Chapter 19

847 33 0
                                    

CHAPTER 19
"K-Kohi..." mahilo-hilong sabi ni Sho habang nakahiga sa sahig. Parehas na natigilan at natahimik ang mga miyembro ng BSG sa kinalalagyan. Gayudin ang lahat ng nanonood sa buong Arena na kanina na sobrang ingay ay animong pinukpok sa kinalalagyan sa sobrang tahimik.


"So... you're back.." kalmadong sabi ni Viper habang nakaharap sa dalaga. Tahimik ang lahat, animong nag aabang kung anong mangyayari.


"I miss you so I came back." Kalmado ring sabi ni Alex sa kausap. Tiningnan nito ang mga kasama.


"Why did you not wait me before you fight?" kunwaring inis na tanong niya dahilan para panlakihan siya ng mata nina Sab lalo na ni Sho. muli itong humarap sa kalaban.


"He maybe thought you are busy with your 'precious students'. We started without you." Prente ng pag kakasabi ni Viper ngunit alerto ito sa mga kilos ng dalaga. Maging ang mga kasama nito ay nawala ang atensyon sa iba pang mga kasama ng dalaga at napunta sa kaniya lahat.

"What happened to the queen of gang world? You chose to be a teacher? What are you teaching then? Do you teach martial arts? Shooting? Killing?" umirap naman ang dalaga sa tanong ng kaharap. Sa sobrang inis niya ay parang gusto niyang tapusin ang kaharap.

"You know, I really want to teach them so they can kill you and your gang. But those were not included in the curriculum, stupid." Nilapitan niya ang lalaking kaharap atsaka bumulong.


"But maybe after graduation, I'll teach them martial arts, archery, shooting, and killing, with you, and your gang, is the target." Nakangising bulong niya dahilan para mainis ang kaharap.


"B***h" mabilis na lumipad ang kamao ni Viper ngunit masyado siyang mabagal kung kayat agad na nakailag at umikot patalikod ang dalaga atsaka malakas na hinampas sa batok ang lalaki gamit ang kamay dahilan para mawalan ito ng malay.


"Wooooaaah!!!" nag simulang mag ingay ang buong arena. Samut-sari ang mga bulungan tungkol sa dalaga.


"KOHI! KOHI! KOHI! KOHI!" Sigaw ng mga nanonood. Agad na napaatras ang ibang miyembro ng BSG nang tingnan sila ng dalaga.


"Remember what will I say... don't you ever lay your hands to my students. I will definitely kill all of you. If you do something bad to them." Malamig na sabi niya atsaka tumalikod.


"WELCOME BACK TO THE GANGWORLD KOHI.." anunsyo ng announcer. Tumingin si Alex sa buong Arena at naroon ang mga taong sumusigaw sa pangalan niya. Nginitian niya ang mga ito bilang pasasalamat. Ngunit sa kabila ng mga ngiting iyon ang labis na pangamba para sa mga estudyante niya.

"I have to protect them at all cost."


"Kumusta pre? Masakit pa ba iyang injury mo?" tanong ni Ren kay Niccolo. Matapos nilang ayusin ang booth at mag practice ay napag pasiyahan nilang bisitahin ang kaibigan sa bahay nito.


"Ayos na pre. Pasensya na at hindi ako makakapag laro sa Biyernes.." Sabi  nito sa kanila. Mayroon na lamang silang apat na araw para mag training simula bukas. Sa isang araw  naman ang opening ceremony ng school fair at ng sportfest kaya naman una nilang binigyan ng pansin ang kanilang café booth.


"Ikaw nalang niyan mag babantay sa café booth natin. Baka sakaling may bumili ng mga cakes natin." Sabi naman ni Justin kung kaya't namura siya nito. Nag tawanan naman sina Josh at Ren.


"Nga pala. Paano tayong mag bebenta non? May bumili kaya sa booth natin? Baka katakutan lang nila tayo." Sabi naman ni Niccolo. Nag tinginan naman ang lima habang tahimik namang nag babasa sa upuan si Jun. (walang pakinabang XD).

