Chapter 27

815 41 3
                                    




"Tuwang tuwa yung mga estudyante mo Alex ah.." saad ni Sab habang pinanonood na bigyan ng awards ang mga estudyateng nag wagi sa sportsfest.


"Natutuwa ako para sa kanila Sab. Ganito pala yung feeling ng proud na teacher.." nakangiting saad naman ng dalaga habang nakatingin sa stage.



"They deserve the trophy, indeed.." saad naman ni Sho na atabi nila.



"Pero Alex, anong nangyari? Usap-usapan yung entrada mo kanina, hindi makapaniwala  ang mga teachers nung nakita ka. Ano nang gagawin mo niyan? Ano bang nangyari at bigla kang nag lantad ng identity mo?" mahinang tanong ng dalaga na ikinatigil naman ni Alex.


Sumagi sa isipan ng dalaga ang tagpo nila ng section 13 kanina bago mag simula ang laro. Ang mga gulat na rumehistro sa mata ng kaniyang mga estudyante, ang galit na makikita sa mata ni Jun nang malaman ang katauhan niya.


'Hindi ko alam kung anong gagawin ko...'


Nang matapos ang kaganapang iyon sa court ay in-announce na ang lahat nang nag wagi sa sports fest mula 1st year hanggang 4th  year. Hindi naman mag ka mayaw ang mga estudyante sa pag ch-cheer. Maluha-luhang umakyat si Alex sa stage kasama ang section 13.



"Congratulations..." nakangiting saad ng kuya niya sa buong section 13. Bumaling siya sa kaniyang ama na walang reaksyong nakatingin sa harapan at tila hindi napansin ang presensya niya at ng buong section.



"Thank you kuya..." malugod niyang tinanggap ang trophy at humarap sa section 13.



"CONGRTULATIONS!!"



"Congratulations Section 13!"



"OMEDETOU JUN-KUN!!"



"ANG GALING NIYO SECTION 13!!!"



"LET'S GO INTERHIGH SECTION 13!!!"



Hanggang sa matapos ang closing ceremony ng sportsfest ay walang tigil sa pag sigaw ang mga estudyante. Samantalang labis labis ang tuwang nararamdaman ni Alex sa tagumpay ng kaniyang mga estdyante. Ang sarap sa pakiamdam na maging teacher ng section na dati'y tinatapak tapakan lamang ng buong Mondragon ay tila nagising at ipinagmamalaki ng buong school mag mula nang hawakan niya ang mga ito. Hindi maipaliliwanag ninuman ang sayang nararamdaman ng dalaga.



Nang matapos ang ceremony ay inutsan ni Alex ang tatlong kasama na papuntahin ang section 13 sa classroom. Agad namang sumunod ang tatlo at ginawa ang inutos sa kanila. Huminga nang malalim si Alex at nag tungo sa Principal's office kung saan naroon ang kuya at ang ama niya. Ang kaninang saya ay unti-unting napapalitan ng kaba at takot habang palapit sa pinto ng principal's office.


Nang marating ang pinto ay malalim na hininga ang pinakawalan ng dlaga bago pihintin ang door knob. Nakita niya ang kaniyang kapatid na tahimik at seryoso. Gayndin ang kaibigan niyang si Sab na ngayon ay bihis na rin. Sa gitna ay kita niya ang kaniyang amana diretsong nakatingin sa kaniya at walang reaksyon na mababasa sa mukha. Mas lalong nakaramdam ng kaba ang dalaga sa bigat ng atmosphere sa loob ng office.



"Now that you're here, care to explain everything to me? Nung una'y hindi ka sumipot sa engagement meeting natin with our business partner, and now that you're here? As teacher?! And worst ng section 13 pa?!" nag simulang magalit ang ama nila na ikinayuko naman ng tatlo. Hindi malaman ni Alex ang sasabihin. Mag kahalong kaba at takot ang nararamdaman niya sa pag kakataong ito.



"Pinabayaan mo ang business mo sa mga pinsan mo hindi mo ba naisip na ang laking abala noon sa kanila?! Are you even thinking Alexandra Isabelle?!" sigaw nito na lalong nakapag patahimik sa kanila.



