CHAPTER 12
"Mag salita kayo. Sino ang nag simula ng gulo?! Sino?!" galit na galit ang head teacher na humarap sa kanila. Nasa guidance office ang section 13 kasama si Alex samantalang pinauwi naman na ang mga taga section A.
"Walang mag sasalita sa inyo?! Sige! Ms. Nivera! Silang anim ay suspended nang tatlog araw! Mag mula bukas ay huwag na kayong papasok!" walang nakapag salita. Maging si Alex ay nagulat at hindi nakapag salita habang nakatingin sa mga estudyante niyang parang wala man lang paki-alam kahit ma sspend sila.
"Ano, simpleng tanong lang hindi niyo masagot! Alam niyo ba kung anong gulo nanaman ang ginawa niyo?! Nakita niyo ba kung anong mga itsura nug mga ginulpi niyo?! Ano nalang ang sasabihin ng mga magulang ng mga iyon?!"
"Mr. Quizon---"
"Paano kami sasagot kung hindi naman kami ang nag simula?" saad ni Roigie. Galit na tumingin sa kanila ang head teacher.
"So sinasabi niyo bang hindi kayo ang nag simula ha?! Sinasabi niyong kagagawan iyun ng section A?! huh! Siguradong susugod dito ang mga magulang ng binugbog niyo. Mapapahiya nanamang ang school sa ginawa niyo!" agad na tumayo si Roigie at nakipag titigan sa head teacher.
"Kapag sinabi naming hindi kami ang nag simula, hindi kami!" malakas na sabi niya dahilan para magitla si Alex at mapatingin sa kanilang dalawa.
"Wala kaming gagawin sa mga iyon kung hindi nila kami sinimulan!"
"Wala kang modong bata ka!" napapahawak pa sa dibdib na sabi ng head teacher na animong aatakihin sa puso.
"Tawagin mo na kami sa kahit anong gusto mo, wala kaming paki-alam!" dagdag pa ni Roigie atsaka tumayo at lumabas ng guidance office. Agad namang nag si sunuran ang apat at lumabas na rin samantalang nakaupo parin si Jun at prenteng nakaupo lamang. Agad din itong tumayo at tumingin mna kay Alex bago umalis.
"Anong gagawin mo Alex? Suspended yung anim mong estudyante..." nasa mall sina Alex at Sab. Matapos nila sa school ay agad silang nagbihis atsaka dumiretso sa mall. Hindi mapakali si Alex. Alam niyang hindi gagawin ng anim ang bagay na iyon kung hindi sila sinimulan ng section A. nalaman din niya kaninang dati palang section A si Niccolo, at ayon a mga nakausap niyang nakakita kanina ay kung ano-ano raw ang pinag ssabi ng mga dating kaklase ni Niccolo kaya ganun nalang ang galit nila.
"Pero bakit naman kasi nila ginawa ang bagay na'yun?! Bakit hindi nalang nila ako tinawag? Hayyyst!" napapahilot nalang sa sentido ang dalaga habang nasa isang restaurant silang dalawa ni Sab. Nag paalam sila kay manag Celia na sa labas na kakain.
"Ganiyan talaga Alex. Nakakastress talaga ang section mo. Hahaha!" nakasimangot lang ang dalaga habang kumakain. Sa kalagitnaan ng pagkain nila ay nag salita muli si Sab.
"Tumawag sakin sina Yuta." Seryosong sabi nito na ikinatigil sa pagkain ng kaibigan. Mula sa pag kakasimangot ay tiningnan ni Alex nang seryoo ang kaibigan. Nag hihintay ng saabihin nito.
"Narito raw sa bansa ang Black Serpent Gang. Paniguradong ikaw ang hinahanap ng mga 'yun" seryosong sabi nito sa kaniya.
"Bakit hindi sila sa akin tumawag? Ang mga gunggong na'yon." Naiinis na sabi niya. Binaliwala ang sinabi nito tungkol sa kalabang gang.
"Hindi ba't nawawala ang cellphone mo?!" sarkastikong sabi naman sa kaniya ng kaibigan.
"Oo nga pala.. haysssst! Nakakainis!"
"Pero teka, bakit hindi ka man lang nagulat na nandito yung Black Serpent Gang? Hindi kaba natatakot sa kanila?" natawa naman si Alex sa sinabi ng kaibigan.
