Chapter 7

999 50 0
                                    

CHAPTER 7

Kinabukasan ay maagang nadatnan ni Alex sa classroom ang section 13. Katulad ng dating set up ay magulo at maingay ang mga estudyante niyang wala na yatang pag-asang tumino pa. nag kanda gulo gulo ang mga upuan at maya-mayang may lumilipad na papel sa harapan niya. Mabuti na lamang at wala nang bumabagsak na harina sa mukha niya tuwing bubuksan ang pinto ng classroom.

“Good morning class! Please sitdown! Mag checheck ako ng attendance!” sigaw niya ngunit wala ni isang sumagot sa mga ito at tila walang narinig kahit medyo mataas na ang kaniyang tono.

Inayos niya ang kaniyang mga gamit at nag simulang mag check ng attendance.

“Ajero… Antonio… Batumbacal… Borja…. Castro… Cruz….  ” Pag tatawag niya sa kaniyang klase ngunit wala man lang pumapansin sa kaniya. Ipinag walang bahala nalang niya ito. Nag patuloy siya sa pag che-check ng attendance. Pero habang tumatagal ay pa-ingay nang pa-ingay ang kaniyang klase. Doon nag simulang uminit ang kaniyang dugo. Alam niyang kadarating lamang ng grupo ni Jun kaya mas lalong umingay ang mga etudyante niya.

Nag titimping kinuha ni Alex ang libro atsaka nag simulang mag sulat sa blackboard. Hindi nalang niya pinansin ang section 13 dahil alam niyang walang makikinig sa kaniya. Hindi madadaan sa paki-usap ang mga batang ito.

Matapos mag sulat ay hinarap niya ang klase na patuloy parin sa paggawa ng kaguluhan na para bang walang teacher sa kanila.

“Class! Makinig kayo! Ang pag aaralan natin ngayon ay archery!  Mag kakaroon din tayo ngayon ng practical activity! Pupunta tayong lahat sa gym! Naintindihan niyo ba?” malakas na sabi niya pero parang walang naririnig ang mga ito at tuloy pa rin sa pag iingay. Nag liliparan ang mga nilamukos na papel sa ere samantalang ang mga table at upuan ay nag kandagulo-gulo na.

Bumuntong hininga ang dalaga dahil unti-unti nang nauubos ang pasensya niya. Tiningnan niya ang iba pang mga estudyante niya at ayun, natutulog ang mga ito kabilang na doon ang kanilang leader.

“Mga peste kayo.. talagang inuubos niyo ang pasensya ko.” Inis na bulong niya habang pinag mamasdan ang klase.

“Class!!! Nakikinig ba kayo?! ang sabi ko pupunta tayo ngayon sa field!” inis nang sigaw niya pero walang epekto ang pag sigaw niyang iyon. Nakita niyang nag inat si Jun atsaka ngumisi sa kaniya kasabay ng palihim na pagtawa ng mga kaibigan nito sa kaniya.

Doon na naubos ang pasensya ni Alex. Hindi na niya maatim ang pambabastos na ginagawa ng mga lalaking ito sa kaniya.

Agad niyang hinawakan ang kahit na anong bagay na nadampot niya sa table atsaka malakas na ibinagsak  iyon sa harapan. Sa lakas noon ay natigilan ang lahat sa ginagawa at napatingin sa durog nang laptop na nasa harapan nila.

“Buti naman at natahimik kayo. Just like what I am saying earlier, mag kakaroon kayo ng practical activity about archery. Pupunta tayo ngayon sa gym kaya mag ready na kayo.” malamig na sabi niya.. Tahimik pa rin ang klase kaya naman tiningnan niya ang mga ito.

“Inaasahan kong lahat kayo ay mag paparticipate---“

“Eh paano kung hindi?” tanong ng isang batugan niyang estudyante na si Roigie. Nakangisi ito sa kaniya habang naninigarilyo na lalong nag painit sa dugo niya.  Nag simula dng mag hamon ang iba niyang mga kaklase sa kanilang guro.

“Hmm.. let me think about it…” kalmado ngunit galit na sabi niya at ngumisi pa sa etudyante.

“I’ll kill you all..” malamig na sabi niya upang matigilan ang lahat. Naagaw naman noon ang atensyon ni Jun at ng lima. Sabay sabay namang nag taaan ang balahibo ng iba.

“Tss.. nag papatawa ka ba? Kami? Papatayin mo? Hahaha! Nasisiraan ka na!” at nag tawanan naman ang ibang hindi talaga madaan sa pananakot.

“Kapag hindi kayo nag tino masisiraan talaga ako ng bait at baka mapatay ko kayong lahat. At hindi ako nag bibiro.” Malamig na tugon niya.

Ang Teacher ng Section 13Where stories live. Discover now