Chapter 36

808 35 2
                                    

Chapter 36

 
"Bakit kaya wala si Jun?" Tanong ni Justin habang naglalakad silang lima pauwi. Uwian na ng hapon at buong hapon nilang hindi nakita ang hapon nilang kaibigan.

"Baka may importanteng nilakad," sagot naman ni Josh, "alam mo naman ang isang iyon, masyadong busy lately."

Nagkibit-balikat naman sina Justin at Niccolo. Samantalang tahimik naman na naglalakad sina Ren at Roigie. Tila malalim ang iniisip.

"Teka nga, anong iniisip niyong dalawa?" Biglang tanong ni Justin sa kanila, " kanina pa kayo tahimik ah?"

Nagkatinginan naman ang dalawa. Kanina ay napag-usapan nila ang tungkol kay Kevin.

"Sigurado ba kayong nakakulong na ang gunggong na iyon?" maya-maya ay tanong ni Ren sa kanila.

"Oo naman! Alam nating lahat 'yon dahil sa harapan mismo nating lahat sila kinuha ng pulis." Sagot ni Josh.

"Tsaka panigurado, hindi sila pakakawalan dahil sa ebidensyang hawak ni Stella---" naputol ang sasabihin ni Justin nang may maramdaman itong isang matalim na bagay sa kaniyang batok.

Bagamat gulat ay mabilis na naging alerto sina Ren, Roigie, Niccolo at Josh nang makita ang grupo nina Kevin. Hawak-hawak nila si Justin na hindi makapagsalita at bakas ang takot at gulat sa mga mata dahil sa patalim na nakatutok sa kaniya.

Mabilis na nilamon ng kaba ang sistema ng magkakaibigan nang makitang nasa labas ng kulungan ang lalaking nagpahamak sa kaibigan nila.

Iyon ay walang iba kung hindi si Kevin, kasama ang ilang hindi kilala, at mga armadong kalalakihan.


"Bitiwan mo," sabi ni Josh, "delikado 'yang hawak mo Kevin." Dagdag niya pa.

Ngunit imbis na pakinggan sila ay ngumisi pa muna si Kevin atsaka mabilis na inilipat ang balisong na hawak patungo sa leeg ni Justin. Malakas na napamura si Roigie nang gawin iyon ng binata.

"Ano ako sa tingin niyo, tanga? Matapos niyo akong tarantaduhin akala niyo hahayaan ko kayong magsaya?" Tila nababaliw na sabi ni Kevin, "mga bobo!" pagalit niyang sogaw sa mga ito.

Mas lalo pang hinigpitan nito ang paghawak sa balisong na nakatutok sa leeg ni Justin. Hindi makapalag ang binata dahil sa oras na magkamali siya ng kilos ay mabubutas ang leeg niya.

"Pag-usapan natin ito, ako naman ang kailangan niyo 'di ba? Ako nalang ang kunin niyo! Huwag niyo silang ipahamak!" sigaw ni Roigie habang dahan-dahang lumalapit sa kanila.

"At akala mo naman ay may ititira ako sa inyo matapos niyo akong ipahiya sa buong Mondragon?" nakangising saad ni Kevin, "kayo ng teacher niyong pabida?" tumatawang sabi niya pa.

"Ngayon tingnan natin ang tapang niyo at ng teacher niyo," sinenyasan ni Kevin sa mga armadong kasama na dakpin ang magkakaibigan.

Gustuhin mang lumaban ngunit wala silang magawa dahil armado ang mga lalaking kasama ni Kevin at natitiyak nilang hindi basta-basta ang mga ito.

Hindi nila nakita ang mukha ng mga ito nang sundan nila si Kevin. Marahil ay kasama ito ng mga gangster na may kinalaman din sa bisyo ng binata.

Isinakay nila ang magkakaibigan sa isang van atsaka nagpunta tungo sa lugar kung saan nagtatago ang grupo nina Kevin.

***
"W-wait, what's wrong?  what happened?" Tanong ni Jun nang makitang balisa ang dalaga.

Ang kaninang magandang atmosphere sa pagitan nilang dalawa ay kaagad na naglaho at napalitan ng mabigat na tensyon.