"Ako matatakot? Hahaha! Kalian pa ako natakot Sab? tsaka asa namang makikita nila ako nang ganon nalang noh?" pabiro man ay seryoso ang dalaga sa sinabi niya. Hindi siya makapapayag na matunton siya ng mga gang na gustong kunin ang pwesto niya bilang reyna ng gangworld sa buong Asia.
Sina Alex(Kohi[queen]), Sab(Strike), Yuta(Thunder), Sho(Prince), at Taki(Dark), sa madaling salita, ang Dokushi (Poison Deaath Gang) ang pinakamalakas na gang sa buong Asya. Sila ang rank one sa lahat ng gang sa buong Asya kaya naman walang sinuman ang nag tatangang humarap sa kanila maliban nalang ang Black Serpent Gang na sya namang rank two sa pinaka malalakas na gang sa buong Asya. Binubuo ito nina Brian(Viper), Mike(light), Dexter(death), Niki(storm) at Ryuu(Hades). Matagal nang gustong makuha ng BSG ang titulo ng Dokushi bilang numero unong gang sa buong Asya ngunit hindi nila matalo talo ang Queen.
Matagal nang wala sa gang ang dalawa. Matagal na silang tumigil sa pakikipag laban maliban sa tatlo pa nilang kasama na pinananatili ang posisyon sa gangworld. Ang akala nilang dalawa ay wala nang balak pa ang BSG na kalabanin sila mula nung panahong mabigo ang mga ito sa pag kuha sa titulo ngunit heto nanaman sila at sinundan pa talaga ang dalawa sa Pilipinas.
"Anong plano mo? Babalik kana ba?" tanong ni Sab sa dalaga habang kumakain ito. Napaisip naman ang dalaga. Hindi niya alam ang gagawin niya. Paniguradong hindi mag tatagal ay muli niyang makakaharap ang BSG. Ngayon palang ay naakaharap na niya ang posibleng mga underling nito paano pa kaya kung makaharap nanaman niyang muli ang mga ito at umatake nang hindi inaasahan. Panigurado ay may madadamay kapag hinayaan niyang magyari ang bagay na iyon. At ang masaklap, kapag nalamang ng mga ito ang ginagawa niya, maaring madamay ang section 13 at iyun ang ayaw niyang mangyari.
"Alex..." nag-aalalang sabi ni Sab sa kaibigan. Kita niyang labis na naguguluhan ang dalaga. Kita niya na hirap ito sa pag de-desisyon lalo na't ramdam niyang ayaw na nitong bitawan ang pagiging guro ng section 13.
"Nangako ako sa Section 13. Na ako ang kasama nila hanggang sa grumaduate sila.." sa hindi inaasahan ay may maliliit na butyl ng lha ang tumulo sa mga mata ng dalaga. Pumasok sa isipan niya ang section 13. At ang ipinangako niya sa harapan ng bawat isa sa mga estudyante niya.
Bagamat hindi pa sila nag tatagal sa pag tuturo ay kay dali nilang minahal ang ganoong trabaho .
"Anong gagawin ko?" pinunasan niya ang mga luha niya sa mata atsaka tumingin sa kaibigan. Maging ito ay mangilid-ngilid na rin ang luha dahil sa naiintindihan nito ang nararamdaman niya.
"Were here, Rida (leader)..." dinig nilang sabi ng isang tinig. Parehas silang lumingon sa pinaggalingan ng bose at sabay na nanlaki ang mata nila sa gulat.
"Long time no see, Strike, Kohi (Queen).." gulat na tiningnan ni Alex ang mga kaharap nila.
"Sho-kun..."
"We miss you our queens!" masigla pang sabi ni Taki sa dalawa.
"Omae-ra! (You guys)" naluluhang sabi ni Alex atsaka lumapit sa kanila para yakapin ang mga ito. Tumawa naman ang tatlong lalaki habang yakap ang kanilang leader. Samantala, hindi naman alam ni Sab ang gagawin dahil pinag titinginan na sila ng mga tao sa restaurant. Mostly mga babae na parang nakakita ng anghel kung maka tingin sa tatlo nilang kasama.
"Ah guys, maybe you should hug each other later. Nakakahiya.." sabi naman ni Sab sa kanila kaya naman natawa ang tatlo. Yes, nakakaintindi sila ng tagalog kahit papaano dahil tinuruan sila noon ni Alex noong nasa Japan ito. Lagi ring pinupuntahan ng tatlo ang dalaga sa Korea kaya marami silang alam na salita maliban kay Sab.
..................
