Chapter 5

1K 48 0
                                    

CHAPTER 5

Maagang pumasok ang mag kaibigan sa school. Ganon parin ang itsura nilang dalawa. Para silang mga nerd na estudyanteng papasok ng school.

“Uy, Alex, balita ko pupunta dito ngayon si Mr. Tabera. Gusto niyang kausapin ang pamilya ng student mo.” Agad na napatingin si Alex sa sinabi ng kaibigan.

“Ano kamo?”

“Ang balita ko ay mag sasampa ng kaso ang teacher ng Smith Academy dahil sa nangyari.” Napatingin naman silang dalawa sa bagong dating na si Ms. Ayumi.

“Ano?!” mataas na tonong anas ni Alex.

“Nandon sila ngayon sa faculty office kausap si Mr. Quizon—“ hindi na pinatapos ng dalaga ang sasabihin ni Ms. Ayumi dahil dali-dali itong tumakbo papunta sa faculty office. At doon ay nadatnan niya ang ina ni Ren at ag binata. Katapat nila sina Mr. Quizon, at si Mr. Tabera.

“Ikaw bata ka! Paano mo nagawang mag nakaw at mambugbog ng teacher?! Alam mo bang dahil sa ginawa mo ay maari kang ma kick out at makulong?!” bulyaw sa kaniya ni Mr. Quizon pero wala pa ring reaksyon ang binata sa harapan nilang parehas.

“P-Patawarin niyo na po ang anak ko Mr. Tabera. B-babayaran ko po ang kinuha niya---“

“Hindi ako papayag na matolerate ang ginawa sakin ng anak niyo Mrs. Nakita niyo naman ang ginawa niya sa akin at ng mga kasama niya!” hindi na napigilan pa ni Alex ang sarili. Nilapitan niya ang mga ito at humarap sa kanila.

“Mawalang galang na po pero hindi niyo po pwedeng pagbintangan na lang ng ganyan si Mr. Pangilinan---“

“At sino ka naman?” inis na tanong sa kaniya ni Mr. Tabera. Imbis na tingnan ng masama ay ngumiti na lamang ang dalaga.

“Ako po ang class adviser ng pinag bibintangan niyong estudyante Mr. Tabera.” Bakas naman ang gulat sa mata ng guro at tiningnan ng masama ang dalaga.

“Hindi po ang estudyante ko ang nambugbog at nagnakaw ng wallet niyo Mr. Tabera.” Kalmadong sabi ni Alex na ikinakunot ng noo ng head teacher.

“Ms. Nivera ano bang sinasabi mo? Manahimik kanalang.” Nangunot ang noo ni Alex sa ibinulong sa kaniya ng head teacher.

“Naniniwala po ako sa estudyante ko. Wala siyang ginawang masama. Siya pa mismo ang nag ligtas sa inyo sa mga nambubog sa inyo kaya wala pong dahilan para idemanda at I expel sya.” Napatingin naman ang ina ni Ren sa kaniya maging ang ilang teacher sa faculty. 

“Aba’t sino naman ang maniniwla sa iyo?! Ikaw na rin mismo ang nag sabi na adviser ka ng batang ito kaya malamang kukunsintihin mo rin siya!” Sigaw naman ni Mr. Tabera sa harapan niya na ikinatahimik niya.

“Idedemanda ko ang batang ito! Hindi niya alam kung gaano kaimportante ang laman ng wallet ko---“ natigilan ang lalaking guro nang pabatong inilapag ng dalaga ang wallet niya sa lamesa.

“Ms. Nivera! Paano napunta sa iyo ang----“ kitang nagulat din ang mga naroon sa faculty sa ginawa niya. Maging ang binata ay napansin yon. Natuon naman ang atensyon ng lahat nang may pumaso sa loob ng faculty office.

“Jun..” tawag ni Ren sa bagong dating na si Jun. Kasunod ang ilang kaklase nila!

“I saw everything that day.” Walang emosyong sabi ng binata na ikinagulat ng lahat maging ni Alex.

“Nakita rin naming na niligtas ni Ren yang matandang teacher na iyan!” sigaw pa nina Bruno na kasunod ng binata kanina. Napayuko naman si Alex sa isinigaw ng mga binata.

“Mga bastos!” masamang tiningnan sila ng head teacher bago bumalik muli ang tigin sa kausap.

“Mr. Tabera?”  patanong na tawag ng head teacher sa guro. Kita namang hindi mapakali ang mata ng guro ng Smith.

Ang Teacher ng Section 13Where stories live. Discover now