Hindi sumagot ang dalaga at bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala.

Kaagad na hinawakan ni Jun ang mga kamay ni Alex atsaka tiningnan ito nang diretso sa mata.

"Alex, tell me what happened," saad ng binata, "what did Ren tell you?"

Sa hindi inaasahan ay nangilid ang luha ng dalaga nang dahil sa pag-aalala. Hindi niya malaman kung ano ang una niyang gagawin para mailigtas ang kaniyang mga estudyante sa kamay ng BSG at ni Kevin.

Nag-aalala si Jun sa kung ano'ng kinikilos ng dalaga sa kaniyang harapan. Nababatid niyang mayroong hindi tama sa ikinikilos nito.

Mabulis na pinunasan ni Alex ang kumawalang mga luha mula sa mata niya atsaka inayos ang mga gamit. Matapos noon ay hinarap niya si Jun at iniabot ang cellphone niya rito.

"Pumunta ka kina Sho," sabi niya sa binata dahilan para maguluhan ito lalo, "just do what I said Jun, please I have to go."

Nagmadaling umalis si Alex at naiwan naman si Jun. 

"Oh nasaan na si Alex? Naghanda pa naman ako ng miryenda." Saad ni Manang Celia  na may hawak ng isang tray na may lamang cupcakes at dalawang baso ng inumin.

Naguguluhan man ay pilit na ngumiti si Jun, "I think she went somewhere to meet her brother," saad niya sa matanda.

Nagtataka namang tiningnan siya nito, "ganoon ba? Oh sige hijo, ang mabuti pa'y mag miryenda ka na muna." Dagdag pa nito atsaka inilapag sa center table ang dalang tray.

Mabilis namang umalma ang binata, "no, I mean, thank you po. But I have to go home now, I'm sorry." Paghingi niya ng paumanhin. Yumuko pa muna siya sa matanda bago tuluyang umalis ng bahay at dumiretso sa mansion  ni Alex sa 'di kalayuan kung saan naglalagi sina Sho.

Habang naglalakad ay hindi mawari ni Jun ang ikinilos ng dalaga kanina. Gusto niya itong samahan sa kung saan ito pupunta ngunit pinigilan siya nito at inutusan na ibigay ang cellphone sa mga kasama.

Batid niyang may kakaibang nangyari kung kaya't ganoon ang kinilos ni Alex. At labis siyang nag-aalala ss bagay na iyon!

"Kuso, where did you go Alex?" hindi niya mapigilan ang mapamura atsaka nagmadaling maglakad hanggang sa makarsting siya sa mansion.

"oh, we have a visitor," saad ni Taki Nang mamataan si Jun mula sa intercom ng bahay, "it's Jun-kun."

Napahinto mula sa ginagawa sina Yuta at Sho. Nagtataka silang tumingin sa kasama.


"Eh? What is he doing here?" takang tanong ni Yuta, "does he need something?" 

"Let him in." Kalmadong saad ni Sho.

Nagtataka siya kung bakit naroon ang binata. Ngunit kita niyang may sasabihin itong importante. Hindi siya pupunta dito para sa wala.

Kaagad na pinagbuksan ni Taki ng pinto si Jun. Bumati pa muna ito sa binata sa wikang hapon.

"What makes you come here?" taning ni Yuta sa binata.

"It's about Alex," walang anong sabi ng binata dahilan para mapatingin silang lahat dito.

Nagkatinginan silang tatlo atsaka muling bumaling sa gawi ni Jun. Kitang-kita nila ang pagkalito at pag-aalala sa mata ng binata.

"What about her?" tanong ni Sho sa binata.

Tiningnan niya nang diresto si Jun. Matagal na niyang batid ang nararamdaman nito sa dalaga. At alam niyang may kaugnayan ito sa buhay ni Alex.

Hindi niya maitago ang selos na nararamdaman tuwing makikita niya ang dalaga na tumatawa kasama ang binatang kaharap. Ngunit wala siyang magawa kung hindi magselos nang tahimik.

Isinantabi ni Sho ang sinasabi ng kaniyang isipan atsaka itinuon ang pansin sa kaharap.