"Mworagu? Matagal na silang nandito?" gulat na sabi ni Alex. Nasa isang mansion silang lahat ni Alex. Ipinagawa ito ng dalaga na tanging kuya lang niya sa pamilya nila ang naakaalam. Matapos kumin sa restaurant ay dumiretso sila rito upang pag-usapan ang tungkol sa plano nila.
"Yes riida. They already know that you went here before us." Sabi ni Sho habang umiinom ito. He is Ninomiya Shohei. A half Filipino, half Japanese 23 year old businessman at anak ng isang gobernardor sa Japan. unlike Alex's parents, his parents knows that he is a gangster. He is also a childhood friend of Alex. And yes, Alex is his first love. And yet, until now, he's keeping it as a secret dahil ayaw niyang masira ang gang at ang pagkakaibigan nilang dalawa.
"They want to confirm that you really quit. To make sure that they will be able to take over the throne by defeating us." Pag papaliwanag naman ni Yuta. Kageyama Yuta is a pure Japanese. He is 22 years old and a son of one of the most successful businessman in the world.
"Alex, alam natin simula palang na sobrang sama ng gang na iyan. Kapag nalaman nilang nag quit ka, paniguradong pwersahan nilang kukunin ang titulo na nasa atin. Madaming gang ang mapapahamak dahil don." Dagdag naman ni Sab na lalong nag pagulo sa isipan ng dalaga.
"We also know that you are disguising yourselves as high school teachers in your brother's school." dagdag ni Taki na half-japanese, half-Filipino.
"Mas malaking gulo kapag nalaman nila na nag tuturo ka doon. Madadamay sila." dagdag pa nito.
Mas lalong naguluhan ang dalaga. Kailangan niyang mag desisyon habang maaga. Hindi niya alam kung kalian malalaman ng BSG kung nasaan siya. Kailangan niyang mag handa.
"Oh mga hija, mabuti naman at nakauwi na kayo. may gusto ba kayo? gusto niyo ba ng kape?" bungad sa kanilang dalawa ni manang Celia pag kauwi nilang dalawa sa bahay. Tahimik namang naupo sa sofa si Alex samantalang si Sab ay nakikipag kuwentuhan pa sa matanda.
Lutang ang isip ng dalaga pagkauwi nila. Sumasakit ang ulo niya sa kakaisip sa mga nalaman. Hindi niya alam ang gagawin niya. Ngunit sa ngayon ay kailangan niyang mag doble ingat habang guro siya sa Mondragon. Hindi niya pweeg baliwalain ang ipinangako niya sa section 13.
"Siya nga pala, heto ang cellphone mo hija.." sabi ng matanda sa dalaga habang iniaabot ang cellphone nito sa dalaga. Bahagya namang nagulat ang dalaga at nag taka.
"Paano po napunta sa inyo ito nanny? Naiwan ko po ba ito rito?" nag tatakang tanong niya atsaka kinuha ang cellphone sa matanda. Nang buksan niya ito ay kita niyang sabog ang missed calls at inbox niya. Isa-isa niya iyong chineck ang inbox at puro galing iyon sa company niya sa Korea at Japan. Pumunta naman siya sa call box at puro missed calls galing kina Yuta nga ang nandon.
Nangunot naman ang noo niya nang Makita ang received call na galing din kina Yuta. Kahapon ito nang hapon!
"N-nanny.. may tumawag bas a cellphone ko?" tanong niya sa matanda. Umiling namang ito.
"Ngayong araw ay walang tumawag diyan hija. Mula nang isauli ito nung gwapong estudyante ng Mondragon kaninang umaga ay hindi ko na tiningnan niyang cellphone mo." Nanlaki ang mata ni Alex sa narinig atsaka muling tiningnan ang received call sa kaniyang cellphone.
"E-estudyate ng Mondragon? Sino raw ho?" tanong ni Sab at tumingin pa sa gulat na kaibigan na nakatingin din sa kaniya.
"Oo hija, hindi niya sinabi ang kaniyang pangalan ngunit hindi ako maaring mag kamali dahil niform ng Mondragon Academy ang uot ng gwapong estudyanteng iyon. Ang sabi niiya'y sabihin ko raw sa iyo na napulot niya sa school mo iyan." Hindi nakapag salita ang dalaga sa gulat. Magkahalong pag tataka at pagkalito ang nararamdaman niya. Iniisip kung sino ang nag sauli ng cellphone niya. Kinabahan siya nang Makita muli ang received call. Kahapon nang hapon ilang minuto matapos siyang lumabas ng school at umuwi.
