Chapter 22

784 30 0
                                    

CHAPTER 22: SPORTS FEST

"Woaah..." manghang pinag masdan ni Alex ang gymnasium na puno ng mga estudyante ng Mondragon at iba pang mga estdyante sa iba't ibang school na inimbita ng kaniyang kapatid.


Hindi niya akalain ganito kasikat ang paaralan sa iba pang paaralan. Lalo na sa mga babaeng estudyante. Halos punuin ang dalawang  quadrant ng gymn ng mga kababaihan na may suot na iba't ibang klase ng P.E uniform, may kaniya-kaniyang hawak na banners na dinaig pa ang mismong mga estudyante ng Mondragon. 


"Sht.. ang daming tao!" malakas na sigaw ni Josh habang nakasilip sa bintana ng assigned room nila. agad na nilingon ito ni Alex at tiningnan siya nang masama.


"Huwag kang sumilip!" ramdam ng dalaga ang kaba sa mga players at cheerers ng section niya. Maging siya ay ganun ang nararamdaman lalo na't napakaraming tao sa gym at ito ang unang pag kakataon na makasali muli ang section 13 matapos silang i banned ng dalawang taon.


Pumasok si Alex sa assigned room ng section 13 at tiningnan ang mga estudyante. Abala ang mga players sa pag wa-warm up samantalang ang mga cheerers ay abala sa pag aayos ng mga gamt nila.


"Grabe, ang daming tao sa labas!" ani Josh.

"P****a, mas dumoble yata yung kaba ko! Ang lakas ng mgasigawan nila." dagdag ni Paulo habang patuloy lang sila sa pag wawarm up.


"Grabe, parang interhigh na sa dami ng tao. Nakakapressure to!"


"Nung huling laro natin hindi ganito karami ang tao. Pero ngayon punong puno yung gym."


"Shet!!!! Pakiramdam ko matatae nako sa sobrang kaba!" sigaw naman ni Bruno na ikinatawa ng lahat pati ni Alex. Habang nag hahanda ang lahat, ay siya namang pasok nina Yuta, Taki at Sho na nakadisguise.


"Are you guys ready?" nakagiting tanong ni Taki sa kanila.


"Kohi, you're nervous.." sabi ni Sho sa dalaga na parang wala sa sarili. Agad naman natauhan si Alex atsaka ngumiti dito.


"Don't worry kohi, we trained them very well." Nakangiting saad ni Yuta habang tinutulungan ang cheerers sa mga gamit nila.


"Oo nga Stella! Kaya naming 'to! Makakapag laro tayo sa interhigh!"

"Huwag kang mag-alala Stella, hindi kami magkikipag rambulan, laro lang." mangilid ngilid naman ang luha na binatukan ni Alex si Ren na napaungot sa sakit.


"Dapat lang no! kung gusto niyong makapag laro sa interhigh, galingan niyo!" Nag pupnas luha pang sabi ng dalaga sa kanila


"Kaya huwag ka ng oa diyan."

"Kaya nga, makaiyak kala mo talo kami di pa nga nag uumpisa." Nag tawanan naman ang lahat ng nasa loob maliban sa teacher nilang ang sama ng tingin sa kanila.


"Mga kolokoy talaga.."  ilang minuto pa silang nag warm up sa loob ng room hanggang sa tawagin na ang section nila.


"And last but not the least! After two years of not being in the court, let's all welcome! The section D!!!" matapos non ay naunang mag lakad palabas ang cheerers ng section 13 kasunod ang mga players.


Mas lalong nakaramdam ng kaba ang section 13 nang biglang binalot ng katahimikan ang gymnasium. Patuloy lang sila sa pag lalakad patungong gitna.


Wala nang mas bibilis pa  sa tibok ng puso ni Alex nang masilayan ang maraming tao sa gymnasium. Ang ilang juniors ay may mga dalang banner upang sumoporta sa section A, B, at C. ni isa'y wala siyang makitang banner ng section nila na hawak ng taga Mondragon.


"Section D is the last section of 4th year in Mondragon Academy High school. After two years of their absence in sports fest, the heads had finally let them prove their skills and sportsmanship inside the court with the supervision of their new homeroom adviser, and will ready to beat the three consecutive champions! Let us give them a round of applause! The Section 13 warriors!" matapos isigaw ng MC ang kanilang section ay siyang hudyat para malakas na patunugin nina Bruno ang malalaking drums na hawak at simulant ang cheering nila. Kasabay non ang malakas at nakakabinging sigawan ng mga kababaihan sa buong gymnasium.


Gulat namang pinag masdan ni Alex ang nangyayari. Hawak hawak ang flag ng section 13 ay proud niyang iwinagayway ito habang nagchecheer ang kaniyang ga estudyante. Maging ang mga nanonood ay sumasabay sa cheer ng ection 13 na may kasamang tilian.


"OH MY GOD! ANG GWAPO GWAPO NILA!!!"


"FIGHTING JUN!!!"

"KYAAAAH!!! JUSTIN!!"


"GO ROIGIE!!!"

"GO GO GO REN!!!"