"I think there is something wrong," panimula ni Jun, "Alex went somewhere and she left this to me." Ipinakita ni Jun ang cellphone ng dalaga na bahagyang ikinagulat ng tatlo.

"Eh? That's Kohi's phone, why are you holding that?" tanong ni Yuta sa binata. Iniabot naman ni Jun sa kanila ang cellphone ng dalaga.

"Alex told me to give that to you before she left," sabi ni Jun, "I don't know where did she go after answering a phone call."

Nagtataka namang tiningnan nina Sho ang cellphone ng dalaga atsaka inusisa ang laman nito.

"Look, I think something's wrong with the phone call." Saad ni Taki atsaka kinuha ang laptop nito.

Tiningnan nina Yuta ang call history ng phone ni Alex hanggang sa makita nipa ang isang unregistered number na kanina pamang tumawag sa dalaga.

"Taki, take a look at this number, track it." Seryosong saad ni Sho.

Kaagad namang dinunod ni Taki ang pinagagawa ng binata.

Sa kabilang banda ay hindi mawari ni Jun ang nararamdaman.

"No freaking way," naibulalas ni Taki habang nakatingin sa laptop niya. Kaagad namang napalingon sa kaniya ang mga kasama kabilang na si Jun.

"Why? What's the problem?" Nag-aalalang tanong nina Sho at Jun.

"Kohi is in danger."

***

"K***g *nang Kevin, pagbabayaran niya talaga itong ginagawa niya kapag nakawala ako rito," saad ni Ren habang pilit na inaalis ang tali na nasa kamay niya.

Dinala silang lima ng grupo nina Kevin sa isang malaki at abandonadong lugar. Hindi nila alam ang lugar na iyon. Walang ibang tao kung hindi ang limang malalaking tao na nakapaligid sa kanilang magkakibigan. Parehas sipang nakatali sa iisang poste at kanina pa sila hirap na tanggalin iyon.

"Basta talaga adik, ang daming kapit! Ang bilis makalabas!" galit na sabi naman ni Niccolo.

"Anong gagawin natin? Kailangan nating makawala dito." Ani pa ni Justin.

"Paano? Bantay sarado tayo ngmga kumag na 'yan oh," itinuro pa ni Josh ang mga lalaking bantay ng kanyang nguso.

Samantala...

"Ren! Roigie! Nasaan kayo?" umalingawngaw ang boses ni Alex sa buong lugar nang isigaw niya ang pangalan ng dalawang estudyante.

Wala pang trenta minutong tinakbo ni Alex ang kinaroroonan ng abandonadong warehouse na ito na kinalalagyan ng mga estudyante niya.

"Justin! Niccolo! Josh!" malakas na pagtawag niya sa mga ito subalit tila walang tao ang naroon.

Nag-aalala niyang inikot ang paningin sa buong warehouse ngunit wala siyang makita ni isang imahe ng tao.

"Bwisit, nasaan na ba kayo?" bulong niya. Ikinuyom niya ang kamao sa isipang baka niloko siya ng mga kaaway at sa ibang lugar nila dinala ang lima.

Nagpasyang umalis si Alex dahil sa wala siyang nakitang tao. Ngunit hindi pa siya nakakalapit sa pintuan ay may isang bagay ang lumipad patungo sa direksyon niya. Kaagad niya itong naiwasan atsaka tumingin sa pinanggalingan nito.

"Kuso," pagmumura niya nang makita ang sobrang dami ng tao na ngayo'y pinaliligiran na siya.

"Good afternoon ma'am," mula sa di kalayuan ay narinig ni Alex ang isang pamilyar na tinig.

"Kevin?" hindi makapaniwalang bulalas nito nang makita ang estudyanteng ngayon sana ay nasa prisinto. Kasama ang BSG.

"You look surprised Kohi,"nakangising saad ni Brian, ang leader ng BSG kasama pa ang tatlo niyang kasama na sina Nikki, Mike at Ryuu.

"Nasaan sina Roigie?" kalmadong tanong ng dalaga sa kanila. Ngunit sa halip na sumagot ay ngumisi lamang si Kevin.

"Where do you think, Kohi?" nakangising tanong ni Brian, "where do you think they are?"


"Ilabas niyo sila!" sigaw ng dalaga.