"Ang hindi mo pag sipot sa engagement ay mapapalampas ko pa, dahil ilang beses mo na rin naman iyong ginawa. Pero ang paggawa mo ng gang at ang pagpasok mo rito sa Mondragon ay sobra sobra na! what are you doing to yourself woman?! You don't know how dangerous a gang is! Iyon ba ang ipiag mamalaki mo?! na ikaw ay malakas? Pinakamalaa ng gangter sa buong mundo? Asya? Sa tingin mo karapat dapat ipag malaki ang bagay na iyon?! Idinadala mo sa alanganin ang buhay mo at ng mga etudyanteng iyon!" malakas na sigaw ng matanda na animo'y aatakihin sa puso dahil sa sobrang galit. Agad naman na napatayo ang mag kapatid upang alalayan ang kanilang ama.


"D-dad---"


"I want you to quit this and go back to America!" mabilis na napatinginn si Alex sa ama at umiling.



"N-no dad. I can't leave them! Not now dad!" tumayo ang dalaga at lumapit sa kaniyang ama.



"Nangako ako sa kanila, hindi ko sila pwedeng pabayaan! Dad nakita niyo namang nag bago na sila diba? Hindi na sila pasaway di tulad ng dati! Dad please..." hindi namamalayan ng dalaga ang pag tulo ng luha sa mga mata niya. Maging ang mag kasintahan ay awa ang nararamdaman para sa dalaga. Alam ng mga ito na hindi na mababago pa ang desisyong iyon ng kanilang ama.



"D-dad..." mahinang turan ni Allen sa kanilang ama.

"I am giving you a month from now to settle this mess. Quit everything! Quit that gang! Quit being a teacher!" Malakas na sigaw nito sa lumuluhang dalaga. Tila nawalan naman ng pag-asa si Alex sa narinig.


"N-no.. Nangako akong gagraduate sila nang ako ang nagtatawag sa mga pangalan nila. hindi ko pwedeng iwan sila nang basta basta dad.." lumuluhang sabi ni Alex sa harapan ng kaniyang ama. Hindi siya nito pinansin bagkus ay tumayo na ito at lumabas ng office nang walang pasabi. Naiwang nakaluhod ang dalaga sa sahig kasama ang mag kasintahan.



"A-Alex..." maluha-luhang sabi ni Sab at niyakap ang kaibigang lumuluha.


"I-I'm sorry Alex. I put you into this kind of situation..." malungkot na saad ng kapatid nito sa kaniya.





"Ano?!"



"Totoong si Stella talaga 'yung babae kanina?"


"Imposible! Paano nangyari 'yun?" kaniya-kaniyang reaksyon ang section 13 matapos kumpirmahin ni Sho ang mga tanong na ibinabato sa kanilang tatlo. Samantala, tahimik naman ang lima na nakaupo sa kanilang pwesto sa likod. Hindi na nag abala pang mag tanong sa tatlo gayong alam na nila ang lahat.



"Kung ganon, niloloko tayo ni Stella simula palang?" hindi makapaniwalang saad naman ni Bruno na nakadagdag pa sa samu't saring reaksyon ng section 13.



"No, guys listen, Alex didn't fool you. It's not her fault after all.." pag papaliwanag ni Sho sa kanila ngunit tila hindi siya pinakikinggan ng mga ito.



Natahimik naman ang lahat nang mag bukas ang pintuan ng classroom. Kita nila ang kanilang guro na nakasuot ng usual na kasuotan na nakikita nila araw-araw.  Ang lahat ng tingin ay nasa dalaga. Tahimik itong nag lakad papasok at humarap sa kanila.



"First of all, I would like to congratulate all of you for winning the sportfest..." paninimula ni Alex habang diretong nakatingin sa harapan. Tahimik naman ang lahat at nag aabang sa sasabihin ng dalaga. Bumuntong hiniga pa muna si Alex atsaka itinuloy  ang pag sasalita.



"Totoo yung lahat nang nakita niyo at ang sabi nila. Nag panggap akong manang at ordinaryong babae para makapasok sa paaralang ito." agad na nag react ang section 13 sa sinaabi ng dalaga. Ang lima nama'y tahimik na pinag mamasdan ang mga kaklase.



