Chapter 6

1K 49 0
                                    

CHAPTER 6
“Ehh?!” Gulat ang buong section 13 nang marinig ang balita ng kanilang kaklase na si Bruno. Nalaman ng lahat na may magaganap na evaluation at uunahin ang klase nila. Hindi makapaniwala ang mga ito kabilang na ang grupo nina Ren. Matapos usapan kanina sa faculty room ay agad na nakapasok ang binata sa klase.

Habang nag kakagulo ang lahat ay tahimik na nakadukmo naman si Jun habang nakatingin sa kawalan. Nilapitan ito ni Ren.

“Ano, aattend ba tayo?” tanong nito sa binata ngunithindi siya nito pinansin. Lumapit sa kanila sina Niccolo.

“Ano, papasok ba kayo?”

“Ayoko. Siguradong pag iinitan tayo ng mga teacher na iyon mamaya.”

“Kasama pa yung ungas na head teacher na panot. Tsk.”

“I boycott kaya natin sila?”

“Tara, gumala nalang tayo.”

“Mabuti pa nga. Ano Jun, sama ka?” tanong ni Joshtin habang inaayos ang gamit nito. Mula sa pag kakadukmo ay tiningnan ni Jun ang kaniyang relo at sampung minuto na lamang bago mag time.

“Makinig kayo! dali may balita ako!!” napunta naman sa harapan ang atensyon ng lahat.

“Ano nanaman ‘yon Roy?! Bilisan mo at mag ta time na! abutan tayo dito ng mga gurang na iyon!” Sigaw ni Joshtin sa kaklase nilang nasa harapan.

“May chiks!!!” sigaw nito na nakapag patahimik sa kanilang lahat. 

“Ehh?!”

“May chiks dito sa school!” sigaw pa nito. At dahil walang babae sa school na iyon, lahat sila kasama sina Joshtin, Justin, Roigie at Niccolo ay nag sipag lapit sa harapan.

“Nasaan?! Nasaan ang chiks?!” agad na dinaklot ni Roigie ang kwelyo ni Roy.

“Teka lang! easy!” tinanggal naman agad ni Roigie ang kamay  sa kaklase.

“Diba, tayo ang uunahin sa evaluation? Shet! Makikita natin yung chicks!” nag sigawan naman ang buong section 13 sa ibinalita ng kaklase. Dali-dali nilang inayos ang kanilang mga upuan at todo lapit pa sa unahan para sa ‘chiks’ kunong teacher na mag tuturo sa kanila.

“Tsss..” napailing naman si Ren sa inasta ng mga kaibigan.

“Parang kanina lang ay gustong gusto na nilang lumabas. Nakarinig lang ng babae biglang rumupok ang mga putsa.” Nailing na sabi pa nito habang tahimik na tinitingnan ang mga kaibigan kasama ng mga kaklase nilang nag papantasya na.

Samantalang tahimik namang nakadukmo si Jun sa kaniyang lamesa. Iniisip parin nito ang nangyare sa parke kagabi. Sigurado siyang narinig na niya ang tinig na iyon noong nasa Japan pa siya ngunit hindi niya maalala kung kalian at kung sino ito. Paulit ulit niyang iniisip ang tinig ng babae. Dumagdag pa rito ang nasaksihan niyang galing ng babae sa pakikipag laban at ang nakakatakot na paraan nito nang makipag usap sa mga tarantadong gumulpi sa kanila. Parang gusto niya uling marinig ang boses na iyon ngunit napaka imposible na sigurong mangyari yon. Siguro ay napadaan lamang ito sa park at nag magandang loob na ligtas sila.

Sa kalagitnaan ng pag iingay ng section 13 at ng pag-iisip ni Jun ay biglang bumukas ang pintuan dahilan para mapatingin sila roon.

“GOOD AFTERNOON MA’AM GANDA----- EHHH?!” Malakas at sabay-sabay na sigaw ng section 13 sa taong nasa pintuan nila, walang iba kung hndi ang head teacher at si Mr. Takeshi, ang matandang head teacher.

“Pucha! Nasaan ang chiks?! Roy?!” sigaw ni Josh na napapatayo pa kasama sina Niccolo. Nag simula na ring mag-ingay ang buong klase habang natatawa namang tiningnan ni Ren ang mga ito.

Ang Teacher ng Section 13Where stories live. Discover now