"Anong tingin mo sa akin tanga? Hindi mo na makikitang buhay ang mga pinakamamahal mong estudyante!" at tumawa itong parang nasisiraan ng bait.

Doon nagpantig ang teinga ng dalaga, naging mabilis ang pagtibok ng puso niya at unti-unting nagdidilim ang paningin niya.

"Ano pa'ng hinihintay niyo? Sugurin niyo na!" sigaw pa nito at doon na nagsimulang sugurin si Alex ng mga armadong tauhan ng BSG.

Isa-isang sinugod nila ang dalaga, ngunit isa-isa rin silang itinutumba nito. Puro ilag, suntok at sipa ang ginawa ni Alex sa mga tauhan ng BSG at ni Kevin.


"Arrgh!"


"Agggh!"


"Sh*t, araaaay!" malalakas na daing ng mga natatamaan ni Alex.


Hingal niyang naubos ang kalahati ng mgs tauhan ng BSG. Pinunasan niya ang pawis at ang dugong tumutulo mula sa kanang bahagi ng kanyang ulo.


"Ano ma'am, kaya niyo pa ba? Wala pa sa kalahati 'yan!" tumatawang  sigaw ni Kevin.

Mabilis na umatake ang iba pang mga armadong  kalalakihan sa direksyon ng dalaga kaya kaagad siyang naghanda.

Maya-maya pa ay isa-isa niyang pinatumba ang mga iyon at isa-isa rin silang humagis sa malayo. Ang iba'y maswerteng tinatamaan ang dalaga ngunit kaagad din silang hahagis dahil sa sipa ng dalaga. Maririnig ang mga daing at ungol ng mga ito.

"Itigil mo na ito, Kevin!" pagod nang sigaw ni Alex, "bata ka pa, isipin mo ang mararamdaman ng mga magulang mo sa ginagawa mo!" ikinuyom ni Kevin ang kaniyang kamao habang nakatingin sa dalaga.


"Hindi pa huli ang lahat para magbag ka Kevin, bata ka pa!"


"Tumigil ka!" galit na sigaw ni Kevin. Hindi niya gusto ang sinasabi ng dalaga at lalo lamang umiinit ang ul niya sa mga sinasabi nito.

Akmang lalapitan na niya ito nang pigilan siya ni Brian, "Don't, think about hundred times before facing her, remember that she's not that teacher anymore." pagabanta nito sa binata.

Nilingon naman siya ni Kevin, "ano'ng ibig mng sabihin?" tanong nito sa kausap.

"You don't know that woman," sagot ni Nikki, "she can kill you just in a blink of an eye."gulat namang tiningnan muli ni Kevin ang dalagang hinihingal at tila ba nagsusumamo ang mga mata.

"Sugurin niyo!" sigaw ni Kevin at muling lumabas ang marami nitong tauhan. Hindi pa man nakakabawi sa pagod si Alex ay mabilis niyang inilagan ang isang baseball bat na tatama sa kaniya.


Nakangisi namang pinagmamasdan ng BSG ang unti-unting paghina ni Alex. Halos mapunit na ang mga labi ni Brian sa pag-aasam na babagsak na ang reyna ng gangworld at mapapasakanila na ang titulo bilang ang pinakamalakas na gang sa buong asya.

Hingal na hingal na ang dalaga habang nakikipaglaban. Unti-unti nang nanghihina ang kaniyang katawan sa dami ng kalaban. Halos hindi na rin niya maramdaman pa ang kaniyang mga binti dahil sa pagod.

*BOGSH*

"AGGH!" napaluhod  si Alex nang tamaan siya ng baseball bat sa likod kasabay no'n ang pagdura niya ng dugo. Mabilis siyang tumay atsaka hinarap ang humampas sa kaniya, iyon ay walang iba kung hindi si Nikki.


"You will pay for what you did to Dexter!" sigaw nito. si Dexter(Death) ay kasamahan nila sa BSG ang nakalaban noon ni Alex dahilan para maospital ito dahil sa sobrang bugbog na natam mula sa dalaga.

Akmang ihahampas nanaman ni Nikki ang dalaga nang may pumigil rito.

