Pilit namang ngumiti ang binata at tumango.

"Teka, tapos na ba ang klase hija? Bakit kasama mo siya? Oras pa ng klase.."

"Ahm.. ano kasi nanny, ahm, may problema ho kasi siya sa papers at naiwanan ko ho yung mga papel.." animo'y nangangapa ng sasabin ang dalaga sa kawalan ng idadahilan kung bakit niya idinala sa apartment ang binata. Maski siya ay hindi rin alam ang dahilan kung bakit sinama si Jun doon.

"Hmm, talaga? Bakit isinama mo pa siya gayung may driver ka naman?" nagulat ang dalaga sa hindi inaasahang tanong ng kaniyang nanny. Nang tingnan niya ito ay tila ba nang-aasar ang matanda at nakangiti na parang may ibang ibig sabihin ang kaniyang itinatanong.

"A-ah, n-nagkataon p kasing nag kasalubong kami sa kalsada, h-hehehe n-nag lalakad lang po ako papunta rito nanny at nakasalubng ko siya. Diba Jun?!" tingin pa nito sa tahimik na binata na kinakailangan pang tapikin ang balikat para mapansin siya.

"A-ah.. yeah.." tumatangu-tango naman nitong saad  at muling nag-iwas ng tingin. Natutuwa namang tinitingnan ng matanda ang dalawang nasa harapan. Daig pa nilang mga abnoy sa pag papalitan ng masasamang tingin.

"Ehem.." pag kuha niya ng pansin sa dalawang bata atsaka inilapag ang kaniyang pang linis.

"Maiwan ko muna kayong dalawa, at ako'y mag lalaba pa.." nakangiti siyang nag paalam sa mga ito. nang makaalis ang matanda ay agad na nag palitan ng masasamang tingin ang dalawa sa isa't isa.

"Tingnan mo, ang dami-dami mo pang kaartehan bago sumagot kay nanny! Tinutuks niya tuloy tayo!" singhal ni Alex sa binata. Tiningnan lang siya nito nang may halong pag tataka.

"What did I do? I just answered her question," kalmadong sagot pa nito.

"Kahit na, nakita mo naman yung mga tingin niya diba?!" hindi inaasahan ni Alex ang pang ngisi ng binata at ang daglian nitong pag lapit sa kaniya na siyang ikinagulat niya.

'OH MY GOD! BAKIT ANG GWAPO NG NILALANG NA ITO!'

"Are you affected of your nanny's tease?"nakangising tanong ng binata sa kaniya. Napalunk naman si Alex sa sobrang lapit ni Jun sa kaniya.

'LORD! HELP ME! ILAYO MO AKO SA HAPON NA ITO!'
Nang matauhan ay agad na itinulak ni Alex ang binata atsaka dinuro..

"Hoy! A-anong apektado pinag-sasasabi mo riyan?! Hindi no!!" ramdam ni Alex ang pag-iinit ng kaniyang mag kabiang pisngi at ang pakiramdam na iyn sa kaniyang sikmura.

"Yeah, whatever,.." nakangisi pa nitong sabi atsaka nag basa ng dala-dalang libro. Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Gustong-gusto na itanong ni Alex sa binata ang mga narinig kanina mula sa mga magulang nito ngunit wala siyan lakas ng loob na magsalita.

"Ano..." panimla nito atsaka dahan-dahang tumingin sa gawi ng binata na abala sa pag babasa.

"Yung mga magulang mo---"

"What about them?" tanong nito na bahagyang ikinagulat ni Alex..

"Ahm..."

"They came here to watch me." Sagot nit nang hindi man lang inaalis ang tingin sa librong binabasa. Nakatingin naman ang dalaga sa ginagawa nito. Nag hihintay ng susund na sasabihin.

"What you've heard earlier, don't mind that. We talked that usually." Napatingin naman ang dalaga rito.

"Eh?"

"I beat a teacher to death for making a bullshit to my best friend."  Panimula nito.

"And I did not attend that shitty engagement party. That's why he sent me out here." Hindi nakapagsalita si Alex sa tinuran ng binata.

Gulat niyang tiningnan ang binata na ngayo'y nasa malayo ang tingin. Hindi niya alam kung ano'ng dapat maramdaman sapagkat base sa mga sinabi nito ay mali ang ginawa niya. Ngunit hindi rin niya maiwasang makaramdam ng awa rito sapagkat nakita niya ang performance nito sa klase. At hindi ganoon ang Jun na kilala niya.

"My father sent me here because I'm a big mess for his family."  Ang kalmado at prenteng tono ng pananalita ni Jun kanina ay napalitan ng lungkot at panghihinayang. Ramdam ito ng dalaga.

"Nagkakamali sila, hindi ka ganoong tao, hindi ka mess sa pamilya mo," bigla ay sabi nito.

Tumingin naman si Jun sa kaniya, "Paano mo nasabi?" bigla ay tagalog na tanong nito sa kaniya.

"Uy! Magaling ka pala mag tagalo?" natatawang tanong ni Alex sa binata. Siniringan naman siya nito.

"Pero, iyon ang totoo, hindi ka naman masama eh, mabuti kang tao, prinotektahan mo lang ang dapat mong protektahan, tsaka, hindi naman masama kung paminsan-minsan eh isipin mo ang sarili mo," sa ibang banda ay naiintindihan ni Alex si Jun. Ang engagement party ay isang mahalagang okasyon, pero anong silbi noon kung hindi mo kilala ang mapapangasawa mo? Kung hindi mo man lang nakita ito?

"Kaya kung tutuusin, masungit ka lang talaga. Hehehe" tiningnan naman siya nang masama ng binata sa sinabi nito.

"Pero, mabait ka! Hindi lang talaga halata.." pahina nang pahinang sabi nito . Hindi nalang siya pinansin ng binata. Muling namutawi ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Walang nagsasalita ni isa sa kanila.

"Thank you, Alex.." bagamat mahina ay dinig ng dalaga ang sinabi ni Jun. Hindi maipaliwanag ni Alex ang nararamdaman subalit mas klaro ang kasiyahan sa damdamin niya.

Sa sobrang tuwa ay kinurot ni Alex ang pisngi ng binata .

"Itai!" pag-aray naman ng binata kaya kaagad na natauhan si Alex.

"Ay, sorry hehehe" natigil silang dalawa nang magring ang cellphone ni Alex.

"Hello?"

"Hello ma'am..." mabilis na sumeryoso ang dalaga nang marinig ang isang hindi pamilyar na tinig.

"Sino ito?" tanong niya ngunit tawa lamang sa kabilang linya ang narinig niya.

"Hayop ka Kevin! Pakawalan mo kami dito tar*nt**0!" kaagad na napatayo si Alex nang marinig ang sigaw na iyon ni Ren.

"Ren! Anong nangyayari? Nasaan kayo?" Binalot ng takot at pag-aalala ang dalaga nang marinig ang estudyante.

"Moshi moshi riida.." natigagal sa kinatatayuan ang dalaga nang marinig ang boses ni Brian. Ang leader ng BSG.

End of Chapter 35

Ang Teacher ng Section 13Where stories live. Discover now