"Oo, niloko ko kayo una palang, itinago ko ang totoo kong pag katao para tulungan kayo----"



"No." natigilan sa pag sasalita ang dalaga nang mag salita si Jun. Maging sina Roigie ay napatingin sa kinauupuan ng binatang diretsong nakatingin sa dalaga at walang reaksyon.



"You're just like them, those pathetic teachers that want to eliminate us in this school." Hindi agad nakapag salita ang dalaga sa tinuran ng binata. Maging ang section 13 ay natahimik sa sinabing iyon ng kanilang kaklase.



"You cannot change the fact that you fooled us. You disguised as a teacher to make us graduate?  You made us believed that you are not like them but look what you did. You fooled us. You fooled everyone."  Tila sinaksak nang malalim si Alex sa puso nang marinig iyon mula sa binata. Parang anumang oras ay bibigay sya sa kinatatayuan at tutulong muli ang mga luha niya. Gusto niyang depensahan ang sarili sa mga paratang sa kaniya ng binata ngunit walang lumalabas na salita sa bibig niya.  Nang walang ano'y tumayo na ang binata at walang pasabing lumabas ng classroom.  Nag sisunuran naman sina Ren, Justin, Roigie at Josh gayundin ang mga kaklase nila. Natira sina Sho, Taki at Yuta kasama si Alex.



"Kohi..." hindi na napigilan pa ni Alex ang pagtulo ng mga lua sa kaniyang mga mata.



"Class dismiss..." sabi pa nito at tuluyan ng humagulgol.



"Alex...." Agad namang inalo ni Sho ang dalaga at niyakap nang mahigpit.





Tahimik lamang ang dalaga habang nasa biyahe pauwi sa apartment. Si Sab ay hindi alam kung paanong kakausapin ang kaibigan. Mag mula nang lumabas ito sa classroom ay tulala na lamang siya at hindi nag sasalita. Bagamat hindi alam ang nangyari ay nakaramdam si Sab na hindi maganda ang kinalabasan ng pag uusap nila ng mga estdyante niya. Nang makarating silang dalawa sa apartment ay dire-diretsong pumasok ang dalaga at tumungo sa kwarto. Maging si manang Celia ay nag tataka sa inasal ng dalaga. Tiningnan nito si Sab at malungkot nangumiti na lamang ito.


*********
'Sobrang astig mo talaga Stella!'


'Hindi ko alam kung bakit nakakatagal ka sa section namin eh halos maubusan na kami ng paraan para sumuko ka no hahahaha!!'


'Ibang klase ka Stella!'


'Sa lahat ng pumasok na teacher naming ikaw lang ang tumagal!'


'Tss.. Baka... (Stupid)"

********

Nakaupo sa bintana at nakatingin sa mga bituin sa kalangitan si Alex habang inaalala ang mga salitang binitawan ng mga estudyante niya. Tandang tanda niya lahat ang mga nangyari noong unang araw niyang mag turo sa Mondragon. Kung paanong sungitan siya ng mga ito at halos gawin ang lahat mapalayas lang siya. Ang araw na unti-unting mag bago ang pananaw ng mga ito tungkol sa mga teachers at ang pag babago ng pakikitungo ng mga ito sa kaniya. Isa-isa niyang inaalala ang bawat oras na kasama ang section 13.




Sobrang lungkot lamang at namulat siya sa katotohanang hindi na niya magagawa pang samahan ang section sa section 13. Muling tumulo ang mga luha sa mata n dalaga. Hindi niya maipaliwanag ang lungkot at sakit na nararamdaman niya. Galit siya sarili niya dahil hindi na niya matutupad ang ipinangako niya sa mga estudyante.



"Hija...." Pag tawag ni Manang Celia sa dalaga. Hawak nito ang isang tray ng tsaa. Dali-dali namang nag punas ng luha ang dalaga at humarap sa matanda.



"Nanny...." Ngumiti ito ngunit hindi nakaligtas sa paningin ng matanda ang pag kawala ng luha mula sa mga niya.



"Kumusta ang Sports Fest anak?" nakangiting tanong ng matanda at inilapag ang tray sa table. Agad namang umupo sa sofa si Alex at tinabihan ang matanda.