"Not too fast, woman," ani Jun atsaka malakas na itinlak ang babae dahilan para humagis ito palayo.

Hindi namalayan ng lahat ang pagdating ng PDG at ni Jun. Doon ay isa-isa nilang sinugod ang napakarami pang mga tauhan ni Kevin at underling ng BSG.

"Kuso, they're here!" galit na sigaw ni Brian. Maging si Kevin ay nagulat sa biglaang pagdating ng mga kasama ni Alex. Kilala niya ang mga ito sapagkat nakita na niya ang mga iyon sa Mondragon at hindi niya akalaing gangster ang mga iyon at ang gurong nakikita nya ngayon.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Jun sa dalaga. Inalalayan niya pa itong tumayo kasabay noon ang pagsipang ginagawa niya sa tuwing may lalapit sa kanila.

Samantala, hindi naman makapaniwala si Alex sa mga nakikita sa binata. Nagyon lamang niya nakitang makipaglaban nang ganito si Jun at hindi niya maipagkakaila ang lakas nito dahil s pagtalsik ng sinumang tatamaan niya.

"Baka! Stop staring!" singhal sa kaniya ng binata nang tamaan ito ng kamao sa pisngi. Tila nagulat naman si Alex at sinapak ang akmang lalapit sa binata.

Ngayon ay magkatalikod na silang dalawa, isa-isa nilang pinapabagsak ang mga kalaban hanggang sa wala nang humaharang sa kanila.

Kaagad nilang pinntahan ang mga kasama at doon tinulungan ang mga ito sa pakikipaglaban. Tila a hindi nauubos ang mga underlings at tauhan nina Kevin dahil sobrang dami pa rin nila.

*******

"Ren?! nasaan ka'yo? Bakit ang dami niyong bangas?!" gulatna tanong ni Bruno. Kasama niya sina Jake, Philip, Jp, Carlo at Willy.

Naglalakad sila pauwi nang makatanggap ng video call mula kina Ren.

"Kailangan namin ang tulong niyo," sabi ni Ren mula sa call. Nagulat silang lahat nang makita ang mga lalaking armado na may busal sa bibig at nakatali ang mga kamay habang hawak-hawak nina Justin, Josh at Niccolo.

"Nasa alanganin kami, hindi namin kaya ang mga 'to!" malakas na sinabi pa ni Justiin.

"T-teka, nasaan ba kayo? anong lugar 'yan?" tanong ni Willy. Kaagad na tinawagan nina Jp ang iba nilang kaklase. Kaagad na sinabi ni Ren ang lugar kung nasaan sila. ipinakita rin nila ang nangyayaring pakikipaglaban nina Alex at Jun sa mga tauhan nina Kevin.


"Sh*t! si Stella!" malakas na sigaw ni Bruno nang makita sina Alex.

"Bilisan niyo na Bruno! Humingi kayo ng tulong bago pa kami ubusin nina Kevin dito!" matapos no'n ay nawala na ang video call.

Hindi na nag-atubili pa ang magkakaibigan atsaka mabilis na pinuntahan ang iba pa nilang kaklase. Kaagad na nagtungo ng Mondragon sina Philip atsaka ibinalita kay Sab ang nangyari.

Samantala...

Nang matapos tawagan ni Ren ang mga kaklase ay bumalik na ito sa kinaroroonan ng mga kaibigan.

"Kailagan nating tulungan sina Stella do'n," saad ni Roigie. Matagumpay na nakawala sila mula sa pagkakagapos nang hindi alam ng limang bantay.

"Pero teka, anong gagawin natin sa mga ito?" tanong ni Justin habang hawak ang isa sa mga nakataling lalaki.

Matapos hampasin ng magkakaibigan ang mga bantay ay itinali nila ang mga ito at binsalan sa bibig para walang makarinig.

"Hindi na sila makakawala riyan! Halina kayo!" sigaw ni Roigie sa kanila. Nauna na itong lumabas ng silid kasunod si Ren.

"Kunin niyo ito,  mapapalaban tayo,"  hinagis ni Niccolo sa dalawa ang mga makakapal na kahoy at sabaysabay na lumabas ng silid.