'hindi kaya siya ang naka receive ng call nina Yuta? Sht! Sana ibang lenggwahe ang ginamit niya!'
[TWO WEEKS LATER]
"Sht! Exam na nga pala bukas!"
"Ki** **A! Wala pa akong narereview!"
"Paniguradong pahihirapan nanaman tayo ng mga teachers niyan!"
"Lalo na yungmga gurang na teacher! Hayip mag pa exam ang mga iyon! 100 items!" ilan iyan sa mga reklamong natanggap ni Alex mula sa section 13 nang muli nitong ipaalala ang examination day bukas. Inannounce na niya ito last week pero hindi pa rin nag babago ang reaksyon ng mga estudyate niya. Ito ang unang exam na babantayan niya bilang teacher kaya naman todo paalala niya sa mga ito na mag review.
"Ano ba kayo, madali lang ang mga exams kung mag rereview kayo no. tsaka huwag kayong mag-alala! Mag tulungan kayo mag review para hindi kayo mahirapan. Atsaka baka nakakalimutan niyong excempted na kayong lahat sa exam ko?" Masiglang sabi niya sa lahat. Pero imbis na maginhawaan ay lalo pang bumusangot ang section 13.
"Woy Niccolo, pakoyahin mo kami ah!"
"Oo nga Niccolo. Sama-sama tayong aangat!"
"Sher your blessings pre!"
"Sher your answers!"
"Ikaw nalang pag-asa namin Niccolo!"
"Tadu! Nandiyan si Jun oh! Sher ka sagot mo!"
"Gunggong! Baka mag sher 'yan?!"
"Mag shesher iyan! Mabait 'yan eh! Gwapo pa! diba Jun?!"
"Tss..." natawa naman si Alex sa mga naririnig. Tiningnan niya ang mga estudyante habang nag bibiruan ang mga ito. Nabaling naman ang tingin niya sa gawi ni Jun... na NAKATINGIN SA KANIYA.
'Luh.. ano nanamang problema nito? Bat ganto to makatingin?' nagtataka siyang ibinaling sa iba ang tingin ngunit ramdam pa rin nito ang mga tingin ng binata na ipinupukol sa kaniya.
'Tsh.. bakit naman kaya ganto makatingin ang isang 'to? Nakakapagtaka ah...'
"Listen!" kinuha niyang muli ang atensyon ng buong klase.
"Next next week na ang sports fest." Tiningnan niya ang mga ito at bahagya siyang nagulat nang bigla tahimik ang section 13 na nakatingin sa kaniya.
"Waeyo?" tanong niya sa mga ito. Ngunit wala ni isa sa kanila ang nag react.
"Okay, as I was saying, next week na ang sports fest. At kaila-----"
"Yes!"
"Yoshaaa!!!"
"Naks!"
"Walang pasok!"
"Medyo mahaba-habang bakasyon!" nangunot naman ang noo ni Alex sa mga naririnig at tiningnan ang ibang section 13 na animo'y nag diriwang pa dahil wala kunong pasok.
"Kailangang nandito kayo sa sports fest.." sabi niya na ikinatahimk naman ng section 13.
"Ano raw?"- Joshtin
"Ano kamo"? –Justin
"Huh?"- Niccolo
"Teka, nag papatawa ka ba? Kami? Papasok sa sports fest?" kaniya-kaniya namang violent reactions ang naririnig ni Alex sa klase. May mga nag tataka at mayroong ga naiinis. Ang iba nama'y hindi makapag salita at nakayuko lamang. Bumuntong hininga ang dalaga.
"Hindi mo ba alam na hindi kami umaattend sa ganiyan?"
"Hindi mo ba alam na wala kaming paki-alam sa sporsfest na iyan?" tanong ni Roigie habang kunot na kunot ang noo.
"Alam ko. Alam ko rin ang dahilan kung bakit hindi na kayo kasama sa sports fest na iyon." Diretsong sabi ng dalaga sa harapan ng lahat na ikinatahimik nila.
"At alam ko rin na hindi kayo ang nagsimula nang gulong iyon noon." Lalong natahimik ang lahat matapo niyang sabihin iyon. Ngumiti naman siya sa lahat.
"Makakasali kayo sa sports fest, hindi lang kayo magiging audience. Makakasama kayo sa sports para mag laro. And mag paparticipate din kayo sa interhigh."