"Anong wala! May training din syempre!" sabi ni josh. Nag taka naman si Niccolo sa sinabi ng kaibigan at tiningnan ang iba  pang kaibgan na nakakunot ang noon a tila ba may naalalang hindi maganda.

"Ganito kasi iyon."


[FLASHBACK]
(More on Alex's point of view)

"Welcome to section 13 café... may we know what's your order?" napahilamos ng kamay si Alex nang Makita kung  paanong ma serve sina Justin, Bruno, Josh, at Jay. Inis niyang hinarap ang malalamyang estudyante.


"Paano tayong kikita niyan? Eh sa sobrang lamya niyo daig niyo pa ang may sakit at anumang oras ay tutumba na?!"

"Tss.. ikaw ba naman ang customer eh..." mahinang bulong ni Ren na nasa counter na akala ay hindi narinig ng dalaga. Agad niyang pinnlakihan ng mata ang binata. Umiwas naman ito ng  tingin at kunwaring hindi siya nakita.


"Eh sa hindi naming alam kung paano ang ganito eh!" pag rereklamo  ni Bruno na may  hawak pang tray na props kuno. Tiningnan naman ni Alex ang buong section 13 na nasa loob ng malaking booth.


"Ano ba naman itong mga ito! ganahan niyo naman! Yung parang may inspirasyon kayo sa pag tatrabaho ganon! Hindi iyung parang pambiyernes santo ang mga itsura niyo!" nawawalan na ng pasensyang sabi pa ng dalaga. Muli nilang ginawa ang pag seserve.  Napabuntong hininga naman ang dalaga ng makitang walang nag bago sa itsura ng mga estudyante niya habang nag papractice kung paano kumuha at mag serve ng order.


"Hayst!!!! Break time na nga muna!" sumusukong sigaw niya sa section 13. Nag unahan naman ang mga ito sa pag hubad ng mga apron at sabay-sabay na lumabas sa booth.


"Hayst... ibang klase talaga! Mamumuti yata ang buhok ko sa mga iyon! Haaaayst!!!" hindi makapaniwalang sabi nito habang nakaupo sa silya.

"Paano ba naman kasing hindi lalamya eh ikaw ang kaharap." Sabat naman ni Roigie. Tiningnan naman siya nang masama ng dalaga.


"Hoy kayo, namumuro na kayo kakalait sakin ah!" itiniuro pa nito ang dalawang nasa counter. Natatawang umiling naman ang dalawa.

"Totoo naman kasi. Paano sila gaganahan kung mukhang manang ang customer nila? malamang mamimili sila ng customer na maganda." Dagdag ni Ren. Mula naman sa pag kakahiga sa mesa ay bumangon si Jun upang harapin ang dalaga.


"I know what will make them energized." Sabi nito. Gulat namang hinarap siya ni Alex. Unti-unting nag liwanag ang mukha ng dalaga.


"GOOD MORNING BEAUTIFUL LADIES! MAAARI PO BA NAMING MALAMAN KUNG ANO ANG ORDER NIYO?" Gulat na  pinag masdan ni Alex ang section 13 na sobrang hyper ngayon.


"Ahm.. hehehe isang vanilla flavor cupcake, and isang hot coffee." Sabi naman ni Ms. Chan dahilan para mag ala hugis puso ang mata nina Bruno, Justin, Josh at Jay.


"Tch! Anak ng tupa naman talaga." Nakasimangot na bulong pa ni Alex habang pinanonood na humarot ang mga estudyante.


"Oh diba? Effective?" natatawa pang bulong sa kaniya ni Ren. inismiran naman niya ito at muling pinag masdan ang mga estudyanteng humaharot sa kasamang teacher.


[END OF FLASHBACK]

"Grabe talaga kayo kay Stella. Hahaha!"