Nang makalabas ay sumalubong kaagad sa kanila ang mangilan-ngilang mga kalalakihan. Sumugod  ang mga ito sa direksyon nila dahilan para maging alerto sila sa gagawin.

Hinampas ni Justin ang lalaki gamit ang hawak nitong kahoy dahilan para bumagsak ito. ganun din sina Jsh at Niccolo.

"Ayos, tara na!" sumunod sila sa mga kasama at sinalubong ang sinumang magtatankang sugurin sila.

Tila isang malawakang gangfight an nangyayari sa malawak na bahagi ng warehouse. Marami pa rin ang kalaang nakatayo at pagod na hinaharap naman ito ng grupo nila Alex.


"Argh!" pagdaing ni Jun nang tamaan siya ng tubo sa binti. Nagpagulong-gulong ito sa sahig habang namimilipit sa sahig.

"JUN!" sigaw ni Alex atsaka galit na sinugod ang lalaking humampas sa binata. Binigyan niya ito ng isang round kick dahilan para humagis  ito sa gawi nina Josh.

"Woah," namamanghang bulalas ni Josh nang makita ang ginawang iyon ng dalaga.

"Hoy! Umayos ka! Tatamaan ka sa ginagawa mo eh!" sigaw sa kaniya ni Ren na kaagad niyang sinunod. Nagsimula muli siyang kalabanin ang sinumang susugod sa kaniya,

"Arggh!" sigaw ni Sho nang tamaan siya ng sipa ni Ryuu. Napaatras ito habang hawak ang sikmurang tinamaan ng binata.

"You can't beat me Prince," nakangising saad pa nito atsaka muling sinipa ang likod ni Sho dahilan para umarko it at mapasigaw sa sakit.

"ARGH!" ilang sandali pa ay bumagsak rin sina Yuta at Taki mula sa sipang natamo kay Mike at dahil na rin sa pagd. Mahigpit na hinawakan pa nito ang buhok ng dalawa.

"You'll all die here b*stards," nakangising sabi niya atsaka malakas na pinag-untg ang ulo ng dalawa dahilan para mawalan ng malay ang mga ito. 


"Yuta! Taki!" sigaw ni Alex nang makitang walang malay ang mga kasama. Kaagad na tumulong sina Ren at Roigie sa dalaga atsaka inalalayan ang dalawang walng malay.

"Please dalhin niyo sila sa mas safe na lugar. Huwag niyo silang pababayaan naintindihan niyo?" tumango ang dalawa sa sinabi ni Alex atsaka inalalayan sina Taki at Yuta.

Naubos na ang mga tauhan nina Kevin at ang mga underling gang ng BSG. Sina Jun at Sho ay parehas na nanghihina na at hirap ng makatayo dahil sa mga sugat at bugbog n tinamo.

"S-Stella..." mabilis na napalingon si Alex sa kinaroroonan nina Kevin. At doon at nagsimulang bumilis ang tibok ang puso niya nang makitang hawak ni Kevin si Jusin at may nakatutok na patalim sa leeg niya.  kit a rin niyang sugatan na rin sina Josh at Niccolo sa kailang banda.

"Justin..." tila ba nanghina si Alex nang makita niya na ang walang karanasan sa ganitong sitwasyon, ang pinakabatang estudyante ng section 13 ay hawak ngayon ng dati niyang kamag-aral.

"Bitiwan mo siya, Kevin.." nangungusap na sabi niya sa binata. Mababakas mula sa mga mata nito ang takot at galit. Nanginginig ang mga kamay niyang may hawak ng patalim kaya mas lalong nakaramdam ng takot ang dalaga, takot na sa iisang pagkakamali lamang nito ay malalagay sa alangani ang buhay ni Justin.

"Paki-usap, bitiwan mo 'yang hawak mo..."

"Tumahimik ka!" sigaw ni Kevin, "tumahimik ka kung hindi tutuluyan ko ito!"

Dahan-dahang nangilid ang luha ni Alex nang makita ang takot sa mga mata ni Justin. Umiiling-iling itong tumingin kay Kevin.


"Nakikiusap ako, pakawalan mo si Justin, wala siyang kasalanan---"


"Sinira niyong lahat ang buhay ko! Ngayon kayo naman ang magbabayad!" sigaw ng binata dito.


