Chapter 4

1K 52 1
                                    

CHAPTER 4

“At sino ka naman?” tanong ni Ken. Tiningnan nila nang mabuti ang tao at napag tantong babae ito.

“Hoy miss. Huwag kang sumali dito kung ayaw mong masaktan..”

“Hindi tama iyang ginagawa niyo mga bata..” nakangising sabi nito sa kanila. Maging sina Jun ay nakatingin sa bagong dating.

“Huh?!” hindi makapaniwalang anas nina Josh, Justin at Roigie nang Makita kung sino ang tao.

“Sino ba iyang pasikat na iyan?” naiinis pang bulong ni Ren habang namimilipit pa rin sa sakit na natamo niya tila.

“Tang*na.. Sino ‘yan?” tanong naman ni Niccolo habang inaayos ang sarili.

“Miss ganda, umalis ka na dito dahil masasaktan ka lang..” prenteng utos naman ni Gabo sa babae ngunit ngumisi lamang ito..

“Try me then..” at unti-unti itong lumapit sa kanila dahilan para mapaatras ang ilan sa kasamahan ni Gabo.

“Ano pang tinitingin tingin niyo?! Upakan niyo!” sigaw nito sa mga kasama niya kaya naman agad na sumugod ang mga ito sa gawi ng babae isa isa.

Ngunit laking gulat nila nang Makita kung paanong salagin ng babae ang bawat atake ng bawat isang lalapit sa kaniya at kita nila kung paanong humagis ang mga ito.  Maging sina Roigie ay napanganga habang pinanonood ang ginagawa ng hindi kilalang babae..

“Sinasabi ko naman sa inyo.. Bawal manakit ng mga estudyanteng tulad nila.” at agad na inihagis ng babae sa gawi nila Gabo ang kasamahan nitong si Ken. At muling lumapit sa gawi ng mga lalaki.

“Sino kaba at anong paki-alam mo?!” matapang ngunit bakas sa mukha ang takot na sigaw ni Gabo sa babae. Ngunit hindi siya pinansin nito sa halip ay nakipag laban lang ito ng titigan sa kaniya.

“Kung totoong gangster kayo, matuto kayong sumunod sa mga mas nakatataas sa inyo naintindihan mo?” tila nabato naman sa kinalalagyan si Jun sa narinig at muling tiningnan ang itsura ng babae.

Bagamat hindi niya alam kung kalian at saan pero sigurado siyang nakita na niya ang dalaga. Hindi siya maaring mag kamali dahil tandang tanda niya ang boses nito. Pati siya ay nabuhay ang interes sa babaeng kaharap nila. 

“At kung gusto niyo pang mamuhay ng tahimik, lubayan niyo ang mga batang ito.” galit na paalala ng babae sa kanila dahilan para mapaatras sila Gabo.

Maging sina Ren ay natahimik at napatitig sa harapan. Maging sila ay nakaramdam ng kilabot sa kakaibang tinig at salitang binitawan ng dalaga. Hindi nila akalaing ang napaka gandang babae sa harapan nila ay katatakutan nila maging ng grupo nina Gabo.

“Tandaan mo ang sinabi ko. At iparating mo iyan sa pipitsuging gang na may hawak sa inyo.” At tumalikod na it sa kanila at nag simulang mag lakad palayo. Ngunit hindi pa man ito nakakalayo ay muling sumigaw sii Gabo.

“At sino ka naman para sundin namin ha?! Akala mo ba mapapatay mo kami ngayon kung hindi kami susunod sa iyo??!” nagulat ang lahat nang Makita kung ano ang hawak ng babae. Isang gintong dagger.

“Kayang-kaya kitang itumba ngayon dito gamit itong hawak ko.” Nakangising sabi pa ng dalaga habang nilalaro sa mga kamay ang dagger na hawak nito atsaka ibinato ang hawak sa direksyon nila Gabo.

“AGHHH” sigaw ng lalaki ngunit walang tumamang bagay sa kaniya na ikinatawa naman nina Ren dahilan para mapaungot din sila sa sakit.

------------------

Tawang tawa naman si Alex dahil kita ang takot sa mukha ng mga lalaking kaharap niya kabilang na roon ang kaniyang mga estudyante. Malamang pati ang mga ito ay gulat at nag tataka sa pag dating niya. Ngunit nasisiguro niyang hindi siya namumukhaan ng mga ito dahil naka shades ito at hindi siya mukhang si Stella na teacher nila.
Nakita niya ang mga estudyante niyang binubugbog. Biglang nag init ang ulo niya kaya naman nag mamadali siyang tumalon sa kotse kanina kahit tumatakbo pa ito para makalapit sa mga estudyante niyang pinag tutulungan. 

Ang Teacher ng Section 13Where stories live. Discover now