"Hahaha! Ginawa lang naman naming iyon para dalhin niya si Ms Chan noh. Ahahaha!"

"At hindi nga kami nag kamali, dinala niya nga." Tumatawang dagdag pa ni Josh. Nailing nalang ang tatlo sa gawain ng mga kaibigan.

"Pero seryoso, kinakabahan talaga ako sa isang araw! Sh*t ngayon lang ulit tayo makakasali sa school fair at sa sports fest!"

"Dati-rati kapag ganiyan, nasa bahay lang ako eh.." tahimik namang nakinig ang mag kakaibigan sa sinabi ni Justin.


"Nag papasalamat ako kay Stella sa totoo lang."


"Nag kamali tayo. Hinusgahan natin siya nang maaga. Itinulad natin siya sa ibang teacher sa Mondragon." Dagdag pa ni Josh.


"Malaki ang utang na loob natin sa kaniya. Kung hindi dahil sa kanya, baka hindi na tayo umabot ng pang-limang buwan dito. At baka nakulong na rin ako." Ani Ren habang inaalala kung paano siyang tinulungan ng guro noong napag bintangan siyang nag nakaw at nanakit ng teacher.


"Kung hindi dahil sa kaniya, baka hindi tayo makakapag laro sa sports fest." Sabi pa ni Roigie. Inaalala kung paanong naki usap si Alex sa harapan ng mga teacher na isali sila sa School fair.


"At kung hindi dahil sa kaniya, basag gulero parin tayo hanggang ngayon." Natatawang dagdag ni Niccolo dahilan para mag tawanan sila. Tipid na ngiti lang ang ginawa ni Jun habang nakikinig sa kanila.

'Because of her, I was able to laugh, smile again, and move forward from my miserable past.'




Sabay- sabay na nag lalakad pauwi ang mag kakaibigan matapos bisitahin si Niccolo.


"May practice nanaman tayo bukas. Shete, hard core talaga iyung coach natin! Balak yata tayog pagurin para matalo sa laro non eh." Pag rereklamo ni Justin habang nag lalakad sila.


"Pansin ko ngang parang mainit ang dugo non sa'yo Jun. may problem aba kayong dalawa?" nag kibit balikat naman ang binata. Pansin din niya nitong mga nakaraang practice ay panay siya ang pinag iinitan ng coach. Maybe he's jealous of me and that teacher. Tsss. What a fool.


"Gagi, baka naman ganon lang talaga iyon, siyempre kailangang tutukan si Jun dahil siya ang team captain natin."


"Sheeeet! Ngayon palang kinakabahan na ako!"


"Sino ba namang hindi kakabahan, section b ang kalaban. Alam nating pare-pareho kung gaano kadumi mag laro ang mga iyon." Sumang-ayon naman ang apat sa sinabi ni Roigie. Katulad ng Section A, alam na nila kung paano mag laro ang section B at C dahil kahit sila mismo ay naranasan ang napaka duming laro ng tatlong section at iyon ang dahilan kung bakit hindi na ulit sila nakapag laro sa sports fest noon.

"Kaya na rin siguro ganu kahigpit nung hapon na iyun dahil alam niya ang laro ng mga kalaban natin. Pusang gala, mukhang mas lalala pa sila ngayong kasali na ulit tayo."


"Siguraduhin nating mananalo tayo sa section B sa biyernes nang umaga para makapasok tayo sa finals." Pag tatapos ni Roigie sa usapan.

"At unahin muna natin iyung booth natin. Mag titinda pa tayong apat sa isang araw noh!" nag tawanan naman sila. Nag patuloy sila sa pag lalakad nang may masalubong silang grupo ng kalalakihan. Agad silang tumigil sa pag lalakad nang makitang sila ang sadya ng mga ito.

"Kayo ba yung section 13 ng Mondragon?!" mayabang na tanong ng isang lalaki. Malamang ay leader ng grupong iyon.