"Hindi sa Mondragon magtatapos yung buhay mo Kevin! Marami pang mangyayari sa iyo, sa buhay mo! may panahon pa para magbago ka, hindi ang agay na ito ang  makakapagpabalik sa'yo sa Mndragon  at ang makakapagpagaan ng kalooban m Kevin!" 


"Huwag mo akong pagsabihan nang ganiyan dahil wala kang alam sa buhay ko! " garalgal ang boses na sigaw ni Kevin sa dalaga. May kumawalang mga luha mula sa mata niya dala ng mga sinasabi ng dalaga.


"Stella!/Alex!" sigaw nina Sab at ng Section 13 nang makita nila ang dalagang mag-isa na lamang nakatayo. Kaagad na tinulungan ng mga ito ang mga sugatang sina Jun at Sho at inilayo sa gitna.


Laking gulat ng Section 13 nang makita si Justin na hawak ni Kevin.

"Justin!" sigaw ng mga ito. akmang lalapit na sa gitna sina Bruno nang bigla ay sumigaw si Alex, "Diyan lang kayo huwag kayong lalapit!"

Kaagad na natigilan ang mga ito at nag-aalalang tiningnan si Justin.


"Please Kevin, nakikiusap ako sa iyo, huwag mo ng idamay pa si Justin.." nakikiusap na saad ni Alex sa binata. Kaagad na umilig si Kevin at mas lal pang hinigpitan ang pagkakahawak sa binata dahilan para magsigawan ang section 13.


"Enough with the drama," saad naman ni Brian, "attack her," utos nito sa mga kasama. Mabilis na pinaikutan nina Nikki, Mike at Ryuu si Alex.  Gustuhin mang tulungan ni Sab ang kaibigan subalit nag-aalala siyang baka may kung anng gawin ang sectin 13 na baka ikalala ng ni Justin. Wala siyang magawa kung hindi panoorin na lamang ang nangyayari kahit labag iyon sa kaloban niya.


"Die b*tch!" naunang sumugod si Nikki sa dalaga. Bawat suntok at sipa ay inilagan ni Alex. Umamba ng round kick si Nikki ngunit nasalo ni Alex ang kaniyang kanang paa kung kaya't nakuha ng dalaga ang pagkakatang iyon para patumbahin si Nikki.


Pinilipit ni Alex ang paa nito dahilan para bumagsak ang kalaban sa sahig at mapasigaw sa sakit. Hindi pa nakuntento si Alex at malakas niyang hinagis si Nikki gamit ang paa nito dahilan para humagis siya sa pader.


Mula sa likod ng dalaga ay akmang hahampasin siy ni Ryuu ng makapag na tubo nang mahawakan ito ni Alex. Inikt ni Alex ang tubo dahilan para pumilipit ang kamay ni Ryuu at mapasigaw sa sakit.

"Arrgh!"

Sinipa ng dalaga ang sikmura ng kalaban nang malakas dahilan para bumagsak ito sa sahig at mamilipit sa sakit.

Sumund na umatake si Mike at inindayan ni suntok ang dalaga, mabilis itong iniilagan ni Alex at nang makakuha ng tyempo ay tinalon niya ng binata at siniko sa ulo dahilan para mawalan ng malay ang lalaki.

Hingal na hingal na tumingin si Alex sa gawi nina Kevin at Brian. Batid niyang galit a galit na ang leader ng BSG nang mapatumba ng dalaga ang mga ito.

"Stop all f this Brian and go back to Japan." hinihingal na saad ni Alex.

"Who do you think you are to command me?" galit na tanong ni Brian. Mabilis itong lumapit sa gawi nina Kevin atsaka mahigpit na hinawakan ang kamay nit na may hawak sa kutsilyong nakatutok sa leeg ng binata.

"N-no!" doon muling  nilamon ng kaba ang sistema ni Alex. Takot ang nararamdaman niya nang makita ang sitwasyon ng dalawang binata.


"A-anong ginagawa mo?" nauutal na tanong ni Kevin nang mas higpitan pa nito ang pagkakahawak sa kamay niyang nakalagay sa leeg ni Justin.