"Okay naman ho nanny, panalo kami sa basketball! And ang section ko ang representative for interhigh!" pinilit na maging masaya ni Alex sa harapan ni Manang Celia. Maging ang matanda ay nakaramdam ng lungkot sapagkat kita niyang sobrang nag pipigil lamang ang dalaga sa nararamdaman.



"Isabelle...." Pag karinig niyon ay hindi na napigilan pa ni Alex ang humagulgol ng iyak. Agad siyang niyakap nang maluha-luhang matanda at pilit na inaalo.



"Shhh.... Tumahan ka na hija..."


"Alam na nila ang totoo nanny... galit sila sa akin."


"Sssshh... Huwag mong sabihin iyan anak.. hindi ka masamang tao..."


"Niloko ko sila Nanny.. ang sama sama kong teacher." Lumuluhang sabi pa ng dalaga.



"Mahal ka ng mga estdyante mo Isabelle.. Marahil ay nagulat lamang sila sa nangyari.. Hindi matitiis ng isang estdyante na makitang nahihirapan ang kanilang guro. kahit ano pa man ang tingin ng mga estudyante mo sayo o sa iba pang mga guro, nakatatak at hindi mawawala kailanman sa isipan nila na ang bawat guro, ay nag sisilbing pangalawang magulang nila sa pangalawang tahanan nila.. Ang mga ala-alang ibinigay mo sa kanila bilang guro ay hindi na mawawala at dadalhin nila iyon sa patutunguhan nila." mahabang litanya ng matanda habang tahimik na lumuluha at nakikinig naman ang dalaga.


"At nakatatak na rin sa puso't isipan nila  anglahat ng bagay na itinuro mo. Tandaan mo hija, lahat ay pwedeng maging guro ng ninuman, hindi mo man propesyon ang pag tuturo, wala ka mang sapat na kakayahan sa pag tuturo, ang mahalaga'y tinuruan mo silang mag pahalaga sa edukasyon, ang mag karoon ng tiwala sa sarili at ipakita sa lahat ng tao ang kakayahan nila. Doon pa lamang ay masasabi kong  isa kang napaabuting guro.. na handang isakripisyo ang lahat para sa ikabubuti nila. at iyon ang pinaka magandang bagay na maiiwan mo sa kanila."  Nag tuloy-tuloy sa pag tulo ang mga luha ni Alex habang pinakikinggan ang sinasabi ng matanda.


"Hindi ko sila kayang iwan nanny... ayoko silang pabayaang bumalik sa dati..." umiiyak na sabi ni Alex habang nakayakap nang mahigpit sa matanda.


"Nangako ako sa kanilang ako ang makakasama nila hanggang graduation... hindi ko pwedeng basagin yung pangakong iyon."


"Ngunit kailangan nating harapin ang realidad anak.. Marahil ay isa itong misyon at pag subok na ibinigay ng Panginoon sa iyo. Na sa pag kakataong ito'y nagawa mo na ang dapat mong gawin. Kailangan mo nang tanggapin na tapos na ang misyon na ibinigay Niya sa iyo at kailangan mo ng umalis at bumalik sa dating ikaw. Naniniwala akong matutupad ng mga estudyante mo ang isa sa mga ipinangako mo gayung natuto na sila mula sa iyo. Hindi mo man matupad iyong isa, ang pinakamahalaga ay iyong isa..." natigilan naman si Alex at naguguluhang tumingin sa matanda.


"Naniniwala akong makakapag tapos sila ng pag aaral hija... at iyon ang pinaka masayang pangyayari sa buhay ng isang guro, kagaya mo."


End of Chapter 27



AUTHOR'S NOTE: I'M SO SORRY FOR THE SUPER SLOW UPDATE GUYS! NAISINGIT KO LANG DIN SIYA SA SCHEDULE KO AND I HOPE YOU UNDERSTAND ME. HEHE PLEASE WAIT PATIENTLY BECAUSE IT'S GONNA BE A SUPER DUPER SLOW UPDATE AGAIN. THANK YOU!!!

Ang Teacher ng Section 13Where stories live. Discover now