"ANG GWAPO NI JUUUUUN!!"


"GANBATTE JUN-KUUUUN!!!!"


"LABAN SECTION 13!!!"


"WELCOME BACK SECTION 13!!!"


"LET'S GO SECTION 13!!!"


Maging ang ection 13 ay gulat sa sigawan ng mga estudyante mula sa ibang school. hindi nila akalaing ganito ang mangyayare sa pag babalik nila sa court, na para bang nasa interhigh na sila. hindi rin nila akalaing ganito sila kaikat sa ibang school lalo na sa mga kababaihan gayung kilala ang section nila dahil sa pakikipag rambulan a iba't ibang estudyante ng katabi nilang schools.


Nang matapos ang cheering ng section 13 ay mas lalo pang umingay nang ipakilala ni Alex ang players ng section 13.


"Good day to everyone! I am Stella Mari Nivera, and let me present to you, the warriors of section 13!" hindi pa natatapos sa pag sasalita ang dalaga nang mag sigawan muli ang mga kababaihan.

"KYAAAAH!!!"


"AYAN NAAAAA!!!!"


"GO SECTION 13!!!!"


"PAULOOOO!!!!"


"EUGENE!!!!"

"JOSSH KOOOO!!!"


Talaga namang hindi makalma ang sigawan ng mga estudyante. Napapiling nalang ang mga guro habang ngingisi ngisi naman ang section 13 sa likod ng guro nila.


"GANBATTE JUN-KUUUUN!!!!"


"BE MINE JUUUUUN!!!!"


"JUN BABYYYYY"


"GO GO GO JUUUUUN!"


"Guchi o damare!!!"

Gulat na nag tayuan sina Yuta, Taki at Sho mula sa kinauupuan. Maging si Allen ay gulat sa isinigaw ni Alex. Ang ilang teacher ay gulat din bagamat hindi alam ang sinabi ng guro.

"Ano raw?"

"What the hell is she saying?"

"Duh?! Who knows?"

"B**ch"

"Ugly"

"Ms. Nivera!" sigaw ng head teacher mula sa kinauupuan nito. Tila agad namang natauhan I Alex lalo na nang Makita ang tahimik na mga tao.


"Ah!! H-hehehehe s-sorry. I-I will now call the players. L-let's start with the team captain" muling umugong ang ingay sa buong gym nang sinimulang tawagin ni Alex ang players.


"Jun Anthony Shin (01), the team captain and the point guard of the team, Roigie San Pedro (15), the team's power forward, Warren Pangilinan (07), the team's center, John Paulo De Dios (22), the team's shooting guard and Justin Fernandez (95), the team's small forward" pag papakilala ni Alex sa mga players niya. Kaniya-kaniya nanamang sigawan ang mga nasa gym nang matapos ipakilala ni Alex ang lahat ng players. Matapos non ay nag salita na ang head teacher kasama ang dalawang referee.


"The first game will be section B and section D. followed by Section A and C. the losing team will play again for the 3rd place, on the other hand, the winning team will play again for the 1st place. The 1st place will represent our school for the incoming interhigh two weeks from now." Matapos mag salita ng head teacher ay sumnod na nag salita ang referee tungkol sa mga rules inside the court. Nang makaupo sa bleechers, tahimik na nakikinig ang lahat ng players  samantalang nag simula namang kabahan ang section 13.

"Shet, una tayong mag lalaro."

"Huwag tayong pakampante sa section B." paalala ni Roigie sa kanilang lahat.

"Hindi natin alam ang gagawin nila sa laro."


"Mukhang matitino yang mga yan pero mag iingat parin tayo. Iwasan nating mapaaway." Diretso at tagalog na sabi ni Jun na sinang-ayunan naman nila.


"And last but not the least, no violence inside the court, the team who will disobey this rule, will be disqualified." Huling sabi ng referee habang nakatingin sa section 13. Gulat namang tiningnan ni Alex ang referee atsaka matalim na tinitigan ito. hindi naman iyon pinansin ng matanda atsaka tumungo sa pwesto nito.


"Don't mind him kohi." Bulong ni Sho sa naiinis na dalaga. Tahimik namang sumunod ito atsaka dumako ang tingin sa section 13.


"Alam niyo naman ang rules diba? Iwasan niyo nalang sila kapag sila ang nag simula. Iwaan niyong matawagan ng foul nang paulit ulit." Pag papaalala niya sa mga players. Kita ang kaba sa mga itsura ng section 13. Samantalang prente namang nakaupo lang si Jun habang nakatingin sa kabuuan ng gym.


'Okasan, I will be playing again, I wish you and nee-chan are here to support me.'


"Jun?" pag tawag ni Ren. agad namang natauhan ang binata at tumingin sa white board na hawak ni Sho.


"Are we clear about this guys?" malamig na tanong ni Sho habang itinuturo kung ano ang gagawin nila. tahimik namang tumungo ang mga ito.

"Mr. Shin, you know what to do. Good luck guys. You can do it." Nakangiti pang sabi ni Yuta sa kanila kasama ang mga kaklase nilang nakapwesto sa likuran ng bleechers.