[FLASHBACK]
"Bakit wala ang pangalan ng section 13 list ng mga mag lalaro sa sport fest?" gulat na tanong ni Alex nang Makita ang final list ng mga sections na mag lalaro para sa 4th year sa sports fest. Alam niyang hindi na bago ang pag hindi pag Sali ng section 13 sa ganitong activity pero parang ang unfair lang na hindi sila ulit isali gayong graduating students na sila.
"Ms. Nivera, mahigpit na ipinag bawal ng principal ang pag Sali ng section 13 sa sport fest. Alam mo naman ang nangyari noon sa kanila hindi ba?"
"Pero hed teache---"
"Hindi na mababago ang listahan Ms. Nivera.. huwag mo nang ipilit iyang gusto mo." Pag puputol ni Ms. Marcos sa pag sasalita ni Alex na ikina kunot ng noo nito.
"Hindi sila pwedeng isali dahil this year ay may ibat-ibang schools ang dadalo dito dahil dito gaganapin ang interhigh."
"Naisubmit na naming ang lists sa principal kaya wala ka ng magagawa doon Ms. Nivera.." idiniin pa ng head teacher ang apelido ng dalaga.
Bumagsak naman ang balikat ni Alex na para bang nawawalan na ng pag-asa. Iniisip niya ang klase niya. Saksi siya sa husay ng mga ito sa ibat-ibang klase ng sports. Nakikita niya ang mga ito sa field sa may park na nag lalaro, sa likod ng building. At saksi din siya sa kasiyahan ng section 13 habang nag lalaro ng ibat-ibang klase ng sports. Pero hindi nila iyon maipakita sa lahat dahil pinag bawalan na sila dahil sa nangyaring gulong hindi nila sinimulan.
"Paki-usap... isali niyo po sila.." tumungo siya para hindi ipahalata ang pangingilid ng luha niya sa mata. Sobrang awa at lungkot ang nararamdaman niya para sa section 13.
"Paensya na Ms. Nivera----"
"Hindi man lang ba kayo nalulungkot o naaawa para sa section na iyon ha?" bigla niyang sabi habang nakaharap sa head teacher na ikinagitla nito at ng ibang teacher sa faculty room.
"Hindi man lang ba sumagi sa isipan niyo kung ano ang nararamdaman nila sa pag kakait sa kanila na maranasan ang dapat maraasan ng normal na high school students?" emosyonal na sabi niya habang nakaharap sa lahat ng teacher natahimik na nakikinig sa kaniya.
"Isa ang sports fest sa mga school activity na gustong gusto ng mga estdyante dahil doon sila nabibigyan ng pag kakataong ipakita ang potensiyal nila sa pag lalaro ng ibatibang klase ng sports. Isa ang sports fest sa pinaka aabangan lahat ng estudyante na gusto nilang maranasan dahil once in a year lang iyon mangyari. Pero anong ginawa niyo? Pinipigilan niyo ang oportunidad ng mga estudyante ko na patunayan ang mga sarili nila sa inyo." Dagdag pa nito.
"Ang mga estudyanteng iyon, wala pa silang magagandang ala-ala habang nandito sila sa Mondragon na maibabaon nila pag labas dito. Wala pa silang masabi na magandang naranasan nila dito. Wala silang maipagmamalaki sa labas dahil wala kayong ibang ginawa kung hindi I down sila." tmingin ito sa tatlong teacher na silang sobra kung manira sa section 13. Magng sa ibang teacher na walang magawa kung hindi ang tumungo.
Pinunasan niya ang mga luhang tumutulo sa mga mata niya. Bago muling nag patuloy sa pag sasalita.
"Kaya nakikiusap ako, isali niyo sila sa sport fest.. iyun nalang ang tanging natitirang magandang ala-ala para sa kanila oras na maka graduate sila. Ang muling makapag laro at mapatunayan ang sarili nila." Garalgal na sabi niya pa at muling yumuko para makiusap.
Katahimikan ang nangibabaw sa faculty room. Walang nag sasalita maski isa. Ni hindi nila namamalayan na kanina pa nasa loob si Allen na narinig ang lahat ng sinabi ng kaniyang kapatid. Hangang-hanga siya sa kapatid sa lahat ng narinig niya mula rito. Hindi siya nag kamali sa pag pilit niyang pumasok ito sa school niya. Hindi mapag hahalataang hindi siya talagang guro sa sobrang galing niya sa pag tuturo at pag bibigay ng aral sa lahat ng tao dito sa Mondragon high.