Nakangisi namang tumingin si Brian sa kinalalagyan ni Alex, "since I wasn't able to get yur title, I'll just take these bastards' life instead."
Walang nakapagsalita sa ginawa ni Brian. Mabilis ang mga pangyayari. Maging si Alex ay hindi agad nakapagsalita at natulala sa nangyari.


Bumagsak sa sahig si Justin habang pilit na tinatakpan ang malalim na sugat sa leeg niya. kasunod na bumagsak nito si Kevin na nakatarak ang kutsilyo sa likod.


"Justin!" sigaw ng section 13 at mabilis na nagtungo sa kinaroroonan ng dalawa.


Kaagad na nangilid ang luha ni Alex nang makita ang paghabl ng hininga ni Jusin. Kaagad na nagdilim ang mga mata niya at tumungo sa gawi ni Brian. Nang maabutan niya ito ay kaagad niyang sinikmuraan ang binata dahilan para bumagsak ito sa sahig. Hindi nakuntento si Alex at kinuha ang isang tubo at inihampas iyon sa mga binti ni Brian.


"Arggh!!!" sigaw nito sa sakit na nararamdaman. Ngunit tila walang naririnig na kahit ano si Alex at sige pa rin it sa paghampas ng tubo  kay Brian.


"AAlex!" hirap na sigaw ni Sho ngunit hindi man lang siya nito tiningnan.


"A-Alex stop.." pagtawag din ni Jun dito ngunit hindi rin siya pinansin ng dalaga.

Akmang hahampasin n asana ng dalaga sa ulo ang binata nang pigilan siya ng kaniyang kapatid na kadarating lamang.

"Princes... stop this..." bulong ni Allen sa kapatid atsaka niyakap ito nang mahigpit.

"Please stop.."  nang matauhan si Alex ay kaagad na nilapitan niya sina Justin. Lumapit siya dito at pilit na tinakpan ang dugo na lumalabas mula sa leeg ng binata.


"J-Justin, huwag kang pipikit huh? P-parating na ang mga ambulansya huh? Huwag kang pipikit.." pilit niyang pinapakalma ang sarili habang mahigpit na tinatakpan ng pinunit niyang tela ng kaniyang damit ang sugat ni Justin.


Panay ang pagtulo ng luha niya habang pinagmamasdan ang estudyanteng tila nanginginig at tumitirik na ang mata.


"S-stella..." Hirap na hirap na sambit niya. Nag-unahan sa patulo ang luha ng dalaga nang maramdaman ang mabagal nang pagpintig ng pulso ni Justin.


"G-gagraduate p-pa a-ako d-diba?" nagsimula nang magsuka ng dugo ang binata dahilan para magpanic ang lahat.


"O-oo Justin, g-gagraduate ka, k-kaya kumapit ka ha?" maging ang section 13 ay panay na rin ang pagluha.


Hinawakan ni Justi ang kamay ni Alex.

"S-salamat S-Stella..." bagamat mahina ay dinig iyon ng lahat ng naroon. Umiiyak na umiling si Alex at wala nang ni isang salita ang lumalabas sa bibig niya. mailis ring tumulo ang luha sa mga mata ni Justin habang nakatingin sa lahat.
"S-salamat..." nakangiting sabi pa nito.  hindi na napigilan pa ng section 13 ang kanilang emosyon. Tahimik silang pinagmamasdan ang kanilang kaklase.

"P*t*ng *na naman oh! Bakit ang tagal ng ambulansya?!" lumuluhang sigaw ni Rigie.

"M-matutulog na muna ako..." naramdaman ng dalaga ang pagluwang ng pagkakahawak ni Justin sa kaniyang kamay. Don ay nagsimula na siyang kabahan.


"J-justin, Justin gumising ka, Justin!" sigaw nito kasabay noon ang pagdating ng ambulansya at ng mga pulis.  Mabilis na isinakay sina Justin at Kevin sa ambulansya.


Kaagad nilang sinundan sina Justin patungo sa ambulansya. Ngunit,


"ALEX!"

*BANG*

*BANG*

"JUN!" 


End of Chapter 36

Ang Teacher ng Section 13Where stories live. Discover now