"Kami nga. May problema ka?!" maangas na tanong ni Roigie. Sumeryoso ag mukha ng lima habang kaharap ang grupong iyon. Parang anumang oras ay handa silang akipag bugbugan sa mga ito.


"Aba matapang ka ah," lumapit ang leader sa kanila dahilan para maalerto silang lahat.

" Ito yung binugbog nina Oliver non ah? Haha hindi ako makapaniwalang buhay kapa!" sabi nito habang nakaturo kay Jun. napatingin naman sina Roigie sa kaniya.


"Pero maiba tayo. Nalaman naming kasali kayo sa sports fest ng Mondragon, kaya ngayon, sisiguraduhin naming hindi na kayo makakapag laro ulit." Nakangising sabi nito sa kanila.


"Alam mo, wala kaming panahon para patulan kayo. kaya lumayas na kayo sa harapan namin." Mayabang na sabi naman ni Ren sa kanila at bahagya pang nilapitan ang pinaka leader nito.


"Let's go.." walang emosyon na sabi naman ni Jun at nauna nang mag lakad. Agad namang nag si sunuran sina Ren sa kaniya.


"Ang lakas ng apog niyong talikuran kami ah! Palibutan sila!" sigaw ung leader. Awtomatiko namang nag si sunuran ang sampung lalaki. Mas naging alerto ang grupo nina Jun nang Makita nilang mag labas ng mga tubo at patalim ang mga ito. ngayon ay mag katalikuran na sila sa isa't isa at binabantayan ang kilos ng mga nakapaikot na lalaki sa kanila.


"T****na. Sinabi nang wala kaming oras na patulan kayo eh.." mahinang sabi ni Josh habang hindi inaalis ang paningin sa mga lalaking nakapaikot sa kanila.


"Mga ulupong talaga ang mga g*g*.." mahinang sabi din ni Roigie.


"Paano ba yan? Kanti lang kayo, wala kayong laban..." nakangising sabi naman ng leader nila na hindi kilala nina Ren.

"I know these guys. They know the section A." malamig na sabi naman ni Jun dahilan para mapatingin sila Roigie sa kaniya.


"Ano?!" sabay na sabi nina Ren at Roigie.


"Kasama sila sa bumugbog sa iyo?!"

"No. they did not know what happened to me after they left together with Kevin and group." Sagot nito sa kanila nang hindi inaalis ang tingin sa lalaking kaarap nito na may hawak na malaking tubo.


"Sinasabi ko na nga ba. Malamang utos nanaman ito nung hayup na Kevin na iyon." Galit na sabi ni Josh habang tutok sa kaharap nitong may hawak na patalim.

"Paano ba iyan, sisiguraduhin kong hindi na kayo makakaabot sa sports fest.." nakangising sabi nito  sa kanila.


"Guys, plan B tayo." Malakas na sabi ni Roigie kaya agad na naging alerto ang apat.

"Ano bang pinag sasabi mo riyan?!"

"Isa!" pag bilang ni Roigie.

"Dalawa!!" takang tiningnan naman sila ng mga lalaking nakapalibot sa kanila.

"Ang dami niyong satsat! Tapusin sila----"

"May parak!" Biglang sigaw ni Justin habang nakaturo sa unahan. Agad na nawala sa kanila ang atensyon ng mga lalaki kung kaya't kinuha na nila ang pag kakataon para makatakbo.

"T*n**na!!! habulin niyo!" agad na hinabol ng mga kalalakihan sina Jun. mabilis silang tumakbo ngunit mabilis ring tumatakbo ang mga lalaking humahabol sa kanila.


.............

"Hayst! Hindi ko talaga inaasahang magiging ganon sila ka hyper nang tawagin ko si Ms. Chan!" inis na sabi ni Alex habang nakasakay sila ni Sab sa sasakyan  pauwi.

"Hahaha! Baka naman inspired lang sila nung nakita si Ms. Chan no." agad namang umiling si Alex sa sinabi ng kaibigan, hindi sang ayon sa narinig.