Samantala, habang nag lalakad sina Ren, Roigie at Jun kasama ang iba pa nilang kaklase patungong canteen nang Makita nila ang principal na pumasok sa faculty room.
"Si sir principal ba iyung nakita ko?" Ren
"Minsan lang pumunta sa faculty room yon. Baka may problema nanaman." Sagot ni Roigie. Nagtataka silang sumunod dito ngunit bago pa man sila makapasok ay narinig nila ang boses ng kanilang guro.
"Hindi man lang ba kayo nalulungkot o naaawa para sa section na iyon ha?" dinig nilang sabi ng guro.
"Hindi man lang ba sumagi sa isipan niyo kung ano ang nararamdaman nila sa pag kakait sa kanila na maranasan ang dapat maraasan ng normal na high school students?" Natigilan si Jun sa pag bukas ng doorknob nang marinig ang mga salitang iyon. Maging sina Ren at Roigie ay natigilan.
"Isa ang sports fest sa mga school activity na gustong gusto ng mga estdyante dahil doon sila nabibigyan ng pag kakataong ipakita ang potensiyal nila sa pag lalaro ng ibatibang klase ng sports. Isa ang sports fest sa pinaka aabangan lahat ng estudyante na gusto nilang maranasan dahil once in a year lang iyon mangyari. Pero anong ginawa niyo? Pinipigilan niyo ang oportunidad ng mga estudyante ko na patunayan ang mga sarili nila sa inyo." Dinig nilang sabi nito. Doon nila napagtantong ang section nila ang tinutukoy ng guro. kita nila mula sa pinto ang nagyayari sa loob kaya laking gulat nila nang makitang miiyak si Alex sa harapan ng lahat.
"Stella...." Hindi maipaliwanag ang reaksyong ng lahat ng section 13 na nakailip sa pintuan ng faculty room. Maging si Jun ay hindi malaman ang nararamdaman. Basta ang alam niya, nasasaktan siya na nakikitang umiiyak ang babaeng iyon dahil sa kanila.
"Ang mga estudyanteng iyon, wala pa silang magagandang ala-ala habang nandito sila sa Mondragon na maibabaon nila pag labas dito. Wala pa silang masabi na magandang naranasan nila dito. Wala silang maipagmamalaki sa labas dahil wala kayong ibang ginawa kung hindi I down sila." ang ilan sa kanila ay nakatungo at sumisinghot dahil sa emosyong tulad sa kanilang guro. nag iwas din ng tingin sina Ren at Roigie para pawiin ang luhang nagingilid sa mga mata nila.
"Kaya nakikiusap ako, isali niyo sila sa sport fest.. iyun nalang ang tanging natitirang magandang ala-ala para sa kanila oras na maka graduate sila. Ang muling makapag laro at mapatunayan ang sarili nila." Umiwas ng tingin si Jun at walang sabi-sabing umalis. Habang nag lalakad ay nakakuyom ang mga kamao niya. Iniisip ang mga sinabi ng babaeng iyon. Agad din naman siyang sinundan ng mga kaklase niya at sabay-sabay silang nag tungo sa classroom. Pumasok sila na parang walang narinig at nag kunwaring masaya.
.......
"Everyone.." napatingin ang lahat sa pinanggalingan ng boses. Kasabay non ang pag kagulat dahil ang Principal ang kanilang nakita. Nag lakad ito palapit sa kanila na may hawak na papel.
"This paper will be posted on the bulletin board later. It contains the final list for the possible participants for the sports fest. After you see this, please inform your students to participate in different sports. The list of the perticipants every section will be submitted tomorrow. And after exam will be the start of training." Ibinigay niya ang listahan sa head teacher atsaka umalis.
Nakatingin naman si Alex sa head teacher habang binabasa ang nasa papel..
"And last but not the least. Section D will participate in the said school festival. Sign Mr. Allen Drake Mondragon"
[END OF FLASHBACK]
"Congratulations Section 13.." Nakangiti ngunit maluhaluhang sabi niya sa harapan ng buong klase na hanggang ngayon ay tulala pa rin at hindi makapaniwala sa narinig.End of Chapter 12
YOU ARE READING
Ang Teacher ng Section 13
RandomSi Alex ay isang successful fashion designer, model at the same time ay owner ng isang clothing line sa Korea. Malaya siyang naumuhay roon, nang walang kumokontra sa mga desisyon niya. Wala siyang ibang gusto kung hindi ang passion niya sa pag gawa...