"On three!" sigaw ni Jun. pinag pagtong patong ng players ang kanilang mga kamay kasama sina Sho at Alex.

"LET'S GO SECTION 13!!!" Muling pinukpok nina Bruno ang drums na hawak kasabay non ang malakas na sigawan at ang malakas na pito hudyat para pumwesto ang mga players.


Hindi mapatid ang sigawan nang pwesto si Ren para sa jump ball. Kaharap nito ang  pinakamataas tumalon na player mula sa section B.

"KYAAAAAAH!!!"


Mas lumakas ang sigawan ng mga etudyante nang matapik ni Ren ang bola na siyang nasalo naman ni Roigie patungong court nila.  agad na nag takbuhan ang mga kalaban upang agawin ang bola ngunit mabilis iyong ipinasa ni Roigie kay Justin atsaka sinubukang ipasok sa rim ang bola.


"Yosh!!" sigaw ni Alex nang magawang ipasok ni Justin ang bola sa rim. Kasabay non ang malakas na sigawan ng mga estudyante.


"WAAAAHH!!! ANG GALING MO JUSTIN!!!"


"GO GO GO SECTION 13!!!"

Nasa section B ngayon ang bola, nag hahanap nang mapapasahan. Nang makakuha ng tyempo ay malakas na ipinasa nito sa kakampi ang bola ngunit masiyadong mabilis si Jun kung kaya naman naagaw nito ang bola atsaka mabilis na tumakbo sa kabilang court na hindi na nahabol pa ng mga taga section b kung kaya't  muli silang naka punto.  Muling nag sigawan ang mga kababaihan sa gym nang makapunto sila.


"OH MY GOD!"

"GANBATTE JUN!!!"
"ANG HOT MO JUN!"

"FASTER! RUN!" malakas na sabi ni Sho habang pinanonood ang section 13.  Mabilis namang umayos sa napag usapang formation ang section13 upang pigilan ang section B na makapunto. Mabilis na kumilos ang mga taga section B dahilan upang makapunto sila. 

Hawak ngayon ni Roigie ang bola, nag hahanap ng mapapasahan. Mabilis na tumakbo si Paulo patungong three point line at nang makakita ng tyempo si Roigie ay ipinasa niya sa kasama ang bola.


"NUMBER 22, THREE POOOOIIIINTS!" Sigaw ng commentator dahilan para mag sigawan ang mga nanonood.


"KYAAAAH!!!"

"ANG GALIIING!!!"


"YOSH!!" Sigawan ng section 13 matapos maka punto ng section 13. Mas lalong na excite si Alex habang pinanonood ang kaniyang mga estudyante. Mapapatayo silang lahat sa tuwing nakakapuntos ang team. Naging mas mainit pa ang laro nang sumunod na mga minuto.  Ngayon ay malapit nang matapos ang first half at lamang ng pito ang ection 13.  Pansin ni Alex na marahas na binabalya ng kalabang section ang mga estudyante nito.


"FOUL!" sigaw ng dalaga nang makitang tumumba si Justin hawak ang sikmura.  Nakaramdam siya ng pag aalala nang Makita kung paanong indahin ni Justin ang sakit.

"TEKA! BAKIT HINDI TINAWAGAN NG FOUL?! OFFENSIVE FOUL 'YON!" malakas na sigaw ni Roigie ngunit hindi siya pinanin ng referee. At nag patuloy lang patungong kabilang court. Maging ang ibang estudyante ay hindi natuwa sa ginawa ng section B at ng referee.

"Pu**ha! Offensive foul iyon!" inis na sigaw ni Josh mula sa bleechers.  Nag tuloy tuloy ang pag babalyahan ng dalawang team.


"Foul! Number 01 section 13! Pushing!"


"What the F**k?!" galit na sigaw ni Jun nang matawagan ito ng foul ng referee.


"Whaaat?!" anong pushing don?! Ang sabihin mo! sinadya lang nyang matumba!" inis sigaw pa ni Alex.


*BZZZZT* pag tunog ng buzzer, hudyat na tapos na ang first half. Mabilis na nag tungo ang mga players sa kaniya kaniyang bleechers. Binigyan nina khenneth ng tubig ang section 13


"P****G I*A! NAPAKADUDUMING MAG LARO NG MGA KUPAL!" Malakas na sabi ni Roigie habang abala a pag pupunas ng pawis ang ibang players.


"Bantayan niyo silang maigi. Iwasan niyo yung mga pambabalya nila. they are dirty players. You should be careful. And you," sabay turo nit okay Justin na iniinda parin ang sakit ng sikmura.

"You have to rest. Josh will be your substitute." Agad namang sumang ayon sina Josh at Justin. Nag aalala namang tiningnan ni Alex ng mga estdyante.


"Team captain, you better control your emotion." Malamig na sabi ni Sho sa seryosong itsura na si Jun.


Nang tumunog ang buzzer ay sabay sabay namang inangat ng section 13 ang kanilang mga kamay.


"LET'S GO SECTION 13!"


END OF CHAPTER 22





Ang Teacher ng Section 13Where stories live. Discover now