"Ang sabihin mo, nagising lang yung pagiging maharot nila nung nakita si Ms. Chan!" nakasimangot na sabi pa nito habang nakatingin sa bintana ng sasakyan nang madaanan nila ang park kung saan may mga grupo ng lalaking nakatayo at may pinaiikutan.

"Tsss. Mga kabataan talaga nag hahanap nanaman ng gulo—" natigilan siya sa pag sasalita nang mamataan ang grupo nina Jun na siyang pinaiikutan ng mga lalaki!


"PARAAAAA!!!" malakas na sabi niya dahilan para biglang kabigin ng driver ang preno ng sasakyan dahil sa gulat.


"Ano ka ba naman hija----" mabilis na binuksan ni Alex ang pintuan ng sasakyan at tumakbo patungo sa kinaroroonan nila. nakita niyang may hawak na patalim at malalakig tubo ang mga kalalakihan habang pinaiikutan ang mga estudyante niya.


"Ano nanamang gulo iyang pinasok niyo?!!!" akmang lalapit na siya nang marinig niya ang sigaw ni Justin.


"May parak!!!!" kita niyang nakahanap ng tiyempo ang mga estudyante niya at sabay sabay na tumakbo palayo sa mga lalaki at papalapit sa direksyon niya!! Agad naman siyang nag tago sa isang pader hanggang sa malampasan siya ng mga ito.


"T*n**na!!! habulin niyo!" agad siyang napalingon sa direksyon ng mga lalaking humahabol kina Jun.


"Doon sila dumaan!" sigaw niya sa mga ito. napabuntong hininga siya nang mag tungo sa ibang direksyon ang mga lalaking humahabol sa mga estudyante niya.
Natatawa niyang pinag masdan ang mga lalaki hanggang sa makalayo na ang mga ito.

"Hay salamat." Pag buntong hininga niya pa at nakangiting bumalik sa sasakyan nila. Bigla rin niyang naalala ang nangyari.


"Kahit papaano naman pala, effective ang plan A at plan B ko sa kanila.." nakangiting sabi niya pa at sumakay na sa sasakyan nila.

....................

KINABUKASAN

Maagang pumasok si Alex at Sab sa Mondragon. Bibisita ang Principal sa mga booth mula 1st year hanggang 4th year  sa field mamayang after lunch kaya naman inagahan niya para sabihan ang section 13.

"Huy, bakit ganiyan ka makangiti? Bago iyan ah." Sabi ni Sab habang nag lalakad sila papasok sa gate.

"Ano ka ba, excited lang ako bukas no, bukas na ang opening ceremony ng sports fest kaya sinong hindi ma e excite?" nakangiti niya pang sabi sa kaibigan.

"Sabagay..." nag patuloy sila sa pag lalakad papasok sa school nang may masalubong silang ilang etudyante na nag mamadali papuntang field.

"Eh? Anong meron?" takang tanong niya pa habang tinitingnan ang mga nag tatakbhang mga estudyante.
"Stella!!"Nakita niya ang tumatakbong si Bruno palapit sa kanila. Hingal na hingal ito nang makalapit sa kania.

"Oh Bruno, anong nang yayari? May problema ba?" tanong nito sa estudyante.

"Kailangan mo tong Makita.." hinawakan ni Bruno sa kamay ang dalaga atsaka tumakbo papuntang field.

"Teka Bruno ano ba kasing nangyayari----" natigil siya sa pag sasalita nang marating nila ang pwesto ng booth nila.

"Oh my God..." napatakip siya ng bibig nang Makita ang café booth ng section 13 na sira-sira. Tumba ang malaking toldang na itinayo nila at ang mga gamit sa loob. Hindi makapaniwala ang dalaga maging ang section 13 sa nakita.


"S-sino ang may gawa nito?"


END  OF CHAPTER 19



Ang Teacher ng Section 13Where stories live. Discover now